NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit 1.2 KARUNUNGANG-BAYAN
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Sila ang sinasabing mga unang tribo na pinagmulan ng lahing Pilipino MALIBAN sa _______.
Tsino
Malay
Indones
Negrito
Ang karamihan ng sinaunang panitikan ng ating mga ninuno noong panahon ng katutubo ay naisalin sa paraang __________.
Pasalindila
Pasalinsulat
Pasalintroniko
Patanghal
Katutubong panitikan na nasa anyong patula na nagsilbing laro o libangan ng ating mga ninuno. Ito ay maiikling taludtod na pahambing na paglalarawan at pinahuhulaan kung kaya't nagpapatalas ng isipan.
Bugtong
Kasabihan
Tanaga
Salawikain
Elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakapareho ng huling pantig sa mga taludtod sa bawat saknong .
Tugma
Sukat
Talinghaga
Mensahe
Uri ng karunungang-bayan na nasa anyong patula, binubuo ng 4 na taludtod na may tigpipitong pantig at nagpapahayag ng mayamang kaisipan na kadalasang ang paksa ay katutubong pamumuhay.
Salawikain
Tanaga
Sawikain
Kasabihan
Masamang isukat ang damit pangkasal
at di matutuloy, pagharap sa altar.
Ito ay isang halimbawa ng kasabihan. Ang paksa nito ay ____________.
pamahiin
ugali ng tao
aral sa pakikipagkapwa
pahayag ng bayani
Ang naglalakad nang matulin,
kung matinik ay malalim;
ang naglalakad nang mabagal,
kung matinik ay mababaw.
Ang panitikang ito ay halimbawa ng __________.
sawikain
kasabihan
salawikain
tanaga
Hango sa karanasan ng tao ang mga kasabihan noon ngunit nakakasakit - damdamin ang mga kahulugan nito.
Tama
Mali
Ang mga Muslim ay sinasabing nagmula sa lahing Malay.
Tama
Mali
Sinunog ang mga katutubong panitikan ng mga Espanyol dahil ito raw ay gawa ng diyablo.
Tama
Mali
Tinatawag na katutubong panitikan ang karunungang-bayan.
Tama
Mali
Ang salawikain, bugtong at kasabihan ang mga halimbawa ng awiting-bayan.
Tama
Mali
Baybayin ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng ating mga ninuno noong katutubong panahon.
Tama
Mali
Nagsisilbing payo ang mga karunungang-bayan dahil hango ito sa karanasan ng mga matatanda.
Tama
Mali
Ang karunungang-bayan ay bahagi ng panitikan ng bayan na nagsisilbing daan upang maipahayag ang kaisipan, damdamin, kultura ng partikular o lugar.
Tama
Mali
