NEW
Font size
WorksheetsAP2 - quiz 1
Total questions: 73
Worksheet time: 37mins
Ito ay isang patag o lapad na paglalarawan ng isang lugar. Ito ay isang mahalagang sanggunian sapagkat mapagkukunan ito ng maraming impormasyon.
mapa
compass rose
cartographer
ano ang tawag sa gumagawa ng mapa?
explorer
scientist
cartographer
ito ay isang instrumento na ginagamit sa paglalakbay, Makikita dito ang pangunahin at pangalawang direksyon.
mapa
compass rose
cartographer
ang hilaga, timog, silangan at kanluran ay ang apat na pangunahing direksyon.
Tama
Mali
ang hilagang kanluran, hilagang silangan, timog kanluran, at timog silangan ay ang apat na pangunahing direksyon.
Tama
Mali
Ano ang tawag sa mga gusali tulad ng Simbahan, Paaralan, ospital, munisipyo, palengke at mga tulay at kalsada
Estruktura
komunidad
simbolo
Alin ang simbolo ng pook dalanginan o simbahan na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng paaralan na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Ospital na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Parke na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Paliparan na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Bahay na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Tulay na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Munisipyo na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Himpilan ng Pulis na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Post Office na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Pamilihan na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Pamilihan na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Gusali na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Bundok na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Bulkan na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Lambak na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Bulubundukin na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Kapatagan na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Kapatagan na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Burol na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Ilog na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Talon na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Lawa na makikita sa mapa?
Alin ang simbolo ng Karagatan na makikita sa mapa?
Gamitin ang compass rose, saan matatagpuan ang paaralan?
Hilaga (H)
Timog (T)
Silangan (S)
KAnluran (K)
Gamitin ang compass rose, saan matatagpuan ang ospital?
Hilaga (H)
Timog (T)
Silangan (S)
KAnluran (K)
Gamitin ang compass rose, saan matatagpuan ang Himpilan ng pulis?
Hilaga (H)
Timog (T)
Silangan (S)
Kanluran (K)
Gamitin ang compass rose, saan matatagpuan ang Simbahan o Pook dasalan?
Hilaga (H)
Timog (T)
Silangan (S)
Kanluran (K)
Ito ang pinakamataas na anyo ng lupa
bundok
bulubundukin
burol
bulkan
Ito ang tawag sa mga hanay o magkakarugtong na bundok
bulubundukin
burol
bulkan
Ito ay isang anyo ng lupa na masmababa sa bundok
bulubundukin
burol
bulkan
Isang mataas na anyong lupa na may butas sa tuktok. May mainit at kumukulong putik at bato sa loob nito
bulubundukin
burol
bulkan
Isang patag na lupa sa pagitan ng bundok o burol.
lambak
talampas
kapatagan
Isang malawak na patag na lupa sa itaas ng bundok
lambak
talampas
kapatagan
Ito ay malawak at patag na anyong lupa
lambak
talampas
kapatagan
Ito ay isang anyong lupa na napapaligiran ng tubig
lambak
pulo
kapatagan
Pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig
karagatan
dagat
look
anyong tubig na malalim at malawak. karugtong ito ng karagatan ngunit masmaliit ito
lawa
dagat
look
anyong tubig na konektado sa dagat. ito ay may makipot na daanan papasok at palabas sa dagat.
lawa
talon
look
Isang maliit na anyong tubig na napapaligiran ng anyong lupa
lawa
talon
look
Isang anyong tubig na bumabagsak mula sa mataas na lugar.
lawa
talon
look
Isang mahabang anyong tubig na dumadaloy mula sa kabundukan patungo sa dagat
lawa
talon
ilog
Ito ay pangkat ng mga taong may ugnayan sa isa't-isa. Ang ugnayang it ay dahil sa pagkakapareho ng lugar na tinitirahan o dahil sa pagkakaroon ng karaniwang mga katangian, interes o layunin.
Komunidad
pangingisda
pagsasaka
Uri ng komunidad na matatagpuan sa labas ng mga lungsod at kabayanan. Kakaunti ang mga naninirahan dito. Kakaunti rin ang mga gusali at mga kabahayanan. Ang mga bahay ay mag kakalayo layo.
rural
urban
Uri ng komunidad na matatagpuan sa lungsod. Nagtataasan at naglalakihang mga ngusali ang makikita rito.
rural
urban
Dito nanggagaling ang mga sariwang gulay na ating kinakain. Pati na ang mga pangunahing pananim tulad ng palay, mais, at niyog.
pansakahan
pangisdaan
pangminahan
Ang mga sariwang isda, seafood, seaweed, at perlas ay dito hinahango.
pansakahan
pangisdaan
pangminahan
Karaniwang matatagpuan ang komunidad na ito sa kabundukan. Ang pangunahing gawain ng mga tao rito ay ang pagmimina ng mga ginto, nikel, tanso, chromite at iba pang yamang mineral
pansakahan
pangisdaan
pangminahan
Dito matatagpuan ang mga kabahayan sa komunidad.
Residensiyal
komersiyal
indastriyal
Ang mga gusali na may kinalaman sa iba't-ibang negosyo o hanapbuhay ay ang karaniwang makikita dito.
Residensiyal
komersiyal
indastriyal
Ang komunidad na ito ay binubuo ng mga pagawaan o pabrika
Residensiyal
komersiyal
indastriyal
Sila ang mga naninirahan sa komunidad na may responsibilidad na pangalagaan ang bawat isa. Kasama rito ang pagbibigay ng maayos na edukasyon at pagtuturo ng pakikipagkapwa tao ng mga nakakabatang miyembro ng pamilya.
pamilya o mag-anak
pari, imam o pastor
opisyal ng kalusugan
lider o pinuno
Mga taong namumuno sa iba't ibang sekta ng relihiyon. Sila ang nagtuturo at gumgabay sa komunidad tungo sa tama at mabuting pamumuhay.
pamilya o mag-anak
pari, imam o pastor
opisyal ng kalusugan
lider o pinuno
Sila ang pinupuntahan ng mga tao para komunsulta tungkol sa kanilang kalusugan o humihingi ng lunas sa anumang karamdaman o sakit.
pamilya o mag-anak
pari, imam o pastor
opisyal ng kalusugan
lider o pinuno
Sila ang punong abala sa pagpapatupad ng mga batas, pangangasiwa ng mga programa o proyekto, paghahanap ng solusyon o pagtugon sa mga suliraning kinahaharap at pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at pag-unlad ng komunidad
pamilya o mag-anak
pari, imam o pastor
opisyal ng kalusugan
lider o pinuno
Dito napapaunlad ang karunungan at kakayahan ng bawat isa. Patuloy din nilang hinuhubog ang mga tao upang maging mabuting mamamayan.
paaralan
pook-sambahan
pagamutan
pook-libangan
Dito nagsasama-sama ang mga taong may parehong pananampalatay upang magdasal at makinig sa mga aral ng kanilang relihiyon.
paaralan
pook-sambahan
pagamutan
pook-libangan
Ito ang nangangalaga sa kalusugan ng mga kasapi ng komunidad.
paaralan
pook-sambahan
pagamutan
pook-libangan
Maraming bata ang naglalaro at mga pamilyang nagpupunta rito kung araw ng Sabado at Linggo.
paaralan
pook-sambahan
pagamutan
pook-libangan
Dito nabibili ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
pamilihan
pook-sambahan
pagamutan
pook-libangan
Ito ang sentro ng komunidad. Ito ang namamahala ng kapayapaan at kaayusan ng komunidad at pagpapatupad ng mga alintuntunin at batas.
pamilihan
pook-sambahan
bahay pamahalaan
pook-libangan
Tumutukoy ito sa dalawa o higit pang mga taong may magkakatulad na katangian na ngakakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
Grupong panlipunan
katayuan
gampanin
Tumutukoy ito sa posisyong kinabibilangan ng isang taosa komunidad, maaring base sa kaniyang lugar na sinilangan, kasarian o hanapbuhay.
Grupong panlipunan
katayuan
gampanin
Tumutukoy ito sa mga karapatan, obligasyon,nat inaasahan ng komunidad sa bawat indibiduwal.
Grupong panlipunan
katayuan
gampanin
Ito ay tumutukoy sa kondisyon ng atmospera sa isang lugar sa iang partikular na oras.
panahon
klima
oras
panahon na nararanasan mula buwan ng Disyembre hanggang buwan ng Mayo sa Pilipinas. Dito sumisikat ng matindi ang araw sa buong maghapon.
tag-init
tag-ulan
taglagas
panahon na kalimitang nagsisimula sa buwan ng Hunyo at tumatagal hanggang buwan ng Nobyembre. Lumalamig ang hangin kaya nagbibigay ito ng maginhawang pakiramdam pagkatapos ng mainit na panahon.
tag-init
tag-ulan
taglagas
