wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1 UExam G5 Filipino

Total questions: 102

Worksheet time: 57mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang uri ng panitikang masining na naipahahayag ng may-akda ang damdamin sa pamamagitan ng mga piling-piling salita, na inihahanay upang makabuo ng taludtod at saknong.

(a)  

2.

Ito ang bilang ng mga pantig na bumubuo sa isang taludtod.

a)

Sukat

b)

Tugma

c)

Indayog

d)

Talinghaga

3.

Sa tradisyunal na tulang Tagalog, and lahat ng taludtod ay may _____________ pantig.

a)

labindalawa

b)

labintatlo

c)

labingapat

d)

labinlima

4.

Ito ang pagkakapare-pareho ng tunog ng huling pantig ng salitasa bawat dulo ng mga taludtod.

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Indayog

d)

Kariktan

5.

Ito ang himig na nililikha ng mga salita sa isang tula kapag binibigkas.

a)

Sukat

b)

Tugma

c)

Indayog

d)

Talinghaga

6.

Ito ang bumubuo ng mga larawan sa isipan ng mga tagapakinig o mambabasa ng tula habang nagpapahiwatig ng ibang kahulugan.

a)

Talinghaga

b)

Kariktan

c)

Tugma

d)

Indayog

7.

Ito ang kabuuang ipinakikitang ganda ng tula batay sa mga ginamit na salita, larawan, at himig.

a)

Kariktan

b)

Talinghaga

c)

Indayog

d)

Sukat

8.

Tumutukoy ito sa himig na nalilikha ng pagbigkas sa bawat pahayag na bumubuo ng tula. Dahil dito, naitatakda ang indayog sa pagbigkas, na nagbibigay-buhay sa tula dahil ito ang pangunahing pumupukaw sa atensiyon ng tagapakinig.

a)

Tono

b)

Diin

c)

Antala

d)

Damdamin

9.

Ito ang lakas ng pagbigkas sa pantig ng salita upang na nagbmakatulong sa pag-unawa ng mga tagapakinig sa mensahe ng tula.

a)

Tono

b)

Diin

c)

Antala

d)

Damdamin

10.

Ito ang saglit o pansamantalang pagtigil ng pagbigkas sa isa o higit pang tiyak na bahagi ng tula upang mas mabigyang-linaw ang mensaheng ipinararating sa mga tagapakinig.

a)

Damdamin

b)

Antala

c)

Diin

d)

Tono

11.

Ang paglalapat ng tamang __________ ang isa pang dapat isaalang-alang sa pagbigkas ng tula upang lubusang mayakap ng mga tagapakinig ang mensaheng nais ipabatid. Maaaring masaya, malungkot, nagdurusa, nagdiriwang, nagtatanong, natatakot, o iba pa ang damdaming bumabalot sa isang tula.

a)

Antala

b)

Damdamin

c)

Tono

d)

Diin

12.

Tumutukoy ito sa isinasagawang galaw ng kamay o mga kamay.

a)

Kumpas

b)

Damdamin

c)

Diin

d)

Tono

13.

Ito ang paggalaw o paglakad ng makata sa entablado. Kinakailangang natural, malaya, at maluwag ang paggalaw.

a)

Galaw

b)

Kumpas

c)

Tindig/Tikas

d)

Damdamin

14.

Madaling nakukuha ang pansin ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagtayo ng tao at tindig ng mambibigkas sapagkat nasasalamin dito ang katatagan ng damdamin at tiwala sa sarili ng mambibigkas.

a)

Galaw

b)

Tindig/Tikas

c)

Kumpas

d)

Damdamin

15.

Sa pagbigkas, nakakatulong ang kilos at galaw sa paghahatid ng diin ng damdaming nais ipahayag ng tula sa mga tagapakinig.

a)

tama

b)

mali

16.

Hindi mahalaga ang tono, antala, diin, at damdamin sa paghahatid ng kahulugan ng mga bahagi o kabuuan ng tula sa mga tagapakinig.

a)

tama

b)

mali

17.

Ito ay ang mga salitang alam na natin ang kahulugan o ibig sabihin sa

pagkakataong atin itong mabasa o marinig

(a)  

18.

Ito ay mga salitang hindi natin madalas ginagamit sa

pakikipag-usap o hindi madalas na nababasa. K

(a)  

19.

Ito ay aklat na naglalaman ng mga salita ng isang wika o ng isang tanging uri ng mga salita na karaniwang inayos nang paalpabeto, may mga paliwanag ng mga kahulugan at iba pang impormasyon.”

(a)  

20.

Tanging si Aya lamang ang nakaunawang nasaktan ako sa

pambubuyo ng aming mga kaklase kaya ipinagtanggol niya ako

mula sa kanila

a)

pang-aaway

b)

pang-aasar

c)

paninigaw

d)

pandidiri

21.

Masasabi kong hindi ko lamang kapatid si Alexa kundi matalik

ding kaibigan dahil binilinan kami ng aming magulang na higit

kanino man, kami ang dapat na laging magkasama at

magtutulungan

a)

magkasundo

b)

malapit

c)

magaling

d)

tapat

22.

Si Ginang Fely na aking guro ang masasabi kong pinakamalapit

kong kaibigan noong sekundarya dahil siya lamang ang

napagbubuksan ko ng aking mga iniisip kaysa mga kaklase ko.

a)

hayskul

b)

pagkabata

c)

pangalawang araw

d)

kolehiyo

23.

Maraming nakasuot ng damit na kulay kalimbahin sa pagtitipong pinuntahan ni Ana at mga kasama kaya binansagan silang Team

Rosas

a)

pula

b)

asul

c)

pink

d)

berde

24.

Iwinasiwas niya ang palaspas sa hangin habang binebendesyunan

iyon ng pari.

a)

ikinakaway

b)

iwinawagayway

c)

itinataas

d)

ipinamimigay

25.

Tukuyin ang pinakamalapit na salitang maaaring magpahiwatig ng kahulugan ng nakadiing salita sa bawat pangungusap.

Naniniwala ka ba sa mga multo? Kahapon, nagkuwento si Tina na may nakita siyang

aparisyon sa bahay nila habang nag-iisa siya.

a)
multo
b)

nag-iisa

c)

nagkuwento

d)

nakita

26.

Tukuyin ang pinakamalapit na salitang maaaring magpahiwatig ng kahulugan ng nakadiing salita sa bawat pangungusap.

Ang sabi ko sa kaniya, guni-guni lamang iyon dahil sa mga katatakutang pinanood niya at pinag-iiisip pagkatapos.

a)
pinag-iiisip
b)

katatakutang

c)

pagkatapos

d)

pinanood

27.

Tukuyin ang pinakamalapit na salitang maaaring magpahiwatig ng kahulugan ng nakadiing salita sa bawat pangungusap.

Nayamot siya sa akin dahil sa paulit-ulit kong pang-aasar sa kaniya.

a)

pang-aasar

b)

paulit-ulit

c)

kaniya

d)

akin

28.

Tukuyin ang pinakamalapit na salitang maaaring magpahiwatig ng kahulugan ng nakadiing salita sa bawat pangungusap.

Maraming humahanga sa galing ni Jay sa pagguhit at pinuri siya ng kanilang guro dahil sa pagiging malikhain.

a)

pagguhit

b)

pinuri

c)

humahanga

d)

galing

29.

Tukuyin ang pinakamalapit na salitang maaaring magpahiwatig ng kahulugan ng nakadiing salita sa bawat pangungusap.

Paboritong libangan ni Lola ang manahi dahil nasisiyahan siyang makitang

suot-suot namin ang kaniyang mga gawa.

a)

nasisiyahan

b)

suot-suot

c)

manahi

d)

gawa

30.

Nasa anyong tradisyunal ang tula kapag ito ay may sukat at tugma.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Tukuyin ang Anyo ng Tula

Sa tuwid na landas, kasama siyang dadaan,

Ang mabuting kaibigan, ika'y gagabayan

a)

Tradisyunal

b)

Malayang Taludturan

c)

Form Poetry

32.

Nasa anyong (a)   ang tula kapag ito ay walang sukat at tugma

33.

Tukuyin ang Anyo ng Tula

Ikaw ang aking pag-ibig, ito man ay aking ikasawi,

Lubha akong magdurusa, kapag ikaw ay nawala.

a)

Tradisyunal

b)

Malayang Taludturan

c)

Form Poetry

34.

Tukuyin ang Anyo ng Tula

Ito ang krus na tumubos

sa mga makasalanan ng sanlibutan

Kaya tayo na at ipagdangal ang krus

na sa ‘ti'y ipinangtubos

Ang Poon dito ay nalubos

a)

Malayan Taludturan

b)

Form Poetry

c)

Tradisyunal

35.

Elemento ng Tula na tumutukoy sa pangkat ng linya ng

mga salita o taludtod.

a)

Saknong

b)

Sukat

c)

Tugma

d)

Talinghaga

36.

Elemento ng Tula na tumutukoy sa bilang ng

pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

a)

Saknong

b)

Sukay

c)

Tugma

d)

Talinghaga

37.

Elemento ng Tula na tumutukoy sa pagkakapareho ng

tunog ng huling pantig sa bawat taludtod na nagdadala ng indayog o himig sa pagbigkas ng tula.

a)

Saknong

b)

Sukat

c)

Tugma

d)

Talinghaga

38.

Elemento ng Tula na tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita.

a)

Saknong

b)

Sukat

c)

Tugma

d)

Talinghaga

39.

May tatlong anyo ang tula.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Tinatawag na form poetry ang isang tula kung ito ay may sukat

at tugma.

a)

Tama

b)

Mali

41.

Tinatawag na form poetry ang isang tula kung ito ay may sukat

at tugma.

a)

Tama

b)

Mali

42.

Higit na malikhain ang pagkakabuo ng form poetry kaysa sa

tradisyunal na anyo ng tula.

a)

Tama

b)

Mali

43.

Ang pahayag na “Sa tuwid na landas, kasama siyang dadaan,

Ang mabuting kaibigan, ikaw'y gagabayan” ay isang malayang

taludturan.

a)

Tama

b)

Mali

44.

Ano ang anyo ng tulang may sukat at tugma?

a)

liberal

b)

tula na may hugis

c)

tradisyunal

d)

malayang taludturan

45.

Ano ang anyo ng tulang walang sukat at tugma?

a)

tula na may hugis

b)

tradisyunal

c)

malayang taludturan

d)

liberal

46.

Anong anyo ng tula ang nakabubuo ng hugis ang paraan ng pagkakasulat?

a)

liberal

b)

tula na may hugis

c)

tradisyunal

d)

malayang taludturan

47.

Ano ang dapat isaalang-alang upang makabuo ng tradisyunal na tula?

a)

May tiyak na bilang ng taludtod ang bawat saknong.

b)

Pareho ang bilang ng mga pantig at may tugma ang mga salitang nasa dulot ng mga taludtod.

c)

Mahahaba ang bawat taludtod ng tula

d)

Walang sinusunod na nilang ng pantig ang bawat talutod.

48.

Paano masasabing may tugma ang isang tula?

a)

kapag magkaparehas ng bilang ng pantig ang bawat taludtod

b)

kapag ang lahat ng pantig sa tuludtod ay magkakatunog

c)

kapag ang pamagat ng tula ay katunog ng lahat ng taludtod

d)

kapag magkatunog ang huling pantig ng bawat taludtod

49.

Kung sa anyong tula na may hugis isusulat ang tulang "Unang Paglipad ng Eroplano," paano ito dapat isulat?

a)

may sukat

b)

may tugma

c)

sa anyo ng manunulat ng tula

d)

sa anyo ng eroplano

50.

"maganda"

a)

anghel

b)

dalaga

c)

paraluman

d)

lambana

51.

Para magkaroon ng tugma, ani ang mainam na huling salitang dapat ilagay sa dulo ng sumunod na taludtod kung hiling ang huling salita sa unang taludtod ng tula?

a)

lambing

b)

pangarap

c)

bigay

d)

ganda

52.

Anong anyo ng tula ang nasa ibaba?

Ikaw ang aking tangi't isang binibini,

Kapag hindi ka nakamtan ay pagsisisi.

a)

malayang taludturan

b)

tula na may hugis

c)

tradisyunal

d)

liberal

53.

Anong tugma ang makikita sa tula sa ibaba?

Ikaw ang aking tangi't isang binibini,

Kapag hindi ka na nakamtan ay pagsisisi.

a)

aking at hindi

b)

tangi at nakamtan

c)

binibini at pagsisisi

d)

ikaw at kapag

54.

Anong anyo ng tula ang nasa ibaba?

Buhat nang ikaw ay makilala,

Loob ko'y lagi nang magiliw.

Ako ay laging kinakabahan,

Kapag ikaw ay laging papalapit.

a)

tula na may hugis

b)

liberal

c)

malayang taludturan

d)

tradisyunal

55.

Ano ang tawag sa mga bumubuong linya sa tula?

a)

sukat

b)

matatalinhagang pahayag

c)

taludtod

d)

saknong

56.

Ano ang nagbibigay-indayog sa pagbigkas ng tula?

a)

tono

b)

antala

c)

diin

d)

damdamin

57.

Ano ang itinuturing na mga nagbibigay-larawang pahayag sa tula?

a)

talinghaga

b)

damdamin

c)

kariktan

d)

tugma

58.

Ano ang tonong maaring ilapat sa tula kung pag-iisa at pag-ulan ang ginagamit na mga salita sa tula?

a)

pagkalumbay

b)

pakikisimpatya

c)

pagkatakot

d)

pagsasaya

59.
a)

labinglima

b)

wala

c)

labing-anim

d)

labintatlo

60.

Saan-saan ang antala sa pagbasa ng taludtod sa ibaba?

Sila ang kasama sa lungkot at tawanan

a)

Sila / and kasama / sa lungkot at tawanan /

b)

Sila / ang kasama / sa lungkot / at tawanan /

c)

Sila ang kasama / sa lungkot / at tawanan /

d)

Sila ang kasama / sa lungkot at tawanan /

61.
a)

hindi, mabuti; tuwid, kamalian

b)

tapat, kamalian; dadaan, kaibigan

c)

ikinakaila, kasama; dadaan, gagabayan

d)

atin, natin; dadaan, gagabayan

62.

Alin sa taludtod ang dapat bigyang-diin sa pagbabasa?

a)

mabuting

b)

kaibigan

c)

yaman

d)

maituturing

63.
a)

Kinakailangang palaging may asahan sa ating bagay at kapalit na tulong upang maituring tayong tunay na kaibigan.

b)

Ipinababatid ng saknong ang mga positibong katangian ng isang kaibigan, tulag ng palagiang presensiya sa iyong buhay.

c)

Napapaloob na mensahe ng saknong ang pagpapaabot ng pag-asa sa mga naranasang iwan ng kanilang mga kaibigan.

d)

Ipinapayo ng saknong na mahalang nariyan tayo palagi sa ating kaibigan upang maituring tayong mabuti.

64.

Paano nakaaapekto ang pagbigkas ng tula sa naipararating na kahulugan sa mga tagapakinig?

a)

Nakabatay sa mga pamilyar na salitang nabibigkas ang lalong pagtatak ng kahulugan ng tula sa isipan ng mga tagapakinig.

b)

Natutukoy sa kilos at kumpas ng mambibigkan ang mahahalagang ideyang marerehistro sa isip ng mga tagapakinig.

c)

Ang anuman ideya ang bigyang-diin at damdaming iparamdam ng mambibigkas ang lilikha at tatatak na mensahe ng tula sa tagapakinig.

d)

Nakasalalay sa tono ng pagbigkas ang kahulugan ng tula nais iparating sa mga tagapakinig

65.

Ano ang salitang madalas nang ginagamit kaya tukoy na ang kahulugan?

a)

pamilyar na salita

b)

kasingkahulugan

c)

talasalitaan

d)

di-pamilyar na salita

66.

Sa paghihinuha ng kahulugan ng di-pamilyar na salita, ano ang kinakailangang matukoy tungkol sa iba pang kasamahang salita sa loob nga pahayag?

a)

kasabihan

b)

kasangguni

c)

kahulugan

d)

kasalungat

67.

Ano ang isang sa mga dahilan ng paggamit ng pahiwatig sa pagsusulat ng isang teksto?

a)

upang hindi agad hayagang ilantad ang kahulugan ng salita

b)

para mahirapang ang mambabasa

c)

uoang maging angkop sa teksto

d)

para maging malaya sa pagsulat

68.

Ano ang mahihinuhang kahulugan ng salitang nakadiin?

Maraming magsing-irog ang magkahawak-kamay na namamasyan sa may tabing-dagat sa SM MOA.

a)

magkasintahan

b)

mag-aaral

c)

magkamag-anak

d)

magkaibigan

69.

Ano ang mahihinuhang kahulugan ng salitang nakadiin?

Ikinuyom ni Marco ang kaniyang kamay upang magpigil ng galit sa mga nanunukso.

a)

isinuntok

b)

ibinaba

c)

isinara

d)

binuksan

70.

Ano ang ibig sabihin ng salitang 'butil' sa pangungusap?

Unti-unting tumulo ang isang butil sa kaniyang pisngi nang malamang namatay na ang kanyang tatay.

a)

muta

b)

luha

c)

pawis

d)

nunal

71.

Kung nangangahukugang maganda ang may-diing salita sa loob ng pangungusap, ano ang tawag sa dalawang salita?

Marikit and ang kaniyang damit kahit pa mura ito.

a)

mga hudyat

b)

makasalungat

c)

magkasingkahulugan

d)

makapag-iisang kataga

72.

Paano mahahanap ang kahulugan ng isang di-pamilyar na salita kung dalawa o higit pang salita sa pahayag ng hindi mo maunawaan?

a)

Sumangguni sa talitinigan.

b)

Pagnilayan ang buong akda

c)

Hanapin sa mga susing salita o context clue

d)

Sumangguni sa diksiyonaryo.

73.
a)

dalaga

b)

lambana

c)

paraluman

d)

anghel

74.

"maganda"

a)

anghel

b)

dalaga

c)

paraluman

d)

lambana

75.

Bagama't ang buhay ng tao, hindi nawawalan ng balakid.

a)

makatao

b)

mapagpahalaga

c)

umuunawa

76.

Iniluwal, inaruga, pinalaking may takot sa Diyos.

a)

makatao

b)

mapagpahalaga

c)

umuunawa

77.

Ang pagdamay, pakikisama, at pakikipagkapwa-tao, ilan lamang iyan sa pagpapahalaga ng ko.

a)

makatao

b)

mapagpahalaga

c)

umuunawa

78.

Sa pagmamahal ng mga magulang, ako ay puspos.

a)

makatao

b)

mapagpahalaga

c)

umuunawa

79.

Ang mga hamon ng buhay ang nagpapatatag sa atin.

a)

makatao

b)

mapagpahalaga

c)

umuunawa

80.

Karaniwang tao akong nabubuhay sa mundo. Tulad mo, ninyo, at ng lahat ng tao.

a)

makatao

b)

mapagpahalaga

c)

umuunawa

81.

Gayunpaman, mahalaga sa akin ang pagpapakatao.

a)

makatao

b)

mapagpahalaga

c)

umuunawa

82.

Lumingap sa pamilya, kaibigan, at kapwa ng pag-ibig.

a)

makatao

b)

mapagpahalaga

c)

umuunawa

83.

Sa kagandahan ng buhay, tiyak kang mabibighani.

a)

makatao

b)

mapagpahalaga

c)

umuunawa

84.

Maganda ang buhay

a)

mapagpahalaga

b)

makatao

c)

umuunawa

85.

Ang tula ay akdang tuluyan na nagsasalaysay ng mga kuwento.

a)

Tama

b)

Mali

86.

Ang tula ay isang uri ng panitikang masining na naipahahayag and damdamin ng may-akda.

a)

Tama.

b)

Mali

87.

Ang tula ay isang uri ng panitikang masining na naipahahayag ang damdamin ng may-akda

a)

Tama

b)

Mali

88.

Ang tradisyunal na tula ay walang sukat at tugma.

a)

Tama

b)

Mali

89.

Ang malayang taludturan ay mayroong sukat at tugma.

a)

Tama

b)

Mali

90.

Ang form poetry ay malikhain ang pagkakagawa sapagkat makikita sa pisikal na anyo ng pagkakabuo ng tula ang tema o paksa.

a)

Tama

b)

Mali

91.

Ang saknong ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.

a)

Tama

b)

Mali

92.

Tinatawag na tugma ang magkakaparehong tunog ng huling pantig sa bawat taludtod.

a)

Tama

b)

Mali

93.

Ang tula ay binibigkas nang may angking himig o indayog.

a)

Tama

b)

Mali

94.

Ang isang tula ay binibigyang-kulay ng matatalinghagang salita.

a)

Tama

b)

Mali

95.

Ang pakasulat ng tula ay isang malikhaing paraan upang maipahayag ng isang tao ang kanyang saloobin.

a)

Tama

b)

Mali

96.

Payak lamang ang aming pamumuhay rito sa probinsya

(a)  

97.

Limang taong gulang lamang ako nang iniluwal ni ina ang bunso naming si Noynoy.

(a)  

98.

Maraming balakid ang pinagtagumpayan ni jose abgo siya nanalo sa Amazing Race.

(a)  

99.

Ang pagiging maka-Diyos ang pinakamahalagang pagpapahalaga para sa akin bilang isang tao.

(a)  

100.

Lingapin mo ang iyong kapwa, gaya ng paglingap sa iyo ng iyong magulang.

(a)  

101.

Higitan mo ang kuha ng pagkain sa ilulunsad na relief operation.

(a)  

102.

Dapat naman talagang siguraduhin ng mga magulang ang kaligtasan ng mga anak mula pagpasok ng paaralan hanggang makauwi muli sa bahay.

(a)