WorksheetsFirst Quarter Test in Filipino 2
Total questions: 30
Worksheet time: 35mins
Pagkagising sa umaga, upang maipakita ang pasasalamat sa Diyos, ako ay _______.
kumakanta
nagdadasal
sumasayaw
tumutula
Binabawalan ako ni Nanay na maglaro sa ulan upang ako ay hindi _______.
mabasa
madulas
magkasakit
mahulog
Kumakain ako ng gulay at prutas dahil gusto kong maging _______.
maganda
malakas
malusog
payat
Nakabasag ka ng plato habang naghuhugas. Ano ang sasabihin mo sa iyong nanay?
Magandang hapon po.
Pasensiya na po.
Salamat po.
Walang anuman.
Kaarawan ng iyong kaibigan ngunit kailangan mong umalis dahil kayo ay magsisimba.
Ano ang sasabihin mo?
Pasensiya na may lakad kami.
Pasensiya na magsisimba kami.
Pasensiya na kailangan ko nang umalis.
Pasensiya na hindi ko sinasadya.
Isang gabi, galing ka sa bahay ng iyong lolo at lola, sa iyong pag-uwi ay nakita mo si Aling Maria
na inyong kapitbahay. Anong magalang na pagbati ang gagamitin mo?
Magandang gabi po.
Magandang hapon po.
Magandang tanghali po.
Magandang umaga po.
Iniabot sa iyo ni Dan Jacob ang lapis mong nahulog. Ano ang sasabihin mo?
Hindi ko sinasadya.
Magandang araw.
Maraming salamat.
Pagpasensiyahan mo na.
Naglalaro kayo sa labas ng bahay. Tinawag ka ng nanay mo para kumain.
Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kalaro?
Aalis na ako.
Diyan na kayo.
Paalam.
Salamat.
Nais ng nakababatang kapatid mo na maligo sa pool pero naglalaro ka pa ng gadyet mo. May nabasa kang, “Huwag pabayaang maligo mag-isa ang mga bata sa pool.” Ano ang ibig sabihin nito?
Pasamahan sa mga kaibigan.
Hayaang maligo mag-isa ang bata.
Maligo kasama ang mas nakababatang mga kapatid.
Samahan ng mas nakatatanda kapag maliligo sa pool.
Habang nagmamaneho ang tatay mo may nabasa ka sa daan na “Mag-ingat sa
pakurbadang linya.” Ano ang mensaheng nais ipabatid?
Ihinto ang sasakyan.
Bagalan ang takbo ng sasakyan.
Patakbuhin nang mabilis ang sasakyan.
Bumusina habang tumatakbo ang sasakyan.
Kakain kayo ng pamilya mo sa restawran ngunit pagpasok sa pinto ay nabasa mo ang;
“Basa ang sahig.” Ibigay ang ibig sabihin ng nabasa.
Magpadulas sa sahig.
Iwasan ang basang sahig.
Tumalon sa basang sahig.
Maglaro sa basang sahig.
Pumunta si Raden sa bahay ng kaklase niya para manghiram ng aklat. Nakita niya
na may nakalagay sa bakuran na “Mag-ingat sa aso.” Ano ang ibig sabihin nito?
Batuhin ang aso.
Pakainin ang aso.
Makipaglaro sa aso.
Huwag pumasok dahil may aso.
Humanga ka sa likhang sining ng iyong kamag-aral. Anong maikling salita ang masasabi mo?
Galing
Ang galing-galing
Napakagaling
Kagaling
Kasalukuyan kang kumakain ng dumating ang kaibigan mo.
Paano mo siya aalukin sa maikling salita lamang?
Kumain ka.
Kakain ka?
Halika kumain.
Kain.
Naglalakad kayong magkaibigan. Walang ano-ano bigla kayong hinabol ng aso.
Aling payak na salita ang maaari mong sabihin?
Tumakbo ka
Takbo
Takbo nang takbo
Tatakbo
Naghahanda ang nanay mo ng pananghalian ninyo. Naamoy mo ang iniluluto niya.
Anong maikling salita ang mababanggit mo?
Sarap
Amoy masarap
Napakasarap
Ang sarap-sarap
Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong paggamit ng malaking letra?
Scarlet
Safeguard
Tarlac
Aso
Anong bantas ang gagamitin sa tuwing nagpapahayag ng matinding damdamin?
tuldok (.)
tandang pananong (?)
kuwit (,)
tandang padamdam (!)
Alin ang tumutukoy sa maling bahagi ng pangungusap?
Masustansiya ang upo? kalabasa, at talong.
masustansiya
ang upo?
kalabasa at talong
wala sa nabanggit
Alin sa mga pangungusap ang may tamang bantas?
Ang kabayo ay tumatakbo?
Wow, Ang ganda ng iyong proyekto.
Malinis po ba ang hangin sa probinsya?
Makikipaglaro ako kina Samantha! Nielle, at Princess.
Pag-aralan ang larawan. Isulat ang letra ng wastong panuto ayon sa larawan.
Isuot ang bag at sombrero.
Hawakan ang bag at sombrero.
Hawakan ang sombrero at iwan ang bag.
Itapon ang bag at sombrero.
Magmano sa lola.
Magmano sa lolo.
Magmano sa kaibigan.
Magmano sa tiya.
Tawagin ang kaibigan at maglaro ng habulan.
Tawagin ang kaibigan at makipagkuwentuhan.
Tawagin ang kaibigan at makipagsuntukan.
Tawagin ang kaibigan at matulog.
Nakatayo at umiinom.
Nakatayo at sumasayaw.
Nakatayo at umaawit.
Nakatayo at kumakaway.
Buhatin ang manika.
Buhatin ang tsinelas.
Buhatin ang baso.
Buhatin ang regalo.
Ang Matalik na Magkaibigan
Akda ni: Lea C. De Jesus
Matalik na magkaibigan sina Tiktok Manok at Ming Pusa. Mahal nila ang isa’t isa. Madalas na maglaro ang dalawa sa bukid. “Bilisan mo naman ang takbo Tiktok malayo na ang bola,” ang wika ni Ming. Saluhan ng bola ang madalas nilang nilalaro.
Sa kanilang pag-uwi lagi silang nakikipag-unahan sa paglubog ni Haring Araw.
Sino-sino ang bida sa kuwento?
Beng at Ming
Tiktok at Maya
Tiktok at Ming
Beng at Mata
Saan madalas maglaro ang magkaibigan?
sa bundok
sa ilog
sa daan
sa bukid
Ano ang madalas nilang nilalaro?
Harangang batis
saluhan ng bola
tagu-taguan
tumbang preso
Paano ipinakita ng magkaibigan ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa?
Madalas silang maglaro.
Palagi silang nag-aaway.
Sabay silang kumakain.
Sila ay nagbibigayan.
Bakit mahalagang magkaroon ng kaibigang tulad nina Tiktok at Ming?
upang maging masaya
upang magkaroon ng kalaro
upang laging may kasama
lahat ay tama
