WorksheetsMAPEH 4 Q4 REVIEWER ONLY
Total questions: 40
Worksheet time: 59mins
Ito ang pagguho ng lupa dahilan sa pagbaha o pagyanig nito.
kanal
landslide
sink hole
storm surge
Bumubuga ng usok ang bulkan sa karatig-probinsiya. Maaari itong maging sanhi ng ____.
pagtaas ng tubig
pagyanig ng lupa
biglaang pag-ulan
malakas na hangin
Ito ay nagdadala ng malakas na buhos ng ulan at may bugso ng hangin.
storm surge
tsunami
bagyo
lindol
Niyaya ka ng mga kaibigan mo na maligo sa ilog kahit may bagyong paparating.
Ano ang iyong gagawin?
Pagsasabihan ko sila na huwag tumuloy dahil mapanganib.
Sasama ako sa kanila pero hindi ako masyadong lalayo.
Babalewalain ko aking mga kaibigan.
Aawayin ko ang mga kaibigan ko.
Ayon sa balita, may namumuong bagyo sa Pilipinas. Ano ang nararapat nating gawin?
Ipagwalang bahala ito.
Yayain ang ating nanay para mag-shopping.
Antabayanan natin ang susunod na balita tungkol sa bagyo.
Pumunta tayo sa ilog para maligo at maglaro kasama ang mga kaibigan.
Sina Mang Teban ay nakatira malapit sa Bulkang Mayon. Ano ang dapat nilang gawin
upang makaiwas sa panganib?
Mamasyal sa paligid.
Magpatayo ng malaking bahay.
Makipag-usap sa mga kapitbahay.
Tukuyin ang ligtas na lugar para sa paglikas.
Alin sa mga sumusunod ang laman ng iyong “emergency kit”?
bola, pulbo, sapatos
calculator, kuwaderno, bolpen
flashlight, gamot, biskwit, tubig
loom bands, slum book, rubber bands
Alin ang DI-NARARAPAT gamitin sa paggawa ng ingay tuwing bagong taon?
sirang batya
maliit na baril
busina ng dyip
malaking torotot
Ano ang tawag sa walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan na siyang
pangunahing sanhi ng pagbaha at landslide?
kaingin
bush fire
forest fire
illegal logging
Nakita mong may pinulot ang kaibigan mo na hindi sumabog na paputok. Ano ang iyong
gagawin?
Aawayin ko ang aking kaibigan.
Hindi ko papansinin ang aking kaibigan.
Pagsasabihan ko siya na itapon ang pinulot na paputok.
Tutulungan ko siyang sindihan uli ang napulot na paputok.
Ano ang kahulugan ng sayaw na Ba-Ingles?
Cordillera Dance
English Dance
Iloko Dance
Tagalog Dance
Ano ang kasuotan na ginagamit sa pag-sayaw ng Ba-Ingles?
kasuotan ng magsasakang Ilokano
kasuotan ng magsasakang Ingles
kasuotan ng magsasakang Igorot
kasuotang magsasakang Tagalog
Saang lugar sa Pilipinas nagmula at nakilala ang sayaw na Ba-Ingles?
Cabugao, Ilocos Sur
Vigan, Ilocos Sur
Salcedo, Ilocos Sur
San Juan, Ilocos Sur
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng di-locomotor na galaw?
paglakad
pagtakbo
pag-unat
paglukso
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng locomotor na galaw?
paghila
pag-unat
pagtakbo
pagmartsa sa kinatatayuan
Bakit kailangan ng koordinasyon sa pag-sayaw ng Ba-Ingles?
dahil ang sayaw na Ba-Ingles ay isang masiglang sayaw
dahil ang sayaw na Ba-Ingles ay isang ehersisyong sayaw
dahil kailangan ang sabay na pagpalakpak ng kamay ng babae at lalaki
dahil kailangan ng kakayahan ng iba’t-ibang parte ng katawan na kumilos nang
sabay-sabay ng walang kalituhan
Ito ay kakayahan ng iba’t-ibang bahagi ng katawan na kumilos nang sabay-sabay
nang walang kalituhan.
balance
koordinasyon
liksi
lakas
Anong galaw ang ginagamit sa pag-sayaw ng Creative Dance?
Galaw Pilipinas
locomotor na galaw
di-locomotor na galaw
kombinasyon ng locomotor at di-locomotor na galaw
Ayon sa Activity Pyramid Guide, ilang beses sa isang linggo ang pagsasagawa ng
sayaw?
Araw araw
1 beses sa isang linggo
2-3 beses sa isang linggo
4-5 beses sa isang linggo
Upang maiwasan ang aksidente o pinsala sa katawan, alin sa mga sumusunod ang
dapat munang gawin bago sumayaw?
Magsagawa ng warm-up.
Magsuot ng maluwang na kasuotan.
Tumakbo ng 5 minuto bago sumayaw.
Kumain ng madami bago sumayaw para ‘di kaagad magutom.
Sa anong paraan mas mapapaganda at mas magiging kakaiba ang natapos mong likha
sa pagta-tie-dye?
Gagamitin ko ang itim na kulay.
Gagamitin ko ang mga mamahaling tela.
Bibili ako ng pinakamagandang tina na nababagay sa aking kultura.
Susundin ko ang tamang hakbang sa pagta-tie-dye at sisikapin kong maging mas
malikhain.
Ano ang wastong paraan upang pagyamanin ang iyong kakayahan sa likhang-sining?
Mangopya ng disenyo ng iba.
Mag-isip at gumuhit ng sariling disenyo.
Bumakat ng magagandang larawan sa aklat.
Humiram ng magagandang disenyo ng kapitbahay.
Alin ang HINDI pangunahing hakbang sa pagta-tie-dye?
Anong sining ang paglalagay ng kulay sa tela gamit ang mga makukulay na tina?
Tie Dyeing
Paglilimbag
Block Printing
Paper Mosaic
Ano ang dapat isa-isip o isa-alang-alang sa paglalala ng banig kung ang disenyo ay
ayon sa kombinasyon ng tingkad at pusyaw ng pangunahing gamit?
disenyo
estilo
kulay
pattern
Ano ang wastong pagkasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng banig na placemat?
i. Lalahin nang salitan ang buri, dahon ng niyog o papel na gagawing disenyo.
ii. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matitingkad (bright) at mapupusyaw (light) na mga
kulay bago mag- umpisa sa paglalala, at gumawa ng sariling disenyo sa paggawa ng placemat.
iii. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na pinaggawaan.
iv. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.
i, ii, iii, iv
ii, i, iv, iii
i, ii, iv, iii
ii, i, iii, iv
Alin sa mga larawan ang HINDI yari sa paraan ng paglalala?
Saan sa Pilipinas tanyag ang mga banig na may magagandang disenyo na yari sa
buri?
Iloilo
Tawi-Tawi
Basey, Samar
Isla ng Palawan
Anong pangunahing gamit ang dapat ihanda sa paglalala?
buri
panukat
pangkulay
pinakulong tubig
Ang iyong guro ay magpapagawa ng banig. Ano ang maaring paraan ang dapat gawin
sa paggawa ng banig?
paglalala
paglililok
pagkuskos
paglilimbag
Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi kung ano ang rhythmic at melodic ostinato?
ginagawa lamang ng isang beses ngunit maganda ang pagkakagawa
paulit-ulit na pattern na ginagamit bilang pansaliw sa awitin
tumutukoy sa himig o melody ng isang awitin o tugtugin
tumutukoy sa ritmo o rhythm ng isang awitin o tugtugin
Aling elemento ng musika ang tumutukoy sa kapal o nipis ng tunog ng isang awitin?.
daynamiks
melody
texture
tempo
Kung ang nota ay sa ikatlong linya ng staff, ang harmonic third interval nito ay nasa ______.
una at ikalawang linya
ikalawa at huling linya
una at ikatlong espasyo
ikalawa at ika-apat na linya
Ano ang kahalagahan ng paglalapat ng harmonic intervals sa isang awitin o tugtugin?
upang madagdagan ang nota
nagbibigay dekorasyon sa paningin
upang magmukhang maganda ang piyesa ng awit
higit na nagpapaganda at nagiging kaaya-aya sa pandinig
Karaniwan ang harmonic intervals ay iginuguhit na magkatapat MALIBAN sa _______.
fourth
octave
prime
second
Ano ang tawag sa pagitan ng dalawang tono?
interval
melody
pitch name
time signature
Anong himig ng 2-part vocal ang maaaring pagsabayin?
soprano at tenor
soprano at bajo
soprano at alto
tenor at bajo
Ang 2-Part Vocal na inaawit ng sabay ay binubuo ng tono na __________________.
apat
dalawa
lima
tatlo
Anong hayop ang may mabilis na kilos?
kuhol
kuneho
pagong
uod
Alin sa mga sumusunod na elemento ng musika ang tumutukoy sa bilis o bagal?
daynamiks
melody
tempo
texture
