WorksheetsEsP Written Test No. 3
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
1. Ano ang pangunahing layunin ng kalayaan sa personal na pag-unlad?
Pag-iwas sa anomang anyo ng responsibilidad
Paggawa ng lahat ng nais ng walang mga limitasyon
Paggamit ng mga karapatan at pagkakataon ng may responsibilidad at respeto sa iba
Paggamit ng mga karapatan at pagkakataon ng may responsibilidad at respeto sa iba
2. Pangarap ng magulang ni Ana na siya ay maging isang guro kaya ito ang pinakuha nilang kurso sa kaniya kahit taliwas ito sa kanyang kagustuhan. Paano niya magagamit ang kaniyang tunay na Kalayaan na hindi nasasaktan ang kaniyang mga magulang?
Sundin ang nais na kurso ng hindi nagpapaliwanag sa mga magulang.
Pillin ang nais na kurso ng mga magulang upang makaiwas sa hindi pagkakaintindihan.
Sumunod sa kagustuhan ng kanyang mga magulang kahit hindi ito bukal sa kaniyang kalooban.
Kausapin ng mabuti ang mga magulang at ipaliwanag kung paano makakatulong sa personal na pag-unlad ang pagkuha na kursong ninanais.
3. Palaging ipinaglalaban ni Juan sa kanyang magulang ang kanyang mga kagustuhan sa buhay. Ano ang dapat gawin ni Juan upang ipakita ang tunay na kahulugan ng Kalayaan sa kanyang relasyon sa kanyang mga magulang?
Tumahimik at sumunod lamang sa nais ng magulang.
Pag-iwas sa magulang upang magawa lahat ng kagustuhan.
Ipaglaban ang kagustuhan at sarili lamang ang papakinggan.
Magpaliwanag nang mabuti sa magulang at makinig din sa mga opinyon upang makahanap ng balanse sa pagdedesisyon.
4. Pinili ni Alvin na umuwi nalang at makasama ang anak na may sakit pagkatapos magtrabaho sa halip na sumama sa pagdiriwang ng kaarawan ng isang kaibigan. Paano naipakita ni Alvin ang tunay na gamit ng Kalayaan sa kanyang pagpapasiya?
Ang desisyon ni Alvin na hindi pagsama sa imbitasyon ay nagpapakita ng pagnanais na makasama ang pamilya, ngunit hindi nya isinasaalang-alang ang epekto nito sa kanyang relasyon sa mga kaibigan
Ang pagpili ni Alvin na hindi sumama sa mga kaibigan ay maaaring magdulot ng hidwaan, ngunit siya ay nagpapakita ng paggalang sa kanyang sariling kagustuhan
Ang pagpapasya ni Alvin na bigyang prayoridad ang kanyang pamilya ay nagpapakita ng tamang gamit ng Kalayaan sa pamamagitan ng pagpili sa kanyang mga responsibilidad
Ang pagpili ni Alvin na hindi pagsama sa mga kaibigan ay nagpapakita ng kanyang kakayahang maging malaya sa lahat ng pagkakataon, subalit ito ay nagkukulang sa pagpapakita ng balanseng pagpapasya sa pagitan ng personal na pangangailangan at obligasyon sa kapuwa
5. Tumahimik na lamang si Sean sa pagpupulong para sa kanilang field trip dahil takot ito sa pupuntahang lugar na gusto ng nakararami. Ano ang tamang paraan upang ipakita ang tunay na gamit ng Kalayaan sa kanyang desisyon?
Sumama sa field trip kahit na hindi nya ito gusto
Sabihin ang mga alalahanin sa grupo ng may respeto at magbigay ng suhestiyon upang maging komportable sa pupuntahang lugar
Ibigay ang opinyon sa guro at sabihin na hindi na sasama sa fied trip upang makaiwas sa mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na kinakatakutan
Sumama sa field trip kahit hindi bukal sa kalooban upang hindi masabihan ng mga kagrupo na walang pakikisama sa kanilang pinaplanong paglabas
6. Si Philip ay napili ng kanilang organisasyon na pangunahan ang pagsasagawa ng protesta laban sa ipinapatupad na polisiya ng gobyerno. Labis siyang nag-aalala sa posibleng epekto nito lalo na sa kanyang pamilya. Ano ang pinakamainam na paraan upang ipakita ang tunay na gamit ng Kalayaan sa kanyang desisyon?
Makiisa sa layunin ng organisayon at iisipin na lamang ang magiging epekto nito kinalaunan
Isantabi ang mga alalahanin at isaalang-alang ang mga matatanggap na benepisyo galing sa organisyon
Umiwas sa pagsali sa organisasyon na ang layunin ay pwedeng magdulot ng mga legal na komplikasyon at hidwaan sa pamilya kahit labag ito sa personal na paniniwala
Araling mabuti ang magiging epekto ng pagsali sa organisyon sa kanyang buhay at pamilya, at isaalang -alang ang opinyon ng pamilya bago gumawa ng pinal na desisyon
7. Inaaya si Sam na sumama sa isang proyekto ng kanyang mga kaibigan na layuning tumulong sa mga batang kalye na nais makapag-aral ngunit kasabay nito ang pagsasagawa nya ng kanyang sariling proyekto na makakatulong sa kanyang pansariling pag-unlad. Paano siya malayang pipili sa sitwasyong ito?
Sumama sa mga kaibigan ngunit iwasan ang pagpapakita ng aktibong pakikilahok
Umiwas nalang sa mga kaibigan upang hindi mapilitang sumama sa kanilang proyekto
Piliin ang sariling proyekto dahil ito ay magdudulot ng personal na tagumpay at kasiyahan
Maglaan ng oras sa proyekto ng mga kaibigan dahil ito ay pagpapakita ng kanyang kakayahang magmahal at maglingkod sa kapuwa.
8. Si George ay isang guro sa pampublikong paaralan sa kabundukan. Nabigyan siya ng pagkakataong magturo sa ibang bansa na makatutulong sa kanyang propesyon bilang guro, ngunit nangangahulugan ito ng pagbitaw ng kanyang responsibilidad sa mga programa para sa mga batang Aeta. Paano maipakikita ni George ang tunay na kalayaan sa kanyang pagpili?
Iwasan ang anomang desisyon upang mapanatili ang kasalukuyang sitwasyon at iwasan ang stress ng paggawa ng pasiya.
Magturo sa ibang bansa upang makamit ang pangarap kahit na maraming mga batang Aeta ang nangangailangan ng tulong.
Magpokus sa parehong pagkakataon sa paghahanap ng paraan upang makatulong kahit nasa ibang bansa, kahit na maaaring hindi ito maging epektibo o walang mangyari
Ipagpatuloy ang oportunidad na makatutulong sa pag-unlad ng propesyon bilang guro at humanap ng papalit sa mga maiiwang proyekto sa mga batang Aeta upang matiyak na patuloy na matutulungan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan
9. Nagbigay ng anunsyo sa inyong klase sa mga nais maging kasapi ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O). Samakatuwid, kailangang mong maglaan ng oras para sa organisasyon na ito. Iniisip mong maaaring magdulot ito ng pag-abala sa iyong mga personal na plano at interes. Ano ang pinakaangkop na hakbang na maaaring gawin ni Shad?
Makinig lamang sa anunsyo para mapanatili ang mga nais kong gawin.
Maging limitado sa oras na ilalaan sa gawaing pangkalikasan at mas bigyang tuon ang pansariling interes
Magkaroon ng pagpupunyaging paunlarin ang sarili at pakikilahok sa gawaing pangkalikasan tungo sa maayos at malinis na paaralan.
Maglaan ng oras sa organisasyon kung may pagkakataon at iwasan ang pakikialam sa aking mga plano sa buhay.
10. Nais ni Aurora na makamit ang pinakamataas na posisyon sa kanyang kumpanya, ngunit masasakripisyo nito ang kanyang nakasanayang gawaing pangkomunidad, tulad ng pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Paano maipamamalas ni Carla ang pagiging mapanagutan gamit ang kalayaan?
Iwan ni Carla ang kanyang gawaing pangkomunidad upang makamit ang mataas na posisyon, ngunit tutulong siya sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga fund-raising events.
Magdesisyon si Aurora na ipagpatuloy ang pagtulong at itigil ang kanyang ambisyon kahit na ito ay magpapababa sa kanyang karera.
Magpasiya si Aurora na isaalang-alang ang flexible hours para makasabay sa kanyang mga responsibilidad sa parehong karera at pagtulong sa kapuwa
Piliin ni Carla na pagtuunan ang kanyang karera at iwan ang nakasanayan, ngunit maglaan ng oras para sa isang part-time na pagbibigay-tulong.
11. Sina Rebecca at Jericho ay binibigyan ng buwanang allowance ng kanilang magulang. Sa hirap ng sitwasyon ng pamilya, nagpasya si Rebecca na ipunin ang bahagi ng allowance ginamit naman ito ni Jericho sa pagbiling gamit sa sarili. Ano ang naging pagkakaiba sa kilos ng dalawa kaugnay sa responsibilidad sa pamilya?
Si Rebecca ay nag-iimpok para sa kanyang kinabukasan, samantalang si Jericho ay nagsasayang lamang ng pera.
Si Rebecca ay nag-iingat sa pera, samantalang si Jericho ay walang pakialam sa sitwasyon ng pamilya.
Si Rebecca ay nagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa pamilya, samantalang si Jericho ay mas inuuna ang sariling interes at luho.
Si Rebecca ay nagkukusa na tumulong sa pamilya, samantalang si Jericho ay naghihintay na utusan bago gumawa ng aksyon.
12. Napansin ni Basil na madalas nag-aaway ang kanyang mga kapatid dahil sa gawaing-bahay. Bilang isang nakatatanda, nais ni Basil na matuto silang maging responsable. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na dapat gawin ni Basil upang mas epektibong matulungan ang kanyang mga kapatid?
1. Ipaliwanag sa mga kapatid ang kahalagahan ng pagbibigayan at responsibilidad.
2. Magtakda ng mga simpleng tuntunin sa bahay para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
3. Magbigay ng halimbawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin naitinakda.
4. Hikayatin ang mga kapatid na mag-usap at magpatawad kapag may hindipagkakaunawaan.
1-3-2-4
1-2-3-4
2-1-3-4
3-4-2-1
13. Madalas kang tumutulong sa inyong tahanan ngunit ginagawa mo ito nang may reklamo at hindi bukal sa kalooban. Ano ang maaaring maging konklusyon sa iyong kinilos?
Hindi dapat pilitin na tumulong sa mga gawaing-bahay kung hindi ito nais.
Sinisikap na tumulong upang mapansin ng magulang at makatanggap ng papuri.
Nagpapakita ng responsibilidad kahit na hindi lubos na masaya sa ginagawa
Tumutulong lamang dahil napipilitan na gawin ito at hindi dahil sa tunay na pagmamahal
14. Abala sa pamamahagi ng relief goods si Kagawad Galvan sa kaniyang nasasakupan, bukod sa grocery items na pinamamahagi nito ay kapansin-pansin din ang larawan nitong nakaimprenta sa lalagyan. Maituturing bang tunay na malaya ang kilos na ito?
Oo, dahil nagampanan nito ang kanyang responsibilidad.
Oo, dahil marami siyang natulungang mga nangangailangan.
Hindi, dahil ang pera ng taong bayan ay nararapat gamitin para sa kapakanan ng lahat.
Hindi, dahil ang tunay na pagtulong ay walang kalakip na personal na interes at walang hinihintay na kapalit.
15. Paano mo masasabi na naging mapanagutan ang isang tao sa paggamit ng kaniyang kalayaan?
Kung handa itong harapin ang anumang kahihinatnan ng ginawang kilos
Kung ito ay agad na nagsasagawa ng kilos at pasya.
Kung naisaalang-alang nito ang kabutihang pansarili at panlahat.
Kung ang kilos nito ay nagpapakita ng kabutihan at umiiwas sa masama.
