WorksheetsESP Quiz
Total questions: 15
Worksheet time: 7mins
Laging nangunguna sa klase si Dona. Matataas lahat ang kaniyang grado. Anong biyaya ang ipinagkaloob sa kaniya ng Diyos?
talino
pamilya
pagkain
Kumakain ng tatlong beses ang pamilya ni Ginoong Balakwa. Anong biyaya ang kanilang tinatanggap sa Maykapal?
pagkain
pamilya
trabaho
Magaling sumayaw ang mga bata sa Ikalawang Baitang. Anong biyaya ang ipinagkaloob sa kanila ng Panginoon?
kalusugan
pamilya
talento
Maayos na ipinanganak ni nanay Mona ang kaniyang sanggol. Anong biyaya ang natanggap ng sanggol sa Diyos?
buhay
pangalan
tahanan
Nanalo si Lorna sa paligsahan ng pagguhit na idinaos sa paaralan. Pagkatapos ng patimpalak, may iniabot sa kaniya na sobre na naglalaman ng kaniyang premyo. Ano ang biyayang natanggap ni Lorna?
pera
pagkain
trabaho
Marunong magbasa si Boboy. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapasalamat sa biyayang kaniyang tinanggap sa Diyos?
Nagbabasa siyang mag-isa tuwing recess
Dinadala niya sa bahay ang mga aklat ng silid-aklatan.
Tinuturuan niya ang kaniyang nakababatang kapatid na magbasa
Nakahanda na ang hapunan. Bawat miyembro ng pamilya ay nasa harap ng hapag-kainan. Paano nila ipakikita ang pasasalamat sa pagkaing kanilang natanggap?
Kakain sila ng tahimik.
Magdarasal sila bago kumain.
Maghuhugas sila ng kamay bago kumain.
Marunong kang umawit kaya isinasali ka ng inyong guro tuwing may patimpalak sa pag-awit. Paano mo pasasalamatan ang biyayang ito?
Magsasanay ako nang mabuti sa pag-awit
Lagi akong kakain ng tsokolate pagkatapos umawit.
Lalakasan ko nang husto ang aking boses tuwing ako’y magsasalita.
Tuwing Sabado, nagtatrabaho si Mila sa manukan ng 3J’s Poultry. Kapalit nito, siya ay pinag-aaral ng may-ari ng manukan. Sa anong paraan ipinapakita ni Mila ang pasasalamat sa biyayang natatanggap?
Ginagawa niya nang tama ang kaniyang trabaho sa manukan
Pinapanood niya nang maghapon ang mga manok sa kulungan.
Iniuuwi niya sa bahay ang itlog na kaniyang pinupulot sa manukan.
Kaarawan mo sa darating na Linggo. Kung may matatanggap kang damit na regalo, paano mo maipakikita ang pasasalamat sa biyayang ito?
Ibebenta ko ito para magkaroon ng pera.
Itatago ko sa aparador at hindi gagamitin
Lalabhan ko nang husto pagkatapos suotin.
Ang mga magulang ni Ana ay nagtatrabaho ng mabuti upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Anong biyaya ang kanilang natatanggap mula sa Maykapal?
trabaho
kalusugan
pagsasama
Si Rina ay may magandang boses at madalas siyang inaanyayahan sa mga programa sa paaralan. Paano niya maipapakita ang pasasalamat sa biyayang ito?
Mag-aaral siya ng mabuti sa musika.
Magiging mayabang siya sa kanyang talento.
Hindi na siya aawit sa mga susunod na programa.
Si Marco ay may talento sa paglalaro ng basketball. Paano niya maipapakita ang pasasalamat sa kanyang kakayahan?
Mag-eensayo siya araw-araw.
Magiging mayabang siya sa kanyang talento.
Hindi na siya lalaro sa susunod na mga laro.
Si Ben ay mahusay sa paglikha ng mga tula. Paano niya maipapakita ang kanyang pasasalamat sa talento na ito?
Magbibigay siya ng mga tula sa kanyang mga kaibigan.
Itatago niya ang kanyang mga tula sa kanyang kwarto.
Hindi na siya susulat ng tula.
Si Marco ay may kakayahan sa pagluluto. Paano niya maipapakita ang pasasalamat sa kanyang talento?
Magluluto siya ng masarap na pagkain para sa kanyang pamilya.
Itatago niya ang kanyang mga recipe sa kanyang notebook.
Hindi na siya magluluto muli.
