NEW
Font size
WorksheetsEdukasyon sa Pagpapakatao 8
Total questions: 14
Worksheet time: 14mins
Hindi nakalimutan ng pamilyang Sandoval ang manalangin ng sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing lingo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na angkop na kilos?
A. Makinig
B. Sumunod
C. Bukas na komunikasyon
D. Magdasal
Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t-ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A. Paaralan
B. Pamilya
C. Pamahalaan
D. Barangay
Anong angkop na kilos ang isinasaad dito: “Kapag kasama sila iwasan muna ang makipagtext o makipag-usap sa cellphone. Sa pagkakataong ito ninyo lamang mapakikinggan ang isa’t-isa.”
A. Bukas na Komunikasyon
B. Maglaan ng oras
C. Magpasalamat
D. Rumespeto
Nagkaroon ng away ang magkapatid na Joel at Jasmine. Pinatapos muna magpaliwanag ni Joel ang kanyang kapatid na si Jasmine bago ito nagsalita. Anong angkop na kilos ang pinakita ni Joel?
A. Rumespeto
B. Makinig
C. Sumunod
D. Bukas na komunikasyon
Ayon sa Artikulo 15 Seksiyon 1 ng Saligang Batas, sinasabing ang pamilya ang __________ ng Lipunan.
A. bisyon
B. institusyon
C. misyon
D. Pundasyon
Hindi itinago ni Mark sa kanyang mga magulang na siya ay bumagsak sa pagsusulit. Naunawaan ng mga magulang ang hirap na kanyang pinagdaanan. Ito ay nagpapakita ng ___________.
A. kawalan ng pakialam
B. hindi takot mapagalitan
C. kulang sa pagmamahal
D. bukas na komunikasyon
Anong uri ng komunikasyon ang ginagamitan ng ekspresyon ng mukha at kumpas ng kamay?
A. verbal
B. di-verbal
C. virtual
D. paralanguage
Bakit mahalagang mapakinggang mabuti ang ipinadadalang mensahe?
A. Dahil ang bawat salita ay importante
B. Dahil kailangan natin ng mga impormasyon
C. Bilang respeto sa nagbibigay ng impormasyon
D. Dahil dito nagsisimula ang hindi pagkakaunawaan
Sa komunikasyon, alin ang tamang ayos ng pagpaparating ng mensahe.
A. message – sender – receiver
B. sender – message – receiver
C. receiver – message – sender
D. receiver – sender – message
Inaya ni Alex ang isang kaklaseng napadaan na kumain kahit na alam niyang sapat lang ito sa kanya.
A. Pakikipag-usap sa simpleng kakilala
B. Pakikipag-usap upang magbahagi ng impormasyon
C. Pakikipag-usap upang magbahagi ng ideya o opinion
D. Pakikipag-usap upang magbahagi ng sariling damdamin
Pagsunod sa mga batas trapiko ng pamahalaan
A. Panlipunan na Papel
B. Pampolitikal na Papel
Ayon kay Martin Buber, ang pinakamabisang komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay ang __________.
A. Balagtasan
B. Debate
C. Diyalogo
D. Pakikinig
Paghikayat sa mga kapitbahay na panatilihing malinis ang harap ng kanilang bahay.
A. Panlipunan
B. Pampolitikal
Madalas saktan ni Neil ang kanyang mga anak kapag siya nakainom dahil malimit niyang makita ang kanyang ama na sinasaktan ang kanyang ina. Anong banta sa pamilyang Pilipino ang dapat na iwasan?
A. Impluwensiya ng media
B. Kawalan ng hanapbuhay
C. Paghihiwalay ng magulang
D. May karahasan sa loob ng pamilya
