Font size
WorksheetsGr 3-3rd Term AP Reviewer 3
Total questions: 91
Worksheet time: 47mins
Ang Pilipinas ay binubuo ng _______ lalawigan.
81
79
17
52
Ang ________ ay nagsasaad ng mga patakaran at batayang dapat isagawa ng Estado sa pamahalaang lokal upang makapagsarili ito.
Saligang Batas 1987
Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991
Kautusan ng Pangulo
Batas Republika Bilang 7160
Pangunahing yunit ng lokal na pamahalaan sa Pilipinas ang ______.
Lalawigan
Barangay
Bansa
Rehiyon
___________ ang tawag sa namumuno sa mga lalawigan.
Alkalde
Pinuno
Gobernador
Senador
Ang namumuno sa lungsod o munisipalidad ay ang _________.
Alkalde
Barangay Captain
Gobernador
Senador
Ang katuwang ng Punong Barangay sa pamumuno ng isang barangay ay tinatawag na __________.
Kagawad
Lupon
Lider
Kapitan
Sa pamamagitan ng ________, nakapupundar ng pondo ang isang barangay.
Pagtitinda
Buwis
Liga
Pagtatrabaho
Ang Pilipinas ay binubuo ng _______ rehiyon.
81
79
17
52
Ang _______ ang nagbigay ng kapangyarihan at responsibilidad sa pamahalaang lokal.
Saligang Batas 1987
Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991
Kautusan ng Pangulo
Batas Republika Bilang 7160
Ang ______ ay binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga barangay.
Munisipalidad
Lungsod
Rehiyon
Bansa
Ang isang munisipalidad ay nagiging ________ kung natutugunan nito ang dalawa sa tatlong pangangailangan. Una, kinakailangan may taunang kita ng Php 100 milyon para sa huling dalawang magkasunod na taon. Pangalawa, may teritoryo na hindi bababa sa 100 kilometro kwadrado o may populasyon na hindi bababa sa 150 000 naninirahan sa lugar.
Barangay
Munisipalidad
Lungsod o city
Bansa
Ang estado ng mga lungsod at munisipalidad sy halos iisa lamang sa ilalim ng Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991 (Local Government Code of 1991), pero binibigyan ng espesyal na pagturing at nilalaanan ng pondo na kung tawagin ay ________ ang mga lungsod.
Internal Revenue Allotment (IRA)
Internal Renewal Allotment (IRA)
Intern Revenue Allotments (IRA)
Internal Revenues Allotment (IRA)
Ang salitang “barangay” ay kilala rin bilang __________ bilang pantukoy sa pangkat ng mga tao na may pinakamaliit na samahang pampulitika.
Balanghay
Balangay
Barangka
Baranghay
Sa bisa ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal ng 1991, nabuo ang LIGA NG MGA BARANGAY na binubuo ng halos _____ barangay sa buong bansa.
40 libong barangay
41 libong barangay
42 libong barangay
43 libong barangay
Ang _____ ay ang halagang ibinabayad ng mamamayan sa pamahalaan, maaaring nagmula ito sa kita, halaga na ari-arian, at sa mga bagay ng itinakda ng pamahalaan.
Buwis
Scholarship
Kawani
Pamahalaan
Ang _____ ang pinakamaliit na yunit pampulitiko sa Pilipinas.
Barangay
Munisipalidad
Lungsod
Rehiyon
Ang buwis sa paninirahan o ___________ ay isang uri din ng buwis kung saan ang lahat ng mamamayan na may gulang 18 taon pataas ay kumukuha nito.
Withholding tax
Amusement tax
Community Tax Certificate
Value-added Tax (VAT)
Ito ay buwis sa mga opisyal na dokumento gaya ng pagbebenta o paglilipat ng mga ari-arian at mga kasunduan sa pautang.
Capital Gains Tax
Donor’s Tax
Documentary Stamps Tax
Net Estate Tax
Ang barangay ay pinamumunuan ng ____________ kasama ang Sangguniang Barangay o kagawad at Sangguniang Kabataan.
Punong Barangay o Barangay Captain
Lupon
Lider
Alkalde
_________ ang tawag naman sa buwis na ibinabayad ng mamamayan sa tuwing siya ay kumakain sa mga fast food chain at iba pang serbisyo.
Withholding tax
Amusement tax
Community Tax Certificate
Value-added Tax (VAT)
Ang _______ ay isang programa ng Kagawaran ng Edukasyon bilang alternatibo sa mga regular na pag-aaral sa silid-aralan kung saan ang PIlipinong mag-aaral ay maaaring pumili ng mga iskedyul ayon sa kanilang kagustuhan at availability. Ito ay para sa mga dropouts sa elementarya at sekundaryong mga paaralan, out-of-school youth, nagtatrabaho, at kahit matatanda na nagnanais mag-aral.
Alternative Learning Systems (ALS)
Alternative Learning System (ALS)
Alternatives Learning System (ALS)
Alternative Learnings System (ALS)
Binuhay noong administrasyon ni ____________ ang salitang “barangay”upang itaguri sa mga pook na dating tinatawag na “baryo”.
Pangulong Rodrigo Duterte
Pangulong Fidel V. Ramos
Pangulong Gloria M. Arroyo
Pangulong Ferdinand E. Marcos
Ito ay buwis mula sa mga manggagawang kumikita mula sa mga opisina o pabrika.
Withholding tax
Amusement tax
Community Tax Certificate
Value-added Tax (VAT)
Ito ay isang kusang-loob na nag-aalok ng kanyang sarili para sa isang serbisyo o gawain ng walang hinihintay na kapalit.
Bolunterismo
Barangay
Lipunan
Buwis
Binuhay noong administrasyon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang salitang “barangay”upang itaguri sa mga pook na dating tinatawag na __________.
Banghay
Baryo
Balsa
Barangka
Ito ang buwis na ipinapataw sa iba’t ibang uri ng paglibang.
Withholding tax
Amusement tax
Community Tax Certificate
Value-added Tax (VAT)
Ang kauna-unahang Bikolanang naihalal na Bise-Presidente para sa taong 2016 hanggang 2022 at ang ika-15 na pangalawang pangulo ng Pilipinas. Siya ang kabiyak ng yumaong Sec. Jesse M. Robredo.
Maria Leonora Gerona Robredo “Leni”
Maria Leonor Gerona Robredo “Leni”
Marie Leonor Gerona Robredo “Leni”
Maria Leonor Geron Robredo “Leni”
Ang _____________,_______________,______________ ang bumubuo sa lokal na pamahalaan ng Pilipinas.
Lalawigan, lungsod o munisipal, at barangay
Lalawigan, rehiyon, at barangay
Lalawigan, barangay, at bansa
Lalawigan, lungsod o munisipal, at rehiyon
Upang maitaguyod ang programang pangkalusugan lalo na sa malalayong lugar, itinadhana ng _____________________ ang pagpapatayo ng mahigit sampung libong Botika ng Barangay (BnB). Dahil dito, maaaring makabili ng epektibo, ligtas at nasa abot-kayang halaga ng mga gamot ng karaniwang inirereseta sa pangkaraniwang sakit.
Administrative Order No. 147 series of 2007
Administrative Order No. 146 series of 2006
Administrative Order No. 145 series of 2005
Administrative Order No. 144 series of 2004
Barangay ang pinagtuunan ni Marcos sa pagbubuo ng maliit na pamayanan tungo sa bisyon niyang tinawag na __________.
Bagong Barangay
Bagong Lipunan
Bagong Lungsod
Bagong Bansa
Ang _____ at ______ ay ilan pa sa mga programang pangkalusugan na inilunsad ng Department of Health (DOH).
Alis Disease at Libreng Patak
Alis Galis at Libreng Patak
Alis Patak at Libreng Disease
Alis Rabies at Libreng Patak
Noong 2005, inilunsad ang programang ____________ na naglalayong ipakilala ang mga kalakal at produktong Pilipino mula sa bayan, lungsod or rehiyon.
One Town, One Product (OTOP)
One Town, One Process (OTOP)
One Town, One Procedure (OTOP)
One Town, One Place (OTOP)
Ang bawat rehiyon ay binubuo ng mga ______ na may sariling pamunuan.
Barangay
Lungsod
Munisipalidad
Lalawigan
Noong 2010 inilunsad ang programang ____________ na naglalayong ipakilala ang mga kalakal at produktong Pilipino mula sa barangay.
One Barangay, One Place (OBOP)
One Barangay, One Product (OBOP)
One Barangay, One Process (OBOP)
One Barangay, One Procedure (OBOP)
Noong taong 2000, natanggap ni dating ____________ang prestihiyosong Ramon Magsaysay Award. Siya ang kauna-unahang Pilipinong Alkalde na nakatanggap ng parangal para sa Government Service dahil sa pag[a[akita ng isang magandang halimbawa at ehemplo ng integridad sa pamahalaan at magiting na serbisyo publiko.
DILG Sec. Jesse M. Robredo
DILG Benhur Abalos Jr.
DILG Eduardo Año
DILG Ismael Sueno
Ito ay isang uri ng buwis sa pagbebenta ng lote at bahay.
Capital Gains Tax
Donor’s Tax
Documentary Stamps Tax
Net Estate Tax
Ito ang pinansyal na tulong para sa mag-aaral na nagnanais na makatapos ngunit walang kakayahan base sa kanila estadong pinansiyal.
Buwis
Scholarship
Kawani
Pamahalaan
Ang buwis sa paglipat ng mga ari-arian ng isang namatay na sa kanyang tagapagmana ay tinatawag na _____________.
Capital Gains Tax
Donor’s Tax
Documentary Stamps Tax
Net Estate Tax
Mga empleyado; tauhan; naglilingkod sa isang tungkulin
Buwis
Scholarship
Kawani
Pamahalaan
Ito ay isang uri ng buwis sa donasyon.
Capital Gains Tax
Donor’s Tax
Documentary Stamps Tax
Net Estate Tax
Ang salitang tahanan ay nagmula sa salitang ________ na ang ibig sabihin ay pagtigil sa pag-iyak.
Tahan
Tahak
Tahanang
Tahakang
Ito ay ating pangalawang tahanan.
Tahanan
Simbahan
Paaralan
Bansa
Ang _____ ay ang lipunan kung saan tayo ay nabibilang.
Pamayanan
Simbahan
Paaralan
Bansa
Isang halimbawa ng programang Pambarangay kung saan ang paglilinis ng iyong bakuran ay isang hakbang upang maging malinis at kaaya-aya ang ating paligid.
Tapat ko, kalat ko
Linis ko, Likod ko
Tapat ko, Linis Ko
Kalat ko, Tapon ko
Itinuturo nito na ang pagtutulungan ay mabisang sangkap sa mabilis na pag-unlad.
Pamayanan
Simbahan
Kapaligiran
Bansa
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Malaki ang inilalagi natin dito upang tayo ay makapag-aral.
Sarili
Tahanan
Paaralan
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Dito nahasa ang ating mga talento’t kakayahan sa tulong ng ating mga guro’t kamag-aral.
Sarili
Tahanan
Paaralan
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Tungkulin ng mga mag-aaral ang igalang ang mga guro at iba pang nangangasiwa ng paaralan, ang pagpasok sa tamang oras, paggawa ng takdang aralin, pag-iwas na lumiban sa klase, pakikinig at pakikilahok sa klase, pang-iingat at pagbabasa ng aklat, at ang pagsusuot ng itinakdang uniporme para sa atin.
Sarili
Tahanan
Paaralan
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Ang paliligo araw-araw, pagsisipilyo ng ating ngipin matapos kumain, at ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay ilan lamang sa mga halimbawa na maaari nating gawin upang manatili tayong malusog, malakas, at makagawa ng kabutihan sa kapwa.
Sarili
Tahanan
Paaralan
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Ang mga maling gawain ay dapat ding iwasan para mapangalagaan ang sarili gaya ng kawalan ng disiplina sa sarili, pagpupuyat at pagkakaroon ng bisyo.
Sarili
Tahanan
Paaralan
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Ang pagmamahal natin sa ating sarili ay kinakailangan upang lalong maalagaan natin ang ating sarili at maibahagi natin ang ating katauhan at kakayahan para sa ating kapwa at sa bansa.
Sarili
Tahanan
Paaralan
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Tungkulin natin ang makiisa sa mga programa ng ating barangay.
Sarili
Tahanan
Paaralan
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Ang paggalang sa mga namumuno sa ating barangay, pagsunod sa mga batas, at ordinansa ng ating barangay ay ilan sa mga mahalagang tungkulin ng bawat mamamayan.
Sarili
Tahanan
Paaralan
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
May kasabihang ang tao ay hindi pulo o “no man is an island” sapagkat siya ay laging bahagi ng pamayanan, kahalubilo, at kabilang ng lipunan simula sa pagkasilang.
Sarili
Tahanan
Paaralan
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Ang ibang ________ na may nabubuong samahan ay nagkakaloob ng mga libreng pag-aaral o scholarship.
Simbahan
Kapaligiran
Bansa
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Tungkulin nating mga mamamayan ang makipagtulungan sa mga gawain ng _____ na naglalayong makatulong sa ating kapwa o pag-aalay sa sarili ng dunong, salapi para sa ikabubuti ng kawa at ng lipunan.
Simbahan
Kapaligiran
Bansa
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Tungkulin ng bawat mamamayan ang pangangalagaan ang kapaligiran na ating ginagalawan, gaya ng pag-aalaga natin sa ating sarili.
Simbahan
Kapaligiran
Bansa
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Ang malinis na kapaligiran ay sadyang kaaya-aya sa pakiramdam, kaya tungkulin natin ang pagpapanatili ng kalinisan nito.
Simbahan
Kapaligiran
Bansa
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Maraming paraan ang maaari nating gawin upang mapangalagaan ito, gaya ng pagtatanim.
Simbahan
Kapaligiran
Bansa
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Tungkulin ng bawat pinuno at mamamayan ang maging tapat sa bansa.
Simbahan
Kapaligiran
Bansa
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Ang paggalang sa mga pambansang sagisag ay isa rin sa mga tungkulin ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtayo nang tuwid sa tuwing itinataas ang watawat ng PIlipinas at inaawit ang “Lupang Hinirang”.
Simbahan
Kapaligiran
Bansa
Pamayanan
Piliin ang TUNGKULIN NG MAMAMAYAN
Ang pagtupad sa mga tungkulin ay magbubunga ng kaayusan at kaunlaran ng bansa.
Simbahan
Kapaligiran
Bansa
Pamayanan
Gumagawa ng mga ______________________ ang isang barangay para sa patuloy na pagkakaroon ng payapang pamayanan.
ordinansa
aklatan
Health Center
Kabuhayan
Proyekto ng pamahalaan ang pagpapatayo ng ______________________ para sa mga nagnanais mapalawak ang kaalaman.
ordinansa
aklatan
Health Center
Kabuhayan
Ang ____________________ sa bawat barangay ay tumutugon sa mga simpleng sakit ng mga residente.
ordinansa
aklatan
Health Center
Kabuhayan
Ang mga mamamayan ay may karapatang pumili ng ______________________ na naaayon sa kanyang kakayahan.
ordinansa
aklatan
Health Center
Kabuhayan
Ang ______________________ ay ang halagang ibinabayad ng mamamayan sa pamahalaan.
buwis
edukasyon
magtrabaho
VAT
Sa pamamagitan ng ______________________ , naihahanda tayo ng pamahalaan na makatulong sa pag-unlad ng ating bansa.
buwis
edukasyon
magtrabaho
VAT
Upang makaiwas sa panganib, ang mga kabataang may 18 taong gulang pababa ay hindi pinahihintulutan na ________________.
buwis
edukasyon
magtrabaho
VAT
______________________ ang tawag sa buwis na ibinabayad ng mamamayan sa tuwing siya ay kumakain sa mga fast food chain at iba pang serbisyo.
buwis
edukasyon
magtrabaho
VAT
Ang ______________________ at ______________________ ng mga mamamayan ay tungkulin ng pamahalaan.
buwis
pangangalaga
kaligtasan
VAT
Ang mga basurero at tagawalis ng kalye ang nagpapanatiling malinis sa ating kapaligiran upang makaiwas tayo sa anumang sakit.
Pangkalusugan
Pangkapayapaan
Pang-edukasyon
Ang pamahalaan ay nagpapatayo ng mga pampublikong paaralan, lalo na sa mga liblib na lugar.
Pang-edukasyon
Pangkabuhayan
Pantransportasyon
Ang kaalamang bokayon sa murang halaga o libre ay isang programa ng lokal na pamahalaan.
Pangkapayapaan
Pangkabuhayan
Pantransportasyon
May mga natatanging paaralan para sa mga may kapansanan.
Pabahay
Pangkalusugan
Pang-edukasyon
Ang pamahalaan ay may programa sa mga pagtuturo ng skills training.
Pangkapayapaan
Pangkabuhayan
Pangkalusugan
Karapatan ng bawat mamamayan ang mamuhay nang maayos at payapa sa isang komunidad.
Pangkalusugan
Pangkapayapaan
Pang-edukasyon
Ang pagkakaroon ng Botika sa Barangay ay pagkakataong makabili ng gamot sa abot-kayang halaga.
Pantransportasyon
Pangkalusugan
Pabahay
Ang mga kawani ng ating barangay ay gumagawa ng mga ordinansa o kautusang pambarangay.
Pangkapayapaan
Pangkabuhayan
Pantransportasyon
Ang pangangalaga at kaligtasan ng mga mamamayan ay tungkulin ng pamahalaan.
Pangkalusugan
Pangkapayapaan
Pangkabuhayan
Ang “Libreng Patak” ay isang programang inilunsad ng pamahalaan.
Pangkapayapaan
Pangkabuhayan
Pangkalusugan
Kabahagi at nasasakupan ng Pamahalaang Panlalawigan.
Chartered City
Component City
Lungsod ng Tarlac sa lalawigan ng Tarlac, Lungsod ng Palayan sa lalawigan ng Nueva Ecija, at Lungsod ng Dasmariñas sa lalawigan ng Cavite ang ilan sa mga halimbawa nito.
Chartered City
Component City
Tinatawag ding Highly Urbanized City.
Chartered City
Component City
May sariling kinatawan sa Kongreso.
Chartered City
Component City
Hindi napapasailalim sa Pambansang Panlalawigan.
Chartered City
Component City
Tagaytay City, Valenzuela City, Maynila, Quezon City, Bacolod City, at Baguio City ang ilan sa mga halimbawa nito
Chartered City
Component City
Magbigay ng tatlong (3) rehiyon na walang itinakdang bilang.
National Capital Region (NCR)
Cordillera Administrative Region (CAR)
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
Region II
Ito ang mga bumubuo sa lokal na pamahalaan ng Pilipinas
Lalawigan
Lungsod o munisipalidad
Barangay
Bahay
Dalawang (2) uri ng lungsod sa ating bansa.
Chartered City
Component City
Manila City
Makati City
Halimbawa ng maliit na negosyo
Sari-sari Store
Food cart
handicrafts
mall
