NEW
Font size
WorksheetsESP 9 Q4
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
Kung ikaw ay naguguluhan sa mga pagpili ng kurso para sa nalalapit na
Senior High School, ano ang dapat mong gawin?
Makinig sa payo ng mga kaibigan
Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
Humingi ng tulong sa malalapit na kamag-anak at umasa sa kanilang desisyon
Ito ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos ng kaniyang pinili at ginusto nang may pananagutan?
Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan
Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
Kalinawan ng isip at masayang kalooban
Ang pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakasasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa.
Hilig
Talento
Pagpapahalaga
Kasanayan (skills)
Ano ang inaasahan sa lipunan na nilikha upang makipagkapwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag- ugnayan sa isa’t isa at makipagtulungan?
Makialam
Makiangkop
Makipagkasundo
Makisimpatya
Si Albert ay mula sa isang negosyanteng pamilya at siya ay nakapagtapos ng medisina. Siya ang buhay na saksi ng kasipagan at pagiging matulungin ng kaniyang mga magulang. Sa kaniyang propesyon, dala niya ito lalo na kapag may mga mahihirap siyang pasyente sa probinsya kapag nagdaraos sila ng medical mission. Anong pansariling salik ang naging gabay ni Albert sa pagpili ng kurso?
Hilig
Talento
Pagpapahalaga
Kasanayan (skills)
Alam ni Cecile na hindi niya kakayanin ang kursong medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya naghanap siya ng mga scholarship grant sa kanilang munisipyo at iba pang institusyon. Nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalaala upang maging gabay niya ito. Ano ang pansariling salik ang isinagawa ni Cecile?
Mithiin
Kasanayan
Pagpapahalaga
Hilig
Si Aiza ay magaling at mahusay sa Matematika. Namana niya ito sa kanyang mga magulang. Bago ang kanilang pagtatapos sa Junior High School, mayroon na siyang ideya kung ano ang kaniyang pipiliing kurso. Suportado din siya ng kaniyang mga magulang dahil bukas sila pagdating sa komunikasyon sa mga nais niyang kuning propesyon. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?
Hilig
Talento
Pagpapahalaga
Kasanayan (skills)
Hindi kayang tustusan ng mga magulang ni Darrel ang gusto niyang kursong Engineering at makapag-aral sa isa sa mga Unibersidad sa Baguio, kaya naisipan niyang kumuha ng kursong Tech-Voc sa TESDA. Anim na buwan lamang ang guguguling pagsasanay at pagkatapos ay may naghihintay ng trabaho sa ibang bansa. Anong pansariling salik ang isinaalang-alang ni Darrel sa pagpapasya na maghanap ng alternatibo bilang tugon sa lumalaking demand sa lipunan?
Katayuang Pinansiyal
Kasanayan
Pagpapahalaga
Talento
Bata pa lamang si Ted ang pagbabasa ng mga libro, pagguhit at pagsusulat ang pinakagustong gawain. Sumasali siya sa mga paligsahan sa paaralan at nananalo. Ito ang ginawa niyang batayan sa pagpili ng kurso na maging journalist. Alin sa mga sumusunod na pansariling salik ang naging daan upang makamit ni Ted ang tagumpay ng kaniyang piniling hanapbuhay?
Pagpapahalaga
Talento
Hilig
Kasanayan
Ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t iba ang talino at talento. Ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino at talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?
Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat
Pagtutuunan ng pansin at palalaguin
Pahalagahan at paunlarin
Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
Ano ang isang indikasyon na nagbago ang iyong talento o kakayahan?
Napansin ng mga guro o mentor ang iyong pag-unlad.
Nagbago ang iyong interes sa mga bagong aktibidad.
Nakakuha ka ng mga papuri o parangal sa iyong talento.
Nahihirapan ka nang gawin ang mga dating mahusay mong gawain.
Ano ang ginagawa mo upang palawakin ang iyong kaalaman sa mga akademikong asignatura?
Nakikinig ng aktibo sa mga klase at nagtatanong sa mga guro.
Nagbabasa ng mga aklat at artikulo na may kinalaman sa mga Pampalakasan (sports).
Sumasali sa mga grupo at nagtutulungan sa pag-aaral.
Nakikibahagi sa mga online forum o diskusyon tungkol sa mga asignatura.
Ano ang nag-udyok sa iyo na siyasatin ang mga bagong interes o hilig?
Inspirasyon mula sa mga taong malapit sa iyo.
May nakilala na ibang mga tao na magaling sa mga bagay na iyon.
Natuklasan ang mga bagong oportunidad o aktibidad.
May mga pagkakataon na magamit ang mga bagong angking kakayahan.
Mula elementarya ay magkakaibigan na sina Carlos, Andrei, Zyrus, Ace, at Lexter. Ngayong nasa High School na sila ay pinag-uusapan na nila na Computer Programming ang kukunin nilang kurso sa kolehiyo. Anong panlabas na salik ang nakaimpluwensiya sa kanila?
Impluwensiya ng Pamilya
Impluwensiya ng Barkada
Lokal na demand
Kakayahang pinansiyal
Ang paglaganap ng pandemya sa bansa ay isa sa mga suliranin na Kinakaharap nito ngayon. Kung kaya’t nagkakaroon ng job fair para sa mga doctor at nars dahil na rin sa kakulangan nito. Saang panlabas na salik kabilang ito?
Impluwensiya ng Pamilya
Impluwensiya ng Barkada
Lokal na demand
Kakayahang pinansiyal
Pangingisda ang ikinabubuhay ng pamilya nina Pauline. Isa siyang iskolar sa kanilang eskwelahan dahil na rin sa katalinuhang taglay niya. Nais niyang maging abogado, ngunit dahil na rin sa kahirapan ng kanilang pamumuhay ay hindi siya kayang pag-aralin ng kaniyang magulang sa nais niyang kurso. Anong panlabas na salik ang tinuturan sa sitwasyong ito?
Impluwensiya ng Pamilya
Impluwensiya ng Barkada
Lokal na demand
Kakayahang pinansiyal
Pamilya ng mga guro si Jiress. Kung kaya’t nais din niyang maging guro sa hinaharap. Alin panlabas na salik ang maaarin makaimpluwensya sa kanya?
Impluwensiya ng Pamilya
Impluwensiya ng Barkada
Lokal na demand
Kakayahang pinansiyal
sa sa hinahangaang guro ni Princess ay si Gng. Valencia at dahil hindi pa siya sigurado sa kukuning kurso sa kolehiyo ay sa kanya siya lumapit upang sumangguni sa kukunin niyang kurso. Alin sa mga panlabas na salik ang naka impluwensiya kay Princess?
Impluwensiya ng Pamilya
Impluwensiya ng Barkada
Lokal na demand
Gabay ng guro o Guidance Advocate
Ano ang pinakamabisang paraan upang mapalawak ang kaalaman at kasanayan sa isang hanapbuhay?
Pagsali sa mga seminar at pagsasana
Pagbasa ng mga akademikong pagsasaliksik
Pag-uusap at pagtutulungan sa iba pang propesyonal
Pagkuha ng mataas na antas ng edukasyon.
Ito ang pinakamahalagang katangian ng isang indibidwal upang maging produktibo sa kanilang hanapbuhay?
Determinasyon at matatag na paninindigan,
Kakayahang magtrabaho ng mag-isa
Mahusay na mga kasanayan sa komunikasyon
Malawak na kaalaman sa teknolohiya.
Ang pinakamabisang paraan upang mapalago ang ekonomiya ng bansa?
Pagsulong ng sektor ng agrikultura at pag-invest sa modernisasyon ng pagsasaka
Pagpapalakas ng industriya at pagtatag ng mga malalaking pabrika
Pagpapalawak ng sektor ng serbisyo at pagpapabuti ng imprastruktura
Pagsuporta sa mga maliliit at medium na negosyo at pagpapalakas ng lokal na ekonomiya
Ano ang ibang tawag sa salitang calling?
Bokasyon
Misyon
Tamang direksiyon
Propesyon
Ito ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.
Bokasyon
Misyon
Tamang direksiyon
Propesyon
Ito ay ang paggawa ng tao upang siya ay mabuhay
Bokasyon
Misyon
Tamang direksiyon
Propesyon
Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagbabago.
Tamang pagpapasya
Tamang sagisag
Tamang pangarap
Tamang pagpapakita
Ayon kay Fr. Jerry Orbos ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapwa. Ano ang maibibigay nito sa tao sa oras na maisagawa ang kaniyang misyon?
kapayapaan
kaligtasan
kaligayahan
kabutihan
Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao?
Upang siya ay hindi maligaw
Upang mayroon siyang gabay
Upang matanaw niya ang hinaharap
Upang magkaroon siya ng kasiyahan
Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na misyon sa buhay maliban sa:
pasuri sa ugali at katangian
pagtukoy sa mga pinahahalagahan
pagsukat ng mga kakayahan
pag-iipon ng mga impormasyon
Anong aspeto ang dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng pasya?
sarili, simbahan, at lipunan
paaralan, kapwa, at simbahan
kapwa, lipunan, at paaralan
sarili, kapwa, at lipunan
Sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kinakailangan na ito ay gamitan mo ng SMARTA. Ano ang kahulugan nito?
Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound, Action Oriented
Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound, Action Oriented
Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound, Action Oriented
Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound, Action Oriented
Bakit kailangan ng tao ng gabay sa tuwing magpapasya?
Para maiwasan ang pagkakamali
Para mapadali ang pagdedesisyon
Para hindi na kailangan mag-isip sa paggawa ng desisyon
Wala sa mga nabanggit
Ayon sa kaniya ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan nito ang kaniyang responsibilidad sa sarili, kapwa at sa Diyos.
Pope Francis
Pope John Paul II
Pope Benedict
Pope John Paul I
Ginagamit ito ng husto at ayon sa pangangailangan ng gawain.
Pagkakaisa
Batas
Oras at Panahon
Ordinansa
Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:
Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon.
Nagpapasya tayo ayon sa hawak nating impormasyon.
Maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon.
Ang mass media ay pinaglalagakan lamang ng impormasyon.
Ang sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil maliban sa:
Kawalan ng pangmatagalang liderato.
Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan.
Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib.
Panghihimasok ng estado.
Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa, pag-unlad ng agham at teknolohiya?
Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kanyang pagkalamikhain.
Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
Nababago ang kahulugan ng tunay na paggawa.
Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultura ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
Si Antonino na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at ito’y nilalapatan ng modernong disenyo.
Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.
Si Romeo na nag-i-export ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa.
Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.
Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?
Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago.
Makikilalang higit ang sarili.
Meron itong kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
May pagkakataong makabuo ng suporta at relasyon sa iba.
Ito ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagbabago.
Tamang pagpapasya
Tamang pangarap
Tamang sagisag
Tamang pagpapakita
Ano ang personal na pahayag ng misyon sa buhay at bakit ito mahalaga?
Ito ay isang gabay na nagbibigay-daan sa mga layunin at pag-uugali sa buhay ng tao.
Isang dokumento ito na nagpapakilala sa atin sa iba.
Maihahalintulad ito sa personal na wishlist.
Bahagi ito ng mga academic requirements.
Paano nakatutulong ang personal na pahayag ng misyon sa pagtukoy ng mga prayoridad sa buhay?
Nagbibigay ito ng mga pangarap na dapat matupad.
Nagkakaroon ng oras para sa pamilya at mga mahal sa buhay.
Ito ay nagbibigay ng direksyon sa pagpili ng trabaho o karera.
Nagiging panuntunan ito sa mga fashion choices.
Ano ang papel ng personal na pahayag ng misyon sa pagtugon sa mga hamon at pagsubok na dumarating sa buhay ng tao?
Ito ay nagbibigay ng mga mabubuting salita upang malunasan ang mga problema.
Nagiging pag-asa at inspirasyon sa panahon ng kawalan ng direksyon.
May libreng konsultasyon para sa mga personal na problema.
Gabay ito sa pagpapalawak ng kaalaman.
Sa paanong paraan nakatutulong ang personal na pahayag ng misyon sa pagpapaunlad ng sarili?
nagbibigay ng mga tips sa pagpapayaman ng pera.
May mga hakbang para sa pisikal na kalusugan itong naibibigay.
Ito ay nagbibiga ng mga obserbasyon sa karanasan ng ibang tao.
Nagkakaron ng pagkakataon na suriin at malaman ang sariling mga halaga at prinsipyo.
Ano ang naidudulot ng personal na pahayag ng misyon sa pagtupad ng mga pangarap at layunin?
Nagsisilbing gabay sa paghahanda para sa mga pagsusulit.
Nakapagdudulot ng tiyak na sukat para sa mga tagumpay.
Ito ay nagbibigay ng direksyon sa pagpili ng mga kaibigan.
Ito ay nakapagbibigay ng kahulugan at motibasyon sa bawat hakbang patungo sa mga pangarap at layunin.
Ano ang epekto ng personal na pahayag ng misyon sa pagpapahalaga sa ibang tao at pakikisama sa lipunan?
May pagkakataon na makapanloko ng ibang tao.
Ito ay nagbibigay ng mga tips sa pagkakaroon ng maraming kaibigan.
Nagkakaroon ng pag-unawa sa mga karanasan ng iba.
Nakapagbibigay ng mga rekomendasyon sa mga isyung pulitikal.
Kelan masasabing nakapagbibigay ng kasiyahan at kahulugan sa buhay ang personal na misyon sa buhay?
Sa sandaling nagkaroon na ng mga tips sa paghahanap ng mga kasosyo sa buhay.
Kapag naisakatuparan ang mga hakbang para sa spiritual na pag-unlad.
Kung ito ay nagbibigay ng mga ideya para sa mga libangan at paglilibang.
Kapag ang layunin at pananaw ay kabutihang panlahat ang umiral na siyang daan sa pagtunton sa kaganapan ng pagkatao
Ano ang mga hakbang na maaaring gawin upang makabuo ng personal na pahayag ng misyon?
Pagsasaliksik sa mga magagandang sinabi ng ibang tao.
Pag-uusap at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang tao.
Pagsasaalang-alang sa sariling mga interes at talento.
Pagsusulat ng mga personal na adhikain at pangarap sa buhay.
Paano natin nalalaman na ang sariling mga karanasan at tagumpay ay makatutulong sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon?
Nagbibigay ng mga pagkakataon para sa pagpapahalaga ng mga taong nakapaligid sa atin.
Pagkilala sa mga kahinaan at pagpapaunlad ng sarili.
Pagtuklas ng mga oportunidad para sa financial stability.
Nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa mga kaibigan.
Ano ang papel ng pagtugon sa mga pangangailangan ng lipunan sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon?
Pagbibigay ng mga kahalagahan sa mga nagmamalasakit sa kapaligiran.
Pagtukoy ng mga oportunidad para sa social engagement.
Pag-unawa sa mga isyung pangkalahatan at pagtulong sa paglutas nito.
Pagkakaroon ng mas maraming pagkakataon para sa panlipunang pagkilos.
Paano ang pagpapahalaga sa personal na pag-unlad at kasiyahan ay nakakatulong sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon?
Nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa spiritual na pag-unlad.
Pagkilala sa mga tagumpay at pagkakaroon ng positibong pananaw.
Pagtukoy ng mga pagkakataon para sa personal na pagpapayaman.
Nagbibigay ng mga hakbang para sa pisikal na kalusugan.
Ang pagsusuring pansarili ay binubuo ng pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili.
TAMA
MALI
Ang pagsusuring pansarili ang huling hakbang sa pagpaplano sa iyong kukuning kurso.
TAMA
MALI
Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili ng track o kurso.
TAMA
MALI
Nahuhubog lamang ng tao ang kaniyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang sarili.
TAMA
MALI
Mahalagang maibalik mo sa Diyos ang kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap kung ano ang meron ka bilang tao.
TAMA
MALI
Magkakaroon ka ng pagbabago sapagkat ang lahat ng iyong gagawin o iisipin ay nakabatay sa misyon mo sa buhay.
TAMA
MALI
Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao.
TAMA
MALI
Ayon kay Stephen Covey, upang makabuo ng mabuting personal na misyon sa buhay, mabuti na ito ay magsimula na alamin ng tao ang sentro ng kaniyang buhay.
TAMA
MALI
Ang misyon sa buhay ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa kinabukasan.
TAMA
MALI
Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka.
TAMA
MALI
