wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Modyul 10: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Si Rosa ang aming nag-iisang rosas sa pamilya na humaling na humaling sa mga rosas ni Aling Rosana.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

2.

Hindi nila ramdam ang init ng araw dahil sa suot nilang vakul, samantalang tayo ay suot ang sombrero kahit nasa loob ng mall.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

3.

“Bili, bili na po kayo d’yan, sariwa, malalaki, mataba at bagong hango ang aming tilapya”, subalit habang naririnig ang mga katagang iyan na isinisigaw ng aking ina ay sariwa pa rin ang sugat sa aking damdamin at hindi ko pa rin matanggap ang nagyari sa kanya.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

4.

“ Ang haba naman ng bitin na iyan,” ang wika ni Roger na isang Bikolano na ang tinutukoy ay ang ahas. “Sa palagay ko’y bitin ang taling ito para mahuli natin ang ahas na iyan”, ang sambit naman ni Alfred.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

5.

“Bawal ang lumiban sa kabilang ibayo,” ang wika ni Batang na isang Batangueno. Subalit sumagot si Anna sa kabilang linya at sinabing “hindi siya lumiban sa klase”.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

6.

Gayak na ang lugar na pagdarausan ng salo-salo. Gayak na ang mga abay para sa kasal.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

7.

Maliligo sana ako noon subalit walang tubig sa batalan, kaya pumunta pa ako sa balon bitbit ang balde at tabo. Ito ang mga alaalang natatawa na lang ako sa tuwing bumabalik sa aking alaala kapag ako’y nakapikit habang bumubos ang tubig galing sa shower.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

8.

Ang bangkito ay isang maliit na salungpuwit na inuupuan noon.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

9.

Bantayan mong maigi ang ading mo, naku kapag may mangyari diyan sa kapatid mo, lagot ka talaga.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

10.

“Naku mam mababait po ang mga batang ito. Masunurin po sila at lagi po nilang pinananatili ang kalinisan at kaayusan sa loob ng silid-aralan,” ang mahinahon at malambing na wika ni Gng. Delos Reyes sa aming punongguro. Subalit kapag kami na lamang ay ito ang maririnig mo sa kanya, “maglinis nga kayo ng silid at para na itong kulungan ng baboy”.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

11.

Nag-iiba ang kahulugan ng salita depende sa pinag-uusapan.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

12.

Sa panahon ng new normal ang ating pag-aaral ay online para sa may internet connection, modular para sa walang gadget sapagkat bawal na ang face to face dahil sa COVID-19.

a)

batay sa lugar

b)

batay sa kausap

c)

batay sa panahon

d)

batay sa pinag-uusapan

13.

Hindi na n’ya nakikita ang kanyang jowa kaya halos maging krung-krung na siya.

a)

panahon

b)

lugar

c)

kausap

d)

grupong kinabibilangan

14.

Ang mga salitang ito ay sumibol at laging bukang-bibig noong panahon na ginagamit ito.

a)

lugar

b)

kausap

c)

panahon

d)

grupong kinabibilangan

15.

Ito ay tumutukoy sa gamit at paraan o estilo sa paggamit ng wika.

a)

Panghalip

b)

Balbal na wika

c)

Register o rehistro ng wika

d)

Mga pang-ugnay o cohesive device