wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

araling panlipunan dahil sinipag ako

Total questions: 51

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Bakit mahalagang pag-aralan ang kontemporaryong isyu? Upang:

1- Maunawaan ang strukturang bumubuo sa isang lipunan

2- Makita ng bawat isa ang ugnayan ng lipunan, kultura at isyung panlipunan

3- Makabahagi sa mainit na usapan at baliktaktakan ng magkapitbahay

4- Malinang ang kakayahang makita ang ugnayan ng personal na karanasan ng tao sa lipunang ginagalawan

a)

1,3,4

b)

1,2,4

2.

Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamahalaan ng pamayanan upang _________.

a)

Dadami ang epekto ng hazard

b)

Mailigtas ang maraming ari-arian

3.

Ito ay tumutukoy sa pagsusuri ng lawak, sakop, at pinsala na maaarinmg danasin ng isang lugar kung ito ay nahaharap sa isang sakuna o kalamidad?

a)

capacity assessment

b)

hazard assessment

4.

Ano ang legal na batayan sa desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?

a)

RA 7610

b)

RA 9003

5.

Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad

      I. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar

      II. Pakikinig sa radio o panonood ng TV upang malaman ang pinakahuling balita

      III. Hindi pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may kalamidad

a)

1,2

b)

1,3

6.

Ano ang pinaka-mainam mong gawin upang hindi malimutan o tuluyang mawala ang materyal at di-materyal na kulturang Pilipino sa bagong henerasyon?

a)

Magdamit a kpop idol

b)

Panatilihin ang paggamit ng Po at Opo

7.

Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mataas na tanggapan ng pamahalaan

a)

Bottom Up approach

b)

Top Down Approach

8.

Pagtatago at pagtakbo kung paparating na ang mobile ng Brgy na nagsisiguro sa kaligtasan ng lahat

a)

Umiiral ang katarungan

b)

pantay na oportunidad sa lahat

9.

Bakit mahalaga ang kooperasyon ng bawat isa sa lipunan sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan?

a)

Magkakaroon ng iilang magagaling na tao na mag-iisip ng solusyon sa suliranin

b)

Magkakaroon ng kalutasan ang suliranin na hindi na kakailanganin ang pamahalaan

10.

Ang tumutukoy sa pansamantalang pagkasira dulot ng kalamidad ayon kay Abarquez at Murshed ay ________

a)

damage

b)

lost

11.

Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo?

a)

Manatili sa isang mababang lugar tulad ng basement

b)

humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng baha

12.

Paano ka makakatulong upang mabawasan ang suliranin sa pagkasira ng yamang lupa?

a)

Magtanin ng halaman at puno

b)

Huwag mag-aksaya ng tubig

13.

Mahalagang mabatid ng mga mamamayan ang kanilang kahinaan at kakulangan o pagiging Vulnerable sa mga Disaster dahil sa ___________

a)

Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian at kalikasan

b)

Upang mas marami silang tulong na matanggap mula sa pamahalaan at sa mga pribadong sektor Ng Lipunan

14.

Ang layuning ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayon maibalik sa dating kaayusan ang daloy ng pamumuhay sa nasalantang komunindad

a)

prevention

b)

rehabilitation

15.

Alin ang kumakatawan sa katangian ng isang lipunan?

1- May kapayapaan      

2- Umiiral ang katarungan      

3- May disiplina ang mamamayan

4- Pantay ang oportunidad sa lahat

a)

1,2,3,4

b)

1,3,4

16.

Alin ang tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan?

a)

community

b)

social group

17.

Paano mo ipapakita ang kasanayang walang pagkiling sa pagtalakay ng kontemporaryong isyu?

a)

Paghayag ng kabutihan at hindi kabutihang epekto ng isyu

b)

Pagkampi sa kakilala na naglalahad ng isyu

18.

Ano ang pinaka-mainam mong gawin upang makatulong sa paglaban sa Climate Change?

a)

I-segragate ang basura sa nabubulok, di-nabubulok at muling nagagamit

b)

Iwasan ang paggamit ng mga produktong naglalabas ng malaking bilang ng carbon dioxide

19.

Tumutukoy sa hazard na dulot ng kalikasan 

a)

Disaster

b)

Natural Hazard

20.

Ang mga sumusunod ay mga gawain ng tao na nakakasira ng kalikasan maliban sa isa?

a)

Reforestation

b)

Deforestation

21.

Bakit mahalagang making o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto patungkol sa kalamidad?

A. Dahil ligtas ang may alam

B. Upang malayo o makaiwas sa peligro

C. Upang maging handa sa paparating na kalamidad

a)

1,3

b)

1,2,3

22.

Ahensyang namamahala sa pagbibigay ng tulong pinansyal at relief goods sa panahon ng kalamidad?

a)

DOH

b)

DSWD

23.

Ahensyang nangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan ng bansa tulad ng pagsugpo sa pagkalat ng mga nakakahawang sakit?

a)

PCSO

b)

DOH

24.

Sa pagbuo ng CBRM Plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan sa isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t-ibang hazard at kalamidad

a)

Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng plano para sa buong pamayanan

b)

Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang mga pangangailangan

c)

Mag pa baby muna

25.

Alin ang pinaka-malaking pinanggagalingan ng basura ayon sa graph ng National Solid Waste Management Status Report noong 2015?

a)

residential

b)

factories

26.

Ang pangunahing layunin ng Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 ay _____

a)

Mabawasan ang pinsala at panganib dulot ng iba’t-ibang kalamidad

b)

Magbigay ng serbisyo sa komunidad

27.

Isinasagawa ang Capacity Assessment upang _________

a)

Upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad

b)

Matataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan, komunidad na harapin ang pinsalang dulot ng Hazard

28.

Ayon sa weather forecast ni Kuya Kim, may paparating na malaks na bagyo sa Luzon at kasama ang inyong bayan sa matatamaan nito. Ano ang iyong gagawin kung naninirahan ka sa mababang lugar at peligroso sa baha? 

a)

Lumikas sa mataas na lugar

b)

Lumikas kapag mataas na ang tubig

29.

Ang mga sumusunod ay katangian ng Bottom Up Approach maliban sa _______

a)

Ang kaunlaran ng isang pamayanan ay nakasalalay sa kakayahan ng mga mamayan na simulan at panatilihin ito

b)

Pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyan ng pansin sa paggawa ng plano

30.

Alin ang nagpapataas ng temperatura sa himpapawid at karagatan na nagiging dahilan ng climate change?

a)

Air Pollution

b)

Global Warming

31.

Alin ang kumakatawan sa isang natural na pangyayari dulot ng patuloy na pag-init ng daigdig o global warming at sinasabing napapalala dulot ng gawain ng tao?

a)

Solid Waste

b)

Climate Change

32.

Alin ang kumakatawan sa mga pangyayaring may kaugnayan sa lipunan, kapaligiran, karapatang pantao, ekonomiya, politika, edukasyon, panana-gutang pansibiko at pagkamamamayan?

a)

kontemporaryong isyu

b)

isyu

33.

Paano makaaapekto ang mga suliraning pangkapaligiran sa ekonomiya ng bansa?

a)

Madaragdagan ang gastos ng pamahalaan

b)

Madaragdagan ang kita ng pamahalaan

34.

Isang samahan na naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pangangalaga sa kalikasan?

a)

green peace foundation

b)

mother earth foundation

35.

Ang nagpapakita ng kahinaan ng Top Down Approach ay ________

a)

Limitado ang pagbuo sa Disaster Risk Management Plan dahil ang tanging pananaw ng Namumuno ang nabibigyang pansin

b)

Nabibigyan pansin ang mga maliliit na detalye na may kinalaman sa sakuna at kalamidad

36.

Paano mo maipapakita ang iyong natutunan sa paaralan upang pangalagaan ang kapaligiran?

a)

Magwalis ng sariling pwesto

b)

Magsagawa ng waste segregation

37.

Bilang mamamayan, paano ka makakatulong sa pagkamit ng maayos na lipunan?

a)

Kung bawat institusyon sa lipunan at mamamayan ay gagampanan ng maayos ang kanilang responsibilidad

b)

Makakamit ito kung lahat ay nakapag-aral

38.

Paano mo maipapakita ang katangian ng lipunan na may disiplina ang mamamayan?

a)

Pagtatago at pagtakbo kung paparating na ang mobile ng Brgy na nagsisiguro sa kaligtasan ng lahat

b)

Paguwi sa bahay at pagsunod sa itinakdang curfew ng Baranggay

39.

Layunin ng Disaster Preparedness ang mga sumusunod maliban sa;

a)

Magbigay ng impormasyon

b)

Magbigay ng pagbabago

40.

Ito ay isang hazard bunga ng gawain ng tao

a)

Anthropogenic Hazard

b)

risk

41.

Kapag resilient ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad maaring maiwasan ang _________

a)

Pinsala sa buhay at ari-arian

b)

Pagdami ng basura

42.

Ano ang ipinahihiwatig ng chart sa itaas ayon sa National Solid Waste Management Status noong 2015?

a)

Ang mga institusyon tulad ng pamahalaan, paaralan at iba pa ang pinaka-maliit na bahagdan na pinagmumulan ng basura sa bansa

b)

Malaking bahagdan ng basura na nakokolekta ay mula sa mga kabahayan o residential

43.

Paano makakatulong sa paglutas ng suliranin sa Solid Waste ang pagkakaroon ng mga MRF o Materials Recovery Facilities?

a)

Nagkakaroon ng pagsunog sa mga basurang hindi na magagamit o e-waste

b)

Nagsasagawa ng waste segregation upang muling mapakinabangan ang basura

44.

Ang pagbuo ng CBDRM Plan ay may sumusunod sa isang sistematikong paraan ng pagtukoy sa mga pangangailangan ng komunidad. Ibigay ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga yugto sa pagbuo nito.

I.Disaster Recovery and Rehabilitation

II.  Disaster Preparedness

III.Disaster Response

IV. Disaster Prevention

a)

4,2,3,1

b)

2,4,3,1

45.

Ito ay kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 kung saan ginamit upang magkaroon ng legal na batayan sa pamamahala ng solid waste sa bansa?

a)

RA 9003

b)

RA 3009

46.

Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob ang sumusunod maliban sa _

a)

Historical Profiling Assessment

b)

Loss Assessment

47.

Sinasagawa ito upang maging handa ang komunidad sa malawakang pinsala nito sa anumang sakuna sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan. Tungkulin ito ng _______

a)

Philippine Disaster Risk Reduction Management

b)

Community-Based Disaster and Risk Management

48.

Sinasagawa ito upang maging handa ang komunidad sa malawakang pinsala nito sa anumang sakuna sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga mamamayan. Tungkulin ito ng _______

a)

Philippine Disaster Risk Reduction Management

b)

Community-Based Disaster and Risk Management

49.

Anong uri ng status ang naganap kung si Ana ay naging guro dahil sa kanyang pagsusumikap?

a)

Achieved

b)

Ascribed

50.

Paano inilarawan ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas kung pagbabatayan ang awitin ng grupong Asin?

a)

Nakakaranas ng suliranin sa polusyon

b)

Nakakaranas ng suliranin sa ekonomiya

51.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng epekto ng climate change sa ating bansa?

a)

Pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan

b)

Paglusog ng ecosystem