WorksheetsFILI1 LONG QUIZ #1
Total questions: 31
Worksheet time: 1hrs 5mins
BUONG PANGALAN-KURSO-TAON-GRUPO:
Ayon kay ___ “Walang makapagsasabi kung saan o paano ba talaga nagsimula ang wika. Maaaring ang tao noon ay nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak, paghiyaw, pagkilos o paggalaw/pagkumpas hanggat ang mga senyas na ito ay binibigyan ng mga simbolo at kahulugan.”
Adamson Hoebel
Edward Sapir
Todd
Edgar Sturtevant
Ayon kay ___ "ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon."
Adamson Hoebel
Edward Sapir
Todd
Edgar Sturtevant
Ayon kay ___ “Ang wika ay likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.”
Adamson Hoebel
Edward Sapir
Todd
Edgar Sturtevant
Ito ay ang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.
Pananaliksik
Komunikasyon
Wika
Kultura
Isa sa mga katangian ng Wika kung saan ang vokabularyo nito ay patuloy na dumarami, nadaragdagan at umuunlad.
Dinamiko/buhay
May lebel o antas
Gamit sa komunikasyon
Malikhain at natatangi
Isa sa mga katangian ng Wika kung saan may wikang batay sa gamit na tinatawag na formal at di-formal, pang-edukado, balbal, kolokyal, lalawiganin, pansyensya at pampanitikan.
Dinamiko/buhay
May lebel o antas
Gamit sa komunikasyon
Malikhain at natatangi
Isa sa mga pangunahing gamit ng Wika kung saan ginagamit ito sa pagtitiyak o pag-aaydentifay sa mga bagay, gawain, kilos o tao sa pamamagitan ng pagbibigay-pangalan dito.
Pagpapangalan (labeling)
Interaksyon
Transmisyon
May dalang kahulugan (words have meaning)
Isa sa mga pangunahing gamit ng Wika kung saan ginagamit ang wika sa pagpapasa ng mga impormasyon dahil walang katapusan ang pagsasalin o pagpapasa ng mga impormasyon
Pagpapangalan (labeling)
Interaksyon
Transmisyon
May dalang kahulugan (words have meaning)
Noli de Castro, “Magandang Gabi Bayan!”
Dayalek
Sosyolek
Idyolek
Repertwa
Ito ay isang uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo.
Hal. "Repapips, ala na ako datung eh" (Pare, wala na akong pera)
Dayalek
Sosyolek
Idyolek
Repertwa
Ito ang tawag sa wikang ginagamit sa isang partikular na pook o lugar, maliit man o malaki. Ito ang unang wika na nakagisnan natin sa ating tahanan. Kadalasan itong ginagamit ng ating mga magulang at iba pang mga miyembro ng ating pamilya.
Dayalek
Sosyolek
Idyolek
Repertwa
Ito ay barayti ng wika na mula sa isang etnolingguwistikong grupo.
Hal. Tekaw- nabigla o nagulat
Dayalek
Sosyolek
Idyolek
Etnolek
Ito ang wikang espesyalisadong ginagamit ng isangpartikular na domain o isang teknikal na lipon ng mga salita sa isanglarangan o disiplina.
Register
Varayti
Sosyal
Istilo
Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang wika ay heterogeneous o nagkakaiba-iba.
Varyasyon
Varayti
Sosyal
Istilo
Varayti ng wika na walang pormal na estruktura. Ito ay binansagang "nobody's native language". Ginagamit ng dalawang nag-uusap na may magkaibang wika.
Hal. "Ako bili pagkain" (Ako ay bibili ng pagkain)
Varyasyon
Rejister
Creole
Pidgin
Varayti ng wika na na-debelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na luugar.
Hal. Chavacano- Mi nombre (Ang pangalan ko)
Varyasyon
Rejister
Creole
Pidgin
Ang wika at ang barayti ng wikang ginagamit dito ay ginagamit ng pasulat at pasalita. Nangangailangan ito ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita. Hal. edukasyon, pamahalaan, hukuman, agham at teknolohiya.
Mga domeyn ng wika na nagkokontrol/Controlling domains of language (CDL)
Domeyn na Bahagyang Nagkokontrol/Semi-Controlling Domains of Language (SCDL)
Domeyn na di-nagkokontrol/Non- controlling domains of Language
Ang wika at ang mga barayting ginagamit dito ay pasulat subalit tanging tagapakinig lamang ang gumagamit nito. Bumubuo rito ang relihiyon at mas midya.
Mga domeyn ng wika na nagkokontrol/Controlling domains of language (CDL)
Domeyn na Bahagyang Nagkokontrol/Semi-Controlling Domains of Language (SCDL)
Domeyn na di-nagkokontrol/Non- controlling domains of Language
Ang wikang ginagamit dito ay mga pasalita lamang at kadalasang makikita sa tahanan at Lingua Franca ng isang bansa. Ang pinakamahalang mga domeyn dito ay ang tahanan at komunidad.
Mga domeyn ng wika na nagkokontrol/Controlling domains of language (CDL)
Domeyn na Bahagyang Nagkokontrol/Semi-Controlling Domains of Language (SCDL)
Domeyn na di-nagkokontrol/Non- controlling domains of Language
Ang ibig sabihin ng KWF. Ito ang samahang nangangasiwa ng pambansang wika.
Kawanihan ng Wikang Filipino
Kongregasyong ng Wikang Filipino
Kaukulang Wikang Filipino
Komisyon ng Wikang Filipino
Kautusang tagapagpaganap Blg. 134. (Disyembre 30, 1937) Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng Saligang Batas 1935, ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa ____.
Tagalog
Pilipino
Filipino
Ayon sa Saligang Batas 1973 mayroong dalawang opisyal na wika- Ingles at ____.
Tagalog
Pilipino
Filipino
Nakasaad sa 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV., Seksyon 6, na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ___. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Tagalog
Pilipino
Filipino
Ang pangalawang wika ay natatamo sa sumusunod na dahilan maliban sa ______.
Natutuhan sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
Natutuhan sa magulang
Kakayahang gamit nito
Natutunan sa paaralan
Masasabing mahalaga ang pagkatuto sa unang wika _____.
Upang maging instrumento sa mahusay na pakikipag-ugnayan
Upang mabuo ang kanyang kumpiyansa sa sarili
Upang may maipagmalaki sa kaniyang kapuwa
Upang maging daluyan ng higit na pagkatuto at pagkaunawa sa ikalawang wika
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Dayalek?
Ang wika ng mga batang nasa kindergarten.
Ang wika na ginagamit ng mga tao sa Baguio.
Ang wika ng mga propesyonal sa medisina.
Ang wika ng mga artista sa telebisyon.
Ano ang halimbawa ng Idyolek?
Ang partikular na istilo ng pananalita ng isang guro.
Ang salitang ginagamit ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.
Ang mga salitang ginagamit ng mga nasa parehong antas ng lipunan.
Ang wika na ginagamit ng mga tao sa mga rural na lugar.
Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy na wika kapag ang isang tao ay gumagamit ng mga salitang "tindera," "komersyo," at "panukala" sa pormal na usapan?
Balbal
Pampanitikan
Kolokyal
Pambansa
Ano ang tinutukoy na wika kapag ang isang tao ay gumagamit ng salitang "chikahan" sa kanyang pang-araw-araw na usapan?
Balbal
Pampanitikan
Kolokyal
Pambansa
Ano ang tinutukoy na wika kapag ang isang tao ay gumagamit ng terminong "naks" o "wow" sa kanilang pag-uusap?
Balbal
Pampanitikan
Kolokyal
Pambansa
