wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

G9- 4TH QRT REVIEWER (S.Y. 2023-2024)

Total questions: 30

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Hilig ni Danilo ang pagtugtog ng gitara at paglikha ng mga awitin kaya naman  pangarap niyang maging isang sikat na musikero. Samantala, ang kanyang  nakatatandang kapatid na si Daniel ay mahilig magbasa ng mga libro na may  kinalaman sa batas at may husay sa pagmememorya. Pangarap ni Daniel ang  maging magaling na Abogado. Sa paningin ng ilan nilang kakilala ay mas mahusay  si Daniel kaysa sa kanyang nakababatang kapatid. Kung ikaw si Danilo, ano ang gagawin mo upang maipagpatuloy ang pagganap  ng iyong mga mithiin sa buhay?

a)

A. Makinig sa komento ng mga taong nakapaligid sa kanilang magkapatid

b)

B. Ipagpatuloy ang pag-eensayo upang mahubog ang talento at hilig sa musika 

c)

C. Gayahin ang kapatid at gustuhin ang mga bagay na may kinalaman sa  abogasya 

d)

D. Iwasan ang kapatid upang tumigil na ang anumang pagkukumpara sa  kanilang dalaw

2.

Hilig ni Danilo ang pagtugtog ng gitara at paglikha ng mga awitin kaya naman  pangarap niyang maging isang sikat na musikero. Samantala, ang kanyang  nakatatandang kapatid na si Daniel ay mahilig magbasa ng mga libro na may  kinalaman sa batas at may husay sa pagmememorya. Pangarap ni Daniel ang  maging magaling na Abogado. Sa paningin ng ilan nilang kakilala ay mas mahusay  si Daniel kaysa sa kanyang nakababatang kapatid. Batay sa sitwasyon, ano ang dapat isaalang-alang ni Danilo sa aspeto ng pag abot ng kanyang mga mithiin sa buhay?

a)

A. Ang kaalamang teoretikal gaya ng batas ay batayan ng katalinuhan 

b)

B. Ang pagkahilig sa musika ay hindi ikauunlad ng kanyang kabuhayan

c)

C. Ang pakikinig sa mga paghuhusga ng iba ay nakabubuti paminsan minsan

d)

D. Ang kalinawan sa isip na ang lahat ng tao ay magkakaiba ng talent at  kakayahan.

3.

Ano ang nararapat na isaalang-alang sa pagbuo ng tao ng Personal na Pahayag  ng Misyon sa Buhay at sa pagtupad ng kaniyang mga gampanin?

a)

A. Pagiging mapanuri sa bahaging dapat gampanan

b)

B. Pagiging tapat sa bahaging kailangang gampanan 

c)

C. Balanseng pagganap sa iba’t-ibang gampanin sa buhay

d)

D. Isaalang-alang ang mga taong makatutulong sa pagtupad ng gampanin

4.

Ano ang pinaka angkop na patunay na iyong pagpapasya ay para sa  kabutihang panlahat?

a)

A. Nagpapamalas ng positibong disposisyon sa buhay

b)

B. Nakapagpapasya ng tama ayon sa kabutihang panlahat

c)

C. Nakapagpapasya at nakatulong sa sarili at nakararami

d)

D. Hindi naguguluhan sa iyong mga pagpapasyang ginagawa

5.

Alin sa sumusunod ang dapat taglayin ng isang tao upang makapagpasya ng  tama?

a)

A. Maprinsipyo, mapanghusga, pagkamalikhaing pag-iisip

b)

B. Masayahin, madaling maniwala sa salita ng iba, praktikal

c)

C. Nagsusuri ng kilos, gabay ang likas batas moral, matatag

d)

D. Matalino, nagpapasya para sa sariling kapakanan, marupok

6.

Ano ang ibig sabihin ng kataga, “All of us are creators of our own destiny”. 

a)

A. Tayo ang lilikha ng ating patutunguhan.

b)

B. Pag-isipan nating mabuti ang pasyang gagawin

c)

C. Maging handa tayo sa anumang hahantungan ng ating pasya

d)

 D. Tayo ay may karapatang pumili ng ating patutunguhan sa buhay

7.

Pangarap ni Andei na maging doktor at magtrabaho sa malayong lugar upang  manggamot sa mga pasyente ng walang bayad. Ang mithiin ba ni Andrei ay  naghahangad ng kabutihang panlahat?

a)

A. Hindi, sapagkat ang layunin niya ay kumita ng maraming pera bilang doktor  sa lugar na iyon

b)

B. Hindi, sapagkat may kapalit na pabor ang isasagawa niyang panggagamot sa  mga mahihirap

c)

C. Oo, dahil nangibabaw sa kanya ang pagnanais na makatulong sa kanyang  kapwa 

d)

D. Oo, dahil isinaalang-alang ni Andrei ang ambisyon niyang maging doktor kahit  sa liblib na lugar

8.

Paano nagiging gabay sa pagbuo ng mga desisyon sa buhay ang Personal na  Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)?

a)

A. Magiging bukas ka sa mga suhestiyon ng mga taong malapit sa iyo

b)

B. Masusubukang gawin ang lahat ng mga bagay na pumupukaw sa iyong  interes

c)

C. Maaari mong tahakin at subukan ang bawat oportunidad na darating sa iyong  buhay

d)

D. Mas makapipili ka sa mga tatahakin mong landas batay sa iyong misyon sa  buhay

9.

Kaugnay ng pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay ang  kahalagahan ng tamang pagpapasya. Ano ang unang hakbang na gagawin mo  upang maisagawa ang tamang pagpapasya?

a)

A. Magkalap ng kaalaman

b)

B. Pag-aralang mabuti ang pasya

c)

C. Pagnilayan ang mismong aksyon

d)

D. Tayahin ang damdamin sa napiling pasya

10.

Sa paanong paraan magagampanan ng tao ang hangarin sa buhay na  magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan?

a)

A. Nag-aaral nang mabuti para sa sarili

b)

B. Ginagampanan ang misyon sa buhay

c)

C. Sinusunod ang lahat ng sinasabi ng magulang

d)

D. Tinutugunan ang pansariling pangangailangan

11.

Ang mga sumusunod ay konsepto ng kabutihang panlahat na sumasakop sa  tatlong aspekto ng kaganapan ng tao?

a)

A. Kagalingang Panlipunan

b)

D. Paggalang sa indibidwal na tao

c)

C. Pakikibahagi sa pamayanan

d)

B. Kapayapaan at kaligtasan

12.

Bakit mahalaga na isaalang-alang ang kabutihang panlahat sa pagbuo ng  Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

a)

A. Wala nang mga taong maaapi at mga taong makasarili

b)

B. Ang mga tao sa lipunan ay magkaroon ng marangyang estado ng  pamumuhay

c)

C. Hindi na magtrabaho ang karamihan at umasa na lamang sa husay ng mga namumuno

d)

D. Malayang gawin ng bawat isa anuman ang nais niya dahil may pagbibigayan  sa bawat isa

13.
a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

14.

Maaga mong sinimulang ang paggawa ng iyong performance task dahil nais mong matapos ito loob ng 3 araw upang wala ka nang iisipin pa sa darating na  bakasyon. Alin sa sumusunod na krayteriya ng SMART ang tumutukoy sa  layuning itinakda ni Jeffrey?

a)

A. Attainable

b)

B. Measurable

c)

C. Specific

d)

D. Time Bound

15.

Sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ni Steve, isinulat niya  ang pagkuha ng kursong Aviation upang maging motibasyon sa pangarap  niyang maging isang mahusay na Piloto. Alin sa SMART method ang kanyang  sinunod? 

a)

A. Specific (Tiyak)

b)

B. Measurable (Nasusukat)

c)

C. Relevant (Naaangkop)

d)

D. Time-bound (Nasusukat sa Panahon)

16.

Alam ni Mariel ang mga nais niyang gawin sa malapit na hinaharap. Malinaw sa  kanya kung saan niya dapat ituon ang kanyang lakas, oras at panahon sa  kasaluhuyan. Ano ang tinutukoy na hakbang na ito sa pagbuo ng PPMB ni  Mariel? 

a)

A. Sumangguni sa iba 

b)

B. Suriin ang iyong sarili

c)

C. Tipunin ang mga impormasyon

d)

D. Tukuyin ang mga pinahahalagahan

17.
a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

18.

Bakit mahalaga na ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ay  isinusulat? 

a)

A. May ebidensya sakaling may magtanong sa misyon sa buhay

b)

B. Magiging madali ang pagtahak sa mga magiging hamon ng buhay 

c)

C. Hindi ito kaagad makakalimutan lumipas man ang mahabang panahon

d)

D. Magiging saligan sa pagbabago na gagawin upang matupad ang hangarin

19.

Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa Personal na Pahayag ng  Misyon sa Buhay? 

a)

A. Pahayag na ginagawang batayan at hindi kailanman maaaring mag-iba

b)

B. Mabubuo sa ilang sandali lamang at hindi na kailangan ng masusing pag-iisip

c)

C. Maaaring mabago o mapalitan dahil patuloy na nagbabago ang mga  sitwasyon sa buhay

d)

D. Nakatuon lamang sa iyong buhay sa hinaharap at hindi sa pagsusuri sa  kasalukuyang buhay

20.

Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na pahayag ang nagpapatunay na ang  isang tao ay mayroong maayos na Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

a)

A. Maabilidad at masipag sa kanyang paggawa

b)

B. Maraming kakilala at kaibigan na mahihingan ng tulong

c)

C. Walang magbabago sa kanyang katayuan at pagtingin sa buhay

d)

D. Mapanagutan at nakapagbabahagi sa pagkamit ng kabutihang panlahat

21.

Paano ang pinakamainam na paraan sa pagbuo ng mabuting Personal na  Pahayag ng Misyon sa Buhay?

a)

A. Buuhin nang mabilisan upang maisagawa at matapos kaagad upang hindi  masayang ang panahon..

b)

B. Pagnilayang mabuti at pagtuunan ng pansin kung ano ang nais na mangyari  sa buhay gamit ang taglay na kakayahan.

c)

C. Bigyang pansin ang kakayahang taglay ng mga tao sa paligid at kung paano  makatutulong sa pagkamit ng sariling mga mithiin sa buhay.

d)

D. Simulan sa paglilista ng mga hakbang na gagawin upang malaman ang  pagkakasunod-sunod ng gagawin sa pakamit ng mga pangarap.

22.

Sino sa sumusunod ang higit na nagpapakita ng pagkakaroon ng malinaw na  tunghin sa buhay?

a)

A. Si Cita ay mahilig sumulat sa kanyang journal ng kanyang pangarap sa buhay 

b)

B. Si Martin ay nagtatakda ng mithiin para sa katuparan ng pangarap niyang  maging abogado.

c)

C. Si Jamie ay madalas magpalipas ng gutom dahil sa pag-eensayo upang  mapaunlad ang kanyang talento sa track and field.

d)

D. Si Tomas ay tumutulong sa kanyang ina sa pagbabantay ng tindahan  kasabay ng paggawa ng kanyang mga takdang aralin

23.

Dahil sa madalas na pagsali ni Brendan sa mga paligsahan sa pag-awit at  paminsan-minsan na pagkapanalo rito ay napagtanto niya na siya ay may  talento sa larangang ito. Alin sa mga kahalagahan ng Personal na Pahayag ng  Misyon sa Buhay (PPMB) ang akma rito? 

a)

A. Pagbabago ng daloy ng karera (career)

b)

B. Nabubuo ang pagkakakilanlan sa sarili (self-awareness)

c)

C. Nagtutulak na maging mapanagutan sa kanyang kilos (accountability)

d)

D. Nakatutulong na magkaroon ng tuon ang tao sa makabuluhang bagay (focus)

24.

Mahalagang malaman at magampanan ng tao ang kanyang misyon sa buhay.  Bakit may nakatakdang misyon sa buhay ang bawat tao? 

a)

A. May mga taong tamad at walang pangarap sa buhay

b)

B. Ang lahat ng bagay sa mundo ay may gampanin at layunin

c)

C. Ang lahat ng tao ay may hangaring maging ganap ang buhay

d)

D. Hindi pa natutuklasan ng ibang tao ang kanilang misyon sa buhay

25.

Ano ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?

a)

A. Simpleng pagtupad sa isang trabaho o tungkulin

b)

B. Palatandaan ito kung ano ang mararating mo sa buhay

c)

C. Madalian itong nabubuo sa isip at kilos-loob ng bawat isa

d)

D. Magiging batayan ito sa mga gagawing pagpapasya sa araw-araw

26.

Ano ang kahihinatnan ng isang masusing pagpili ng nababagay na kurso o track pagdating sa Senior High School?

a)

A. Malaking suweldo

b)

B. Produktibong empleyado

c)

C. May-ari ng isang pabrika

d)

D. Nagtatrabaho sa malaking kumpanya

27.

Anong gawain ang HINDI nakatutulong sa pagpili mo ng napupusuang track o  kurso?

a)

A. Magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay

b)

B. Makapagtapos at yumaman sa buhay na di alintana ang iba

c)

C. Taglayin ang katangian ng isang produktibong manggagawa

d)

D. Pagiging produktibo sa gawain na magpapaunlad sa ekonomiya ng bansa

28.

Anong unang hakbang ang dapat mong isagawa bilang paghahanda kaugnay ng  pagpili ng iyong kurso sa Senior High School?

a)

A. Magtanong sa mga kakilala

b)

B. Humingi ng tulong sa Panginoon

c)

C. Suriin at higit na kilalanin ang sarili

d)

D. Lumapit sa mga taong pinagkakatiwalaan

29.

Ano ang dapat na maging aksyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa  mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?

a)

A. Sumang-ayon sa gusto ng magulang at barkada

b)

B. Ipagpapasa Diyos ang lahat ng isasagawang pagpili

c)

C. Magbasa at maglaan pa ng panahon na makapag-isip at magplano

d)

D. Huminto muna sa pag-aaral at bumalik na lamang kapag handa ng pumili

30.

Ang mga taong may investigative na interes ay mapanuri, malalim, matatalino at  task oriented. Alin sa mga sumusunod na kombinasyon ng trabaho ang  tumutukoy dito?

a)

A. Psychologist, Physician, Journalist

b)

B. Fashion model, Writer, Drama Teacher

c)

C. Banker, Manager, TV/Radio Announcer

d)

D. Accountant, Payroll Clerk, Machine Operator