NEW
Font size
WorksheetsEsP10 - Q1 - Long Test
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Ang sumusunod ay mga katangiang taglay ng isip maliban sa isa.
Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip.
May kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at umunawa
Alin sa sumusunod ang totoo tungkol sa isip at kilos-loob?
Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawaing ganap ito.
Ang bawat tao ay nag-iisip at kumikilos lamang base sa pasya ng kanyang kapwa.
Ang bawat tao ay walang kakayahang maakit, pumili, at isa-kilos ang mabuti.
Ang bawat tao ay walang kakayahang mag-isip at magnilay bago gawin ang isang bagay.
Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
mag-isip
makaunawa
maghusga
mangatwiran
Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
isip
kilos-loob
pagkatao
damdamin
Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili
isip
kilos-loob
pagkatao
damdamin
Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti.
Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya.
Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral.
Kung magsasanib ang tama at mabuti.
Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?
Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:
Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
Bahala ang tao sa kanyang kilos
Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos
Makabubuti sa tao na kumilos nang tama
Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.
Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan.
Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papagaralin ang mga anak
Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan
Wala sa nabanggit
Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
kilos-loob
konsensiya
pagmamahal
responsibilidad
Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili
Nakahahadlang ang ibang tao sa pagkamit ang kalayaan
Hindi matatagpuan ang kalayaan sa ibang tao.
Ang pagsariling interes ay hadlang sa tunay na kalayaan.
Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin?
Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob
May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya
May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya
Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito
Bakit kailangang lumaya ng tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?
Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
Nag-iwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong pag-uugali.
Ang tunay na magiging malaya para sa kaniyang kapwa kung siya ay malaya ___________.
mula sa mga mananakop
mula sa kulungan
mula sa kaniyang sarili
mula sa kaniyang kapwa
Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
Kapag siya ay naging masamang tao.
Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
Wala sa nabanggit
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi tama tungkol sa dignidad ng tao?
Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.
Sa respeto nag sisimula ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao.
Kailangang mangibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran dahil sa mata ng Diyos, ang lahat ay pantay-pantay
Lagi mong isaisip na ang iyong kapwa ay dapat gamitin para sa sariling kapakanan.
Ang salitang dignidad ay galing sa salitang Latin na “dignitas” na ang ibig sabihin ay _____.
paggalang
pagrespeto
karapat-dapat
kaakit-akit
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagrespeto sa dignidad ng kapwa?
Pakikisama sa lahat ng taong makakasalamuha.
Pagpapatalsik sa trabaho sa isang tao dahil sa away etniko.
Pagpintas sa kulay ng balat ng isang kaklase na mula sa tribo ng mga Aeta
Hindi pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa mga kaklase na maging lider ng grupo.
Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, at kakayahan, ay may __________.
katwiran
pag-unawa
kapangyarihan
dignidad
