wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 7 Exam Q4

Total questions: 48

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Piliin sa mga sumusunod ang pinakamababang uri ng pagpapahalaga.

a)

Pandamdam

b)

Pambuhay

c)

Ispiritwal

d)

Banal

2.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng banal na pagpapahalaga?

a)

pagbili ng luho

b)

pagtulong sa kapwa

c)

pagdarasal

d)

pagkain ng masusustansyang pagkain

3.

Si Andrea ay walang ginawa kundi ang mag-aral nang mag-aral. Sa panahon na labis na ang kanyang pagod ninais niyang magbakasyon upang makapagpahinga. Nasa anong antas ang halaga si Andrea?  

a)

Pambuhay

b)

Pandamdam

c)

Ispiritwal

d)

Banal

4.

Si Peter ay labis-labis ang kayamanan ngunit ganoon pa man pinili niyang tulungan ang mga batang nasa lansangan at siya ay nagbibigay ng donasyon sa mga charity. Nasa anong antas ang halaga ni Peter?     

a)

Pambuhay

b)

Pandamdam

c)

Ispiritwal 

d)

Banal

5.

Si Darwin ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Dahil sa ganitong kalagayan labis ang suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga magulang na may kakayahan sa buhay. Kung kaya’t hindi na sya naghanap ng trabaho. Wala siyang ginagawa kundi ang gumala kasama ang kanyang mga kaibigan, uminom at magsugal. Nasa anong antas ang halaga ni Darwin?       

a)

Pambuhay

b)

Pandamdam

c)

Ispiritwal

d)

Banal

6.

Tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami.

a)

Pandamdam

b)

Pambuhay

c)

Banal

d)

Ispiritwal

7.

Tinatawag na "ordo amoris" o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga dahil:      

a)

Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at hindi kailanman ang isip.

b)

Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kaniyang sariling katwiran na maaaring hindi mauunawaan ng isip.

c)

Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na makabuluhan samantalang ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian. 

d)

Lahat ng nabanggit.

8.

Sa ika-labing-anim na kaarawan ni Erika, pinapili siya ng regalo ng kaniyang mga magulang, ang kumain sa restaurant kasama ang mga kaibigan niya o ang magkaroon ng bagong sapatos. Pinili ni Erika ang bagong sapatos dahil magagamit niya ito ng matagal kaysa sa panandaliang kasiyahan lamang. Ano ang naisip ni Erika?    

a)

Mas mahalaga kapag mas tumatagal

b)

Mas mahalaga kapag bago

c)

Mas mahalaga galing sa magulang

d)

Mas mahalaga kapag hindi pagkain

9.

Ito ay pinakatunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating sa hinaharap.

a)

Pangarap

b)

Panaginip

c)

Mithiin

d)

Pantasya

10.

Mahalaga kay Marie ang pagsunod sa magulang dahil magiging matatag ang ugnayan niya sa kaniyang pamilya. Mahalaga rin sa kaniya ang paglalaro dahil nagdudulot ito ng kasiyahan at pakikipagkaibigan. Bakit pinapahalagahan ni Marie ang mga ito?   

a)

Dahil ang mga ito ay nagdudulot ng mabuti

b)

Dahil ang mga ito ay nakikita sa lahat ng kabataan

c)

Dahil ang mga ito ay namamana mula sa mga magulang  

d)

Dahil ang mga ito ay kaugalian

11.

Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng mataas na antas? 

a)

Habang dumarami ang nagtataglay nito tumataas ang halaga.     

b)

Mataas ang antas ng halaga kung hindi nababago ng Panahon.  

c)

Mataas ang antas depende sa taong nagtataglay nito.     

d)

Wala sa nabanggit

12.

Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.     

a)

Pambuhay   

b)

Pandamdam

c)

Ispiritwal

d)

Banal

13.

Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ito ang naggaganyak sa iyo na kumilos at gumawa.

a)

Hilig

b)

Pagpapahalaga

c)

Kakayahan

d)

Mithiin

14.

Ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan.

a)

Pambuhay

b)

Pandamdam

c)

Banal

d)

Ispiritwal

15.

Ang salapi ay halimabawa ng anong antas?

a)

Pambuhay

b)

Pandamdam

c)

Banal

d)

Ispiritwal

16.

Ito ay ang pagpapahalaga sa kaayusan at mabuting kalagayan ng tao.

a)

Pandamdam

b)

Pambuhay

c)

Banal

d)

Ispiritwal

17.

Ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao.

a)

Pandamdam

b)

Pambuhay

c)

Banal

d)

Ispiritwal

18.

Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Henry, pinili niyang ilaan ang kaniyang panahon para sa pagtulong sa mga batang lansangan. Ipinagkatiwala niya ang kaniyang negosyo sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kaniyang yaman sa mga batang kaniyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapuwa na walang hinihintay na ano mang kapalit. Nasa anong antas ang halaga ni Henry? 

a)

Pambuhay

b)

Pandamdam

c)

Ispiritwal

d)

Banal

19.

Ang pera ay nakapagbibigay ng saya sa tao ngunit maraming tao na maraming pera ang naghahanap pa rin ng ibang bagay na mas  makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na makapagpapasaya. Ang halimbawang ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng halaga?

a)

Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito

b)

Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga halaga.

c)

Mas malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito

d)

Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito

20.

Paano ka magkakaroon ng epektibong pangprosesong pangpangarap?

a)

Lahat ng kilos natin ay dapat dumadaan sa isang mahabang proseso

b)

Lahat ng kilos natin ay dapat ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasya.    

c)

Lahat ng ating kilos ay dapat naibabatay sa ating kilos-loob.

d)

Kailangang pag-isipang mabuti ang lahat ng ating gagawing kilos.

21.

Sa pagtatakda ng mithiin, alin sa mga sumusunod ang maaaring gawing batayan?

a)

Specific, Manageable, Attainable, Relevant, Time-bound, Action oriented  

b)

Specific, Manageable, Attainable, Refreshing, Time-bound, Action oriented

c)

Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound, Action oriented

d)

Specific, Measurable, Attainable, Refresh, Time-bound, Action oriented

22.

Ano ang maari mong mahinuha sa sumusunod na linya: ”bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip”

a)

Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasya ang Panahon. 

b)

Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasya.

c)

Mahirap Talaga ang pagpapasya

d)

Ang balangkas ng proseso ng pagpapasya ay nakabatay sa panahon

23.

Kung mananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ding pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasya, kailangang

a)

Pag-aralan muli ang iyong pasya na may kalakip na panalangin at ibayong pagsusuri.     

b)

Huwag mag-agam agam dahil hindi ka makakikilos hangga’t hindi ka nakapipili

c)

Gawin na lamang kung ano ang magpapasaya sa iyo        

d)

Gawin na lamang ang magpapasaya sa mas nakararami

24.

Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtakda ng mithiin?       

a)

Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan.  

b)

Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan

c)

Ipagpasa-Diyos ang mga itinakdang mithiin 

d)

Isulat ang takdang panahon sa pagtupad ng mithiin.

25.

Alin sa pagpipilian ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?

a)

Makapasa sa Licensure Exams for Teacher    

b)

Maging guro sa EsP   

c)

Makatapos ng pag-aaral.  

d)

Maging iskolar ng bayan

26.

Pangarap ni Demar ang  maging isang licensed engineer. Nakapasa siya sa entrance exam sa unibersidad na gusto niya. Ngunit kinausap ka niya dahil may agam-agam siya sa kanyang mga plano. Ano ang maaari mong ipayo kay Demar upang magkaroon siya ng positibong pagpapaysa?

a)

Sabihin sa kaniya na sundin niya ang kursong nais din ng kaniyang kaibigan.

b)

Sabihin sa kaniyang pag-aralang muli ang kaniyang pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.

c)

Sabihin sa kaniya na kumuha ulit ng panibagong pagsusulit sa ibang kurso.

d)

Sabihin sa kaniya na kausapin ang guidance counselor na siya na ang magpasiya.

27.

Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin, ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Hellen Keller?

a)

Mahirap maging isang bulag

b)

Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin. 

c)

Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa Buhay.

d)

Hindi mabuti ang walang pangarap    

28.

Habang kayo ay kumukuha ng pagsusulit sa asignaturang EsP, bumulong sa iyo ang iyong kaklase at humingi ng pabor na pakopyahin siya ng mga sagot mo. Anong mabuting pagpapasya ang gagawin mo?  

a)

Pagbibigyan mong makita ang iyong mga sagot.

b)

Magpapanggap kang hindi mo siya narinig

c)

Hihingi ka ng pasensya at tatangihan mo siya.

d)

Sasabihin ang mga maling sagot sa kanya upang bumagsak siya

29.

Ayusin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagbuo ng mabuting pagpapasiya.

I. Mangalap ng mga kaalaman

II. Pag-aralan muli ang pasiyang ginawa

III. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya

IV. Tayain ang sariling damdamin sa isasagawang pasiya

a)

I, III, II, V, IV

b)

III, IV, I, IV, V    

c)

I, III, V, IV, II

d)

III, II, I, V, IV

30.

Bakit mahalagang magkaroon ng mabuti at tamang pagpapasiya? Ito ay upang

a)

hindi makasakit ng kapwa

b)

makilala mo kung sino ang tunay mong mga kaibigan

c)

maging gabay sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao

d)

sa huli ay makatanggap ng pabuya  

31.

Nakita ni Ethel ang isang grupo na nangunguha ng mga endangered species na pitcher plant. Pinaalalahanan niya ang mga ito na labag sa batas ang kanilang ginagawa subalit hindi sila nakinig. Tumawag siya sa kanilang kapitan upang iulat ang sitwasyon. Anong instrumento sa mabuting pagpapasiya ang ginamit ni Ethel sa ginawang pasiya?     

a)

pangarap at mithiin

b)

isip at damdamin

c)

kasanayan at kalooban

d)

pag-ibig at pagkukusa

32.

Ayon sa ginawang pasiya ni Ethel, ano ang naging gampanin ng kanyang isip?   

a)

Pagtatakda ng gampanin batay sa sitwasyon

b)

Pag-unawa ng sitwasyon

c)

. Pagpapahalaga sa magiging resulta       

ging batayan sa pagpili

d)

Pagdamdam ng napiling pasiya

33.

Mahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag sa Buhay upang _____. 

a)

mapanatiling matatag sa anumang unos na dumating sa iyong Buhay.

b)

maging gabay sa ating mga pagpapasiya

c)

bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay

d)

lahat ng nabanggit

34.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI angkop na depinisyon ng mabuting pagpapasiya?

a)

Ito ay pagpapasiya na ayon sa impluwensya ng iba

b)

Isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay

c)

Ito ay resulta ng pagpili ng kilos o aksyon ng isang indibidwal sa isang sitwasyon

d)

Ito ay mahalagang proseso sa ating pagpili dahil sa pagsasagawa nito, hindi maiiwasan na tayo ay magdalawang isip sa ating gagawing pasiya

35.

Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa paggawa ng wastong pasya maliban sa isa.     

a)

Magkalap ng kaalaman      

b)

Magnilay sa mismong aksiyon  

c)

Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya

d)

Nadarama ang agarang pagpapasya sa sarili

36.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa mabuting pagpapasya?                                                                                

a)

Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso upang malinaw na makilala ng isang tao ang pagkakaiba ng bagay-bagay.      

b)

Ang mabuting pagpapasya ay isang mahalagang pagpili na nangangailangan ng panahon

c)

Ang mabuting pagpapasya ay hindi nangangailangan ng mahabang panahon.                                                                                                     

d)

Ang mabuting pagpapasya ay pagsasaalang-alang sa magiging kahihinatnan ng pagpili.

37.

Bilang isang indibidwal, ano ang dapat mong taglayin upang harapin ang mga isyung panlipunan sa susukat sa iyong moral  na paninidigan? Kailangan mo ang sapat na kaalaman at kakayahan tungkol sa _______________.

a)

pagsasagawa ng moral na pagapapasiya

b)

pagbibinata at pagdadalaga

c)

patakaran sa paaralan at tahanan

d)

pagkakaiba ng pangarap at mithiin.

38.

Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin, ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.”Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Hellen Keller?                                                                                                                                                                                               

a)

 Mahirap maging isang bulag.     

b)

Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin.   

c)

Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay.

d)

Hindi mabuti ang walang pangarap  

39.

Bakit dapat tukuyin ang sentro ng buhay ng isang tao sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?  

a)

Upang sila ang gumawa ng iyong ginawang misyon

b)

Ito ang magbibigay sa iyo ng seguridad, gabay, karunungan, at kapangyarihan upang isakatuparan ang misyon.        

c)

Dahil sila ang magtutukoy ng iyong mga isasabuhay ng misyon sa Buhay.    

d)

Upang mabigyan sila ng papuri at parangal sa inyong lugar

40.

Si Joseph ay nais bumuo ng isang pahayag ng personal na misyon sa buhay. Saan dapat ito nakatuon?

a)

sa nais na kaniyang mga mithiin at tunguhin sa buhay at kung paano makakamit ang mga ito 

b)

sa sariling pang-interes lamang at hindi sa pangangailangan ng kapwa        

c)

sa pasiya ng kanyang pamilya at mga kaibigan        

d)

sa pagmamalaki ng kanyang kakayahan at katangian sa ibang tao.

41.

Ano ang kabutihang dulot ng pagtatakda at pagsasagawa ng pahayag ng personal na misyon sa buhay? 

a)

Nagkakaroon ng pag-asa upang makakuha ng taglay na talino.                                                                                                                           

b)

Nahuhubog ang pagiging mapanagutan sa pagkamit ng mithiin para sa sarili, pamilya at kapwa, kabutihang panlahat at pag-iral nito sa mundo.                                                                                                                                                                               

c)

Nakapag-iisip ng paraan upang maging mas kilala sa inyong lugar                                                                                                       

d)

Nakapipili ng makakasama sa pagkamit ng misyon

42.

Paano maipakikita ng isang tao na siya ay may masusing gabay sa pagpapasya

a)

Naligaw sa landas ng buhay

b)

Nagkamali sa landas ng buhay

c)

Nabigo ang ninanais sa buhay 

d)

Nakamit ang kanyang minimithi sa buhay 

43-45.

   Para sa bilang 43-45: Basahing mabuti ang talata: Misyon sa Buhay ni Kaye Yra A. Espinosa.

“Ang aking Pahayag ng Personal na Misyon sa Buhay.” Bilang isang mag-aaral na may pangarap na maging isang matagumpay na Architect ay gagawa ako ng paraan upang maitawid ang pinapangarap sa buhay maging sa pagtulong sa pamilya at sa lipunan. Ako’y magiging masipag at magiging isang modelo sa mga kabataan. Hinding hindi kakalimutan ang Diyos. Sa pamamagitan ng pagpapatibay sa pananampalataya, ihahayag ko ang mga salita ng Diyos. Isasapuso ko ang lahat ng mga aral na aking natutuhan. Maging sa mga gawain ay kailangang may puso at pinag-iisipan. Ang pag-aaral nang mabuti, pagsasagawa ng kabutihan sa kapwa at higit sa lahat, ang gabay ng Diyos ay isa sa mga hakbang upang maging matagumpay at umunlad ang buhay balang araw.

43.

Ano ang pangarap ni Kaye Yra?  

a)

Architect

b)

Doktor

c)

Nurse

d)

Maging isang matagumpay na mag-aaral

44.

Ano ang pinakalayunin ni Kaye Yra sa buhay?   

a)

Maitawid ang pinapangarap sa buhay at makatulong sa pamilya at lipunan

b)

Maging isang modelo sa kabataan

c)

Isasapuso ang lahat ng mga aral na natutuhan.

d)

Pagsasagawa ng kabutihan sa kapuwa.

45.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI pamamaraan ni Kaye Yra upang matupad ang kaniyang misyon sa buhay?    

a)

Patibayin ang pananampalataya sa Diyos

b)

Mag-aral nang mabuti

c)

Gumawa ng Mabuti sa kapwa. 

d)

Maging aktibo sa mga gawain sa paaralan at patimpalak

46.

Si Paul ay nagnanais na maging isang matagumpay na abogado sa hinaharap. Ano ang dapat niyang gawin upang maisakatuparan ang kaniyang mithiin sa Buhay?

a)

Kumuha ng maraming kurso

b)

Magsimba tuwing Linggo. 

c)

Sumali sa patimpalak sa debate ng barangay

d)

Mag-aral ng mabuti upang makatapos at makapasa sa Bar exam

47.

Ano ang benepisyong makukuha ni Paul at ng kanyang kapwa kung magiging ganap siyang abogado?   

a)

Yayaman ang pamilya

b)

Maging sikat sa kanilang lugar.     

c)

Makatulong sa mga nangangailangan na ipagtanggol ang kanilang Karapatan.

d)

Makapagpatayo siya ng Negosyo.

48.

Ayon kay Sean Covey, ang pahayag ng personal na misyon sa buhay ay maihahalintulad sa isang punong malalim ang ugat. Ano ang ibig sabihin nito?                                                                                                                                                                                      

a)

Ito ay matatag at hindi mawawala, ngunit ito ay buhay at patuloy na lumalago

b)

Ito ay pangmatagalang layunin upang makamit ang iyong misyon sa buhay.                                                                                             

c)

Ito ay magsisilbing lakas upang mabuhay nang matagal.                                                                                                                        

d)

Wala sa nabanggit

49.

Bakit dapat isaalang-alang ang kraytiyang SMART-A sa pagbuo ng pahayag ng personal na misyon sa buhay?  

a)

Upang maging kapaki-pakinabang sa iyong kapwa

b)

Upang maging malinaw at tiyak sa iyong tatahakin na Buhay.

c)

Dahil ito ang mag-aangat sa iyo na maging mapanagutang tao

d)

Dahil ito ang susi sa mga plano mo sa iyong Buhay.

50.

Ang pahayag ng personal na misyon sa buhay (PPMB) ay posibleng magbago o mapalitan. Ang pahayag ay _____.   

a)

Mali, dahil ang ating PPMB ay pangmatagalan

b)

Tama, dahil patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay.     

c)

Mali, dahil ito ang ating gabay sa pagkamit na ating mithiin    

d)

Tama, dahil ito ay dikta ng Diyos sa atin