NEW
Font size
WorksheetsAP8 Quiz 1 Q1 Review
Total questions: 20
Worksheet time: 15mins
Alin ang pinakamalaking kontinente sa daigdig?
Europa
Asya
Africa
Antartika
Anong kontinente ang may pinakamaraming bilang ng mga bansa?
Europa
Africa
Asya
Hilagang Amerika
Alin sa mga sumusunod na kontinente ang walang disyerto?
Australia
Europa
Hilagang Amerika
Timog Amerika
Aling kontinente ang may pinakamalaking rainforest sa mundo?
Africa
Timog Amerika
Asya
Hilagang Amerika
Anong kontinente ang kinabibilangan ng bansa na pinakamalamig ang temperatura?
Hilagang Amerika
Europa
Asya
Antartika
Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?
lahi
relihiyon
Pangkat-etniko
wika
Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o pinagmulan?
etniko
paniniwala
lahi
wika
Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat?
etniko
lahi
relihiyon
wika
Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?
yayaman ang tao pag may maraming alam na wika
dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika
sisikat ang tao kung marami ang wika
ito ay susi ng pagkakaintindihan
Ano ang pangunahing batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-arawaraw na pamumuhay?
relihiyon
etnisidad
lahi
etniko
Anong papel ang ginagampanan ng relihiyon sa pagtataguyod ng kapayapaan?
Itinuturo nito ang pagsuway sa batas.
Hindi ito nagbibigay ng gabay sa kapayapaan.
Itinuturo nito ang pagpapatawad at pagkakasundo.
Ipinag-uutos nito ang pakikipagdigma sa iba.
Paano nakakaapekto ang relihiyon sa mga desisyon ng isang mamamayan?
Laging sinusunod ang mga lider ng relihiyon kahit hindi ito tama.
Hindi nito pinapahalagahan ang opinyon ng iba.
Pinipilit nito ang mga tao na gumawa ng masasama.
Ipinapakita nito ang tamang landas batay sa moral na paniniwala.
Alin sa mga sumusunod ang isang positibong epekto ng relihiyon sa lipunan?
Pagkakaroon ng diskriminasyon sa ibang relihiyon.
Pagbuo ng mga komunidad na nagkakaisa.
Pagpapataw ng paniniwala sa iba.
Paghiwalay ng mga tao batay sa kanilang paniniwala.
Paano nakakatulong ang relihiyon sa pakikipag-ugnayan sa kapwa?
Pinipilit nitong magkaroon ng kaparehong pananampalataya.
Itinuturo nito ang respeto, pagmamahal, at pagkakaisa sa kapwa.
Binibigyan nito ng takot ang mga tao.
Hinihikayat nito ang pag-aaway.
Bakit mahalaga ang relihiyon sa buhay ng isang mamamayan?
Tumutulong ito sa pagbubuo ng moral at espiritwal na gabay.
Nagbibigay ito ng materyal na kayamanan.
Pinapalitan nito ang pamahalaan.
Nagpapataw ito ng kaparusahan sa mga hindi naniniwala.
Paano nakakatulong ang wika sa pagpapanatili ng kultura ng isang bansa?
Sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga banyagang kultura
Sa pamamagitan ng paglimot sa mga lumang kaugalian
Sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga tradisyon, kaugalian, at paniniwala sa mga susunod na henerasyon
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga banyagang pamantayan
Ano ang pangunahing benepisyo ng pagkakaroon ng isang opisyal na wika sa isang bansa?
Upang maging komplikado ang sistema ng edukasyon
Upang maipakilala ang bansa sa buong mundo
Upang magkaroon ng pagkakaisa at isang pamantayan sa komunikasyon
Upang mapadali ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
Paano nakakatulong ang wika sa pagtataguyod ng demokrasya sa isang bansa?
Sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa malayang talakayan at pagpapahayag ng saloobin
Sa pamamagitan ng paglimita sa impormasyon
Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga batas na hindi naiintindihan ng mga tao
Sa pamamagitan ng pagbubukod ng iba't ibang grupo
Bakit mahalaga ang paggamit ng wikang pambansa sa edukasyon?
Upang mas madaling matutunan ng mga mag-aaral ang mga banyagang wika
Upang mas mapabilis ang teknolohikal na kaunlaran
Upang mapanatili ang pagkakakilanlan at kultura ng bansa
Upang maging tanyag sa ibang bansa
Ano ang pangunahing papel ng wika sa pagbubuklod ng mga mamamayan sa isang bansa?
Para sa pagsusulat ng mga batas
Para sa kalakalan lamang
Para sa komunikasyon at pagkakaisa
Para sa komunikasyon at pagkakaisa
