wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP8 Quarter 4

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang Unang Digmaang Pandaigdig aymaituturing na“The Great War”?

a)

Maraming nawasak na ari-arian.

b)

Ang digmaan ay nakasentro sa Europa.

c)

Ito ay nagdudulot ng pagbabago sa buhay ng mga kababaihan.

d)

Ito ang kauna-unahang digmaan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng Daigdig.

2.

Unang Digmaang Pandaigdig nabuo ang dalawang grupo ng mga malalakas na bansa sa Europa: ang Allied at Axis Power. Alin sa sumusunod na pahayag ang orihinal na layunin ng Axis Power sa pagbuo ng alyansa?

a)

Upang ipalaganap ang kanilang ideolohiya.

b)

Upang maipagtatangol ang mga bansang sakop.

c)

Upang lalo pang mapalawak ang angking teritoryo.

d)

Upang depensahan ng Germany ang mga lupaing nakuha mula sa pakikidigma sa France.

3.

Sa pangkalahatan matindi ang naidulot na pinsala ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa sumusunod na pahayag ang maituturing na mabuting naganap sa panahon sa pagsiklab ng digmaan?

a)

Napakaraming ari-arian ang nawala.

b)

Nagkakaisa ang mga mamamayan.

c)

Maraming buhay ang nawawala.

d)

Paglakas ng ekonomiya.

4.

Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig, Alin sa mga pahayag ang naging hudyat sa paksiklab ng unang digmaang pandaigdig?

a)

Ang pagbibitiw sa mataas na pangulo sa mataas na posisyon.

b)

Agawan ng teritoryo upang maangkin ng mga makapangyarihang bansa ang mahihinang bansa.

c)

Ang unang pagpupulong na naganap sa Hague noong 1899 na ang nilalaman ay tungkol sa paglusob.

d)

Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand at asawa nitong si Sophie noong Hunyo 28, 1914, piñata sila   ni Gavrilo Princip.

5.

Ang Nasyonalismo ay isa sa mga naging salik ng pagsiklab ng unang digmaang pandaigdig. Alin sasumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapatunay nito?

a)

Ang paniniwala ng mga Junker na sila ang nangungunang lahi sa Europa.

b)

Ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria.

c)

Ang pagkamit ng mga bansa sa kani-kanilang pansarilingkalayaan Laban sa mga mananakop.

d)

Masidhing paniniwala ng mga bansa na karapatan nilang pangalagaan ang kalahi kahit na sa   kapangyarihan ng ibang bansa.

6.

Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga dahilan ngpagkabuo ng isang alyansa?

a)

Pantayan ang lakas ng iba pang alyansa.

b)

Magplano ng pansariling hakbang ang bawat bansang kasapi.

c)

Mapigilan ang impluwensiya ng ibang bansa sa bansang kasapi.

d)

Magtulungan kung may magtangkang sumalakay sa kani-kanilang bansa.

7.

Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, nabago ang katangiang pisikal ng Europa. Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay dito?

a)

Nabigo ang Europa na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Daigdig.

b)

Nagbago ang hugis ng mapa ng Europeo dahil sa digmaang nabanggit.

c)

Nag-iba ang kalagayang pampolitika ng Europa.

d)

Nagwakas ang apat na imperyo

8.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa Kanluran, kung saan ang labanan ay itinuturing na  pinakamadugo at pinakamainit at pinakamapanirang labanan, Maituturing bang maunlad sa kasalukuyan ang mga bansang Kanluranin?

a)

Oo, dahil muli silang tumayo at nag umpisa muli.

b)

Hindi, dahil nawalan na ng gana ang mga kanluranin na mag umpisa muli.

c)

Oo, dahil walang nasira sa kalikasan at di na ano ang kanilang likas na yaman.

d)

Hindi, dahil sirang sira na ang kanilang kapaligiran at maraming buhay ang nawala.

9.

Ano ang naging dahilan ng Germany kung bakit tumiwalag ito sa Liga ng mga Bansa?

a)

pagbabawal ng Liga sa kanya na gumamit ng sandata.

b)

pagnanais na mag-isa sa gawing pananakop.

c)

napagod ang kanyang hukbong sandatahan.

d)

nawalan ito ng interes sa pakikidigma.

10.

Nagalit ang Estados Unidos sa paglabag ng Hapon sa ginawang pananakop at pagpasabog ng bomba sa ibat-ibang bansa kaya ginawaran ito ng parusa. Alin sa sumusunod na pahayag ang naging parusa ng Japan?

a)

Pinagbawalan na nila itong tumanggap ng mga turista

b)

Pinatigil nila ang pagpapadala ng langis.

c)

Pinagbawalan na itong makikipagdigma.

d)

Hindi na sila pinapagamit ng armas.

11.

Alin sa sumusunod ang naging resulta sa pagkundina ng liga ng mga bansa sa pag-agaw ng Japan sa Manchuria?

a)

Pinapaatras ang Japan sa pakikidigma.

b)

Pinagkaitan ito ng karapatan na mamuno.

c)

Itiniwalang ng Liga ng mga bansa ang Japan.

d)

Pinagbawalan ng Liga ang Japan sa pananakop.

12.

Alin sa sumusunod na pahayag ang itinutring naging dahilan sa pag-alis ng Germany sa liga ng mga bansa?

a)

Pinagbawalan itong manakop ng mga bansa.

b)

Pinagbawalan ito na gumamit ng hukbong sandatahan.

c)

Hindi tinanggap ng Liga ang ideolohiyang pinaniniwalaan.

d)

Hindi nito nagustuhan ang patakaran ng Liga ng mga bansa.

13.

Ang Blitzkrieg ay ang paraan na ginamit ni Adolf Hitler sa kanyang pananakop at pagpapalawak ng teritoryo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa paraang ito?

a)

Palihim na nagpaplano sa gagawing paglusob.

b)

Ipinaalam ang paglusob sa mga kaalyadong bansa.

c)

Ipinaalam sa buong Europa ang gagawing paglusob.

d)

Lulusob ang kanyang hukbong sandatahan na walang babala.

14.

Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI paraan na ginamit ni Adolf Hitler noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pakikipagdigma kaya maraming bansa ang natalo sa digmaan sa Europa?

a)

Biglaang paglusob ng mga Alemang sundalo na walang babala.

b)

Ipinaalam ang gagawing paglusob ng mga Alemang sundalo.

c)

Inihandang mabuti ang mga Alemang sundalo.

d)

Pinagtibay and sandatahang hukbo.

15.

Alin sa umusunod na pahayag ang naging dahilan ng pagbagsak ng pamahalaang Totalitaryanismo ng Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini at Imperyong Japan ni Hirohito?

a)

Pagtulong ng mga kaalyadong bansa sa pakikidigma.

b)

Paglipat ng mga sundalo sa ibang pamunuan.

c)

Pagsuko ng mga lider na ito sa pakikidigma.

d)

Pagkamatay ng kanilang mga sundalo.

16.

Ang bansang Japan ay naging mananakop ng mga bansa sa Asya. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatibay nito?

a)

Naging agreisbo ang Japan sa pananakop dahil sa paniniwala na ang Asya ay

para lamang sa mga Asyano.

b)

Nais ng Japan na kilalanin ng mga bansa bilang pinakamatapang na bansa.

c)

Ang Japan ay nainggit sa ginawang pananakop ng mga lider ng Europa.

d)

Nais ipakita sa buong mundo ang kakayahang manakop.

17.

Malaki ang naging papel ni Adolf Hitler sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Papaano niya pinairal ang pamahalaang Totalitaryanismo sa bansang kaniyang nasasakupan?

a)

Naging matapang at diktador na lider.

b)

Pinakinggan ang mga hinaing ng mga tao.

c)

Naging Malaya ang mga tao sa pagpapasya.

d)

Binigyan ng karapatan ang bawat mamamayan.

18.

Ipagpalagay na ikaw ay isang pangulo ng isang malakas na bansa na nakaharap sa katatapos lang na Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ano ang iyong maaaring gawin upang maiwasan ang sigalot ng mga bansa o panibagong digmaan?

a)

Maghanda at makilahok sa paparating na digmaan.

b)

Makiisa sa mga adhikaing pandaigdigang pangkapayapaan ng mga bansa.

c)

Paigtingin ang programang pang-ekonomiya at panlipunan ng pamahalaan.

d)

Hikayatin ang buong mamamayan na tumahimik at di na magpapasok ng dayuhan sa bansa.

19.

Ano ang pangunahing layunin sa pagtatag ng United Nations?

a)

Pagpapalaganap ng demokrasya.

b)

Pagkakaisa ng lahat ng mga bansa.

c)

Pagpapanatili ng kapayapaan sa daigdig.

d)

Pagtataguyod ng pag-unlad na panlipunan at karapatang pantao.

20.

Ang sumusunod ay mga layunin ng United Nations o Mga Bansang nagkakaisa MALIBAN sa isa:

a)

Mabigyan ng trabaho ang mga walang trabaho.

b)

Maging sentro ng pagkakasundo ng mga bansa.

c)

Mapaunlad ang mabuting samahan ng mga bansa.

d)

Mapanatili ang pandaigdig na kapayapaan at seguridad.

21.

Bakit naitatag ang Liga ng mga Bansa?

a)

Para lumaganap ang demokrasya.

b)

Nais ni Woodrow na maghari sa buong mundo.

c)

Upang mas lumakas ang kapangyarihan ng malalaking bansa.

d)

Itinatag sa layuning maiwasan ang alitan sa pagitan ng mga bansa.

22.

Paano binalangkas ang kasunduang pangkapayapaan sa Paris noong 1919-1920 ng mga pinuno ng Big Four?

a)

Ibinatay ito sa ideolohiya ng Big Four.

b)

Ibinatay ito sa kasunduang Versailles.

c)

Ibinatay ito sa napagkasunduan sa Paris.

d)

Ibinatay ito sa labing-apat na puntos ni Pangulong Wilson.

23.

Ipagpapalagay, ikaw ay naging pangulo ng Pilipinas sa panahong naitatag ang Nagkakaisang Bansa, ikaw ba ay aanib dito? Bakit?

a)

Opo, para sa katahimikan at kapayapaan ng buong mundo.

b)

Opo, para mapabilang ang Pilipinas sa mga sikat na bansa sa buong mundo.

c)

Hindi, dahil wala itong mabuting maidudulot sa mga mamamayang Pilipino.

d)

Hindi, dahil isang maliit na bansa lamang ang Pilipinas kumpara sa ibang kasapi nito.

24.

Napakahalaga ng isang samahang pangkapayapaan ng mga bansa.Papaano nabuo ang pangalang United Nations?

a)

Sa pag-aaral ng mga kasunduan.

b)

Sa pagsama-sama ng mga bansa.

c)

Sa pagsunod sa Treaty of Versailles.

d)

Sa pagpupulong ng Allies noong Feb 1948 sa Yalta.

25.

Paano itinatag ang Liga ng mga bansa?

a)

Sa Pagpapatibay sa kasunduan sa Paris.

b)

Itinatag ito sa ilalim ng Treaty of Versailles ng 1919.

c)

Pagpupulong ng mga Allies of Pebrero, 1945 sa Yalta.

d)

Itinatag sa ilalim ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Wilson.

26.

Paano pinanatili ng bansang Pilipinas ang kapayapaan at katiwasayan noon hanggang sa kasalukuyan?

a)

Sa pagpapaalis ng bansa sa base- militar.

b)

Sa paagpapanatili ng kalinisan sa paligid.

c)

Sa patuloy na pagpapalago ng ekonomiya.

d)

Sa pagkakaisa ng mga mamamayan at pagsisikap ng mga lider na mapanatili ang pagkakaisa at    pagkaunawaan.

27.

Paano mo pahahalagahan ang pagsusumikap na ginawa ng mga naunang lider mula sa iba’t ibang bansa upang makamit ang pandaigdigang kapayapaan?

a)

Sasanib ako sa pangkat ng mga kabataang nagra-rally sa kalye.

b)

Makiisa ako ngayon sa mga komunista dahil sa kanilang layunin.

c)

Ipaglalaban ko ang aking karapatan sa pamamagitan ng pagrerebelde.

d)

Makikiisa ako sa mga programang naglalayon ng katahimikan sa bansa at buong mundo.

28.

Ang awtoritaryanismong pamahalaan ang nagpaunlad sa maraming bansa ngunit ang demokratikong Pilipinas ay umahon din mula sa kahirapan. Ano ang lubos na pinapatunayan ng pahayag?

a)

Kahit anong uri ng pamahalaan ay mabisa.

b)

Demokrasya ang pinakamabisang uri ng pamahalaan.

c)

Awtoritaryanismo ang pinakamabuting uri ng pamahalaan.

d)

Hindi lamang awtoritaryanismo ang maaaring magpaunlad sa isang bansa.

29.

Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA ang paglalarawan sa ideolohiyang Komunismo?

a)

Mga opisyal ng gobyerno ang nagmamay-ari sa lahat.

b)

Ang pamahalaan ang may kontrol sa lahat ng pagmamay-ari.

c)

Pagmamay-ari ng mga kapitalista ang produksyon at mga kalakal.

d)

Pagmamay-ari ng mga mamamayan at ng estado ang produksyon at lahat ng negosyo sa bansa.

30.

Kailan lubos masasabi na ang isang bansa ay nasa demokratikong pamamahala?

a)

Limitado ang karapatan ng mga mamamayan.

b)

Ang pinuno ay siyang mas lubos na makapangyarihan.

c)

Ang pamahalaan ay nasa kamay ng ilang pangkat ng tao.

d)

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan.

31.

Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamakabuluhang katuturan ng ideolohiya?

a)

Nagsasaad ito ng sistema ng pamahalaan.

b)

Ginagamit ito ng mga rebolusyonista sa pakikipaglaban.

c)

Ginagamit ito sa pagsasagawa ng mga batas ng mga kongresista at senador.

d)

Ginagamit Ito bilang gabay at prinsipyo ng pamahalaan at ng mamamayan sa isang bansa.

32.

Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng prinsipyo ng ideolohiyang Nazismo?

a)

Pagbuwag sa kasunduan sa Versailles ay sanhi ng mga suliranin sa Alemanya.

b)

Paniniwala ng mga Aleman na sila ang pangunahing lahi sa mundo – mga Aryano

c)

Ang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal

d)

Ang mga Hudyo na naninirahan sa Alemanya ay hindi mga Aleman at sil ang sanhi ng maraming  suliranin at kabiguan ng Alemanya kayat kinakailangang mawala sila sa daigdig.

33.

Bakit sa kabila ng pagiging sosyalistang bansa ng Vietnam at China ay may bahid pa din ng kapitalismo ang kanilang ekonomiya?

a)

Dahil sa pagsunod nila sa mga patakaran ng World Bank

b)

Dahil sa hindi pagbabawal sa pagwewelga ng mga manggagawang Tsino.

c)

Dahil sa laganap ang pribadong pagmamay-ari at malayang kalakalan sa bansa.

d)

Pinayagan sa kanilang bansa ang pagpasok ng ilang transnasyonal na korporasyon.

34.

Alin sa sumusunod na kaisipan ang HINDI isang prinsipyo ng komunismo?

a)

Pagwawakas ng kapitaslismo

b)

Magkahiwalay nang lubos ang simbahan at estado.

c)

Ang mga manggagawa ang pinakamataas sa pamahalaan.

d)

Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong Negosyo

35.

Paano higit na nakaaapekto ang ideolohiya sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa?

a)

Dumami ang mga kapitalista ng bansa.

b)

Nagkasundo ang kapitalista at manggagawa

c)

Nakasentro ito sa patakarang pang-ekonomiya.

d)

Nabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na maihayag ang sariling kaisipan o ideya tungo sa pagbabago  ng pamumuhay ng tao.

36.

Sa sistemang Totalitaryanismo, paano pinamumunuan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng  bansa, mga industriya, at pamamamahala?

a)

Ang hangarin na makamit ang perpektong lipunan

b)

Ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa kamay ng hari o reyna

c)

Ang pamamahala ay pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan

d)

Ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag- uuri-uri ng lipunan ang layunin ng sistemang ito

37.

Bakit nauwi sa tunggalian ang dating magkaalyado at magkasamang bansa na Estados Unidos at Unyong Sobyet na nagtatag ng “nagkakasiang bansa”?

a)

Dahil sa pagkaiba ng kanilang paniniwala at layunin.

b)

Dahil sa pag-nanais na mahirang na pinakamakapangyarihang bansa sa daigdig.

c)

May hidwaan ang dalawang bansa dulot ng nakalipas na Ikalawang Digmaan Pandaigdig.

d)

May mga pangyayaring namagitan sa kanila na lumikha ng tension dahil sa paglalaban ng ideyolohohiyang kanilang pinaniniwalaan.

38.

Bakit nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Amerika na tapusin na ang Arms Race?

a)

Upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo

b)

Upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon

c)

Upang maituon ang badyet sa ekonomiya at pangangailangan ng nakararami.

d)

Upang mapayapa ang pamumuhay sa halip na makipaglaban pa sa digmaan

39.

Malaki ba ang naging epekto ng Cold War sa ekonomiya ng mga bansa sa Asya at kanluranin?

a)

Hindi, dahil pinabayaan ng Russia at USA ang bansang kaalyado.

b)

Hindi, dahil pwersahan ipinatupad ng Russia at USA ang kanilang ideolohiya.

c)

Oo, dahil tinulungan ng Russia at USA ang mga bansang kaalyado.

d)

Oo, dahil naimpluwensiyahan ng Russia at USA ang kultura ng mga kaalyadong bansa.

40.

Ang Asean Free Trade Agreement ay naglalayong maitaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. Ang sumusunod ay gawain ng AFTA, MALIBAN sa.

a)

Pamumuhunan sa rehiyon.

b)

Pagpapayaman ng kultura.

c)

Pagpapababa sa taripa.

d)

Bukas na kalakalan.