wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QUARTER 1 GRADE 8 AP REVIEW

Total questions: 15

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Binubuo ang daigdig ng mga kalupaan at katubigan. Hinati ang mga kalupaan sa

pitong kontinente na napapaligiran ng mga karagatan at dagat. Anong agham panlipunan ang tinutukoy sa pahayag?

a)

antropolohiya

b)

ekonomiks

c)

heograpiya

d)

kasaysayan

2.

Ano ang tawag sa sinaunang paraan ng paggawa ng stone tools?

a)

 ironing         

b)

knapping

c)

smelting

d)

stoning

3.

Alin sa naging pamumuhay ng mga Aztec ang hindi dapat tularan ng tao sa

kasalukuyan?

a)

paggawa ng human sacrifices

b)

pagtatag ng hukbong militar ng imperyo

c)

pagpapaunlad ang larangan ng kalakalan

d)

pagbuo ng mga organisado at maayos na mga lungsod

4.

Bakit mahalaga ang wika sa isang bansa?Bakit nagsasagawa ng mummification ang mga sinaunang Egyptian?

a)

Hindi nila tanggap ang pagkamatay ng kanilang pharaoh.

b)

Bilang pagsunod sa utos ni Osiris, ang diyos ng underworld.

c)

Para may maiwan na ebidensya na nagkaroon ng kabihasnang Egypt.

d)

Ito ay paraan ng preserbasyon ng katawan ng pharaoh bilang paglilinis ng

kasalanan at paghahanda sa kabilang buhay.

5.

Ang Egypt ay isang bansang napapaligiran ng disyerto at dagat. Nakakabuti ba para sa Egypt ang pagkakaroon ng ganitong uri ng topograpiya?

a)

Hindi po, dahil maraming Egyptian ang nasawi sa pagtawid sa disyerto.

b)

Hindi po, dahil nawalan ng pagkakaisa ang mga mamamayang Egyptian.

c)

Opo, dahil nagsilbing hadlang ang mga ito sa pananalakay ng mga dayuhan.

d)

Opo, dahil lumawak ang nasasakupan ng Egypt kumpara sa ibang kaharian.

6.

Sa Batas Hammurabi, naniniwala ang mga Babylonian sa “mata sa mata at ngipin sa ngipin” at kung gaano kabigat ang iyong kasalanan ay ganun din ang parusang dapat igawad sayo. Makatarungan ba ang ganitong batas ngayon?

a)

Opo, para maparusahan ang may sala.

b)

Hindi po, dahil ang batas ay dapat makatao.

c)

Opo, para maibigay kaagad ang hustisya sa biktima.

d)

Hindi po, dahil dapat dumaan sa tamang proseso ang paglilitis.

7.

Ano ang tawag sa uri ng pamahalaan sa Egypt na kung saan ang pinuno ay

kinikilala ding diyos?

a)

awtoritaryanismo   

b)

demokrasya

c)

monarkiya

d)

 teokrasya

8.

Alin sa sumusunod ang salitang tumutukoy sa maunlad na pamumuhay ng tao na kakakitaan ng mataas na antas ng kultura, may sistema ng pagsulat, maunlad na kalakalan, organisadong pamahalaan, at relihiyon?

a)

ebolusyon

b)

 kabihasnan 

c)

kalinangan

d)

kultura

9.

Isa sa mga umusbong na kabihasnan sa Mesoamerica ay ang Aztec. Nakapagtatag sila ng isang pamayanan ng Tenochtitlan, angkop ito sa pagtatanim dahil sa matabang lupain. Ano ang tawag sa artipisyal na pulo na kanilang pinagtataniman na kung tawagin ay floating garden?

a)

Pok-a-Tok    

b)

Chinampas

c)

Chichen Itza

d)

Machu Pichu

10.

Isa ang kabihasnang Tsino sa nagbigay ng maraming ambag sa mundo. Alin sa

mga pahayag ang mali tungkol dito?

a)

Nagsimula ito sa gilid ng Ilog Nile.

b)

Pinamunuan ito ng iba’t ibang dinastiya.

c)

Ito ay isang kabihasnang umusbong sa kontinente ng Asya.

d)

Calligraphy ang naging tawag sa paraan ng pagsulat ng mga Tsino.

11.

Itinatag ng mga sinaunang Indo-Aryan ang Caste System sa mga mamamayan ng India. Ano ang epekto ng pag-uuring ito sa mamamayan ng India?

a)

hindi makataong pagpapataw ng parusa 

b)

pantay-pantay ang pagtingin ng mga tao

c)

nagkaroon ng diskriminasyon ng mga tao

d)

nagkaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng mga social classes

12.

Ang Ziggurat ay ipinatayong estruktura sa panahon ng kabihasnang sumer.

Anong sitwasyon sa ibaba ang katulad ng gamit ng ziggurat sa kasalukuyan?

a)

Tuwing linggo ay pumupunta si Erol sa simbahan para manalangin.

b)

Ang Malacanan ang nagsisilbing tirahan ng mga nagiging pangulo ng Pilipinas.

c)

Ang paaralan ang nagsisilbing ikalawang tahanan ng mga kabataang Pilipinong nagnanais paunlarin ang kanilang mga kakayahan, talino at talento.

d)

Madalas pumunta si Miguel sa mga malls upang bumili ng kaniyang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

13.

Ano ang sistema ng pagsulat na ginamit ng mga Sumerian?

a)

cuneiform     

b)

calligraphy

c)

hieroglyphics

d)

sanskrit

14.

Maraming dagat ang matatagpuan sa bawat kontinente ng mundo. Bakit tinawag na Dead Sea ang anyong-tubig na matatgpuan sa pagitan ng Israel at Jordan?

a)

Mapaminsala ito kapag umaapaw.

b)

Dito naganap ang madudugong digmaan sa mundo.

c)

Maraming bangkay na lumulutang ang makikita rito.

d)

Walang kayang mabuhay dito na mga isda, coral reefs, at iba pang lamang dagat.

15.

Ang lokasyon ng Egypt ay nakalatag sa mainit na lupain ng Africa at halos binubuo ng disyerto maliban sa mga oasis. Ang Ilog Nile ang pinagmulan ng sibilisasyon sa Egypt. Bakit tinawag na “Biyaya ng Ilog Nile” ang bansang Egypt?

a)

Ang Ilog Nile ang pinakamahabang ilog sa daigdig.

b)

Sa Ilog Nile dumadaan ang mga mangangalakal kaya may maunlad na kalakalan sa Egypt

c)

Maraming ginto ang makikita sa lambak ng Ilog Nile kaya mayaman ang bansang Egypt.

d)

Ang Ilog Nile ang nagbigay ng pag-asa upang magkaroon ng buhay sa mga lupain at sa mga taong nakatira dito.