wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP Q1 Reviewer

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng akronim na ICT? 

a)

Information Communication Technical

b)

International Communications Technique

c)

International Communications Technology

d)

Information and Communication Technology

2.

Si Mang Juan ay gumagawa ng mga kikiam at ibinebenta niya ito sa palengke, Alin dito ang  produkto?

a)

Kikiam

b)

Pagbebenta ng kikiam

c)

Paggawa ng kikiam

d)

Pagdadala ng paninda ni Mang Jose sa palengke.

3.

Namasukang hardinero si Mang Hener sa kanilang kapitbahay. Binabayaran siya tuwing katapusan ng buwan, Alin dito ang serbisyo? 

a)

Pagtanggap niya ng sahod

b)

Namamasukan bilang hardinero

c)

Pagtanggap ng sahop tuwing katapusan ng buwan.

d)

Pagtanggap ng kanyang kapitbahay bilang hardinero.

4.

Ito ay mga bagay na maaaring inaalok sa mercado na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing pangangailan o kagustuhan ng isang mamimili.

a)

Negosyo

b)

Produkto

c)

Puhunan

d)

Serbisyo

5.

Ito ay tumutukoy sa paglilingkod na inaalok ng taong nagtratrabaho sa isang uri ng negosyo.

a)

Negosyo

b)

Produkto

c)

Puhunan

d)

Serbisyo

6.

Pinakabagong paraan ng pagbebenta gamit ang online store o sa paraan ng paggamit ng internet? 

a)

Direct Selling

b)

Franchising

c)

Manufacturing

d)

Online selling

7.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa produktong mapagkakakitaan?

a)

Manikurista

b)

Palamuti sa bahay

c)

kotse

d)

School supplies

8.

Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pagbibigay ng serbisyo?

a)

Guro

b)

Karpintero

c)

Mekaniko

d)

Lahat ng nabanggit

9.

Si Aling Linda ay may maliit na karinderya sa kanilang pamayanan. Siya ay matatawag na isang______.

a)

Kostumer 

b)

Entrepreneur

c)

Mamimili

d)

Suki

10.

Ang maliit na negosyo tulad ng sari – sari store, pagtitinda ng mga lutong ulam at meryenda ay halimbawa ng___________. 

a)

Direct selling business

b)

Macro business

c)

Micro business

d)

Monkey business

11.

Ang isa na nagnanais magsimula o magtayo ng negosyo ay kailangang kumuha ng _______ upang maging lehitimo o legal ang kaniyang negosyo.

a)

Business partner

b)

Business permit

c)

puhunan

d)

puwesto

12.

Ito ay tumutukoy sa mga bagay na iyong ibebenta o iaalok sa mga tao.

a)

Kostumer

b)

De-kalidad

c)

Produkto

d)

Serbisyo

13.

Masasabing _________ ang isang produkto kung ito ay kapaki-pakinabang, 

                  maaasahan, pangmatagalan, matatag, epektibo, mapagkakatiwalaan, nagbibigay-saya, ligtas at maganda. 

a)

Kostumer

b)

De-kalidad

c)

Produkto

d)

Serbisyo

14.

Alin sa mga katangian ang dapat taglayin ng isang entrepreneur upang siya ay 

                  magtagumpay sa pagnenegosyo? 

                       I. masipag         II. Maabilidad        III. Matiyaga    IV. Padalos dalos sa pagpapasiya

a)

I at II

b)

 I at III

c)

I, II at III

d)

I, II, at IV

15.

Ang ______ ay isang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao gamit ang 

                computer at konektado sa internet. 

a)

Chat

b)

Discussion forum

c)

Files

d)

Web

16.

Si Ana ay nakasanayan na niyang sumunod sa mga alintuntunin sa paggamit ng internet at computer lalong lalo na sa pagsasaliksik ng kanyang aralin. Ano ang tawag sa mga alituntuning dapat sundin? 

a)

Chat

b)

Etiquette

c)

Netiquette

d)

Netizen

17.

Nagpatayo ng negosyong masarap na kakanin ang pamilya Santos sa kanilang bayan.

                Ano kaya ang dapat nilang gawin upang mahikayat ang kanilang kostumer at mapalago  

ang kanilang negosyo?

a)
  1. Babaan ang presyo ng kanilang panindang kakanin. 

b)

Palaging magbigay ng free taste para balik balikan ang paninda.

c)

Kinakailangang mapanatiling masarap, malinis at maayos ang pagkakaluto.

d)
  1. Wala sa nabangggit.

18.

Karaniwan na sa inyong palengke ang mga itinitindang mga produkto, Paano 

                   maisasagawa ang pagbebenta ng natatanging paninda upang ikaw ay kumita?

a)

Gumawa ng murang produkto.

b)

Gumawa ng marupok na produkto.

c)

Gumawa ng mamahaling produkto.

d)

Gumawa ng mura ngunit de kalidad na bagong produktong naisip mo.

19.

Nais ng iyong grupo sa klase na mangalap at maghanap ng tumpak na impormasyon  

                   na maiwasan ang paglabas ng libo - libong resulta, Ano ang dapat gamitin sa  

                   paghahanap ng tumpak na impormasyon? 

a)

Web browser 

b)

Google apps

c)

Search engine

d)

Advanced search

20.

Nagdadalawang-isip ka kung tiyak at totoo ang impormasyong nabasa at nakalap mula 

                  sa website hinggil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, Ano ang dapat gawin upang ito 

                  ay masiguradong tama? 

a)

Tukuyin ang simbolo ng site 

b)

Tukuyin ang mga layunin ng site

c)

Tukuyin ang maseselang bahagi ng site 

d)

Tukuyin ang mga hindi magagamit na datos sa site

21.

Bukas na ang pasahan ng takdang aralin para sa pagtutuos ng kinita mula sa 

                    produktong naibenta, Paano simulan at Ano ang unang gawin sa pagtutuos ng kinita  

                    gamit ang electronic spreadsheet? 

a)

Gumamit ng Worksheet

b)

Umpisahan sa Formula

c)

Gumamit ng Formatting Toolbar

d)

Umpisahan sa paggamit ng Equal Sign

22.

Nais mong magbahagi ng iyong suhestiyon o opinion sa ginagawang pangkatang 

                  proyekto sa inyong aralin sa Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan, Ano ang  

                  maaari mong gamitin? 

a)

Discussion Forum at Chat

b)

Google Classroom

c)

Playstore

d)

Spotify

23.

Alin naman sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong pagsali sa discussion 

                    forum at chat? 

a)

Iniiwasang makilahok ni Sean sa talakayan.

b)

Nagpost si Rita ng patalastas o paninda sa discussion forum.

c)

Naka ALL CAPS ang lahat ng mensahe ni Jose habang nakikipagchat.

d)

Tinitiyak ni Jose na siya ay palakaibigan, magalang, maunawain at masayang  

                             nakikipag-usap tuwing talakayan.

24.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi naipapakita ng wastong pagsali sa 

                discussion forum at chat?

a)

Kaagad na sinagot ni Avril ang katanungan ng kachat.

b)

Nagpost si Beyonce ng mensaheng walang kaugnayan sa pinag uusapan

c)

Sinisigurado ni Laila na hindi makasakit ng kalooban ang kanyang mensahe.

d)

Tiniyak ni Lina na nakapaloob sa trends o pinag uusapan ang ginawa niyang 

                             paksa.

25.

Ang paglagay ng mensahe sa email o chat gamit ang mga malalaking titik o naka ALL 

                CAPS ay nangangahulugang ______. 

a)

Ang mensahe ay napakahalaga

b)

Ang nagbigay ng mensahe ay natutuwa.

c)

Ang nagbigay ng mensahe ay naninigaw

d)

Wala sa nabanggit

26.

Ang paggamit ng emoticons o smiley faces sa isang mensahe ay______

a)

Ganap na katanggap-tanggap.

b)

Pampalibang sa makakatanggap ng email.

c)

Parang bata at hindi kailanman dapat gawin.

d)

Gumamit lang nito kung kailngan o angkop sa pinaguusapan.

27.

Naatasang salain o piliin ni Lina ang mga impormasyong pumapasok sa discussion 

                forum na kanilang kinabibilangan, Ano ang tawag sa tungkuling ginagawa ni Lina. 

a)

 Pagiging instructor

b)

Pagiging moderator

c)

Pagiging leader sa grupo

d)

 Wala sa nabanggit

28.

Isang magandang gamiting software ay ang MS Office Powerpoint na kung saan ay 

                maaaring gumawa ng slide presentation, kung gagawa ng anunsiyo, Ano ang dapat I- 

                click upang makapaglagay ng pamagat nito?

a)

I-click ang File

b)

I-click ang New Slide

c)

Pumunta sa Review Tab

d)

I-click ang Title placeholder

29.

Nakatutulong ito sa pagsusuri ng impormasyon, paggawa ng mga talungguhit (graph at  

              chart), sa paggawa ng formula para sa pagtutuos, at pag-aayos ng impormasyon?

a)

Advanced Features

b)

Electronic Spreadsheet

c)

Microsoft Office Excel

d)
  1. Microsoft Office Word

30.

Ito ang pinakakilala at madalas na ginagamit na search engine.

a)

Bing

b)

Google

c)

Mozilla

d)

Wikipedia

31.

Paano nakatutulong ang paggamit ng bookmark ng website sa pananaliksik?

a)

Tumutulong ito upang mapabilis ang pag-encode.

b)

Tumutulong ito upang maisaayos ang mga mensahe.

c)

Mabilis mong mababalikan palagi ang mga website kung kailan nais mo itong

 gamitin.

d)

Lahat ng nabanggit.

32.

Ito ang tawag sa salita o mga salita sa isinulat sa search box na nais saliksikin sa 

internet. 

a)

Address bar

b)

Keyword

c)

Hints

d)

Web browser

33.

Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, pag-

eedit at pag-save ng mga ito sa computer file.

a)

Diagram

b)

Spread Processor

c)

Processing Tools

d)

Word Processor

34.

Ano ang tawag sa word processing tool na ginagamit upang makagawa ng isang diagram?

a)

Clip Art

b)

Diagram

c)

Graph

d)

Smart Art

35.

Nais bumuo ng mga hilera o column si Binoy para sa kanyang takdang aralin,ano ang 

tawag sa mga hilera o column na kanyang gagawin?

a)

Cell

b)

Excel

c)

Workbook

d)

Worksheets

36.

Nakaatang sa grupo ng unang pangkat ang pagtutuos para makuha ang PRODUCT 

nang kanilang gagawin, Ano ang gagamitin nila para sa kanilang pagtutuos. 

a)

(*) asterisk

b)

(=) equal

c)

(+) plus

d)

(/) slash

37.

Nais gumawa ni Rowena ng isang simpleng flyer at calling cards para sa kanilang water 

refilling station. Anong uri ng software ang maaaring gamitin sa paggawa nito? 

a)

MS Excel

b)

MS Powerpoint

c)

MS Publisher

d)

MS Word

38.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa paalala sa paggawa ng flyer at brochure 

gamit ang Microsoft Word? 

a)

Maari ring mag-insert ng shapes at lagyan ng text sa loob nito.

b)

Hindi puwedeng mag-insert ng clip art o picture mula sa iyong computer.

c)

Maaaring maglagay o mag-insert ng table, rows at columns ayon sa gustong dami 

nito. 

d)

Puwedeng baguhin ang font style, font size at font color ayon sa gusto nating text sa 

gagawing flyers o brochures. 

39.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa knowledge products? 

a)

Brochures

b)

Flyers

c)

Posters

d)

Wala sa nabanggit

40.

Nagnenegosyo ng mga pabango,pampaganda at mga bitamina si Aling Rosa, Ano kaya 

ang maganda niyang gawin upang makasabay sa trend at makilala ang kanyang

 produkto? 

a)
  1. Magtambay sa paradahan ng dyip at mag alok sa mga tsuper at pasahero. 

b)
  1. Maglatag sa bangketa o tabi ng kalsada para makita ng mga mamimili ang kanyang 

produkto. 

c)
  1. Hayaan lang na ikutin niya ang buong palengke bitbit ang kanyang maraming 

produkto para makilala ito.

d)
  1. Gumawa ng manipis na libro na naglalaman ng mga larawan ng kanyang produkto

 o tinatawag na brochure.

41.

Nais na makilala ang negosyong educational plan ng isang kumpanya, Ano kaya ang 

gagawing knowledge product para madaling makilala kahit sa kapirasong papel lamang 

nakalagay ang impormasyong mahalaga sa produkto nila? 

a)

Brochures

b)

Flyers

c)

Posters

d)

Banner

42.

Magkakaroon ng malawakang pagtitipon ang mga purok lider ng barangay sa darating 

na Linggo, ano kaya ang akmang product na gagawin para malaman ito ng mga 

kinauukulan? 

a)

Brochures

b)

Flyers

c)

Posters

d)

Patalastas

43.

Nakatakdang ipakita ang report na gagawa ng grupo ni Lea sa kanyang klase. 

Ano kaya ang maaari niyang gamiting software para makagawa ng slide presentation?

a)

MS Excel

b)

MS Powerpoint

c)

MS Publisher

d)

MS Word

44.

Si Aira ang nagbabantay sa kanilang mini store tuwing araw ng Sabado. Nais niyang

makuha kabuuang datos na kinita gamit ang electronic spreadsheet, Ano ang 

pipinduting icon para makuha at otomatikong resulta nito? 

a)

Autosum

b)

Average

c)

Formula

d)

Function

45.

Ginagamit kung nais magkaroon ng matematikal equation upang makalkula agad ang 

isang resulta. 

a)

 (*) asterisk

b)

(=) equal

c)

(+) plus

d)

(/) slash

46.

Ito ang ginagamit kung nais I -divide ang isang cell sa isa pa.

a)

(*) asterisk

b)

(=) equal

c)

 (+) plus

d)

(/) slash

47.

Bilang isang mag-aaral sa ika-limang baitang, Ano kaya ang maaari mong maitulong sa 

mga kamag-aral mong walang magamit na gadyet o kompyuter na kailangan sa gawaing 

pagtutuos gamit ang electronic spreadsheet? 

a)

Tumulong sa pagpapaliwanag pano gamitin ang electronic spreadsheet.

b)

Gumawa ng video kung paano ang paggamit nito at ipapanood gamit ang iyong 

gadyet sa kanila. 

c)

Hingiin ang pahintulot ng magulang na maisama sa inyong bahay ang kaklaseng 

walang magamit na gadyet o kompyuter. 

d)

Lahat ng nabanggit.

48.

Napansin mong magaspang sa pananalita ang iyong kaibigan habang nasa discussion 

forum, Ano kaya ang maaari mong gawin? 

a)

Hayaan lamang ito.

b)

Sawayin ng pasigaw habang ginagawa pa ang discussion forum.

c)

Pagsabihan ito ng malumanay at ipaliwanag ang maling ginagawa.

d)

Sabayan mo pa ito para lalong mawala sa pokus ang ginagawang discussion forum.

49.

Habang nasa isang discussion forum, hindi mo sinasadyang nakapagpost ka ng iyong 

ibinebentang produkto at alam mong hindi ito pinahihintulutang gawin, Ano ang iyong 

gagawin? 

a)

Maiging naipost para makilala ang produkto.

b)

Hayaan mo na lamang itong nakapost para tangkilikin nila ito.

c)

Pasundan mo pa na may discount kapag makabili ng tatlo o apat na produkto.

d)

Humingi ng paumanhin sa moderator ng discussion form at ipaliwanag na hindi ito 

sinasadya.

50.

Sa usaping paggamit ng gadyet o kompyuter, Paano ka makatutulong na pangalagaan ang inang kalikasan at maging ang iyong kalusugan? 

a)

Gamitin lamang ang gadyet o kompyuter kung kinakailangan.

b)

Magdamag itong gamitin kahit tapos na ang ginagawang aralin.

c)

Hikayatin ang kaklase sa online gaming pagkatapos tapusin ang aralin.

d)

Hayaan lamang itong nakabukas kahit hinndi na ito kailangang gamitin.