Font size
WorksheetsANG PAGBASA
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagtanggap at paginterpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa pamamagitan ng limbag na midyum.
(a)
Nalalaman mo ang mga tiyak na detalye sa mga kaganapan sa ating nakaraan na hindi mo nasaksihan. Anong kahalagahan sa pagbasa ang pinahihiwatig sa sitwasyong ito.
(a)
Nabasa mo sa isang mapagkakatiwalaang artikulo na malaki ang tsansa na hindi mahawa sa COVID kung isusuot nang tama ang face mask at pananatilihin ang social distancing. Nasa anong proseso ng pagbasa ka ayon kay Gray kung ginagawa mo ito sa araw-araw?
(a)
Sa iyong binasang nobela, nainis ka sa naging pasya ng pangunahing tauhan at hindi mo lubos na maunawaan kung bakit ito ang napili niyang gawin. Anong teorya ng pagbasa ang ipinapakita sa sitwasyong ito?
(a)
Ang salitang "aso" ay pangagalan na tumutukoy sa isang uri ng hayop na nabibilang sa pangkat mammalia.
Anong paraan ng pagpapakahulugan o pagbibigay interpretasyon ang ipinapakita sa pahayag sa itaas?
(a)
Habang naghihintay sa pila sa isang Dental Clinic ay binuklat mo ang magasin na nakalagay sa gilid ng upuan kung saan ka nakapwesto. Anong teknik sa pagbasa ito?
(a)
Upang mas matandaan mo ang mga konseptong iyong binasa ay isinulat mo ang ilang mahahalagang ideya na kauha mo mula dito. Anong teknik sa pagbasa ang iyong ginamit?
(a)
Kayo ay pinasulat ng isang sanaysay tungkol sa paksang "Kahinaan at Kalakasan ng K-12 na Kurikulum". Anong teknik sa pagbasa ang dapat mong gamitin?
(a)
Nais mong bumili ng nobela para sa gagawing book review sa asignaturang Reading and Writing Skills. Upang makatiyak na maiibigan mo ang iyong bibilhin ay binasa mo muna ang sinopsis nito na makikita sa likod ng bawat sipi. Anong teknik sa pagbasa ang iyong ginawa?
(a)
Gumamit ka ng mnemonic device upang mas mabilis na matandaan ang iyong binabasa para sa darating na pagsusulit. Anong teorya ng pagbasa ang ipinapakita nito?
(a)
Upang munawaan mo ang mga paksa sa Microbiology, mahalagang may sapat kang kaalaman sa Biology. Anong antas ng Pagbasa ang ipinapakita dito?
BATAYANG ANTAS
INSPEKSYUNAL NA ANTAS
MAPANURING ANTAS
SINTOPIKAL NA ANTAS
Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat at ilang artikulo ay lumawak ang iiyong pag-unawa sa paksang Pananaliksik. Anong kahalagahan ng pagbasa ang ipinapahiwatig dito?
PANGKASIYAHAN
PANGKAALAMAN
PANGMORAL
PANGKAPAKINABANGAN
Nakikilala na ng iyong apat na taong gulang na pamangkin kung ano ang tunog ng letrang "A". Ayon kay Gray, anong proseso ng pagbasa ang ipinapakita ng iyong pamagkin?
PERSEPSYON
KOMPREHENSYON
REAKSYON
INTEGRASYON
Anong kahalagahan ng pagbasa ayng sumasalamin sa pagbabasa ng bibliya o koran?
PANGMORAL
PANGKASAYSAYAN
PANGKAPAKINABANAGN
PAMPAGLALAKBAY-DIWA
May plano kayong magbakasyon sa Korea ng iyong mga kaibigan. Upang lubos na maenjoy ang inyong bakasyon ay nagsaliksik muna kayo tungkol sa kultura, mga pasyalan at iba pang mahahalagang impormasyon na may kaugnayan sa bansa. Anong kahalagahan ng pagbasa ang ipinapakita dito?
PANGKASIYAHAN
PANGKAALAMAN
PANGKASAYSAYAN
PAMPAGLALAKBAY-DIWA
