Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4Q Filipino reviewer

Total questions: 85

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang wastong pantukoy sa pangngalan ayon sa larawan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Natutulog _________ bata sa ilalim ng puno.

a)

si

b)

sina

c)

ang

d)

ang mga

2.

Piliin ang wastong pantukoy sa pangngalan ayon sa larawan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Namili _________ pagkain sa palengke ang aking ama.

a)

ng mga

b)

ng

c)

ang

d)

ang mga

3.

Piliin ang wastong pantukoy sa pangngalan ayon sa larawan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Ibibigay ko _________ regalong natanggap ko sa mga batang mahihirap.

a)

si

b)

sina

c)

ang

d)

ang mga

4.

Piliin ang wastong pantukoy sa pangngalan ayon sa larawan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Gusto mo ba _________ mainit na kape?

a)

ng

b)

ng mga

c)

ang

d)

ang mga

5.

Piliin ang wastong pantukoy sa pangngalan ayon sa larawan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Kinain _________ Angela at Martina ang natirang meryenda kanina.

a)

ni

b)

nina

c)

si

d)

sina

6.

Piliin ang wastong pantukoy sa pangngalan ayon sa larawan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Nakita ko _________ Pebbles at Jacklyn na naglalaro sa kanilang bakuran.

a)

sina

b)

nina

c)

ng mga

d)

ang mga

7.

Piliin ang wastong pantukoy sa pangngalan ayon sa larawan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


_________ Armina ay isa sa mga kaklase ko noong nag-aaral pa ako.

a)

ni

b)

ang

c)

si

d)

ng

8.

Piliin ang wastong pantukoy sa pangngalan ayon sa larawan upang mabuo ang diwa ng pangungusap.


Hinipan _________ Wally ang kandila sa ibabaw ng kanyang keyk.

a)

nina

b)

ni

c)

sina

d)

si

9.

Piliin ang tamang pantukoy upang mabuo ang pangungusap. 

Mamamasyal sila ___Tagaytay bukas.

a)

sila

b)

sa

c)

nina

10.

Piliin ang tamang pantukoy upang mabuo ang pangungusap. 

Nawala ___ aklat ko.

a)

ni

b)

si

c)

ang

11.

Piliin ang tamang pantukoy upang mabuo ang pangungusap. 

Matangkad ___ Nic.

a)

si

b)

ni

c)

kay

12.

Piliin ang tamang pantukoy upang mabuo ang pangungusap.  

Dumaan sa tindahan ____ Aling Nilda.

a)

             

si                               

b)

sila 

c)

sina

d)

nina

13.

Piliin ang tamang pantukoy upang mabuo ang pangungusap. 

Nanood ng palaro _____ Kazumi at Daniel.

                   

a)

nila

b)

sila

c)

sina

d)

ang

14.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Sa ilalim ng mesa nagtago si Jan Gerard.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

d)

pang-agam

15.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Sa susunod na linggo darating ang aking tiyuhin.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

d)

pang-agam

16.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Madaling-araw na nang umuwi ako sa bahay.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

d)

pang-agam

17.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Bihira lang akong lumiban sa klase.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

d)

pang-agam

18.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Samakalawa ka bumalik at tiyak na narito na siya.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

d)

pang-agam

19.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Balak magkita ni Hart Jed at Jelliane sa tapat ng simbahan.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

d)

pang-agam

20.

Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?


Si Althea ay may tanim na bulaklak sa likod ng bahay.

a)

sa likod ng bahay

b)

bulaklak

c)

tanim

d)

Althea

21.

Ano ang Pang-abay na ginamit sa pangungusap?


Mamaya ipapasa ang ating takdang-aralin.

a)

mamaya

b)

ipapasa

c)

takdang-aralin

d)

ipapasa ang takdang-aralin

22.

Ano ang pang-abay na Panlunan sa pangungusap?


Nagkita sina Darnell at Beverly sa Pavillion Mall.

a)

Darnell at Beverly

b)

nagkita

c)

sa Pavillion Mall

d)

sina

23.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Linggo-linggo, pinapalitan ni nanay ang punda ng aking mga unan sa loob ng aking silid-tulugan.

a)

Pamaraan

b)

Panlunan

c)

Pamanahon

d)

pang-agam

24.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Bakit ka bumibisita sa puntod ng iyong ama tuwing Linggo?

a)

Pamanahon

b)

Panlunan

c)

Pamaraan

d)

bumibisita

25.

Alin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap?


"Kinabukasan, naligo sila nang maaga ng kanyang mga kaibigan sa ilog."

a)

maiksing

b)

sa ilog

c)

kinabukasan

d)

naligo

26.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Kusang-loob na nagsipagbigay ng tulong ang mga dumalo.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

d)

pang-agam

27.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Mahinahong nagpaliwanag ang anak sa kanyang ina.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

d)

pang-agam

28.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Taimtim na nagdarasal ang aking lola.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

d)

pang-agam

29.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Ang meryenda ay palihim na kinain ni Sean.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

d)

pang-agam

30.

Ano ang Pang-abay na ginamit sa pangungusap?


Mabilis na tumakbo ang magnanakaw.

a)

magnanakaw

b)

tumakbo

c)

mabilis

d)

tumakbo ang magnanakaw

31.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Ang mga magnanakaw ay dahan-dahang tumakas sa bahay na kanilang pinuntahan.

a)

Pamaraan

b)

Pamanahon

c)

Panlunan

d)

Pang-agam

32.

Piliin ang angkop na Pang-abay.

Ang mga bata ay _________________ na tumakbo upang hindi mahuli sa kanilang klase.

a)

tahimik

b)

malugod

c)

mabagal

d)

mabilis

33.

Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit.

Pinagmasdan ko nang mabuti kung paano mabilis na binabalatan ni Thea ang hinog na mangga

a)

Panlunan

b)

Pamaraan

c)

Pamanahon

d)

binabalatan

34.

Ang coconut shampoo ay nakapagpapadulas ng buhok.

Anong uri ito ng pangungusap?

a)

pautos

b)

padamdam

c)

pasalaysay

d)

patanong

35.

Mag-ingat! Ang dengue ay nakamamatay! Kaya bumili na kayo ng kulambo.

Anong uri ng pangungusap ang may salungguhit?

a)

pautos

b)

padamdam

c)

pasalaysay

d)

patanong

36.

Kung maaari kunin mo sa mesa ang masarap na chocolate biscuit.

Anong uri ito ng pangungusap?

a)

pakiusap

b)

padamdam

c)

pasalaysay

d)

patanong

37.

Ano ang aking iinuming gamot para sa sakit ng ulo?

Anong uri ito ng pangungusap?

a)

pakiusap

b)

padamdam

c)

pasalaysay

d)

patanong

38.

Alin sa sumusunod ang pangungusap?

a)

ang aso

b)

sobrang sakit

c)

matalinong-matalino

d)

Siya ang kumain ng tinapay.

39.

Ito ay lipon ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa?

a)

pangungusap

b)

simuno

c)

parirala

d)

pandiwa

40.

Ito ay uri ng pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin.

a)

padamdam

b)

patanong

c)

pautos

d)

pasalaysay

41.

Ito ay uri ng pangungusap na nagsasalaysay ng mga pangyayaring nasaksihan o nalaman.

a)

padamdam

b)

patanong

c)

pautos

d)

pasalaysay

42.

Ang pangungusap na padamdam ay nagtatapos sa anong uri ng bantas?

a)

tandang pananong

b)

tuldok

c)

tandang padamdam

d)

panipi

43.

Kumain ka ba ng masarap na tsokolate?

Ito ay anong uri ng pangungusap?

a)

pautos

b)

paturol

c)

padamdam

d)

patanong

44.

Ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon ay isang paraan upang makaiwas sa CoViD-19.

Ito ay anong uri ng pangungusap?

a)

pautos

b)

pasalaysay

c)

padamdam

d)

patanong

45.

Magsuot ka ng facemask kung ikaw ay lalabas.

Ito ay anong uri ng pangungusap?

a)

pautos

b)

pasalaysay

c)

padamdam

d)

patanong

46.

Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na nagtatanong?

a)

Huwag mong kunin yan!

b)

Sino ang kumuha ng softdrinks ko?

c)

Pakikuha mo iyong laptop ko na nasa kuwarto.

d)

Ang bagyong Ulysses ay nag-iwan ng malaking pinsala sa bansa.

47.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nakikiusap?

a)

Saan ka nakatira?

b)

Aray! Ang sakit ng tiyan ko!

c)

Pakiwalis mo nga ang kalat sa sala.

d)

Masarap uminom ng mainit na kape tuwing umaga.

48.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasalaysay?

a)

Kailan ka ipinanganak?

b)

Masipag ang aming guro sa Filipino.

c)

Yehey! Nanalo kami sa patimpalak!

d)

Sagutan mo ang mga tanong sa iyong pagsusulit.

49.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.


Maalalahanin__ bata talaga iyang si Kulas.

a)

na

b)

ng

c)

g

50.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.


Pinitas ni Thea ang mabango__ rosal sa hardin.

a)

na

b)

ng

c)

g

51.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.


Kakarampot ___ pag-asa na ang natira kay Bea.

a)

na

b)

ng

c)

g

52.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.


Masayahin__ bata si Lumen kaya gusto siya ng mga kalaro.

a)

na

b)

ng

c)

g

53.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.


Umiwas tayo sa masama___ bisyo upang guminhawa ang buhay.

a)

na

b)

ng

c)

g

54.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.


Pumunta kami sa malayo___ lalawigan ng Cagayan.

a)

na

b)

ng

c)

g

55.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.


Nakakita kami ng luntiang bukirin habang binabaybay ang liko-liko__ daan sa norte.

a)

na

b)

ng

c)

g

56.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.


Masisipag ___ magsasaka ang aming nadaanan sa mga bukirin.

a)

na

b)

ng

c)

g

57.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.


Kumain kami ng masarap___pancit batil patong sa nadaanang karinderya

a)

na

b)

ng

c)

g

58.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.


Kaysarap maglakbay sa tuloy-tuloy ___ daan sa TPLEX patungong Cagayan.

a)

na

b)

ng

c)

g

59.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

Magkakaroon tayo ng video advertisement ________________________ Bb. Labajo.

a)

ayon kay

b)

ayon sa

c)

ayon kina

60.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

Ang pinag-aralan natin noong nakaraan ay ___________________________ mga pang-angkop.

a)

ayon sa

b)

dahil sa

c)

tungkol sa

61.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

Si Angel ay hindi nakapasa _________________________ palagi niyang paglalaro ng gadyet.

a)

dahil sa

b)

dahil kay

c)

dahil kina

62.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

Ako ay nag-aaral nang mabuti _________________________ mama at papa.

a)

para sa

b)

para kay

c)

para kina

63.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

Inialay ng ating mga bayani ang kanilang buhay _______________ ating bansang Pilipinas.

a)

tungkol sa

b)

para sa

c)

ukol sa

64.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

Ang mga naririnig kong balita sa aming lugar ay _________________________________ Maria.

a)

tungkol sa

b)

tungkol kay

c)

tungkol kina

65.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

_____________ sa bagyo ang balita ngayon.

a)

Ayon sa

b)

Tungkol sa

c)

Kina

66.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

May mga baterya pa ba tayo ____________ flashlight?

a)

para kay

b)

para sa

c)

para kina

67.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

Ang mga kapote ay ______________ Roberto at Liam.

a)

para kay

b)

para sa

c)

para kina

68.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

Ulam at kanin ang itinira ko _______________ Nikko.

a)

para sa

b)

para kay

c)

para kina

69.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

__________ Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

a)

Ayon kay

b)

Ayon sa

c)

Tungkol kay

70.

Punan ng wastong pang-ukol ang mga patlang.

_________________ batas ang pagnanakaw ng gamit ng iba.

a)

Tungkol sa

b)

Ayon sa

c)

Labag sa

71.

Piliin ang angkop na bantas.

Ang aking kaibigan ay mabait____mapagmahal, at masipag.

a)

A. tuldok (.)

b)

B. kuwit (,)

72.

Ano ang bantas na ginagamit para maglista ng tatlo at higit pang bagay o idea?

a)

tuldok

b)

padamdam

c)

tandang pananong

d)

kuwit

73.

Ano ang angkop na bantas para sa pangungusap na ito?

a)

tuldok

b)

padamdam

c)

tandang pananong

d)

kuwit

74.

Alin ang pangungusap na MALI ang gamit sa kuwit?

a)

Ang aking kaibigan ay Anika, Paulo, at Bien, sila ang pupuntuhan ko sa Batangas.

b)

Ang mga bata sa parke ay naglalaro, kumakanta, at naghahabulan.

c)

Isang araw, biglang dumating ang tagapagligtas ng aming pamilya.

d)

Ang alaga ko ay si Bantay, isa siyang kuneho.

75.

Naku, ang lalim naman ng tubig na ito!

Ang pangungusap ay nasa anyong _____.

a)

PASALAYSAY

b)

PATANONG

c)

PAKIUSAP

d)

PADAMDAM

76.

Maaari ko po ba itong hiramin?

Ang nagsasalita ay gumamit ng pangungusap na ________________.

a)

PASALAYSAY

b)

PAUTOS

c)

PAKIUSAP

d)

PADAMDAM

77.

Ano-anong bantas ang maaaring gamitin kapag ang pangungusap ay pautos?

a)

tuldok at tandang pananong

b)

tuldok at tandang padamdam

c)

tandang padamdam at pananong

d)

tuldok at kuwit

78.

Marami ang hindi pabor sa pagpapabakuna laban sa virus.

Ito ay halimbawa ng pangungusap na ____.

a)

PASALAYSAY

b)

PATANONG

c)

PAUTOS

d)

PADAMDAM

79.

Maghunos dili ka!

Ito ay halimbawa ng pangungusap na ____.

a)

Pakiusap

b)

Patanong

c)

Pautos

d)

Pasalaysay

80.

Ano ang problema ng bata?

Ito ay halimbawa ng pangungusap na ____.

a)

PASALAYSAY

b)

PATANONG

c)

PAUTOS

d)

PADAMDAM

81.

Ang bantas na ginagamit sa pakiusap ay __________________.

a)

tuldok

b)

tukdok at tandang pananong

c)

tukdok at tandang padamdam

d)

tandang pananong at tandang padamdam

82.

Pinakiusapan siya ng dalaga na kunin ang kanyang gamit.

Ito ay halimbawa ng pangungusap na ____.

a)

Pakiusap

b)

Pasalaysay

c)

Patanong

d)

Padamdam

83.

Ano ang angkop na bantas sa pangungusap na "Pakiingatan ang mga gamit"

a)

tuldok

b)

tandang padamdam

c)

tuldok at tandang pananong

d)

tandang pananong

84.

Ano ang angkop na bantas sa pangungusap na "Ibang klase ang kanyang galing"

a)

tuldok at tandang padamdam

b)

tuldok at tandang pananong

c)

tandang pananong

d)

tandang padamdam

85.

Punan ng wastong pang-angkop ang mga patlang.

Ang Qatar ay isa sa mga pinakamayaman ___ bansa sa buong mundo.

a)

na

b)

ng

c)

g