Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 8 - Unang Markahan Modyul 1-5

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Tuwing Linggo hindi lumiliban ang pamilyang Malabanan sa pagsisimba. Anong kaugalian ang umiiral sa pamilyang Malabanan?

a)

walang kaguluhan sa pamilya

b)

nanatiling masunurin ang pamilya

c)

umiiral ang pagmamahalan sa pamilya

d)

may matatatag na pananampalataya ang pamilya

2.

Ang baryo Pag-asa ay isang liblib at malayong lugar. Kaya laking tuwa ng mga taga roon nang may dumating na doktor na libre ang panggagamot. Anong katangian ang pinapairal ng doktor?

a)

matulungin sa kapuwa

b)

isang mabait na doktor

c)

may malasakit sa mga nangangailangan

d)

umiiral ang pagmamahal sa baryo Pag-asa

3.

Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya?

a)

Upang maging matatag ang pamilya.

b)

Upang maging maayos ang pagtrato sa bawat isa.

c)

Upang mapanatili ang respeto sa isa’t isa.

d)

Upang makaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya.

4.

Bakit umiiral sa pamilya ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya?

a)

dahil may bukas na komunikasyon ang pamilya

b)

dahil may respeto ang bawat miyembro ng pamilya

c)

dahil may pagpapahalaga ang bawat isa sa pamilya

d)

dahil pantay-pantay ang pakikitungo nila sa isa’t isa

5.

Ang kumain nang sabay-sabay ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino. Ano ang magandang dulot ng kaugaliang ito?

a)

respeto sa pamilya

b)

pagiging buo ng pamilya

c)

pagpapahalaga sa kaugalian

d)

nagpapatibay ng samahan ng pamilya

6.

Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?

a)

pagiging matatag

b)

pagiging madasalin

c)

pagiging masayahin

d)

pagiging disiplinado

7.

Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?

a)

hinahatid sa eskuwelahan

b)

laging binibigyan ng pera ang anak

c)

pinapadalhan ng mga pagkain sa loob ng klase

d)

sinusuportahan sa gustong makamit ng anak

8.

Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya?

a)

pagkakaroon ng mga anak

b)

pagtatanggol ng karapatan

c)

pagsunod sa mga patakaran

d)

pinagsama ng kasal ang magulang

9.

“Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag.” Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?

a)

Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.

b)

Ang pamilya ang salamin sa lipunan.

c)

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

d)

Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan.

10.

“Ang pagmamahalan ay nagpapatibay sa isang pamilya.” Anong mensahe ang ipinahiwatig sa pahayag?

a)

Ipadama ang pagmamahal sa bawat kasapi ng pamilya.

b)

Dito ipinapakita ang pagsasama ng buhay at pagmamahal.

c)

Nakapagbibigay-buhay dahil nakatakda ito sa pagkakaroon ng anak.

d)

Nagkaroon ng kaligayahan ang bawat kasapi ng pamilya kung may pagmamahalan.

11.

Aling sitwasyon ang nagpapatunay na nagpapaunlad ng sarili ang pagmamahalan?

a)

nagbigay ng kalungkutan

b)

pagpapasya para sa kaniya

c)

paggiit sa iyong kagustuhan

d)

pangugumusta sa kaniyang mga ginagawa

12.

Paano masasabing makabuluhan ang pakikipagkapuwa ng pamilya?

a)

sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga rally

b)

sa pamamagitan ng pagkitil ng karapatan

c)

sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang pagsisikap

d)

sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan

13.

Paano maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa sa pamilya?

a)

magkaroon nang regular na pagtitipon

b)

magparanas ng pagmamahal at pagtutulungan

c)

mamasyal nang madalas kasama ang mga kaibigan

d)

magbahagi ng mga naramdaman sa mga mahal sa buhay

14.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagtutulungan?

a)

pagkaloob ng kalahati ng kanilang naaning palay

b)

pagbayanihan ng magkakanayon sa pag- aani ng palay

c)

pagbibigay ng malaking sahod sa mga nagsitanim ng palay

d)

pagpapakain ng masasarap na pagkain sa panahon ng anihan

15.

Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng patunay?

a)

Laging ipinagagawa ni Vicky ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Neil.

b)

Madalas tulala si Rica sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng kaniyang kasintahan.

c)

Nakipaghiwalay si Arnold sa kaniyang kasintahan dahil nais niyang bigyang- tuon ang kaniyang pag-aaral.

d)

Nagsumikap si Yvonne na makapagtapos ng pag-aaral upang mapasaya at masuklian ang lahat na sakripisyo at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang.

16.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pamilyang may matatag na pagmamahalan at pagtutulungan?

a)

Ang pamilyang Catipun ay pinapairal ang pagiging maramot sa kapuwa.

b)

Ang pamilyang San Diego ay tinatawanan ang mga problemang kinakaharap.

c)

Ang pamilyang Monteclaro ay nagbabangayan sa tuwing may mabigat na gawain.

d)

Ang pamilyang Cruz ay binibigyan ng gamot at inaalagaan ang miyembro ng pamilya sa tuwing may nagkakasakit.

17.

Pinag-aawayan ng dalawang anak na sina Pat at Rick ang bagong biling laruan. Bilang ina, ano ang maaari mong gawin upang pagbatiin at hindi maisip ng dalawa na may kinakampihan ka?

a)

Kakampihan ng ina si Pat.

b)

Sisigawan ng ina ang dalawang anak.

c)

Hahayaan ng ina ang dalawa dahil away bata lang ito.

d)

Ipaalala sa mga anak ang kahalagahan ng pagbibigayan.

18.

Bakit mahalagang maisagawa ang mga angkop na kilos sa isang pamilya?

a)

upang mapatibay ang relasyong pampamilya

b)

upang maipakita na ang bawat pamilya ay perpekto

c)

upang mapatibay ang relasyong pakikipagkapuwa tao

d)

upang ipagmalaki sa iba ang katatagan ng kanilang pamilya

19.

Gumagawa ng takdang aralin ang iyong nakababatang kapatid at napansin mong nahihirapan ito. Bilang nakatatandang kapatid, paano mo maipakikita ang pagtulong sa kaniya?

a)

magbulag-bulagan sa mga nakikita

b)

hayaang gumawa ng mga aralin nang mag-isa

c)

paglaan ng oras sa pagpaliwanag ng aralin sa kapatid

d)

pagsasabihan ng masasakit na salita upang makaisip ng sagot

20.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng matatag na pamilya na nabuo dahil sa pagtutulungan?

a)

naglilinis nang mag-isa

b)

nakikiisa sa ginagawa ng kapitbahay

c)

nagtatapon ng basura sa bakod ng kapitbahay

d)

pakikiisa ng bawat miyembro ng pamilya sa paglilinis ng tahanan

21.

Ano ang katuwang ng mga magulang sa pagpapatupad ng edukasyon para sa mga bata?

a)

paaralan

b)

mga kapitbahay

c)

mga kamag-anak

d)

kawani ng gobyerno

22.

Sino ang naggabay sa mga anak sa bawat pagpapasya?

a)

kaibigan

b)

kapatid

c)

magulang

d)

pamilya

23.

Bakit kailangan bigyan ng kalayaan ng magulang ang anak sa kanilang kagustuhan?

a)

dahil ito ay tama

b)

dahil ito ay nararapat

c)

upang masunod kung ano ang gusto

d)

upang mapaunlad ang kakayahan sa pagpapasya

24.

Bakit sinasabing ang pagbibigay ng edukasyon, paghubog sa pagpapasya at pananampalataya ay pinakamagandang regalo ng magulang sa anak?

Dahil ito ay:

a)

trabaho ng magulang sa anak

b)

tungkulin ng magulang sa anak

c)

dapat maibigay ng magulang sa anak

d)

batayan na makabuluhan ang pag-aaruga at pagpapalaki sa anak

25.

Bakit pinapaaral ng mga magulang ang anak sa paaralan?

a)

upang maging matalino

b)

upang yayaman pagdating ng panahon

c)

upang maging maganda ang kinabukasan

d)

upang malinang ang aspekto na huhubog sa pagkatao