NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya't siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan?
Ang tao'y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
Kamukha ng tao ang Diyos.
Kapareho ng tao ang Diyos.
Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya't nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.
Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
isip
kilos-loob
pagkatao
damdamin
Sa pamamagitan ng ________ , ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili.
isip
kilos-loob
pagkatao
damdamin
Ang __________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos- loob.
isip
kilos-loob
emosyon
Karunungan
Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay
Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralain ang mga anak
Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan
Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan
Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti ay masama sa kaniyang isip
Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
Lahat ng nabanggit
Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
Kung magsasanib ang tama at mabuti
"Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao." Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
B. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
C. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.
D. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
Ang Sampung Utos ng Diyos
Likas na Batas Moral
Batas ng Diyos
Batas Positibo
Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya't nalilito siya
Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madaraig?
Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:
Bahala ang tao sa kanyang kilos
Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos
Makabubuti sa tao na kumilos nang tama
Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak
Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kihiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan
Wala sa nabanggit
Hindi lamang masamang kitilin ang sariling buhay kundi masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang kapuwa. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak
Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
Ito ay tumutukoy sa mga kritikal na sandali ng ating buhay kung saan nahihirapan tayong mamili kung ano ang dapat gawin.
problema
krisis
pagsubok
kahinaani
Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya?
Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao
Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao
Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian
Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman
Anong yugto ng konsensiya ang kinapapalooban nito?
Alamin at naisin ang mabuti
Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay
TAMA O MALI.
Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
TAMA
MALI
TAMA O MALI.
Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.
TAMA
MALI
