wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4TH AP REVIEWER

Total questions: 35

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ito  ay tumutukoy sa pagmamahal sa bansa  na nag- uugnay sa pagkaroon sa sariling relihiyon,wika, kultura at kasaysayan

a)

MerkantIlismo

b)

Nasyonalismo

c)

Kolonyalismo

d)

Konserbatismo

2.

Sino ang kinikilalang "Ama ng Nasyonalismong Pilipino"?

a)

Jose Rizal 

b)

Andres Bonifacio

c)

Emilio Aguinaldo

d)

Apolinario Mabini

3.

Sino ang nanguna sa pag-aalsa noong 1596 sa Cagayan dahil sa hindi makatarungang pagbubuwis at pagmamalabis sa monopolyo sa tabako?

a)

Lagutao at Baladdon

b)

Gobernador-Heneral Jose Basco

c)

Gobernador Primo de Rivera

d)

Magalat

4.

Ang pag –aalsa ni Francisco Dagohoy ang tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa.  Bakit ito nagtagal?

a)

marami siyang tauhan

b)

marami siyang pera

c)

marami siyang armas

d)

hindi siya nawalan ng pag-asa sa pakikipaglaban

5.

Binigyang halaga nito ang mga ideyang liberal gaya ng karapatan sa pagboto ng mga kalalakihan, pambansang  soberanya, monarkiyang konstitusyonal, kalayaan sa pamamahayag reporma sa lupa at malayang kalakalan.

a)

La Ilustracion

b)

Cadiz Constitution 1812

c)

Sekularisasyon

d)

Age of Enlightenment

6.

Ano ang tawag sa sistemang pangkabuhayan na nagbigay-diin sa akumulasyon ng ginto at pilak at pagtataguyod ng kompetisyon sa pagbili ng produkto?

a)

Merkantilismo 

b)

La Illustracion

c)

Kolonisasyon

d)

Illustrado

7.

Anong aklat ang nagpa-usbong ng nasyonalismong Pilipino?

a)

My Life's Journey

b)

Noli Me Tangere

c)

The Prince

d)

The Art of War

8.

Bakit itinatag ang La Liga Filipina?

a)

Upang humingi ng reporma para sa simbahan

b)

Upang mabigyan ng boses ang ordinaryong mamamayan

c)

Upang isuplong ang mga katiwaliang nagaganap sa pamahalaan

d)

Upang pagkaisahin ang mga Pilipino sa pagsulong ng katarungan at kaunlaran

9.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno sinikap niyang “masusugan” ang batas ng Sulu at maisalin sa wika ng Sulu ang mga babasahin na nakasulat sa wikang Arabe.

a)

Sultan Alimud Din

b)

Sultan Kudarat 

c)

Datu Amai Pakpak

d)

Datu Lapu-lapu

10.

Siya ang kauna-unahang tagapagtanggol ng Kalayaan at pananampalataya laban sa mga mananakop.

 A.            B.        C.  D.

a)

Sultan Alimud Din 

b)

Datu Lapu-lapu

c)

Datu Amai Pakpak

d)

Sultan Kudarat  

11.

Siya ang  nabulag sa labanan  at tinaguriang “one eyed- man “ dahil sa pakikipaglaban sa Espanyol 

a)

Sultan Alimud Din   

b)

Datu Lapu-lapu

c)

Datu Amai Pakpak

d)

Datu Utto Anwaruddin

12.

Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika bilang pinakamataas na pinuno sa pamayanan dahil dito nagsagawa ng mga pag-aalsa ang mga datu at babaylan. Anong pag-aalsang inilalarawan?

a)

Mga Pag-aalsang Politikal 

b)

Mga Pag-aalsang Pangekonomiko 

c)

Mga Pag-aalsang Pangrelihiyon

d)

Mga Pag-aalsang Agraryo

13.

Pag-aalsa ni Maniago

a)

panrelihiyon

b)

ekonomiko

c)

politikal

14.

Pag-aalsa ni Bancao

a)

panrelihiyon

b)

ekonomiko

c)

politikal

15.

Pag-aalsa ni Lakandula

a)

panrelihiyon

b)

ekonomiko

c)

politikal

16.

Pag-aalsa ni Diego Silang

a)

panrelihiyon

b)

ekonomiko

c)

politikal

17.

Pag-aalsa ni Apolinario Dela Cruz

a)

panrelihiyon

b)

ekonomiko

c)

politikal

18.

Ang mga Muslim ay hindi kumakain sa buong maghapon sa loob ng isang buwan kapag Ramadan. Ginagawa nila ito upang lalong mapalapit kay Allah na kanilang panginoon. Ano ang tawag sa sakripisyong ito ng mga Muslim?

a)

Pag-aayuno

b)

Pagdiriwang

c)

Pagdarasal 

d)

Pasasalamat

19.

Ano ang ginamit ng mga Sultanato bilang depensa laban sa mga mananakop?

a)

Kanilang relihiyon 

b)

Kanilang armas

c)

Kanilang likas na yaman

d)

Kanilang kultura

20.

Maraming kababaihan ang tumulong sa maraming paraan sa rebolusyon at ang ilan sa kanila ay sina Melchora Aquino, Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Gliceria, at Patrocinio.

a)

b)

21.

Maraming Pilipino ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang mga ipinaglalaban.

a)

b)

22.

Kinamkam ng mga prayle ang mga lupain ng mga katutubo.

a)

b)

23.

Bakit binitay sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora?

a)

Pinamunuan nila ang pag-aalsa sa Cavite

b)

Hinikayat nila ang mga paring Pilipino na mag-alsa laban sa pamahalaan

c)

Nahuli silang nagpupulong at nagpaplanong pabagsakin ang pamahalaan

d)

Napagbintangan silang nakipagsabwatan laban sa pamahalaang Espanyol.

24.

Pagtatatag ng lihim na samahan para bumuo ng pag aaklas laban sa mga dayuhan.

a)

b)

25.

May mga katutubong sumanib sa mga Espanyol at nilabanan ang   kapwa Pilipino sa panahon ng pag-aalsa.

a)

b)

26.

Kilala bilang ‘Ina ng Katipunan’

a)

Melchora Aquino

b)

Gabriela Silang

c)

Gliceria Villavicencio

27.

Nagmula sa mayamang angkan na tumulong sa  mga rebolusyonaryo

a)

Melchora Aquino

b)

Gabriela Silang

c)

Gliceria Villavicencio

28.

Unang babaeng Pilipino na namuno sa paglaban sa kolonyalismo

a)

Melchora Aquino

b)

Gabriela Silang

c)

Gliceria Villavicencio

29.

Nakapaghatid ng watawat kay Hen. Delgado ng Sta. Barbara

a)

Melchora Aquino

b)

Patrocinio Gamboa

c)

Gliceria Villavicencio

30.

Siya ay tinaguriang “Joan of Arc ng Visayas”

a)

Teresa Magbanua

b)

Gregoria de Jesus

c)

GOMBURZA

31.

Siya ang tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan.

a)

Teresa Magbanua

b)

Gregoria de Jesus

c)

GOMBURZA

32.

Tatlong paring Martir

a)

Teresa Magbanua

b)

Gregoria de Jesus

c)

GOMBURZA

33.

Kilala sa tawag na Liberator ng Ilocos

a)

Diego Silang

b)

Francisco Dagohoy

c)

Basi Revolt

34.

Nanguna sa pinakamatagal na pag-aalsa.

a)

Diego Silang

b)

Francisco Dagohoy

c)

Basi Revolt

35.

Kilala sa tawag  na Ambaristo Revolt.

a)

Diego Silang

b)

Francisco Dagohoy

c)

Basi Revolt