wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Week2 Quiz

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang nag-uudyok sa tao upang siya ay maglingkod at tumulong sa kapwa?

a)

Konsensiya

b)

Malasakit

c)

Pagmamahal

d)

Pananampalataya

2.

Alin ang tinutukoy sa kahulugan ng pahayag na "Ibinibigay ng isipan ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob?

a)

Magka-ugnay ang isip at kilos-loob

b)

Mahalaga ang isip kaysa sa kilos-loob

c)

Makapangyarihan ang isip kaysa sa kilos-loob

d)

Walang sariling paninindigan ang kilos-loob

3.

Analohiya: Isip- Katotohanan

Kilos-Loob- __________

a)

Kabutihan

b)

Kamalayan

c)

Katuwiran

d)

Karunungan

4.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob?

a)

Si Erwin na nagtabi ng bahagi ng kanyang allowance upang makapagdonate sa mga binahang kabaranggay

b)

Si Charie na tumulong sa pagrescue sa mga kapit-bahay kahit na malagay siya sa panganib

c)

Si Mang Rudy na tumulong sa paglinis ng kanilang kalsada

d)

Si Carlo na laging nagclick ng mga link kahit hindi alam kung saan ito galing

5.

Sa paanong paraan mo maipapakita ang wastong paggamit ng isip at kilos-loob?

a)

Maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon

b)

Maging mapanuri at mapili sa kaibigan

c)

Alamin ang katotohanan at maglingkod ng may pagmamahal sa kabutihan

d)

Maging bukas ang isipan at sumabay sa mga nagaganap na pagbabago sa kapaligiran

6.

Alin ang itinuturing na pinakamataas na pamantayang moral ng kilos ng tao?

a)

Likas na Batas Moral

b)

Maka-diyos

c)

Makatao

d)

Makabansa

7.

Alin sa mga kilos na ito ang HINDI ganap na pagpapakita ng kakayahang mahanap ang katotohanan?

a)

Ang pagtulok na pagsasaliksik ng mga doktor sa gamot sa kanser

b)

Ang pagpupursige ni Henry na makatapos ng pag-aaral upang mapaunlad ang sarili

c)

Ang pagsasagawa ng mga pulis na imbestigasyon para malutas ang krimen

d)

Ang pagsasagawa ng paaralan ng surbey upang malaman ang kalagayan ng mga mag-aaral

8.

Alin sa sumusunod na kilos ang pinakamainam na paraan na maaari mong gawin upang higit na mapalawak ang iyong kakayahang makita ang katotohanan, magmahal at maglingkod sa kapwa?

a)

Mag-aral ng mabuti

b)

Magsagawa ng sariling pananaliksik

c)

Maglunsad ng mga programang pangkaisipan

d)

Magsagawa ng panayam sa mga sikat na personalidad

9.

Alin sa mga kilos ang nararapat mong gawin kapag ikaw ay nakasaksi ng isang karumal dumal na krimen?

a)

Manindigan at magsumbong sa kinauukulan

b)

Ilihim na lang para hindi na madamay sa gulo

c)

Ipost sa social media upang manghingi ng opinyon

d)

Magkunwaring walang nakita upang hindi mapahama

10.

Alin sa mga kilos na ito ang HINDI nagpapakita ng kalikasan ng tao bilang umiiral na nagmamahal?

a)

Pag-alay ng panalangin sa biktima ng kalamidad

b)

Pagtulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit

c)

Pagkalinga sa mga kapus-palad at may sakit

d)

Pagdamay sa kapwa upang damayan ka rin