wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagbibigay ng Hinuha sa mga Pangyayari

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

  1. Marami sa kanyang ka-barangay ang mahilig matapon ng basura kung saan-saan.

a)

Lilinis at gaganda ang kapaligiran.

b)

Matutuwa ang mga namamasura.

c)

Lalago ang mga tanim sa paligid.

d)

Dadami ang mga insekto na maaring magdala ng mga sakit sa tao.

2.

Ipinasara ng DENR ang Boracay dahil sa maraming paglabag ng mga negosyanteng nagpatayo ng kanilang mga hotel malapit sa dalampasigan.

a)

Napilitang ipasara ang kanilang mga negosyo.

b)

Nagbukas pa rin sila kahit ipinagbabawal ng batas.

c)

Tumatanggap pa rin sila ng mga bisita sa hotel.

d)

Nagbukas ulit sila pagkapos ng rehabilitasyong ginawa sa Boracay.

3.

Nagkaroon ng malaking sunog sa isang pabrika sa Malabon malapit sa mga kabahayan.

a)

Nasunog ang pabrika at nadamay ang bahay ng mga malapit roon.

b)

Maraming pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.

c)

Maghahanap  sila ng bagong lugar na matitirhan.

d)

Nagtakbuhan ang mga taong naninirahan doon.

4.

Nanalo si Henry sa lotto ng sampung milyong piso. Ano ang gagawin nito sa sampung milyong piso na napalunan?

a)

ibibigay sa nanay niya

b)

ipamimigay lahat sa mahihirap

c)

idedeposito sa bangko upang lumago ito

d)

gagastuhin lahat ang kaniyang napanalunan

5.

Nadulas si Alvin sa balat ng saging dahil hindi itinapon ng kaniyang kapatid sa basurahan. Ano kaya ang nangyari kay Alvin?

a)

Gumanti siya sa kanyang kapatid.

b)

Pinagalitan niya ang bunsong kapatid.

c)

Pinagsabihan niya ito para hindi na ito uulitin ng kanyang kapatid.

d)

dapat pagalitan ng kanilang ina ang kaniyang kapatid

6.
  1. Pagkauwi ni Johnrey mula sa paaralan ay dumiretso kaagad siya sa bahay ng kaniyang kaklase upang maglaro ng “video games”. Sa paglalaro ay hindi namalayan ni Johnrey na takipsilim na.

a)

ang kaniyang mga magulang sa kaniyang pag-uwi

b)

Tutulong siya sa gawaing bahay pag-uwi.

c)

Mag-aalala ang kanyang mga magulang.

d)

Pagagalitan siya ng kaniyang mga magulang.

7.

Kung patuloy ang pagsusunog ng mga kaingero sa kagubatan, ano ang mangyayari sa gubat?

a)

Magkakaroon ng malawakang pagbaha.

b)

Makakalbo ang kagubatan at maraming mamatay na hayop.

c)

Maraming pupunta sa lungsod upang magtrabaho.

d)

Unti-unting guguho at mawawala ang matatabang lupa.

8.
  1. Kapag patuloy ang pagguho ng lupa, ano ang mangyayari?

a)

Marami ang mawawalan ng tirahan.

b)

Magkakaroon ng pagguho ng lupa o landslide na magiging sanhi ng kamatayan ng mga tao.

c)

Maraming magugutom sa pagguho ng lupa.

d)

Maraming pupunta sa lungsod upang makipagsapalaran.

9.

Maagang gumising si Angelica dahil unang araw ng pasukan. Subalit biglang bumuhos ang malakas na ulan.

a)

Matutulog na lamang siya.

b)

Hindi na siya papasok sa paaralan.

c)

Susuungin ang nakapalakas na ulan.

d)

Hihintaying tumila ang ulan at hihingi ng paumanhin sa guro kung bakit nahuli sa klase.

10.
  1. Maagang na ulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ikaanim na baitang ang panganay. Palaging malungkot ang kanilang tatay, hatinggabi na kung umuwi at lasing pa.

a)

Pinagsabihan nila ang kanilang ama.

b)

Matutuwa ang magkapatid.

c)

Maiisipan nilang humingi ng tulong sa kamag-anak o pamahalaan.

d)

Magkakaroon ng malaking problema ang magkakapatid.