wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino 1st F

Total questions: 75

Worksheet time: 56mins

Name
Class
Date
1.

Ang paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar sa Sistema ng edukasyon.

a)

MTB-MLE- Mother Tongue-Based Multilingual Education

b)

MTB-ES- Mother Tongue-Based Educational System

c)

Wikang Opisyal

d)

Wikang Panturo

2.

Tawag sa iba pang mga wikang matutuhan ng isang tao pagkaraang natutuhan ang kanilang unang wika.

a)

Unang Wika

b)

Pangalawang Wika

c)

Pangatlong Wika

d)

Wikang Pambansa

3.

Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog, siya ba ay isang Monolingguwal?

a)

Oo

b)

Hindi

c)

Pareho lang

d)

Tama

4.

Ano ang Bilingguwalismo?

a)

Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika

b)

Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika

c)

Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika

d)

Ito ay ang tawag sa wika

5.

Ano ang Bilingguwal?

a)

Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto

b)

Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita

c)

Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto

d)

Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto

6.

Nakatira si Lena sa Cebu ngunit lumuwas siya ng maynila upang doon mag-aral ng kolehiyo. Ano ang L1 ni Lena?

a)

Tagalog

b)

Hiligaynon

c)

Waray

d)

Cebuano

7.

Dumating ang kaibigan ni Laura mula sa U.S.A upang magbakasyon sa Pilipinas. Taga-Leyte si Laura at kasalukuyang nag-aaral sa Maynila. Ano ang kanyang L3 na gagamitin sa pakikipag-usap sa kanyang kaibigan?

a)

Waray

b)

Filipino

c)

Ingles

d)

Espanyol

8.

Mahusay magsalita si Ann ng espanyol at ingles. Matatawag natin si Ann na ________.

a)

Monolingguwal

b)

Bilingguwal

c)

Multilingguwal

d)

Polygot

9.

Sinong bayani nating mga Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang lengguwahe?

a)

Emilio Aguinaldo x

b)

Apolinario Mabini c.

c)

Andres Bonifacio

d)

Dr. Jose Rizal

10.

Ito ang wikang katutubo na kinagisnan at natamo mula sa pagkasilang hanggang sa oras na nagamit at maunawaan ng isang indibiduwal.

a)

Unang Wika

b)

Pangalawang Wika

c)

Ikatlong Wika

d)

Ikaapat na Wika

11.

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng wika?

a)

May maayos na pagkakasunod-sunod

b)

May hugis, anyo, at kulay

c)

May paksa at tema

d)

Sinasalitang tunog

12.

Ang nagbigay ng kahulugan na ang wika ay masistemang balangkas.

a)

Finnocchiaro

b)

Gleason

c)

Brown

d)

Hill

13.

Ito ang pundasyon ng lahat ng wika ng tao.

a)

Sistema

b)

Simbolo

c)

bigkas

d)

tunog

14.

Ito ang wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.

a)

Filipino

b)

Pilipino

c)

Tagalog

d)

Ingles/Tagalog

15.

Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita.

a)

Pantulong na wika

b)

Katutubong wika

c)

Ikalawang wika

d)

Unang wika

16.

Kahulugan ng salitang Latin na "lingua"

a)

Teorya

b)

Kamay

c)

wika

d)

dila

17.

Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.

a)

Wikang Panturo

b)

Wikang Ingles

c)

Wikang Opisyal

d)

Bilingguwal

18.

Isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog.

a)

dayalek

b)

salita

c)

dila

d)

wika

19.

Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal.

a)

Wikang Ladino

b)

Wikang Minoritaryo

c)

Wikang Opisyal

d)

Wikang Sardo

20.

Kinikilalang lingua franca ng bansang Pilipinas.

a)

Wikang katutubo

b)

Pilipino

c)

Filipino

d)

Tagalog

21.

Sa loob ng silid-aralan, matiyagan nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin.

a)

Wikang Panturo

b)

Wikang Opisyal at Panturo

c)

Wikang Opisyal

d)

Lingua Franca

22.

Ang wika ay nagbabago.

a)

Masistemang balangkas

b)

Arbitraryo

c)

Dinamiko

d)

Pinipili

23.

Kinikilalang lingua franca ng mundo.

a)

Mandarin

b)

Niponggo

c)

Filipino

d)

Ingles

24.

Makahulugang tunog ng isang wika

a)

Sintaksis

b)

Morpema

c)

Diskurso

d)

Ponema

25.

Wikang pambigkis sa maraming komunidad, wikang bumubuo sa sambayanang Pilipino.

a)

Filipino

b)

Tagalog

c)

Cebuano

d)

Ingles

26.

Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?

a)

Francisco Balagtas

b)

Jose Rizal

c)

Manuel L. Quezon

d)

Jose Palma

27.

Ang iyong lokal na diyalekto ay ______________ Ingles at Filipino.

a)

di-gaanong singhalaga ng

b)

mas mahalaga kaysa

c)

singhalaga ng

d)

dapat mapalitan ng

28.

Ito ay nananatiling opisyal na wika kasama ang wikang Filipino.

a)

Niponggo

b)

Mandarin

c)

French

d)

Ingles

29.

Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang Baitang 3.

a)

Pantulong na wika

b)

Katutubong wika

c)

Mother Tongue

d)

Wikang Ingles

30.

Mga salita na nakapaloob sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo

a)

Pampanitikan

b)

Lalawiganin

c)

Pormal

d)

Balbal

31.

Mas mabuting ________

a)

gamitin ang Filipino bilang tanging paraan ng pakikipag-usap sa buong bansa

b)

gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa pangangailangan

c)

gamitin ang Ingles lamang

d)

Huwag gamitin ang Ingles o Filipino

32.

Wikang naisabatas o naitadhana ng batas na maging wikang opisyal ng komunikasyon, transaksyon, o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa pamahalaan sa pasalita at lalo na sa pasulat na paraan.

a)

Wikang Pambansa

b)

Wikang Panturo

c)

Wikang Opisyal

d)

Mother Tongue

33.

Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil

a)

Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod

b)

Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita

c)

Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay mga Tagalog

d)

Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon

34.

Ito ang wikang Opisyal ng Pilipinas.

a)

Pilipinas

b)

Filipinas

c)

Pilipino

d)

Filipino

35.

“Ngayon, Bukas, at Magpakailanman” ito ang sikat na linyang binibitawan ni Mel Chiangco sa kanyang programang “Magpakailanman” sa telebisyon.

a)

Pantulong na wika

b)

Wikang Pambansa

c)

Wikang Opisyal

d)

Wikang Panturo

36.

Ang paraan ng pagsasalita ni Boy Abunda bilang host ng “Tonight with Boy Abunda”, anong wika ang kanyang ginagamit?

a)

Pantulong na wika

b)

Wikang Pambansa

c)

Wikang Opisyal

d)

Wikang Panturo

37.

Wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang nasasakop.

a)

Wikang Pambansa

b)

Wikang Panturo

c)

Wikang Opisyal

d)

Wika

38.

Ito ang ating kinikilalang wikang Pambansa sa Pilipinas.

a)

Filipino

b)

Pilipino

c)

Tagalog

d)

Dayalek

39.

Ito ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas.

a)

Pantulong na Wika

b)

Wikang Pambansa

c)

Wikang Opisyal

d)

Wikang Panturo

40.

Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:

a)

Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng guro at mag-aaral

b)

Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at

impormasyon

c)

Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito

d)

Lahat ng ito

41.

Ito ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika bunga ng paggamit ng iba’t ibang indibiduwal, at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, edad, kasarian, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pa.

a)

Bilingguwalismo

b)

Multilingguwalismo

c)

Homogeneous na Wika

d)

Heterogeneous na Wika

42.

Ito ang barayti ng wika batay sa pinanggalingang lugar, panahon, at katayuan sa buhay ng isang tao.

a)

Dayalekto

b)

Unang Wika

c)

Pangalawang Wika

d)

Idyolek

43.

Ito ay tumutukoy sa mga katangiang taglay ng lahat ng wika anuman ang pinagmulan at kultura ng pamayanang inusbungan nito.

a)

Bilingguwalismo

b)

Multilingguwalismo

c)

Homogeneous na Wika

d)

Heterogeneous na Wika

44.

Ito ang barayti ng wika na bunga ng sitwasyon at disiplina o larangang pinaggagamitan ng wika.

a)

Register

b)

Midyum

c)

Estilo

d)

Jargon

45.

Ito ang barayti ng wika na batay sa pamamaraang gamit sa komunikasyon, maaaring pasalita o pasulat.

a)

Register

b)

Midyum

c)

Estilo

d)

Jargon

46.

Ang salitang “heterogeneous” ay mula sa mga salitang Griyego na “hetero,” na nangangahulugang ________________.

a)

magkaiba

b)

uri o lahi

c)

isa

d)

natatangi

47.

Ito ay tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang wika” dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata.

a)

Homogeneous na Wika

b)

Midyum

c)

Unang Wika

d)

Jargon

48.

Ito ang tawag sa iba pang mga wikang matututuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kanyang unang wika.

a)

Homogeneous na Wika

b)

Midyum

c)

Heterogeneous na Wika

d)

Pangalawang Wika

49.

Ito ang barayti ng wika kaugnay ng personal na kakanyahan ng bawat indibiduwal na gumagamit ng wika. Maaaring nakikilala rin ang pananalita ng isang indibiduwal batay sa kaniyang bigkas, tono, kalidad ng boses, at pisikal na katayuan.

a)

Dayalektong Heograpikal

b)

Dayalektong Temporal

c)

Dayalektong Sosyal

d)

Idyolek

50.

Alin sa sumusunod ang HINDI KABILANG sa kalikasan ng homogeneous na wika?

a)

bahagi ng kultura

b)

dinamiko

c)

arbitraryo

d)

idyolek

51.

Ang salitang "bato" ay kalimitang ginagamit ng mga doktor at pulis. Bato ang tawag sa tila kristal na namumuo sa ating ihi habang bato rin ang tawag sa ng mga pulis sa drogang kanilang nasasamsam sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Anong barayti ng wika nabibilang ang halimbawang salita?

a)

Multilingguwal

b)

Bilingguwal

c)

Idyolek

d)

Register

52.

Ito ang barayti ng wika na batay sa bilang at katangian ng kinakausap, at relasyon ng nagsasalita sa kinakausap.

a)

Register

b)

Midyum

c)

Estilo

d)

Jargon

53.

Si Juan, mahusay na siya sa wikang Filipino at wikang Ingles sa tulong na rin ng kanyang pag-aaral sa nabanggit na wika, taglay rin niya ang kahusayan sa pagsasalita ng Bicolano sapagkat ito ang wikang kanyang kinagisnan. Si Juan ay may kakayahang _____________ sa wika.

a)

Multilingguwal

b)

Bilingguwal

c)

Idyolek

d)

Midyum

54.

Ang mga Batangueno mayroong tono sa kanilang pagsasalita. Karaniwan ang pagbigkas ng "EH" sa kanilang pakikipag-usap. Anong barayti ng wika ang angkop sa halimbawa?

a)

midyum

b)

estilo

c)

register

d)

idyolek

55.

Kapag iyong nakasalubong ang isang kaibigan ay maaari mong batiin sa pahayag na “Hoy, kumusta ka na?” Kapag bumisita ka sa inyong mga lolo at lola ay binabati natin sila sa pahayag na “Kumusta po kayo?”. Anong barayti ng wika ang angkop sa halimbawa?

a)

midyum

b)

estilo

c)

register

d)

idyolek

56.

piliin kung anong letra ito.

a)

Ba

b)

E/I

c)

Ya

d)

A

57.

anong letra ito?

a)

B

b)

Ba

c)

Ta

d)

Wa

58.

anong letra ito?

a)

Ra

b)

Da

c)

Ka

d)

Ma

59.

anong letra ito? piliin ang sagot.

a)

Da

b)

Sa

c)

Ra

d)

Ga

60.

anong letra ito?

a)

La

b)

Ga

c)

Ma

d)

Ya

61.

anong letra ito?

a)

A

b)

O/U

c)

E/I

d)

La

62.

ilagay ang tamang sagot

(a)  

63.



(a)  

64.

Ano ang kulang na simbolo sa salitang "nakakapagpabagabag" na isinalin-sulat sa baybayin?

a)
b)
c)
d)
65.

Ito ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.

a)

Internet

b)

Text Message

c)

Social Media

d)

Wifi

66.

Ito ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan

a)

Telebisyon

b)

Radio

c)

Cellphone

d)

Diyaryo

67.

Ito ay tinitignan na makapangyarihang media noon hanggang sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang aabot nito.

a)

Telebisyon

b)

Radyo

c)

Dyaryo

68.

FlipTop

a)

Impormal

b)

Pormal

69.

Papalit palit ng pahayag sa wikang ingles at wikang filipino.

a)

SMS (short messaging system)

b)

Code Switching

c)

Pinaikli ang mga salita

70.

Balagtasan

a)

Impormal

b)

Pormal

71.

Tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao sa

isang “virtual” na komunidad.

a)

Blog Post

b)

Pelikula

c)

Social Media

d)

Vlogging

72.

Ang wikang ginagamit ay itinadhana ng K 12 Basic Curriculum. Anong sitwasyong pangwika ang ginagamitan nito?

a)

Edukasyon

b)

Kalakalan

c)

Industriya

d)

Pamahalaan

73.

Ginagamit ang wika ng mga namumuno lalo na ang Pangulo ng Pilipinas sa mga mahahalagang okasyon. Anong sitwasyong pangwika ang ginagamitan nito?

a)

Edukasyon

b)

Kalakalan

c)

Industriya

d)

Pamahalaan

74.

Ginagamit ang wika ng mga namumuno lalo na ang Pangulo ng Pilipinas sa mga mahahalagang okasyon. Anong sitwasyong pangwika ang ginagamitan nito?

a)

Edukasyon

b)

Kalakalan

c)

Industriya

d)

Pamahalaan

75.

Saang sitwasyon ginagamit ang wika sa mga BPOs industry, palengke, mall, restaurant, at iba pang lugar ng pagbebenta o pagnenegosyo?

a)

Edukasyon

b)

Kalakalan

c)

Industriya

d)

Pamahalaan