WorksheetsMagalang na Salita
Total questions: 15
Worksheet time: 10mins
Nahuli sa klase si Lando dahil nasira ang kaniyang bisikleta sa daan. Paano niya ito ipapaliwanag sa kaniyang guro?
Wala kayong pakialam kung mahuli man ako sa klase.
Patawad po ma’am, nasiraan po kasi ako ng bisikleta sa daan.
Nahuli ako dahil nasiraan ako ng bisikleta.
Nag-aral si Maria ng mabuti para sa pagsusulit, ngunit hindi siya nakapasok dahil sa masamang panahon. Ano ang dapat niyang sabihin sa kanyang guro?
Hindi ko na kailangan ng dahilan, basta't hindi ako pumasok.
Patawad po, hindi po ako nakapasok dahil sa masamang panahon.
Nag-aral ako, pero hindi ko naisip ang panahon.
Si Juan ay nahuli sa klase dahil siya ay naglakad mula sa malayo. Ano ang maaari niyang ipaliwanag sa kanyang guro?
Wala akong magagawa, malayo kasi ang bahay ko.
Patawad po, nahuli po ako dahil naglakad ako mula sa malayo.
Nahuli ako dahil hindi ko naisip ang oras.
Si Ana ay hindi nakadalo sa klase dahil siya ay may sakit. Ano ang dapat niyang ipaliwanag sa kanyang guro?
Hindi ko na kailangan magpaliwanag, may sakit ako.
Patawad po, hindi po ako nakapasok dahil sa sakit.
May sakit ako, kaya hindi ako nakapasok.
Nabangga mo ang isang matanda sa iyong pagmamadali. Ano ang iyong sasabihin?
Kasalanan mo! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!
Huwag kang nakaharang
Pasensiya na po nay. Nagmamadali po kasi ako.
Tinanong ka ng iyong tatay kung bakit gising ka pa na napakalalim na ng gabi. Ano ang sasabihin mo?
Nag-aaral pa po kasi ako sa aking mga aralin tay.
Hindi ako makatulog!
Wala kayong pakialam sa akin.
Nabasag mo ang plorera ng iyong ina. Paano mo ito ipapaliwanag sa kaniya?
Hindi ko po kasalanan iyan.
Hindi ako ang may gawa niyan!
Patawarin niyo po ako inay. Hindi ko po sinasadya.
Inimbitahan ka ng iyong kaibigan sa kaniyang kaarawan. Paano mo ito ipapaalam sa iyong ina?
Payagan niyo akong dumalo sa kaarawan ng aking kaibigan!
Dadalo ako sa kaarawan
Gusto ko pong dumalo sa kaarawan ng aking kaibigan. Sana po ay payagan niyo ako inay.
Piliin mo sa loob ng kahon ang angkop na magagalang na pananalita na ipinapakita sa larawan.
Mano po, lola.
Bakit ka ba nandito, lola?
Magandang araw.
Ano ba itong binigay mo?
Maraming salamat po.
Maganda ba ito?
Sino ang nag-imbita sa iyo dito?
Halika, tumuloy ka sa aming bahay.
Hindi ka imbitado dito?
Diyan ka lang nay!
Huwag niyo akong susundan.
Paalam po, inay.
Magandang araw din sa iyo, Lito.
Hoy, hintayin mo nga ako.
Ang bilis mo namang maglakad.
Ang ___________ ay ginagamit sa iba’t ibang pamamaraan.
masayang pananalita
sumisigaw
Ang paggamit ng ______ ay isa sa mga paraan ng pananalita na nagpapakita ng pagiging magalang sa ating mga nakatatanda o sa ating kapwa.
po at opo
mahal
masaya
