WorksheetsQUIZ#1KMPA1111111
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ito ay mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo at tuntunin na nabubuo ang mga salitang nakapagpapahyag ng kahulugan o kaisipan.
lingua
wika
dila
Ang salitang Latin na "lingua" ay nangangahulugang _________ at ________.
mensahe at isipan
linggo at wika
dila at wika
Ayon sa kanya, ang wika masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
Henry Gleason
Albert Einstein
Bienvenido Lumbera
Bernales
Ang mga sumusunod ay kasama sa mga katangian ng wika MALIBAN sa:
Likas sa Tao
Makapangyarihan
Masistemang Simbolo
Madaling Maunawaan
Natanaw ni John Mark ang kaniyang kaibigan na si JM sa kabilang building ng kanilang paaralan. Kinawayan niya ito at sinigawan na "KAIN TAYO MAYA, PRE!". Anong katangian ng wika ang ipinapakita dito?
Ang wika ay dinamiko at buhay.
Ang wika ay Likas sa tao.
Ang wika ay natatangi.
Tinanong ni Mario kay Manuel kung kailan siya maghahanap ng DAGA para sa kaniyang ipapatayong bahay. Nagulat si Manuel at agad na tinanong kung bakit DAGA ang kaniyang hahanapin. Naalala niya na bikolano pala si Mario kaya't nagamit niya ang wika nang hindi sinasadya. Ang salitang DAGA para sa mga bikolano ay LUPA. Anong katangian ng wika ang ipinapakita sa sitwayson?
Ang wika ay dinamiko at buhay.
Ang wika ay makapangyarihan.
Ang wika ay natatangi.
Bumili ng bagong damit si Melody para sa kanilang Christmas Party. Nang makita siya ng kaniyang mga kaklase na suot ang mga ito sinabihan siya na siya raw ay "estetik". Anong katangian ng wika ang ipinahahayag ng salitang "estetik"?
Ang wika ay natatangi.
Ang wika ay makapangyarihan.
Ang wika ay dinamiko at buhay.
Tuwing may oras na magkwentuhan ang magkakaibigan na sina Michelle, Alliana at Mae, lagi nilang nilalait si Cassie dahil sa kulay ng balat nito. Kinabukasan, nakita ni Alliana at Mae na kasama ni Michelle si Cassie sa Canteen. Nalaman nila na sinasabi pala lahat ni Michelle kay Cassie ang panglalait na ginagawa nina Alliana at Mae. Kinompronta nila si Michelle at silang lahat ay nagkapisikalan. Nakarating ito sa kanilang guro at ipinatawag ang kanilang mga magulang. Anong katangian ng wika ang ipinapakita ng sitwasyon?
Ang wika ay masistemang simbolo.
Ang wika ay makapangyarihan.
Ang wika ay natatangi.
"Chikadora talaga 'yang si Melanie. Lahat na lang ng kuwento ko sa kanya, pinagsasabi pa sa iba." Ano ang pormal na salita ng "Chikadora"?
Kamukha ni Dora.
Babaeng mahilig sa chismis.
maingay
Sa pagluluto ng Adobong manok, Igisa ang bawang sibuyas pagkatapos ihalo ang manok sangkutsahin upang maghalo ang lasa ng bawang at sibuyas sa manok. lagyan ng suka ang ginisang manok. hayaan pakuluin ng 5minuto para maalis ang langsa ng manok. lagyan ng tuyo at tubig ayun sa dami ng nais na sabaw ihalo ang patatas sili at dahon ng laurel. Sa paanong paraan nagamit ang wika dito?
regulatoryo
impormatibo
interaksyonal
"Para sa akin, dapat marunong tayong kumilatis ng mga tatakbong opisyal sa ating lokal na pamahalaan tulad na lamang ng mga tumatakbo para sa Sangguniang Kabataan. Hindi biro ang pagiging opisyal at dapat totoong may kaalaman sa pagapaptakbo sa barangay." Sa papaanong paraan nagamit ang wika dito?
instrumental
heuristiko
personal
Napanood ni EJ sa balita sa telebisyon na walang pasok sa Metro Manila ngayong araw sa lahat ng pampublikong paaralan dahil Signal No. 1 ang kanilang lugar.
instrumental
heuristiko
interaksyonal
Nabalitaan ni Camille na bukas na ang kanilang Final Exam sa Physics. Inanunsyo niya ito sa kanilang klase para makapagreview na rin sila.
impormatibo
interaksyonal
regulatoryo
Palaging nagkukwentuhan sina Maya at Angel pagkatapos ng kanilang klase tungkol sa hirap ng kanilang pag-aaral at parating pinagdaraanan sa pagiging buhay estudyante. Paano nagamit ang wika sa sitwasyong ito?
impormatibo
interaksyonal
personal
“Wala paring tatalo sa Alaska” ay tagline ng brand ng gatas na Alaska. Paano ginamit ang wika sa pangungusap?
Instrumental
Interaksyonal
personal
Tinuruan ni Lina si Mang Ben kung paano lutuin ang buttered shrimp na kaniyang specialty pagdating sa pagluluto ng pagkain. Paano ginamit ni Lina ang wika?
Personal
Regulatoryo
HEURISTIKO
Ang mga mag-aaral sa Ika-11 baitang sa APC-SHS ay nagbahagi ng kanilang pananaliksik sa isang kumperensiya sa Dela Salle University. Paano ginamit ng mga mag-aaral na mananaliksik ang wika?
impormatibo
personal
regulatoryo
"Nasaktan ako sa ginawa ninyo sa akin. 'Di ba sinabi ko na sayo na ayoko nang may kahati sa pagmamahal mo? Pero bakit ginawa mo pa rin? Pagod na ako" Paano ginamit ang wika sa linyang ito?
Conative
Emotive
Metalingual
"Hello, kumusta ka?" Paano nagamit ang wika sa pangungusap na ito?
Impormatibo
Phatic
Poetic
Binanggit ng aking guro na kailangan kong galingan ngayong endterm dahil bumaba ang aking marka noong midterm.
Phatic
Referential
Heuristiko
Tulad ng isang laro, may mananalo at matatalo
Sa pag-ibig man o sa buhay, ikaw lang ang kailangan ko
regulatoryo
Interaksyonal
Poetic
"Kailangan magkasama tayo kasi kung hindi mahihirapan ako sa strand na iyon. 'Di ba bestfriend tayo?" Ano ang tungkulin ng wika rito?
Conative
Subjective
Phatic
"Sabi ni Erma na sa tingin niya ay hindi nagustuhan ng kaniyang guro ang kaniyang sinabi dahil nag-iba ang mukha nito nang sabihin niya ang salitang iyon" paano nagamit ang wika rito?
Phatic
Interaksyonal
Metalingual
Inilahad ni Myla na nagagalak siyang makita ang kaniyang kaibigan muli pagtapos ng limang taon nilang hindi pagkikita. Ano ang naging tungkulin ng wika rito?
Emotive
Conative
Impormatibo
Ano ang pagkakaiba ng Impormatibo at Heuristiko bilang gamit ng wika?
Ang pagkakaiba ng dalawa ay ang baybay nito.
Ang pagkakaiba ng impormatibo at heuristiko ay ang paggamit dahil pagdating sa impormatibo ito ay pagbibigay ng impormasyon samantalang sa heuristiko ito naman ay pagkuha ng impormasyon.
Walang pagkakaiba ang dalawang nabanggit sapagkat parehas lang sila ng tunguhin.
