wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Long Quiz

Total questions: 70

Worksheet time: 53mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang uri ng panitakan o isang kuwentong bayan na tinatawag folklore o legend sa wikang Ingles.

a)

Bugtong

b)

Alamat

c)

Kwentong-Bayan

d)

Maikling Kwento

2.

Maituturing bang kwentong-bayan ang Alamat?

a)

Oo

b)

Hindi

3.

Ang Alamat ay may layuning magbigay-leksyon, magpaliwanag, at _____

a)

Magsalaysay

b)

Magbigay-libangan

c)

Maglahad

d)

Magkwento

4.

Ito ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan.

a)

pabula

b)

epiko

c)

mitolohiya

d)

alamat

5.

Ang epiko ay bahagi ng mayamang oral na tradisyon ng ating panitikan. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa oral na tradisyon?

a)

hindi pasa-pasahang tradisyon

b)

hindi na sinasabing kwento

c)

salindilang tradisyon

d)

sinasalitang tradisyon

6.

Ang epiko ay isang mahabang salaysay o kwento na nakasulat nang ...

a)

patula

b)

padula

c)

paawit

d)

parirala

7.

Kadalasang ang mga tauhan ay mga ordinaryong tao na walang kahit na anong kapangyarihan.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Sinasalamin ng mga kuwentong bayan ang mga ______________ ng lugar na pinanggalingan nito.

a)

kaugalian

b)

edukasyon

c)

tradisyon

d)

klima

9.

Ibinabahagi ang mga kuwentong bayan noon sa pamamgitan ng pasalindila o pasalita.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ang kuwentong bayan ay nagsimula noong ________________.

a)

bago ang panahon ng Espanyol

b)

panahon ng Espanyol

c)

panahon ng Hapon

d)

panahon ng Amerikano

11.

Ano ang kasalungat na kahulugan ng salitang sumisid?

a)

Pumasailalim

b)

umahon

c)

Tumawid

12.

Ito ay mga kuwento tungkol sa mga hayop na may katangiang pantao.

a)

Kuwentong Kotsero

b)

Kuwento tungkol sa Hayop

c)

Kuwento tungkol sa Halaman

d)

Kuwentong Nobelistiko

13.

Mga salaysay na baha-bahagi at karaniwang nagbibigay aliw at aral sa buhay.

a)

Kwentong bayan

b)

Karunungang Bayan

c)

Nobel

d)

Tula

14.

TALINDAW- Awit ng _________.

a)

kasiyahan

b)

pagkabigo

c)

pagtatagumpay

15.

PANGANGALULUWA- Awit sa ____________ ng mga Tagalog.

a)

araw ng kalayaan

b)

araw ng patay

c)

araw ng mga ninuno

16.

OYAYI O HELE- Awiting panghele o pampatulog ng bata at tinatawag na (a)   sa Ingles.

17.

SOLIRANIN at TALINDAW- Awit sa paggagaod o ____________.

a)

pamamangka

b)

pangingisda

c)

paglilibang

18.

KUMINTANG- Awit ng __________ o pagkikipaglaban.

a)

pagkakaintindihan

b)

pagmamahalan

c)

pakikidigma

19.

DUNG-AW- Awit sa patay ng mga ________.

a)

Ilonggo

b)

Ilokano

c)

Tagalog

20.

DIYONA- Awitin sa panahon ng pamamanhikan o (a)   .

21.

DALIT- Awit na ________ o himno ng pagdakila sa Maykapal.

a)

panlipunan

b)

panrelihiyon

c)

pansarili

22.

KUNDIMAN- Ito naman ang bersiyon ng mga awit ng ________ sa mga Tagalog.

a)

pag-ibig

b)

bayan

c)

buhay

23.

Ito ay isang panitikang Pilipino na nagpapahayag ng damdamin, pananampalataya, hanapbuhay sa paraang inaawit.

a)

Epiko

b)

Alamat

c)

Awiting Bayan

d)

Pabula

24.

Ito ay isang awit para sa kasal.

a)

Diona

b)

Hele

c)

Dung-aw

d)

Talindaw

25.

Ito ay awit para sa mga manggagawa.

a)

Dung-aw

b)

Talindaw

c)

Suliranin

d)

Oyayi

26.

Ito ay isang awit na tungkol sa pamamangka.

a)

Talindaw

b)

Suliranin

c)

Diona

d)

Kundiman

27.

Ito ay awit para sa mga Diyos-Diyosan ng mga Bisaya.

a)

Kumintang

b)

Suliranin

c)

Dalit

d)

Diona

28.

Ito ay isang awiting tungkol sa pag-ibig.

a)

Kumintang

b)

Dalit

c)

Kundiman

d)

Suliranin

29.

Ito ay isang awiting bayan para sa mga patay

a)

Talindaw

b)

Oyayi

c)

Suliranin

d)

Dung-aw

30.

Awiting ginagamit upang mapatulog ang mga bata o sanggol.

a)

Oyayi

b)

Dalit

c)

Talindaw

d)

Kumintang

31.

Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo

a)

Ketchup

b)

Donut

c)

Daliri

d)

Pako

32.

Ihagis mo man kahit saan, sadyang babalik at babalik sa pinanggalingan

a)

Jose Rizal

b)

Yoyo

c)

Bola

d)

Ex mo

33.

Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig

a)

Asin

b)

Yelo

c)

Kisses

d)

Cholate

34.

Maliit na bahay, puno ng mga patay

a)

Toothpick

b)

Dwende

c)

Sementeryo

d)

Posporo

35.

Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa

a)

Tatay

b)

Kalabasa

c)

Kapit bahay

d)

Niyog

36.

Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso

a)

Santolan

b)

Itlog

c)

Santol

d)

Ayala

37.

Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao

a)

Repolyo

b)

Tinola

c)

Atis

d)

Athena

38.

Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna

a)

Niyog

b)

Papaya

c)

Upuan

d)

Baso

39.

Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay. Ano ito?

a)

aso

b)

pusa

c)

daga

40.

Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi itali. Ano ito?

a)

sapatos

b)

aso

c)

sasakyan

41.

Sagutin ang bugtong:


Manok kong pula,

inutusan ko ng umaga,

nang umuwi ay gabi na.

a)

Buwan

b)

Araw

c)

Bituin

42.

Sagutin ang bugtong:


Tatlong bundok ang tinibag,

bago narating ang dagat.

a)

Mansanas

b)

Mangga

c)

Niyog

43.

Sagutin ang bugtong:


Ang anak ay nakaupo na,

ang ina’y gumagapang pa.

a)

Kalabasa

b)

Sitaw

c)

Okra

44.

Sagutin ang bugtong:


Ang ulo ay kabayo, ang leeg ay pare,

ang katawan ay uod, ang paa ay lagare.

a)

Paniki

b)

Tipaklong

c)

Tutubi

45.

Sagutin ang bugtong:


Nang bata pa ay apat ang paa.

Nang lumaki ay dalawa.

Nang tumanda ay tatlo na.

a)

Baboy

b)

Tao

c)

Manok

46.

Alin ang salawikain na pumapaksa sa pag-asa?

a)

Pagkapawi ng ulap,

lumilitaw ang liwanag.

b)

Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.

c)

Kung saan nahihilig, duon din nabubuwal.

47.

Alin ang salawikain na tumutukoy sa gawaing hindi pinaghandaan kaya't hindi maganda ang kinalabasan?

a)

Anuman ang gagawin,

makapitong iisipin.

b)

Anuman ang gawa at dali-dali,

ay hindi iigi ang pagkakayari.

c)

Huwag magbilang ng manok,

hangga’t hindi napipisa ang itlog.

48.

Alin ang salawikain na tumutukoy sa isang bagay na pinaghirapan ngunit iba ang nakinabang?

a)

Ang iyong kakainin,

sa iyong pawis manggagaling.

b)

Ang hindi napagod magtipon,

walang hinayang magtapon.

c)

Ako ang nagbayo.

Ako ang nagsaing.

Saka ng maluto’y iba ang kumain.

49.

Tungkol saan ang salawikain na ito:


"Kaya matibay ang walis,

palibhasa'y nabibigkis"

a)

Pakikisama

b)

Pagkakaisa

50.

Tungkol saan ang salawikain na ito:


"Ang taong walang pilak,

parang ibong walang pakpak"

a)

Pangako

b)

Pagkakaibigan

51.

Itaga mo sa bato, hindi na ako magpapakita sa’yo kahit kailan!

a)

tandaan

b)

kalimutan

52.

Ibaon mo na lang sa hukay ang pangako niyang babalik siya.

a)

tandaan

b)

kalimutan

53.

Mahirap talaga kapag butas ang bulsa.

a)

walang pera

b)

maraming pera

54.

Ang sinumang bumangga sa pader ay tiyak na matatalo lamang.

a)

lumaban sa makapangyarihan at mayamang tao

b)

makipagkaibigan sa makapangyarihan at mayamang tao

55.

Huwag kang sumama sa mga taong ang laging hanap ay basag-ulo.

a)

laro

b)

away

56.

Hindi ako naniniwala sa mga balitang kutsero ni Aries.

a)

balitang totoo

b)

balitang walang katotohanan

57.

Napaka balat-sibuyas mo naman.

a)

iyakin

b)

matapang

58.

Nabalitaan ko na nag-alsa balutan daw ang anak mo.

a)

dumating

b)

naglayas

59.

Agaw-buhay na nang dalhin sa ospital ang lola ni Andrea.

a)

malapit nang mamatay

b)

labis na ang sakit

60.

Abot-tanaw ko na ang aking pangarap.

a)

naaabot ng tingin

b)

malayo sa tingin

61.

Mangagawa ng pasô sina Aling Nena. Kada walong oras ay nakagagawa sila ng limampung pasô. Ilan ang magagawa nila kung gugugol sila ng labing-anim na oras?

a)

100 pasô

b)

200 pasô

c)

300 pasô

d)

400 pasô

62.

Bumili si Mario ng sampung tubό na may halagang ₱10 ang bawat isa kay Tatay Uding. Magkano ang tubò ni Tatay Uding kung ang kuha niya sa bawat tubό ay ₱5?

a)

25

b)

50

c)

100

d)

150

63.

Isang uri ng akdang patula na ang layunin ay manibak, manukso o mang-uyam.

a)

salawikain

b)

tugmang de gulong

c)

tulang panudyo

d)

palaisipan

64.

Kung magbibilang ka ng dalawampung bahay sa kanan papuntang tindahan att dalawampung bahay pabalik, ilang bahay ang nabilang mo?

a)

apatnapu

b)

dalawampu

65.

Meron kang limang bente, bale 100 lahat. Bumili ka ng tinapay na nagkakahalaga ng 35 pesos.

Tanong: Magkano ang sukli mo?

a)

5 pesos

b)

65 pesos

66.

Ano ang tawag sa unahan ng kotse?

a)

karera

b)

headlight

c)

salamin

d)

bumper

67.

May isang bilog na bahay. Kinain ang cake ni lolo sa bahay na iyon. Ang mga pinagbintangan ay ang ate, kuya, tatay, nanay at lola. Narito ang kanilang sinabi nang tanungin sila isa-isa.

 

Ate: Gumagawa ako ng aking gawaing bahay.

 Kuya: Nasa paaralan ako nun.

 Tatay: Gumagawa ako ng aking trabaho noon.

Nanay: Nasa palengke ako noon.

Lola: Aba ere, naglilinis ako sa isang sulok ng bahay noon.

Sino sa kanila ang kumain ng cake?

a)

Ate

b)

Tatay

c)

Lola

d)

Nanay

68.

Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, magsimula sa panganay, ay Enero, Pebrero, Marso, Abril at    

Ano ang pangalan ng bunso sa magkakapatid?

a)

Mayo

b)

Mario

c)

Marso

d)

Abril

69.

Mayroong limang magkakapatid na kuba, apat na lalaki at isang babae. Ang apat na lalaking kuba ay nag-asawa rin ng apat na kuba at ang naging anak nila ay naging kuba rin. Ang nag-iisang babaeng kuba naman ay nag-asawa ng hindi kuba, at ang anak nila ay hindi kuba. Bakit hindi naging kuba ang anak nila?

a)

hindi nagmana sa magulang na kuba

b)

ipinaglihi sa hindi kuba

c)

hindi kuba ang apelyido ng ama niya.

d)

ampon ang kanilang anak

70.

Ano ang mayroon sa aso, na mayroon din sa pusa, na wala sa ibon, ngunit mayroon sa manok, na dalawa sa buwaya at kabayo, na tatlo naman sa palaka?

a)

kuko

b)

dila

c)

A

d)

mata