WorksheetsFilipino sa piling Larangan
Total questions: 21
Worksheet time: 11mins
Ano ang isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral?
Pagbabasa
Pagsusulat
Panonood
Pakikinig
Sa panimulang pag-aaral o proposal, ano ang kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang balangkas o framework?
Tesis
Konseptong papel
Aklat
Artikulo
Alin sa mga makrong kasanayang ang hindi kapangkat;/kasama na madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan?
Pakikinig
Pagbabasa
Panonood
Pagsulat
Alin sa mga halimbawa ang hindi kapangkat/kasama ng transakyonal?
kwento
pananaliksik
sulating panteknika
balita
Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
Malikhain
Teknikal
Akademiko
Reperensyal
Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
Malikhain
Propesyonal
Dyornalistik
Teknikal
Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
Paksa
Wika
Layunin
Pamamaraan ng Pagsulat
Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
Paksa
Wika
Layunin
Kasanayang Pampag-iisip
Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Naratibo
Ekspresibo
Impormatibo
Argumentatibo
Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan. Ito'y maaaring obhetibo at subhetibo.
Argumentatibo
Naratibo
Ekspresibo
Deskriptibo
Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadulubhasaan. Kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik, at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
opisina
akademiya
librari
entablado
Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
Obhetibo
Pormal
Maliwanag at Organisado
May Paninindigan
Anong uri ng pagsulat ang may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao?
Propesyonal na pagsulat
Malihaing pagsulat
Dyornalistik na pagsulat
Akademiko na pagsulat
May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa.
Propesyonal na pagsulat
Akademiko na pagsulat
Malihaing pagsulat
Dyornalistik na pagsulat
Anong uri ng pasulat ang may isang intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan?
Dyornalistik na pagsulat
Propesyonal na pagsulat
Akademiko na pagsulat
Malikhaing pagsulat
Anong pamaraan ng pagsulat ay may pangunahing layunin na magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa?
Paraang impormatibo
Paraang eksprestibo
Paraang naratibo
Paraang argumentatibo
Ang pangunahing pakay ng pagsulat na ito ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan. Ito'y maaaring obhitibo at subhetibo.
Paraang deskriptibo
Paraang naratibo
Paraang impormatibo
Paraang argumentatibo
Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
Paraang ekspresitibo
Paraang naratibo
Paraang argumentibo
Paraang impormatibo
Anong pamaraan ng pagsulat ay ang Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan?
Paraang ekspresitibo
Paraang naratibo
Paraang argumentibo
Paraang impormatibo
Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
Malikhaing pagsulat
Dyornalistik na pagsulat
Propesyonal na pagsulat
Akademiko na pagsulat
Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
Paraang argumentatibo
Paraang naratibo
Paraang eksprestibo
Paraang deskriptibo
