NEW
Font size
WorksheetsREBYU Q1 Filipino 9
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ito ang pagkaing karaniwang pasalubong ng ama sa kanyang pamilya.
Sopas
Pansit
Tsokolate
Tinapay
Maihahalintulad ang naging sakit ni Rebo sa isang ______.
cancer
dengue
lagnat
malaria
Ito naman ang paboritong laruan ni Rebo.
remote control car
yoyo
beyblade
robot
Saang persona kinubli ni Jose Corazon De Jesus ang kanyang pagpapahiwatig patungkol sa buhay at kamatayan?
Patpat
Lubid
Punongkahoy
Tingting
Masasalamin sa tulang Ang Guryon ang ugnayan ng _______ at _________.
Magulang at Anak
Tiyuhin at Pamangkin
Mag-asawa at Yumaong anak
Kamag-anak na malapit ng pumanaw at kanyang pamilya
Mula sa nobelang "Takipsilim sa Dyakarta", alin sa mga pangyayari mauuri natin ang tao laban sa sarili?
"Gusto mo bang maging masama ako gaya ng iba?" sigaw ni Sugeng. Pabalik-balik sa kanyang pandinig ang sigaw niyang iyon.
"Baka walang pera", naisaloob ni Dahlia.
Nadama ni Hasnah ang katapatan sa kaniyang pagsasalita.
Nagtama ang kanilang mga tingin sa takbo ng buhay ni Andres?
Isa itong uri ng sulatin o komposisyon na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng sumulat nito. Naglalayon din itong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.
Alamat
Maikling Kuwento
Nobela
Sanaysay
Malaki ang nagiging tulong ng mga salitang ito upang mapag-ugnay ang dalawang salita, dalawang parirala, at dalawang sugnay. Anong tawag sa mga salitang ito?
Pang-angkop
Pangatnig
Pang-abay
Pang-ukol
Alin sa mga sumusunod ang tradisyon na sinunod ng pamilya ni Estella Zeelandelaar?
Bawal magtrabaho ang kababaihan
Hindi nakapag-aaral ang mga babae
Ipinagkakasunod ang mga babae sa kanilang mapangasawa
Lahat ng nabanggit
Ito ang isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari at masalimuot na wakas.
Melodrama
Komedya
Trigikomedya
Trahedya
Anong damdamin ang namayani sa hipag ni Tiyo Simon sa pagbabalik-loob niya sa Diyos?
nagagalak
malungkot
naghihinagpis
naluluwalhati
Ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginagawa sa isang tanghalan.
Maikling Kuwento
Nobela
Pelikula
Dula
Ito ay tumutukoy sa pinakarurok na bahagi ng maikling kuwento.
kasukdulan
wakas
pataas na pangyayari
pababang pangyayari
Ito ang tumutukoy sa pagkaaayos o pagkakasalansan ng mga pangyayari sa isang kuwento.
tagpuan
tunggalian
organisasyon
banghay
Alin sa sumusunod ang katangian ng maikling kuwento na iba sa isang nobela.
Nahahati sa kabanata ang maikling kuwento. Wala naman ang nobela.
Maraming tagpuan sa nobela. Maraming tauhan naman sa maikling kuwento.
Kayang basahin ng mabilisan ang maikling kuwento. Gugugol naman ng oras ang nobela.
May mabisang kasukdulan ang maikling kuwento. Wala naman sa nobela.
Kilala si Mike bilang isang binatang may pusong mamon dahil sa pagtulong niya sa kaniyang kapwa. Paano dapat ito bigyang kahulugan?
Denotatibo: may puso siyang katulad ng isang kilalang tinapay.
Denotatibo: may mamon siyang korteng puso.
Konotatibo: katangian ito ng isang taong may busilak na kalooban
Konotatibo: sumasalamin ito sa magandang kaasalan ng tao
Hindi mataho ni Alice ang pagkatao ni Andy. Ano ang kahulugan ng salitang MATAHO?
maunawaan
mahulaan
magustuhan
mabasa
Hindi ko kailanman ikahihiya ang aking mga magulang ______ sila ang nagbigay sa akin ng magandang buhay. Anong salita ang bubuo sa pangungusap?
subalit
sapagkat
kaya
kung gayon
Tiyak na lilipas ang panahon ngunit hindi maiwawaglit kailanman sa ating isipan ang magandang asal na kanilang itinuro sa atin. Masasabi mo bang ito ay isang pahayag na nagsasaad ng pananaw?
Oo. Sapagkat gumamit ng ekspresyong nagpapahiwatig ng pananaw katulad ng salitang tiyak at diin sa salitang hindi kailanman.
Oo. Sapagkat malinaw na pinahayag nito ang kanyang posisyon sa paksang nais bigyang pananaw.
Hindi. Sapagkat pawang katotohanan lamang ang nais nitong ipabatid.
Hindi. Sapagkat hindi ito nagpapakita ng kahit anumang batayan upang masabing isa itong pagpapahiwatig ng pananaw.
Ayon sa datos ng SWS, lumalaki ang bilang ng mga Pilipinong anak na ninanais na iwan sa sa pagkalinga ng mga tahanan para sa matatanda ang kailang nagkakaedad na magulang. Tila, hindi na ito ang salamin ng ating kaugalian na may malaking pagpapahalaga sa pamilya. Anong uri ng pahayag ang binasa mo?
Pahayag na nagpapahiwatig ng katotohanan.
Pahayag na nagpapahiwatig ng opinyon.
Pahayag na nagpapahiwatig ng parehong katotohanan at opinyon.
Pahayag na walang katotohanan at hindi malinaw na opinyon.
