wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GMRC Quiz

Total questions: 5

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Tinanong ka ng iyong mga magulang kung bakit bumaba ang iyong iskor sa iyong pagsusulit sa Mathematics. Paano mo ipaliliwanag sa kanila na ikaw ang may pagkakamali?

a)

Ayoko ko kasi ang titser sa Math kaya mababa skor ko.

b)

Kulang kasi ang oras na ibinigay ng aming guro sa pagsakot sa mga katanungan sa pagsusulit.

c)

Ipagpaumanhin po ninyo tatay, hindi po kasi ako nakikinig sa guro noong ito ay itinuturo.

d)

Ayaw kasi magpakopya ng aking katabi.

2.

Bakit kailangan maging matapat sa sarili at sa mga kasapi ng pamilya?

a)

upang tularan ka ng mga nakababatang kapatid

b)

upang maganda ang samahan sa mga kasapi ng pamilya

c)

upang gagaan ang pakiramdam at malinis ang konsensiya

d)

Lahat ng nabanggit

3.

Dahil sa paglalaro mo at ng iyong kapatid nasira ang paso ng paboritong halaman ng inyong nanay. Paano ninyo ipahayag ang inyong katapatan?

a)

Hindi po kami ang nakasira sa paso kundi ang mga asong naghahabulan.

b)

Bigla na lang pong nahulog ang paso.

c)

Kami po ang nakabasag at hindi po namin sinasadya.

d)

Ang kapitbahay po nating si Kobe ang nakasira ng paso.

4.

Paano itutuwid ang pagsisinungaling na hindi mo sinasadyang masabi sa iyong lola?

a)

Hayaan munang makalimutan ni lola ang pangyayari bago kausapin at aminin ang kasinungalingan.

b)

Kausapin si lola at aminin ang nagawang kasinungalingan at ipangakong di na uulitin pa.

c)

Hayaan si lola ang makatuklas sa ginawang kasinungalingang ginawa at saka humingi ng tawad sa kaniya.

d)

Hayaan na lang ang ginawa basta basta huwag na lang magsinungaling ulit.

5.

Sino sa mga bata ang nagpapakita ng gawaing may katapatan na dapat ninyong tularan?

a)

 Si Risa na inililihim na siya ay nakagat ng aso ng kapitbahay.

b)

Si Roy na hindi nagpapaalam sa paggamit ng cellphone ng kaniyang kapatid.

c)

Si Mika na nagbabalik ng sukli tuwing siya ay inuutusang mamili.

d)

 Si Alden na nag-aangkin ang gamit ng kapatid.