NEW
Font size
WorksheetsIbong Adarna (Ikaapat na Markahan - 7)
Total questions: 80
Worksheet time: 13mins
Sino ang may-akda / nagsulat ng Ibong Adarna?
Dr. Jose Rizal
Francisco Balagtas
Jose Villa Panganiban
Hindi pa kilala
Tukuyin ang katangian ng Korido batay sa halimbawang saknong:
Saknong 79
Sa masamang kapalaran
Si Don Pedro’y napatakan
Biglang naging batong-buhay
Sa punong kinasandalan.
Nagbibigay-aral sa mga mambabasa
Nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda kay Birheng Maria.
Tumatalakay sa pakikipagsapalaran
May mga karakter na maharlika at mala-bayani
Tumatalakay sa kababalaghan at kapangyarihan
Tukuyin ang katangian ng Korido batay sa halimbawang saknong:
Saknong 11
Pangalan ng haring ito
Ay mabunying Don Fernando
Sa iba mang mga reyno
Tinitingnang maginoo
Nagbibigay-aral sa mga mambabasa
Nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda kay Birheng Maria.
Tumatalakay sa pakikipagsapalaran
May mga karakter na maharlika at mala-bayani
Tumatalakay sa kababalaghan at kapangyarihan
Tukuyin ang katangian ng Korido batay sa halimbawang saknong:
Saknong 126
Di gumamit ng kabayo
Sa paglalakbay na ito
Tumalaga nang totoo
Sa hirap na matatamo
Nagbibigay-aral sa mga mambabasa
Nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda kay Birheng Maria.
Tumatalakay sa pakikipagsapalaran
May mga karakter na maharlika at mala-bayani
Tumatalakay sa kababalaghan at kapangyarihan
Tukuyin ang katangian ng Korido batay sa halimbawang saknong:
Saknong 145
Sa lalagya’y dinukot na
Yaong tinapay na dala
Iniabot nang masaya
Sa matandang nagdurusa.
Nagbibigay-aral sa mga mambabasa
Nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda kay Birheng Maria.
Tumatalakay sa pakikipagsapalaran
May mga karakter na maharlika at mala-bayani
Tumatalakay sa kababalaghan at kapangyarihan
Puno na pinaninirahan ng Ibong Adarna.
Piedras Platas
Peidras Platas
Pedras Platas
Pidras Platas
Dahilan ng pagkakasakit ni Haring Fernando.
magandang panaginip
masamang panaginip
konsumisyon sa anak
nahawa ng sakit
Layunin sa pananakop ng mga Kastila ang naisakatuparan sa paglaganap ng akdang Ibong Adarna sa Pilipinas
KALIGTASAN
KRISTIYANISMO
KAYAMANAN
KARANGALAN
Kaparusahang ipinataw ni Haring Fernando kina Don Pedro at Diego nang malaman nito ang kataksilang ginawa sa kanilang kapatid.
kamatayan
pagpapatapon sa malayo
hindi magmamana ng kaharian
habambuhay na pagkakakulong
Ibinigay na pagkain ni Don Juan sa Leprosong kaniyang nakatagpo sa baba ng Bundok Tabor.
tinapay
gulay
kanin
prutas
Dahilan kung bakit itinuturing na obra-maestrang panitikang Pilipino ang Ibong Adarna
labis na sumikat ito sa Pilipinas
itinakda na ito ng Saligang Batas
sinasalamin nito ang kulturang Pilipino
nakalagay na ito sa mga araling itinuturo
Lugar na mahiwaga na hindi nasisikatan ng araw ngunit napakaliwanag dahil sa mga batong kristal.
Loob ng Mahiwagang Balon
Kaharian ng Berbanya
Reyno de los Cristales
Bundok ng Armenya
Anong suliraning panlipunan sa kasalukuyan ang ipinapakita sa pangyayaring pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa kabila ng pagliligtas nito sa kanilang mga buhay?
Nakagagawa ang tao ng kasamaan dahil sa inggit.
Ipinapakita ang malawakang korupsyon sa pamahalaan.
Marami nang mga kabataan ngayon ang nalululong sa masamang bisyo.
Labis na naghahangad ng kapangyarihan ang mga tao kaya ginagawa nila ang lahat upang makuha ito.
Anong kaisipan ang makukuha sa saknong ang makikita pa rin sa kasalukuyan?
Sumagot ang matanda,
“Di ganon ang kawanggawa
ating pagdamay sa kapwa,
walang gugol na tadhana.”
Walang pagsubok na ibinigay ang Diyos sa tao na hindi niya kakayanin.
Hindi bibiguin ng Panginoon ang sinumang tumawag at manalig sa Kanya.
Ang totoong pagtulong sa kapwa ay hindi naghihintay ng anumang kapalit.
Hindi matutumbasan ng anumang yaman sa mundo ang pagtulong sa kapwa.
Anong pangunahing kaisipan ang ipinapahiwatig ng saknong?
Sa pag-ibig ng magulang
mga anak ay dumangal
maagang pinaturan
ng dunong na kailangan.
Ang dunong ay hindi mahalaga sa pagpapalaki ng anak.
Ang dunong ay natututuhan lamang sa paaralan at hindi sa tahanan.
Ang kaalaman at dangal ng isang bata ay nagmumula sa kaniyang sariling pagsisikap.
Ang magulang ay nagsisilbing pundasyon sa paghubog ng mabuting pagkatao ng anak.
Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng tumpak na kahulugan sa isang akdang korido?
Isang mahabang salaysay na nasa berso na tumatalakay sa kabayanihan at katapangan.
Isang tuluyang anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng mga pangyayaring makatotohanan.
Isang patulang anyo ng panitikan na nagpapahalaga sa mga pumanaw na mahal sa buhay.
Isang mahabang tulang pasalaysay na nakabatay sa makatotohanang pangyayari sa buhay ng isang bayani.
Ang mga sumusunod ay kulturang Pilipino na mababakas sa nilalaman ng Ibong Adarna, maliban sa ______________.
pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya
mataas na pagtingin at paggalang ng mga anak sa magulang.
pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.
pagrespeto at pagbibigay ng mataas na pagkilala sa hari at miyembro ng royal na pamilya.
Paano inaawit ang korido?
andante
allegro
andante-allegro
corrido
Ano ang sukat ng bawat taludtod ng mga saknong ng Ibong Adarna?
aaniming pantig
wawaluhing pantig
lalabindalawahing pantig
lalabing-animing pantig
Ano ang katangian na ipinamalas ng may-akda sa unang anim na saknong ng Ibong Adarna?
maunawain
magalang
mapagpakumbaba
maalalahanin
Lugar kung saan nanatili si Don Juan, matapos palayain nina Don Pedro at Diego ang Ibong Adarna.
Loob ng Mahiwagang Balon
Kaharian ng Berbanya
Reyno de los Cristales
Bundok ng Armenya
Gamit na ibinigay ng Ermitanyo kay Don Juan upang hulihin ang Ibong Adarna.
dayap
labaha
gintong sintas
hawla
Dahilan ng hindi pag-awit ng Ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya.
may sakit
wala ang may-ari
hindi pa gabi
wala siya sa kanyang tirahan
Tumulong kay Don Juan, sa panahong labis ang kanyang sakit na nararamdaman sa pagkahulog sa mahiwagang balon
matandang uugod-ugod
mahiwagang lobo
Birheng Maria
Ibong Adarna
Naghatid kay Don Juan patungong Reyno de los Cristales.
malaking agila
olikornyo
mahiwagang ibon
Ibong Adarna
Unang gamit na inihulog ni Donya Maria Blanca upang maging sagabal sa paghahabol sa kanila ni Haring Salermo.
karayom
sabon
kohe
suklay
Ikalawang hinulog ni Maria Blanca sa paghahabol sa kanila ni Haring Salermo.
karayom
sabon
kohe
suklay
Ikatlong hinulog ni Maria Blanca sa paghahabol sa kanila ni Haring Salermo.
karayom
sabon
kohe
suklay
Ilang dipa ang inabot ng pagbaba ni Don Pedro sa mahiwagang balon?
33
30
36
13
Ginamit ni Don Juan upang tuluyang matalo ang Serpiyenteng tagapangalaga ni Donya Leonora?
mahiwagang espada
tubig na may bendisyon
pabango ni Donya Leonora
dugo ng mahiwagang lobo
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa nilalaman ng awit ng Ibong Adarna para kay Haring Fernando?
pakikipagsapalaran ni Don Juan
Pagkabigo ni Don Juan sa kanyang pagsubok
Pagtataksil ni Don Diego at Pedro
hindi niya pag-awit ng una siyang dumating ng Berbanya
Ilang oras ang hati ng magkakapatid sa pagbabantay ng Ibong Adarna?
1 oras
2 oras
3 oras
4 na oras
Ilang daang taon na naninirahan sa kanyang pinananahanan ang pangatlong ermitanyong nakatagpo ni Don Juan sa kanyang paglalakbay patungong Reyno de los Cristales.
100 taon
500 taon
700 taon
800 taon
Prutas na kinain ng agila bago bumalik sa kanyang lugar dahil sa pagtawag ng ikatlong ermitanyo.
mansanas
ubas
peras
bayabas
Ano ang ipinapahiwatig ng muling pagtataksil ni Don Pedro kay Don Juan sa pamamagitan ng pagputol sa lubid?
kahinaan ng tao ay nagmumula sa galit at inggit
kasamaan ay laging nauulit kung walang pagsisisi
pagtataksil ay bahagi ng tunggalian ng magkakapatid
pagpapatawad ni Don Juan ay hindi nagtatapos sa isang pagkakataon
Sa kasalukuyan, tama ba ang ginawa ni Don Juan sa pagkuha ng damit ni Donya Maria Blanca sa paliguan? Bakit?
Opo, dahil ito ay bahagi ng kanyang plano upang matupad ang misyon.
Hindi po, dahil ito ay kawalan ng respeto sa dignidad ni Donya Maria Blanca.
Opo, dahil ang kanyang ginawa ay itinuro sa kanya ng ermitanyo bilang tamang hakbang.
Hindi po, dahil maaaring maging dahilan ito upang hindi niya makuha ang kanyang nais makuha.
Sa pagtatagpo nina Donya Leonora at Haring Fernando, ano dapat ang ginawa ng prinsesa upang mabigyan katarungan si Don Juan?
Manahimik na lamang upang hindi lumala ang alitan sa magkakapatid.
Ayunan ang sinabi ni Don Pedro upang mas lalong makuha ang loob nito.
Sabihing patay na si Don Juan ngunit hindi ito sinabi ni Don Pedro para hindi masaktan ang hari.
Ikwento ang pagtataksil ng mga kapatid ni Don Juan at hilingin na parusahan sila sa harap ng hari.
Ano ang kahalagahan ng muling pagtatagpo ni Don Juan at ng Ibong Adarna sa kabuuang banghay ng akda?
Naging hudyat ito ng pagtatapos ng kwento.
Nagdulot ito ng pagsisisi sa mga kapatid ni Don Juan.
Nagbigay ito ng babala tungkol sa mga panganib sa kaharian.
Nagbigay ito ng panibagong direksyon sa pakikipagsapalaran ni Don Juan.
Anong tayutay ang makikita sa saknong na ito “O bulaklak ng sampaga, ako’y anak ng Berbanya, kahariang ewan ko ba, kung muli kong makikita.”, ito ay tugon ni Don Juan kay Maria Blanca matapos tanungin kung saan ito nagmula?
Pagtutulad
Pagsasatao
Pagwawangis
Pagtawag
Ano ang pagkakatulad ng Ibong Adarna sa mga epiko na mayroon ang Pilipinas?
Nakapokus ang mga ito sa kwento at problema ng pamilya.
Pumapaksa ito sa relihiyong Kristiyanismo na minana sa mga Kastila.
Nagtataglay ng mga pangyayaring mahiwaga at may kabayanihang paksa.
Ang konteksto ng istorya ay may kinalaman sa mga nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas.
TUKUYIN KUNG PANG-ILANG PANGYAYARI SA PAGSUBOK NI HARING SALERMO KAY DON JUAN:
"Pagpapaamo sa mabangis na kabayo."
1
3
4
5
7
Takdang-aralin nina John at Carlo ang metamorphosis ng paruparo. Kung nagawa nila nang maayos ang layunin ng kanilang pag-aaral, ano ang maaaring pagpapahalaga ang kanilang maibabahagi sa kanilang kaklase?
Ang buhay ay bilog; minsan ay nasa ibabaw, minsan ay nasa ilalim, kaya’t huwag papayag na manatili sa kinagisnan.
Bawat bahagi ng ating buhay ay dumaraan sa isang proseso kaya’t dapat na maging matatag at patuloy na maghanap ng kabatiran
Ang mga insekto ay may buhay din tulad ng mga tao na dapat alagaan kaya’t huwag natin silang gagambalain at hayaan natin silang mamuhay nang mapayapa.
Ang mga paruparo ay may makukulay na pakpak at iba-ibang uri na maaaring na maaaring magamit na palamuti sa ating tahanan kaya’t dapat silang paramihin.
Anong mga bahagi o elemento ang dapat bigyang-diin upang maging organisado at madaling maunawaan ang teksto?
Puwedeng alisin ang introduksyon basta't mahaba ang katawan ng teksto.
Mas mahalaga ang pamagat kaysa sa katawan at kongklusyon kaya maaaring hindi bigyang-pansin ang iba pang bahagi.
Dapat walang kongklusyon ang teksto upang hayaan ang mga mambabasa na mag-isip ng kanilang sariling interpretasyon.
Dapat malinaw ang pamagat, maikli ngunit makatawag-pansin ang introduksyon, lohikal ang pagkakaayos ng katawan, at nagbibigay-linaw ang kongklusyon.
Paano mo pipiliin ang mga detalye at ebidensya upang suportahan ang pangunahing ideya ng iyong ekspositoryong sanaysay?
Isama ang kahit anong detalye, kahit hindi kaugnay, upang gawing mas mahaba ang teksto.
Pagsama-samahin ang mga kontradiktoryong detalye upang lumikha ng kalituhan sa mga mambabasa.
Piliin lamang ang mga detalyeng direktang nauugnay sa pangunahing ideya upang mapanatiling malinaw at pokus ang teksto.
Gumamit ng mga haka-haka at walang basehang impormasyon mula sa hindi mapagkakatiwalaang sanggunian upang magmukhang nakakakumbinsi ang teksto.
Binasa mo muli ang ginawang ekspositoryong sanaysay, nais mong maging makatawag-pansin ang pambungad na bahagi nito, ano ang mainam na gawin?
Aalisin ang anumang uri ng introduksyon.
Uunahin ang lahat ng detalye sa pambungad.
Babawasan ang impormasyon upang maging simple.
Magdadagdag ng tanong na nakakaintriga tungkol sa paksa.
Paano masusukat kung malinaw ang layunin ng isang ekspositoryong sanaysay?
sa pamamagitan ng paggamit ng teknikal na termino
sa pamamagitan ng dami ng pahinang ginamit sa sanaysay
kung ang pangunahing ideya ay madaling maunawaan sa simula hanggang wakas
kung ang sanaysay ay may maraming halimbawa at nagdagdag pa ng maraming paksang tinalakay
TUKUYIN KUNG PANG-ILANG PANGYAYARI SA PAGSUBOK NI HARING SALERMO KAY DON JUAN:
"Pagtibag/pagpatag ng bundok, pagtatanim, ani at paggawa ng tinapay gamit ang harina nito sa isang gabi lamang."
1
3
4
5
7
TUKUYIN KUNG PANG-ILANG PANGYAYARI SA PAGSUBOK NI HARING SALERMO KAY DON JUAN:
"Pag-usod ng bundok sa tapat ng bintana ng hari, upang makalanghap siya ng sariwang hangin."
1
3
4
5
7
TUKUYIN KUNG PANG-ILANG PANGYAYARI SA PAGSUBOK NI HARING SALERMO KAY DON JUAN:
"Paghahanap ng nawawalang singsing sa karagatan."
1
3
4
5
6
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng mga Panitikan sa Panahon ng mga Kastila ayon kay Jose Villa Panganiban et.al.?
May sari-saring kaanyuan at pamamaraan.
Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
Ang mga prayle ang nasusunod sa mga nilalaman nito.
Binubuo ng halos huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa o tradisyong Espanyol.
Taon nang magsimulang magtayo ang pamayanan ang mga Kastila sa Pilipinas.
1521
1512
1565
1556
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang KORIDO?
may lalabindalawahang pantig
may sukat at tugma
nagbibigay-aral sa mga mambabasa
may himig na allegro o mabilis kung awitin
“Salang mawalay sa mata ng butihing ama’t ina…”. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag?
Pag-uyam
Pagmamalabis
Pagpapalit-saklaw
Pagpapalit-tawag
“Baon sa puso at dibdib, ay makita ang kapatid”. Anong lebel ng damdamin ang isinasaad ng pahayag na may salungguhit?
Normal na pakiramdam
mabigat na pakiramdam
katamtamang pakiramdam
hindi mapaliwanag na pakiramdam
“Takipsilim nang sumapit
Sa itaas ay namasid
Daming ibong lumiligpit
Kawan-kawa’t ummawit.”
Ano ang kasalungat ng ng salitang may salungguhit?
Malapit nang dumilim
malapit nang sumikat ang araw
malapit na ang hapunan
malapit na silang umalis
Saang kontinente nagmula ang akdang Ibong Adarna?
Asya
Timog Amerika
Europa
Aprika
Anong nangyari kay Haring Salermo pagkatapos nitong mabigo sa paghahabol sa kanyang anak at Don Juan.
nalungkot at nanaghoy
nagkasakit at namatay
naglasing at nakulong sa palasyon
nagpasukob sa kanyang majica negra
TAMA o MALI
Naglakbay si Don Juan upang hanapin ang mga kapatid at huliin ang Ibong Adarna dala ang mga kailangang gamit kagaya kina Don Pedro at Diego.
TAMA
MALI
TAMA o MALI
Umalis si Don Juan ng Kaharian ng Berbanya dahil natakot siyang parusahan ng kanyang ama matapos patakasin ang Ibong Adarna.
TAMA
MALI
TAMA o MALI
Hindi pumayag si Don Juan sa plano ni Don Pedro na magliwaliw dahil alabag ito sa kanyang mga prinsipyo.
TAMA
MALI
TAMA o MALI
Si Donya Maria Blanca, Donya Juana at Donya Leonora ang mga magagandang anak ni Haring Salermo.
TAMA
MALI
--Tukuyin kung PAGTUTULAD o PAGWAWANGIS--
Ang sikat ng araw sa aking mukha ay halik ng bukang liwayway.
PAGTUTULAD
PAGWAWANGIS
--Tukuyin kung PAGMAMALABIS, PAGSASATAO, PAGTAWAG, PAG-UYAM
Ulan, Ulan kami ay lubayan.
PAG-UYAM
PAGTAWAG
PAGSASATAO
PAGMAMALABIS
--Tukuyin kung PAGMAMALABIS, PAGSASATAO, PAGTAWAG, PAG-UYAM
Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
PAG-UYAM
PAGTAWAG
PAGSASATAO
PAGMAMALABIS
--Tukuyin kung PAGMAMALABIS, PAGSASATAO, PAGTAWAG, PAG-UYAM
Hinalikan ako ng malamig na hangin.
PAG-UYAM
PAGTAWAG
PAGSASATAO
PAGMAMALABIS
--Tukuyin kung PAGMAMALABIS, PAGSASATAO, PAGTAWAG, PAG-UYAM
Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
PAG-UYAM
PAGTAWAG
PAGSASATAO
PAGMAMALABIS
--Tukuyin kung PAGMAMALABIS, PAGSASATAO, PAGTAWAG, PAG-UYAM
Ang galing mong sumayaw, natatapakan mo nga lang ang aking mga paa.
PAG-UYAM
PAGTAWAG
PAGSASATAO
PAGMAMALABIS
--Tukuyin kung PAGPAPALIT-TAWAG o PAGPAPALIT-SAKLAW--
Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
PAGPAPALIT-TAWAG
PAGPAPALIT-SAKLAW
--Tukuyin kung PAGPAPALIT-TAWAG o PAGPAPALIT-SAKLAW--
Walang bibig ang umasa kay Romeo.
PAGPAPALIT-TAWAG
PAGPAPALIT-SAKLAW
--Tukuyin kung PAGPAPALIT-TAWAG o PAGPAPALIT-SAKLAW--
Nagiging pulahan na ang iba nating kababayan.
PAGPAPALIT-TAWAG
PAGPAPALIT-SAKLAW
--Tukuyin kung PAGTUTULAD o PAGWAWANGIS--
Ang mahabang buhok ni Kristina ay sinlambot at sindulas ng seda.
PAGTUTULAD
PAGWAWANGIS
--Tukuyin kung PAGTUTULAD o PAGWAWANGIS--
Kagat lang ng langgam ang turok ng iniksiyon.
PAGTUTULAD
PAGWAWANGIS
--Tukuyin kung PAGTUTULAD o PAGWAWANGIS--
Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa konsiyerto.
PAGTUTULAD
PAGWAWANGIS
--Tukuyin kung PAGTUTULAD o PAGWAWANGIS--
Kawangis ng makahiya ang magugulating matanda.
PAGTUTULAD
PAGWAWANGIS
--Tukuyin kung PAGTUTULAD o PAGWAWANGIS--
Lason sa iyong mga baga ang sigarilyo.
PAGTUTULAD
PAGWAWANGIS
TAMA o MALI
Ang olikornyo ang tinuturing na hari ng mga hayop sa lugar kung saan ang sakop at tirahan ng pangalawang ermitanyong tumulong kay Don Juan patungong Reyno de los Cristales.
TAMA
MALI
TAMA o MALI
Si Don Juan ang nagmana ng kaharian ng kanyang ama at ang bagong hari ng Berbanya matapos ang kwento ng Ibong Adarna.
TAMA
MALI
TAMA o MALI
Sa Ilog Jordan kumuha ang mahiwagang lobo ng tubig panggamot kay Don Juan dala niya ang tatlong bote gamit ang kanyang bibig papunta sa ilog.
TAMA
MALI
TAMA o MALI
Maraming araw ang pinagdiriwang ang kasalan ni Don Pedro at Donya Juana sa kaharian ng Berbanya.
TAMA
MALI
TAMA o MALI
Ang putol na kamay ni Donya Maria Blanca ang naging batayan ni Don Juan sa pagtagumpay nito sa pagpili ng isang mapapangasawang anak ni Haring Salermo.
TAMA
MALI
