wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EMOSYON

Total questions: 35

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

1. Ito ay isang biyaya, natural na sangkap sa pagiging isang tao. at madalas na tinatawag na damdamin.

a)

Katangian

b)

Ugali

c)

Emosyon

d)

Pagkatao

2.

3. Ang emosyon ay nagsisilbing “cueing system” . Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?

a)

Taga utos sa mga kilos na dapat itugon

b)

Tagapakinig sa mga utos na dapat sundin

c)

Tagapag-paalala sa kung anong kilos ang nararapat

d)

Taga sunod sa mga utos na dapat gawin.

3.

4. Ito ay ang padalus-dalos at mabilisang tugon, at masasabi nating di pinag isipan.

a)

Agarang Pagkilos

b)

Pinag isipang pasya

c)

Aksyon

d)

Isinaisip

4.

5. Ang salitanag emosyon ay galing sa salitang latin ______ na nangangahulugang pagpukaw (to excite) o paggising.

a)

"emotic"

b)

"emoshu"

c)

"emoutiones"

d)

emovere”

5.

11. Nanalo ka sa patimpalak ng pag-awit, ano ang iyong mararamdaman?

a)

Masaya

b)

Malungkot

c)

Magagalit

d)

Maboboring

6.

1. Ito ay isang biyaya, natural na sangkap sa pagiging isang tao. at madalas na tinatawag na damdamin.

a)

Katangian

b)

Ugali

c)

Emosyon

d)

Pagkatao

7.

Ito ang mga birtud na nalilinang kapag napamahalaan natin ng maayos ang ating mga emosyon.

a)

Kabanalan at Pagparaya

b)

Katapatan at Kabaitan

c)

Paglilingkod at Katarungan

d)

Katatagan at Kahinahunan

8.

Ang birtud ng _____ o katatagan ay nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan ang tukso at pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay.

a)

Prudence

b)

Justice

c)

Fortitude

d)

Temperance

9.

Sa pamamagitan ng wastong pamamahala sa mga emosyon, napapaunlad ang ______________ ng tao.

a)

Pakikipagkapwa

b)

Pagkilos

c)

Pagkatao

d)

Pag-iisip

10.

Sa tuwing tayo ay makakaranas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon, alin sa mga sumusunod ang pinaka mainam na gawin ng isang kabataan na tulad mo?

a)

Manigarilyo para makabawas ng nararamdaman

b)

Magdasal at magrelax

c)

Makipag-inuman sa kaibigan

d)

Maglaro ng kompyuter kasama ang mga kaibigan

11.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga elemento ng karunungang emosyonal ayon kay Goleman?

a)

pagkilala sa sariling emosyon

b)

pamamahala sa sariling emosyon

c)

inspirasyon

d)

motibasyon

12.

Alin sa mga sumusunod ang mahalagang sangkap sa wastong paggamit ng emosyon?

a)

kahinahunan at katatagan

b)

kabanalan at katwiran

c)

pagtitimpi at kabutihan

d)

kalakasan at kaayusan

13.

Nagalit si Kiko nang isuot ng kapatid ang paborito niyang damit. Sa halip na sigawan at pagalitan ay pinagsabihan lamang niya ito na hindi tama ang nakikialam ng gamit ng iba, lalo na kung walang pahintulot. Anong hakbang sa paggamit ng wastong damdamin ang ipinakita ni Kiko?

a)

pagsasaalang-alang ng kabutihan ng sarili at ng kapwa

b)

pamumuhay nang tapat at may pagpapahalaga sa kapwa

c)

pagkilala sa nararamdaman at maayos na pagtanggap nito

d)

pagpapasa-Diyos ng emosyon at pagtitiwalang makakaraos

14.

“Hindi na ako mag-aaral sa kolehiyo, ang sabi ni Rhoda. Hindi kasi ako nakapasa sa entrance test ng paaralan na aking papasukan. Titigil na ako sa pag-aaral”. Anong emosyon ang ipinakita ni Rhoda?

a)

pag-iwas

b)

kawalan ng pag-asa

c)

pagdadalamhati

d)

pagkamuhi

15.

“Sa kabila ng pagkawala ng aking ama, sisikapin kong maitaguyod ang aking pag-aaral,” ani Berto. Anong pangunahing emosyon ang ipinakikita?

a)

pag-asa

b)

pagmamahal

c)

pagkatuwa

d)

katatagan

16.

Sa panahon na ikaw ay nakadarama ng negatibong emosyon makatutulong sa iyo ang pagdarasal. TAMA O MALI?

a)

TAMA

b)

MALI

17.

Sa pamamagitan ng wastong pamamahala sa mga emosyon, napapaunlad ang ______________ ng tao.

a)

Pakikipagkapwa

b)

Pagkilos

c)

Pagkatao

d)

Pag-iisip

18.

Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?

a)

Suntukin na lamang ang pader

b)

Kumain ng mga paboritong pagkain

c)

Huwag na lamang siyang kausapin muli

d)

Iisipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba

19.

Ano ang tawag sa emosyonal na reaksiyon ng katawan sa panganib?

a)

Takot

b)

Galit

c)

Kalungkutan

d)

Pagkadiri

20.

Emosyong nagpapahayag ng iba't ibang positibong damdamin.

a)

Kasiyahan

b)

Pagkamangha

c)

Kalungkutan

d)

Takot

21.

Emosyong nararamdaman kapag may nangyaring hindi inaasahan.

a)

Pagkamangha

b)

Kasiyahan

c)

Pagkadiri

d)

Kalungkutan

22.

Emosyong nagpapahayag ng kawalan o kahirapan.

a)

Kalungkutan

b)

Galit

c)

Kasiyahan

d)

Pagkamangha

23.

Ito ay nagbibigay daan upang malimutan ang stress, sa pamamagitan ng pagpokus ng iyong utak sa bagay na walang kaugnayan sa problema.

a)

Negatibong kaisipan

b)

Positibong kaisipan

c)

Nuetral na kaisipan

d)

Wala sa nabanggit

24.

Gusto mong awayin ang iyong kaibigan dahil sinaktan ka niya. Nag-uumapaw ang iyong emosyon. Anong uring emosyon ito?

a)

Takot

b)

Galit

c)

Kalungkutan

d)

Kasiyahan

25.

Ikaw ay pumasa sa iyong pagsusulit sa ESP at labis ang ligayang iyong nararamdaman. Anong uring emosyon ang meron ka?

a)

Kasiyahan

b)

Kalungkutan

c)

Takot

d)

Galit

26.

Sinong Pilosopo ang nagtukoy kung ano ang dapat gawin ng tao sa pagharap sa mga krisis sa buhay at kakayahang makagawa ng pasya sa napapanahong paraan.

a)

Darlene Mininni

b)

Tomas de Aquino

c)

Aristotle

d)

Marcelo

27.

Anong emosyon ang tumutukoy sa masidhing damdamin ng kasiyahan, kaligayahan o katuwaan?

a)

Pagkagalak

b)

Pagkatakot

c)

Pagkamuhi

d)

Pagkagulat

28.

Anong sa emosyon ito kung saan nakakaranas ang isang indibidwal ng pagdadalamhati na sanhi ng pagkamatay ng mahal sa buhay o pagkawala ng mahalagang bagay?

a)

Pagkagalak

b)

Pagkamuhi

c)

Pagkagulat

d)

Pagkalungkot

29.

Anong emosyon ito kung saan nakakaramdam ng matinding sama ng loob at kagustuhang makipag-away sa kapwa, na maaring makapagdulot bagay o pangyayari na hindi maganda?

a)

Pagkamuhi

b)

Pagkagulat

c)

Pagkagalit

d)

Pagkatakot

30.

Anong emosyon ito king saan ang isang indibidwal ay nakararamdam ng pagkabahala sa sarili na masaktan o mapahamak batay sa totoo o haka-hakang panganib?

a)

Pagkagalak

b)

Pagkatakot

c)

Pagkagalit

d)

Pagkamuhi

31.

Anong masidhing damdamin iti kung saan may damdamin ng pagka-inis o pagka-suklam

a)

Pagkagalit

b)

Pagkagalak

c)

Pagkamuhi

d)

Pagkagulat

32.

Anong kakayahan ito sa pamamahala ng emosyon kung saan ang isang indibidwal ay may kakayahang magtimpi na gawin ang isang bagay na hindi dapat upang matupad ang layunin na higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba?

a)

Pagkilala sa damdamin ng iba

b)

Motibasyon

c)

Pamamahala ng ugnayan

d)

Pagkilala sa sariling emosyon

33.

Anong kakayahan ito sa pamamahala ng emosyon kung saan ang isang idibidwal ay may kamalayan at malalim na pang-unawa sa sarili

a)

Pagkilala sa sariling emosyon

b)

Pagkilala sa damdamin ng iba

c)

Pamamahala ng ugnayan

d)

Motibasyon

34.

Anong pamamahala ng emosyon ito kung saan may kakayahan ang tao na makadama at makaunawa sa damdamin ng kanyang kapwa?

a)

Pamamahala ng ugnayan

b)

Motibasyon

c)

Pagkilala sa sariling emosyon

d)

Pagkilala sa damdamin ng iba

35.

Anong uri ng pamamahala ng emosyon ito kung saan may kakayahan ang isang idibidwal na mapanatili ang magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa?

a)

Pagkilala sa damdamin ng iba

b)

Motibasyon

c)

Pamamahala ng ugnayan

d)

Pagkilala sa sariling emosyon