wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEW GAME FOR EXAM

Total questions: 40

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay isa sa mga layunin ng mga Kanluranin sa kanilang pananakop sa mga lupain sa Asya. Bakit hindi nagtagumpay ang mga Portuges sa kanilang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Malaysia?

a)

Dahil sa mas pinahirapan ng mga Portuges ang mga Malaysian

b)

Dahil sa mas malakas na impluwensiya ng relihiyong Islam sa mga Malaysian

c)

Dahil sa mas malakas na puwersang pandigma ng mga Malaysian kumpara sa mga Portuges

d)

Dahil sa mas malakas na alyansang politikal at militar ng Malaysia sa iba pang bansang Asyano

2.

Ang mga lupain at bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay sinakop ng mga Kanluranin noong unang yugto ng imperyalismo (ika-16 at ika-17 na siglo). Ano ang naging negatibong epekto ng imperyalismo sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

a)

Pagkakaroon ng malayang kalayaan at pagsasarili

b)

Pagkakaroon ng malawakang edukasyon at kultura

c)

Pagkakawatak-watak ng mga etniko at kultural na grupo

d)

Pagkakaroon ng modernisasyon at pag-unlad ng ekonomiya

3.

Isa sa mga paraan ng pananakop na ginamit ng mga Kanluranin ay ang "divide ang rule policy." Alin sa sumusunod na sitwasyon ang manipestasyon ng polisiyang ito?

a)

Eksklusibong inihiwalay ng mga Ingles ang Hong Kong sa China upang makontrol ito.

b)

Kinaibigan ng mga Espanyol ang mga katutubo sa Pilipinas sa pamamagitan ng Sanduguan

c)

Pinag-away-away ng mga Dutch ang mga lokal na pinuno sa Indonesia hanggang sa masakop nila ito

d)

Inihiwalay ng mga Chinese ang kanilang bansa sa daigdig upang hindi ito maimpluwensiyahan ng mga dayuhan

4.

1.   Ang mga lupain at bansa sa Silangan at Timog-Silangang bansa ay sinakop ng mga Kanluranin noong ika-16 at ika-17siglo. Ano ang mga dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Malaysia at Indonesia?

I.            Pampalasa, maayos na daungan

II.          Mayaman sa ginto at pilak

III.         Pagkontrol sa sentro ng kalakalan

IV.         Makahanap ng bagong ruta patungong Asya

a)

Tama ang pahayag sa I

b)

Tama ang pahayag sa II

c)

Tama ang pahayag sa I at III

d)

Tama ang pahayag sa II at IV

5.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sumiklab naman ang kompetisyon sa pagitan ng mga ideolohiya ng Union Soviet Socialist Republic at United States of America na tinawag na “Cold War”. Ano ang dalawang ideolohiyang ipinalaganap ng mga naturang bansa?

a)

Demokrasya at Komunismo

b)

Nazismo at Pasismo

c)

Sosyalismo at Kapitalismo

d)

Republika at Parlamento

6.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahati ang Vietnam sa dalawa, ang Hilagang Vietnam at Timog Vietnam. Sino ang namuno sa pagsulong ng Komunismo sa Vietnam?

a)

Ne Win

b)

Ngo Dinh Diem

c)

Ho Chih Minh

d)

Pol Pot

7.

Noong 1924, naitatag ang Women’s Suffrage League sa Japan. Sino ang femenista at pulitikong namuno sa Kilusang Suffragist sa Japan?

a)

Iwasaki Chihiro

b)

Nogami Yaeko

c)

Ichikawa Fusae

d)

Hiratsuka Raicho

8.

Naging mahaba ang pakikibaka ng mga kababaihan sa Pilipinas bago naipagkaloob sa kanila ang karapatang bumoto. Kailan naipagkaloob sa mga kababaihan sa Pilipinas ang kanilang karapatang bumoto?

a)

1937

b)

1938

c)

1939

d)

1940

9.

Sa pakikipaglaban ng mga kababaihan para sa kanilang mga Karapatan, marami silang hirap na pinagdaanan. Ano ang papel ng edukasyon sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay at karapatang pampolitika ng mga kababaihan?

a)

Ito ang nagpa-unlad ng kaalaman at kahusayan ng mga kababaihan sa iba't ibang larangan

b)

Ito ang nagbibigay ng pag-unawa at kamulatan sa mga kababaihan sa kanilang estado sa lipunan

c)

Ito ang nagbibigay ng oportunidad sa mga kababaihan na magkaroon ng mataas na posisyon sa pamahalaan

d)

Ito ang nagbibigay ng kakayahan sa mga kababaihan na makipagkumpitensya sa mga kalalakihan

10.

Ang mga kababaihan ay may mataas na katayuan na ginampanan sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila.. Paano nasabing may mataas na katayuan sa lipunan ang mga kababaihan bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas?

a)

Nilimitahan sa kanilang mga gawain.

b)

Ipinaglaban ang kanilang karapatan sa pagboto

c)

Nagsilbing lider-ispiritwal ng kanilang komunidad

d)

Tumutulong sa mga proyektong pangkabuhayan sa mga kanayunan

11.

Kilala ang mga bansa sa Timog- Silangang Asya sa mga templong Buddhist. Ano ang tawag sa kilalang istruktura na isang Buddhist temple complex sa Cambodia?

a)

Angkor Wat

b)

Borobodur

c)

Ayuthaya Historical Park

d)

Petronas Tower

12.

Alin sa sumusunod ang kontribusyon ng Timog-Silangang Asya sa larangan ng palakasan?

a)

Baseball

b)

Chess

c)

Sepak Takraw

d)

Table Tennis

13.

Damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan:

a)

Imperyalismo

b)

Nasyonalismo

c)

Kolonyalismo

d)

Patriotismo

14.

Maraming paraan ang ginamit ng mga makapangyarihang bansa upang lalo nilang maimpluwensiyahan ang dati nilang nasakop na bansa sa Asya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ano ang konsepto kung saan di-tuwirang kinokontrol ng isang makapangyarihang bansa ang isang malayang bansa?

a)

Kolonyalismo

b)

Colonial mentality

c)

Neokolonyalismo

d)

Benevolent assimilation

15.

Bakit itinatag ng mga alyadong bansa ang United Nations?

a)

Maitaguyod ang pagkakaisa at kapayapaan sa daigdig

b)

Mapigilan ang mabilis na paglawak ng impluwensiya ng Komunismo sa daigdig

c)

Parusahan ang Alemanya sa kanilang mga idinulot na pinsala noong Unang Digmaang Pandaigdig

d)

Upang makapagbigay serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, at serbisyong medikal sa mga displaced persons

16.

Ang Neokolonyalismo ay may iba't-ibang anyo. Anong anyo ng neokolonyalismo ang ginagawang pagpapautang ng mga dayuhan na may kalakip na mga kondisyon?

a)

Pulitikal

b)

Kultural

c)

Ekonomiko

d)

Militar

17.

Ang mga lupain at bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay sinakop ng mga Kanluranin noong unang yugto ng imperyalismo (ika-16 at ika-17 na siglo). Ano ang pangunahing layunin ng mga Kanluranin sa kanilang pananakop sa mga lupain sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

a)

Maitaguyod ang mga karapatang pantao at demokrasya sa Asya

b)

Maisakatuparan ang reporma at pag-unlad sa mga bansa sa rehiyon

c)

Makuha ang mga likas na yaman at magkaroon ng kontrol sa kalakalan

d)

Makamit ang malayang kalakalan sa pagitan ng mga Kanluranin at ng mga bansa sa rehiyon

18.

Isa sa mga nagbibigay-katuwiran sa kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin sa Asya ay ang tulang "White Man's Burden." Sino ang may-akda ng naturang tula?

a)

Hans Christian Andersen

b)

Mark Twain

c)

Robert Frost

d)

Rudyard Kipling

19.

Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pananakop, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan bilang hakbang tungo sa paglaya?

1. Pagtangkilik sa mga produktong banyaga

2. Hindi pagtangkilik sa mga produktong banyaga

3. Pakikiisa sa mga Pilipinong pinuno na nagsusulong ng paglaya

4. Pagsunod sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop

a)

1 at 2

b)

2 at 3

c)

3 at 4

d)

1 at 4

20.

Tinanggap ng Japan ang mga Kanluranin nang hilingin nito na ipatupad ang Open Door Policy noong 1853. Ano ang kasunduan sa pagitan ng Japan at Estados Unidos na naglalayong buksan ng Japan ang dalawang daungan ng bansa para sa mga barkong Amerikano?

a)

Treaty of Kanagawa

b)

Treaty of Nagasaki

c)

Treaty of Okinawa

d)

Treaty of Shimonoseki

21.

Ang mga Kanluranin ay may maraming layunin sa kanilang panggagalugad at pananakop sa mga lupain sa daigdig. Alin sa sumusunod ang tatlong salita na maaaring bumuod sa mga layunin ng mga Kanluranin sa kanilang panggagalugad at pananakop sa mga lupain sa daigdig?

a)

God, Gold, Spices

b)

God, Gold, Glory

c)

Crusades, God, Renaissance

d)

Capitalism, Mercantilism, Gold

22.

Sa nasyonalismong Pilipino, ano ang pinagkaiba ng mga Propagandista sa mga Katipunero?

a)

Ang mga Propagandista ay naghangad ng reporma o pagbabago sa pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas, samantalang ang mga Katipunero naman ay naghangad ng ganap na kalayaan.

b)

Ang mga Katipunero ay naghangad ng reporma o pagbabago sa pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas, samantalang ang mga Propagandista naman ay naghangad ng ganap na kalayaan.

c)

Ang mga Propagandista ay naghangad ng ganap na kalayaan ng Pilipinas, samantalang ang mga Katipunero naman ay naghangad ng reporma o pagbabago sa pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas.

d)

Ang mga Propagandista ay naghangad ng reporma o pagbabago sa pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas, samantalang ang mga Katipunero naman ay naghangad na mapakinggan ng mga Kastila ang kanilang mga hinaing.

23.

Sinasabing ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala na nag-ugat libong taon na ang nakararaan. Ano ang papel ng relihiyon sa pagpapa-unlad ng mga komunidad?

a)

Naglilikha ng mga batas at regulasyon sa komunidad

b)

Nag-uugnay ng mga tao at nagpapalakas ng pakikipagkapwa-tao

c)

Nagtatakda ng mga tungkulin at responsibilidad ng mga mamamayan

d)

Nagbibigay ng mga pampublikong serbisyo tulad ng kalusugan at edukasyon

24.

Ang martial arts ng Japan ay hango sa wikang Hapones, tulad ng Ju-jitsu na ang ibig sabihin nito ay sining sa pagkamahinahon. Ano ang nililinang sa manlalaro nito?

a)

Ang kakayahang harapin ang kalaban manalo man o matalo

b)

Ang kakayahan ng manlalaro na makipagkasundo upang Manalo

c)

Ang kakayahang makipagkamay sa kalaban kapag nanalo sa laro

d)

Ang kakayahan ng manlalaro na hindi magalit o mayamot sa kaniyang katunggali habang nakikipaglaban

25.

Upang ipahayag ang pagtutol ng mga Tsino mula sa panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa sila ng dalawang rebelyon. Alin sa sumusunod ang rebelyon sa China na may layuning pabagsakin ang Dinastiyang Qing?

a)

Double Ten Revolution

b)

Rebelyong Opyo

c)

Rebelyong Boxer

d)

Rebelyong Taiping

26.

Ano ang naging resulta ng mga karanasan ng mga Asyano sa Silangan at Timog-Silangang Asya sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Nanatiling neutral at hindi direktang naapektuhan ng digmaang pandaigdig.

b)

Matinding pinahirapan, dumanas ng malawakang distraksiyon, at pinsala.

c)

Naging lugar ng pagsasanay at pagtatayo ng mga pandaigdigang base militar.

d)

Sumali sa mga malalaking alyansa at nakipaglaban sa mga bansang Kanluranin.

27.

Tukuyin sa sumusunod na mga pangungusap ang angkop sa konsepto ng Digmaang Español- Amerikano.

a)

Pinangunahan ng mga Español ang pakikidigma sa Amerikano.

b)

Pinangunahan ng mga Amerikano ang pakikidigma sa Español.

c)

Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Español.

d)

Nakipagsabwatan ang mga Español sa Pilipino upang matalo ang mga Amerikano.

28.

Ang sumusunod ay pawang mga Asyanong kilala sa buong mundo. Ano ang iyong nahihinuha sa kaisipang ito tungkol sa mga Asyano?  

I. Weshiba Morihei: Palakasan

          II. Rustam Effendi: Teatro

         III. Zeami Mookiyo: Teatro

         IV. Katsushika Hokusai: sining “The Great Wave off Kanagawa”

a)

Magagaling at kilala sa buong mundo

b)

Lumalaban at di umuurong sa anumang labanan.

c)

Hinahangaan sa buong mundo pagdating sa laban.

d)

Maipagmamalaki sa buong daidig sa iba't ibang larangan.

29.

Alin sa sumusunod ang mga naging epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya?

a)

Umunlad ang sistema ng transportasyon at komunikasyon upang mapadali ang pagluwas ng mga produkto sa pandaigdigang pamilihan

b)

Naimpluwesiyahan ng mga Europeo ang kultura, paniniwala at tradisyon ng mga Asyano.

c)

Kawalan ng karapatan na pamunuan ng ating mga ninuno ang kanilang sariling buhay

d)

Pagsisimula ng kalakalan ng mga alipin

30.

Ang Pilipinas ay pinamahalaan ng mga Espanyol sa loob ng 333 na taon. Alin sa sumusunod ang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas kung saan sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihang Pilipino na may edad 16-60?

a)

Bandala

b)

Monopolyo

c)

Polo Y Servicios

d)

Tributo

31.

Bakit sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Surpresang pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor ng Estados Unidos sa Hawaii

b)

Hinangad ng Italya na palawakin pa ang kanilang imperyo sa Africa at Mediterranean

c)

Sinalakay at sinakop ng Nazi Germany ang mga bansang sa Europa na pinamunuan ni Adolf Hitler

d)

Ambisyong teritoryal at ideolohikal ng mga totalitarian, militaristiko, at ekspansionistikong rehimen ng Germany, Japan, at Italy

32.

Ano ang negatibong epekto ng neokolonyalismo sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

a)

Pag-unlad at paglago ng lokal na industriya at negosyo.

b)

Pagkakaroon ng malawakang kahirapan at pagkaasa sa dayuhang tulong.

c)

Pagkakaroon ng sapat na kapangyarihan at kontrol sa global na merkado.

d)

Pagkakaroon ng mga oportunidad at pagbaba ng antas ng kahirapan sa bansa.

33.

Kaalinsabay ng pagsibol ng kasaysayan ay ang makulay at makabuluhang pagsibol ng mga relihiyon. Ano ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa aspeto ng pamumuhay ng mga tao sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

a)

Nagbigay-daan ito sa pagtamo ng kapayapaan bunga ng sigalot sa aspekto ng paniniwala.

b)

Nagbigay ito ng negatibong epekto dahil sa iba't ibang paniniwala at pinagmulan ng mga relihiyon.

c)

Nagdulot ito ng maraming suliranin bunga ng kawalan ng matibay na batayan sa paghahambing ng mga paniniwala.

d)

Nagsilbi itong tagapagbuklod sa mga tao sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala at nagbukas ng kaisipan sa paggawa ng mabubuti batay sa aral ng relihiyong kinapapalooban nito.

34.

Basahin ang mga pahayag at alamin kung alin ang tamang pahayag na may kinalaman sa Neokolonyalismo sa anyong Kultural.

I-            Mas mabenta sa Pilipinas ang anime Naruto Shippuden na Made in Japan kaysa anime martial arts ng Made in China.

II-          Naging matalik na kaibigang bansa ng Japan ang Cambodia upang makapag-angkat ng mga hilaw na kagamitan sa kanilang bansa.

III-        Muling hinikayat ng United States ang Indonesia at Pilipinas bilang arkipelagong mga bansa upang magsagawa ng Military Exercises sa karagatan.

IV-        Pinaghihinalaan ng mga taga-Hong Kong ang isang lider ng probinsiya ng China na nagbabalak pabagsakin ang kanilang magandang pamamahala.

a)

Tama ang pahayag I

b)

Tama ang pahagag II

c)

Tama ang pahayag II at III

d)

Tama ang pahayag III at IV

35.

Ang mga lupain at bansa sa Silangan at Timog-Silangang bansa ay sinakop ng mga Kanluranin noong ika-16 at ika-17siglo. Ano ang mga dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Malaysia at Indonesia?

a)

Pampalasa, maayos na daungan

b)

Mayaman sa ginto at pilak

c)

Pagkontrol sa sentro ng kalakalan

d)

Makahanap ng bagong ruta patungong Asya

36.

Ang Budismo ay isa sa mga nangungunang relihiyon sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Paano nakaaapekto ang paniniwalang Budismo sa sistema ng pamumuhay ng mga tagasunod nito?

a)

Nagsilbi itong batayan ng paggawa ng mabuti sa kapwa at lipunan.

b)

Nagsilbi itong batayan ng pagbibigay parusa sa mga nagkakasala.

c)

Ang mga tagasunod ay naging mapanuri sa kanilang kilos at gawi.

d)

Ang mga tagapagpalaganap ay naging mataas ang tingin sa sarili dahil sa sistema ng lipunan.

37.

Ang sumusunod ay mga pangyayaring naganap sa Tsina upang maipakita ang pagmamahal sa bayan. Ibigay ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan.

1. Rebelyong Taiping

2. Rebelyong Boxer

3. Pag-usbong ng Ideolohiyang Demokrasya

4. Pag-usbong ng Ideolohiyang Komunismo

a)

1, 2, 3, 4

b)

2, 3, 4, 1

c)

3, 4, 2, 1

d)

4, 3, 2, 1

38.

Ang mga kababaihan ay bumuo ng mga kilusan upang maipaglaban ang kanilang mga karapatan.. Alin sa sumusunod ang anyo ng pakikibaka ng kababaihan para sa pantay na karapatan?

1.   Karapatang bumoto

2.   Karapatang makapagtrabaho

3.   Ang pantay na karapatan ng babae at lalaki

4.  Ang pantay na karapatang makibahagi sa pang-ekonomiyang

     kabuhayan

a)

4 at 3

b)

1 at 4

c)

3 at 4

d)

1 at 2

39.

Ang Neokolonyalismo ay ang di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang Neokolonyalismo sa aspetong kultural?

a)

Pagpapairal ng wikang Ingles bilang wikang gagamitin sa mga paaralan.

b)

Pagpapahiram ng mga pondo para sa pagpapaunlad ng mga negosyo sa bansa

c)

Pagtulong sa isang pinuno na mananatiling tapat sa U.S. upang kontrolin ito

d)

Pagpasok ng iba't-ibang pagkaing Am

40.

Kung ikaw ay gagawa ng isang islogan tungkol sa sa pagtugon ng ating mga ninuno sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya, alin sa sumusunod ang pinaka-angkop na islogan tungkol dito?

a)

"Tulay sa Kinabukasan: Pagtuklas ng Bagong Mundo sa Asya!"

b)

"Lakbayin ang Landas ng Pag-unlad: Pag-angat sa Buhay sa Asya!"

c)

"Buhay na Bagong Simula: Pagtanggap sa Biyaya ng Katolisismo sa Asya!"

d)

"Lakas ng Diwa, Yaman ng Kalayaan: Pag-asa ng Asya sa Harap ng Kolonyalismo!"