wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kolonyalismo/Imperyalismong kanluranin sa Timog Silangang Asya

Total questions: 63

Worksheet time: 32mins

Name
Class
Date
1.

• Noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo, umusbong ang protektorado, na isang konsepto kung saan ang isang estado ay pumapailalim sa kapangyarihan ng isang malakas at makapangyarihang bansa at nakatatanggap sila ng proteksiyon mula rito. • Ang _____ ay di-tuwirang sinakop ng bansang Pransiya dahil ito ay ginawa nilang protektorado.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

d)

Khmer

e)

Pranses

2.

• Ang _____ naman ay lubos na nasakop ng mga Ingles matapos nitong manalo sa naganap na tatlong digmaang Anglo-Burmese.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

d)

Khmer

e)

Pranses

3.

• Samantala, ang _____, gaya ng Cambodia, ay sinakop din ng mga Pranses

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

d)

Khmer

e)

Pranses

4.

• Ang mga _____ ay ang bumubuo sa malaking bahagi ng populasyon ng Cambodia. • Ang ibang pangkat etniko naman ng bansa ay mga Tsino, Vietnamese, Muslim Cham-Malays, Laotians, at iba pa na naninirahan sa mga maalayong probinsiya.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

d)

Khmer

e)

Pranses

5.

• Pumunta ang mga _____ sa Cambodia noong taong 1860, sa pagnanais na mapalawig ang kanilang kalakalan sa Timog-silangang Asya. • Pagdating sa Pangkontinenteng Timog-silangang Asya, kanilang naging protektorado ang ilang bahagi ng imperyo ng Annam, gitnang rehiyon ng Viet Nam, dahil sa sa isang kasunduang nilagdaan noong 5 Hunyo 1862. • Kabilang dito ang mga probinsiya sa Cochinchina, katimugang rehiyon ng Viet Nam.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

d)

Khmer

e)

Pranses

6.

• Naniniwala ang mga _____ na upang makamit ang malawakang ugnayang pangkalakalan, kailangan nila ang Cambodia dahil ito ay malapit sa Ilog Mekong na maaaring daanan papunta sa Tsina para sa pakikipagkalakalan. • Ang mga pag-aaklas at rebelyon mula sa Thailand at pagiging protektorado ng mga Annamese sa Pransiya ang rason kaya nagpang-abot ang bansang Viet Nam at Thailand sa Cambodia.

a)

Pranses

b)

Norodom

c)

Anglo-Burmese

d)

Kasunduan sa Yandabo

e)

Myanmar

7.

• Naging mahigpit ang mga Pranses sa kanilang mga ginawang polisiya at pagpapalawak ng mga teritoryo. • Dahil sa takot, ninais ng Hari ng Cambodia na si _____ na maging protektorado ang Cambodia noong taong 1863.

a)

Pranses

b)

Norodom

c)

Anglo-Burmese

d)

Kasunduan sa Yandabo

e)

Myanmar

8.

• Noong mga taong 1824 hanggang 1826, naganap ang digmaang _____ sa pagitan ng mga hukbo ng Myanmar at Britanya dahil sa pagnanais ng huli na palawigin ang kanilang nasasakupan sa may hilagang silangan ng India. • Bago ito, nakadepende ang ekonomiya ng Myanmar sa industriyalismo, pagbabangko, at pakikipagkalakalan nang pakyawan at tingi. • Ilan naman sa mga pangkat etniko na nanirahan sa Myanmar ay ang mga Indo- Aryan at Sino-Tibetan.

a)

Pranses

b)

Norodom

c)

Anglo-Burmese

d)

Kasunduan sa Yandabo

e)

Myanmar

9.

• Sa gitna ng serye ng mga labanan ng dalawang kampo, nanaig ang bansang Britanya at sila ay nagkaroon ng _____, na naging hudyat din ng pagtatapos ng digmaan noong 24 Pebrero 1826. • Sa paglagda ng Myanmar sa kasunduang ito, nawala sa kanilang pamamalakad ang mga teritoryo ng Assam, Manipur, Arakan, at Tenasserim. • Pagsapit ng mga taong 1852 hanggang 1853, naganap ang Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese.

a)

Pranses

b)

Norodom

c)

Anglo-Burmese

d)

Kasunduan sa Yandabo

e)

Myanmar

10.

• Ang _____ ay naging isang probinsiya ng British India.

• Noong sumapit ang taong 1937, ang _____ ay nahiwalay mula sa pagiging probinsiya ng British India at naging isang kolonya na mamamahala sa kaniyang sarili at nagdedesisyon nang hindi nakabatay sa mga Ingles.

a)

Pranses

b)

Norodom

c)

Anglo-Burmese

d)

Kasunduan sa Yandabo

e)

Myanmar

11.

• Inilarawan ng mga misyonerong Europeo ang _____ (Viet Nam) bilang isang “fertile mission field” dahil mabilis at maraming sumangayon sa relihiyong Kritiyanismo. • Aktibo na ang mga misyonerong Pranses sa bansang Viet Nam noong ikalabimpitong siglo pa lamang. • Bunga nito, pagsapit ng ikalabinsiyam na siglo, marami nang mga komunidad ang naging Kristiyano mula sa Annam at Tonkin.

a)

Đại Việt

b)

Dinastiyang Nguyen

c)

Napoleon III

d)

Yasodharapura

e)

Kasunduang Franco-Siamese

12.

• Nang maitatag ang _____ noong taong 1802, ito ay kinikilala na ng Dinastiyang Qing ng Tsina. • Nagsimula ang dinastiya sa pamumuno ni Haring Gia Long na naging tagapagtatag nito at nagwakas sa pamumuno ni Haring Bao Dai, na itinuturing na huling monarko ng Viet Nam.

a)

Đại Việt

b)

Dinastiyang Nguyen

c)

Napoleon III

d)

Yasodharapura

e)

Kasunduang Franco-Siamese

13.

• Noong Hulyo 1857, ninais ni _____ na sakupin ang Viet Nam, hindi para sa usaping relihiyon, kundi upang magkaroon ng karagdagang teritoryo ang kanilang bansa sa Silangan. • Nang sumapit ang taong 1858, si Charles Rigault de Genouilly ang namuno sa hukbong Pranses sa pananakop sa Viet Nam kasunod ng Cochinchina.

a)

Đại Việt

b)

Dinastiyang Nguyen

c)

Napoleon III

d)

Yasodharapura

e)

Kasunduang Franco-Siamese

14.

• Sa pagiging isang protektoradong bansa, sila ay nakapagpatayo ng mga impraestruktura na naging dahilan ng pagiging matatag ng kanilang ekonomiya. • Sa kabilang banda, ang pinakamahalagang naiambag ng Pransiya ay ang pagpapaayos ng templo sa _____.

a)

Đại Việt

b)

Dinastiyang Nguyen

c)

Napoleon III

d)

Yasodharapura

e)

Kasunduang Franco-Siamese

15.

• Noong mga taong 1887 at 1893 ay nagkaroon ng dalawang magkaibang kasunduan ang Pransiya at Thailand. • Ito ay tinawag _____. Nang dahil dito, ipinagbawal ang pagkakaroon ng kampong militar ang mga Thai sa Battambang, Siem Reap, at mga probinsiya na may dalawampu't limang kilometro sa kanang bahagi ng baybayin ng Ilog Mekong.

a)

Đại Việt

b)

Dinastiyang Nguyen

c)

Napoleon III

d)

Yasodharapura

e)

Kasunduang Franco-Siamese

16.

• Sa pagtatagumpay ng mga Pranses sa pananakop sa mga teritoryo ng Viet Nam, Tonkin, Cochinchina, Laos, at Cambodia, kanilang itinatag ang _____ (Indo-Chinese Union). • Sa panahon ng pamumuno ng mga Pranses sa Cambodia, naging sentro nito ang Phnom Penh, isang lungsod na nadaraanan ng Ilog Mekong mula sa silangan at Tonle Sap naman sa kanluran.

a)

Unyong Indo-tsino

b)

Britanya

c)

Cambodia

d)

Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese

e)

Myanmar

17.

• Naging interesado ang Pransiya na tapatan ang _____, na noon ay kolonya ang bansang India. • Bunga nito, nagnais ang mga Pranses na sakupin ang kalupaang Timog-silangang Asya upang magtayo ng komersiyo. • Matapos lumagda ng Imperyong Annam sa kasunduan noong 5 Hunyo 1842, nadagdagan ang mga bagong teritoryo ng Pransiya.

a)

Unyong Indo-tsino

b)

Britanya

c)

Cambodia

d)

Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese

e)

Myanmar

18.

• Sa panahon ng pananatili ng mga Pranses sa _____, bagaman hindi inalis ang hari, ito ay naglingkod para sa mga dayuhan. • Sa kabilang banda, ang lahing Pranses ay nagkaroon ng mataas na katungkulan sa pamahalaan. • Nang mamatay si Haring Norodom, ang pumalit sa trono ay ang kapatid nitong si Sisowath.

a)

Unyong Indo-tsino

b)

Britanya

c)

Cambodia

d)

Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese

e)

Myanmar

19.

• Ilang taon ang lumipas, at noong mga taong 1952 at 1953 ay muling sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Myanmar at mga Ingles dahil sa kalakalan. • Ito ay tinawag na _____. • Sa panahong ito, ang mga hukbo ng Ingles ay pinangungunahan ng kanilang gobernador-heneral na si Lord Dalhousie. • Sa huli, natalo ang Myanmar, at ang timog na bahagi nila ay nasakop ng mga Ingles.

a)

Unyong Indo-tsino

b)

Britanya

c)

Cambodia

d)

Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese

e)

Myanmar

20.

• Bago pa man masakop ng mga Ingles, ang _____ ay mayroon nang malalawak na taniman. • Dahil sa likas na klima, sapat na irigasyon, at maayos na temperatura, ang bigas ay tumutubo sa anumang bahagi ng bansa. • Bunga nito, ang bigas ang pangunahing kalakal na dinadala sa Maluku at Sumatra noong ikalabing-anim na siglo.

• Sa timog na bahagi ng _____, tinatayang nasa 27,000 ektarya na taniman ng palay noong taong 1830 at lumaki nang hanggang 540,000 na ektarya. • At noong taong 1940, ito ay naging apat na milyong ektaryang lupain. • Ang paglaki ng mga lupain na ito ay upang matugunan ang matinding pangangailangang suplay ng bigas na iluluwas papunta sa Europa, Malaya, India, at Ceylon.

a)

Unyong Indo-tsino

b)

Britanya

c)

Cambodia

d)

Ikalawang Digmaang Anglo-Burmese

e)

Myanmar

21.

• Noong taong 1859, nagsimulang masakop ng _____ ang timog na bahagi ng Viet Nam, na noon ay tinatawag na Cochinchina. • Ito ay direktang pinamamahalaan ng mga Pranses bilang isang kolonya. • Samantala, ang Annam at Tonkin, na mga lugar na naunang nasakop ng Pransiya, ay nakaranas ng kalayaang politikal bilang isang protektorado dahil hindi sila direktang pinapamahalaan nito.

a)

Pransiya

b)

Cambodia

c)

Myanmar

d)

Viet Nam

22.

• Naging protektorado ng bansang Pransiya. • Ang mga mayayamang Khmer ay tinrato nang mabuti. • Ang pamahalaang Pranses ay nagawang mangolekta ng buwis na ginamit sa pagpapatayo ng mga impraestruktura.

a)

Pransiya

b)

Cambodia

c)

Myanmar

d)

Viet Nam

23.

• Ginamit ang mga malawak na bahagi ng _____ para gawing sakahan na nagdudulot ng malaking kapakinabangan sa kanilang kalakalan.

a)

Pransiya

b)

Cambodia

c)

Myanmar

d)

Viet Nam

24.

• Naging protektado ng bansang Pransiya.

a)

Pransiya

b)

Cambodia

c)

Myanmar

d)

Viet Nam

25.

• Ang pagtatanim ng goma at mais ang ilan sa kanilang mga pinagtuunan ng pansin, lalo na noong panahong may mataas na demand nito sa pandaigdigang pamilihan.

a)

Pransiya

b)

Cambodia

c)

Myanmar

d)

Viet Nam

26.

• Nagkaroon ng maraming taniman ng palay upang matugunan ang mataas na demand para sa bigas sa ibang bansa.

a)

Pransiya

b)

Cambodia

c)

Myanmar

d)

Viet Nam

27.

• Pangunahin nilang produkto ang kamote, bigas, saging, at niyog.

a)

Pransiya

b)

Cambodia

c)

Myanmar

d)

Viet Nam

28.

• Bilang tugon ng _____ sa kaayusang kolonyal, ninais ng mga naging pinuno nito na ihiwalay ang impluwensiyang Europeo sa pagkakakilanlan ng bansa. • Subalit nagbunga ito ng isang madugong kasaysayan na tila nahahawig din sa pananakop ng Kanluraning bansa.

a)

Cambodia

b)

Hapon

c)

Prinsipe Norodom Sihanouk

d)

Pranses

e)

Haring Norodom Sihanouk

29.

• Noong simula ng taong 1941, nasakop ng mga _____ ang Cambodia, bagaman ang pamahalaan ay pinatatakbo ng mga Pranses. • Natapos ang pagiging superyor sa bansa ng Hapon nang sila ay sumuko sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

a)

Cambodia

b)

Hapon

c)

Prinsipe Norodom Sihanouk

d)

Pranses

e)

Haring Norodom Sihanouk

30.

• Sa kabilang banda, naitalaga si _____ sa edad na labingwalo na mamuno sa Cambodia bilang kapalit ng kaniyang lolo na si Monivong. • Ang nasabing hari, bagaman nasa ilalim ng kapangyarihan ng Pransiya ay nanatili ang katapatan sa sariling bansa kaya hindi madaling napasusunod ng mga Pranses.

a)

Cambodia

b)

Hapon

c)

Prinsipe Norodom Sihanouk

d)

Pranses

e)

Haring Norodom Sihanouk

31.

• Nang sumuko ang mga Hapon, sinubukang bumalik ng mga _____ sa pamumuno sa French Indochina. • Subalit noong 4 Enero 1946, sumang-ayon sila na magkaroon ng awtonomiyang panloob ang bansa, kung saan maaari na itong magdesisyon nang hindi isinasangguni sa mga _____. • Samantala, sa isinagawang eleksiyon sa parlamento noong 1 Setyembre 1946, ang Partido Demokratiko ay nagwagi ng mga puwesto sa Pambansang Asembleya.

a)

Cambodia

b)

Hapon

c)

Prinsipe Norodom Sihanouk

d)

Pranses

e)

Haring Norodom Sihanouk

32.

• Naging malaya ang _____ noong 9 Nobyembre 1953 nang ideklara iyon ni Haring Norodom dahil sa pagbibitiw ng Pransiya rito. • Noong 26 April hanggang 21 Hulyo 1954, nagkaroon ng serye ng mga negosasyon sa Geneva, Switzerland sa pagitan ng mga Pranses at mga Cambodian, na sanhi ng tigil-putukan. • Ito ay naging epektibo hanggang kilalanin ng Pransiya ang pagiging isang malayang bansa ng Cambodia noong 29 Disyembre 1954.

a)

Cambodia

b)

Hapon

c)

Prinsipe Norodom Sihanouk

d)

Pranses

e)

Haring Norodom Sihanouk

33.

• Nagtagumpay ang kudeta laban sa noon ay pinuno ng bansa na si _____ sa pangunguna ni Mariskal Lon Nol noong 18 Marso 1970. • Napatalsik siya sa panunungkulan sa pangunguna ng Pambansang Asembleya ng Cambodia. • Ang humalili sa kaniya ay si Lon Nol.

a)

Cambodia

b)

Hapon

c)

Prinsipe Norodom Sihanouk

d)

Pranses

e)

Haring Norodom Sihanouk

34.

• Ang pagpapatalsik kay _____ ang nag-udyok sa kaniyang pakikipag-alyansa sa pangkat ng Khmer Rouge, na kilala rin bilang Partido Komunista ng Kampuchea. • Ang pangkat na ito ang naging responsable sa milyon-milyong nangamatay sa Cambodia noong taong 1975. • Sa kaparehong taon, nakabalik si _____ sa Cambodia at napatawang mabilanggo sa sariling tahanan.

a)

Haring Sihanouk

b)

Pol Pot

c)

Myanmar

d)

Aung San

e)

Burma Independence Army

35.

• Samantala, nang maupo ang diktador na si _____ at ang iba pang mga komunista sa pamahalaan ng Cambodia, kanilang ipinatupad ang Demokratikong Kampuchea mula taong 1975 hanggang taong 1979 kung kailan natigil ang pamumuno ni _____.

a)

Haring Sihanouk

b)

Pol Pot

c)

Myanmar

d)

Aung San

e)

Burma Independence Army

36.

Maraming naganap sa _____ sa pagitan lamang ng isang dekada ng pag-aalsa tungo sa kasarinlan, pag-aangkin ng sariling bayan, at pag-aangkop matapos makamit ang pagiging isang malayang estado. • Ang pinag-ugatan nito ay ang politika at kagustuhang umangat at lumawak ang kapangyarihan.

a)

Haring Sihanouk

b)

Pol Pot

c)

Myanmar

d)

Aung San

e)

Burma Independence Army

37.

• Taong 1941, dalawang taon matapos ang pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bumalik si _____ sa Myanmar. • Doon ay tinanggap niya ang pagsasanay na pinangungunahan ng mga Hapon upang mabuo ang Burma Independence Army na siyang inaasahang magiging kasangkapan nila sa pagkamit ng kalayaan.

a)

Haring Sihanouk

b)

Pol Pot

c)

Myanmar

d)

Aung San

e)

Burma Independence Army

38.

• Taong 1941, dalawang taon matapos ang pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, bumalik si Aung San sa Myanmar. • Doon ay tinanggap niya ang pagsasanay na pinangungunahan ng mga Hapon upang mabuo ang _____ na siyang inaasahang magiging kasangkapan nila sa pagkamit ng kalayaan.

a)

Haring Sihanouk

b)

Pol Pot

c)

Myanmar

d)

Aung San

e)

Burma Independence Army

39.

• Naging matagumpay ang pagpapaalis sa mga Ingles, subalit dahil sa unti- unting pananakop ng mga Hapon sa Myanmar at hindi magandang pagtrato ng mga ito sa sandatahang lakas ng bansa, pinalitan ni Aung San ang pangalan ng kanilang hukbo sa _____, at matapos nito ay pumanig na siya sa Britanya noong Marso 1945.

a)

Burma National Army

b)

People's Volunteer Organization

c)

Anti-Fascist People's Freedom League

d)

Burma Independence Act.

e)

Ama ng Kalayaan ng Burma

40.

• Matapos ang pagsuko ng mga Hapon noong taong 1945, binalak ng mga Ingles na gawing pangkaraniwang hukbo na lamang ang BNA, subalit hindi tumalima si Aung San at binuo niya ang _____ na may layuning magbigay ng mga serbisyong panlipunan.

a)

Burma National Army

b)

People's Volunteer Organization

c)

Anti-Fascist People's Freedom League

d)

Burma Independence Act.

e)

Ama ng Kalayaan ng Burma

41.

• Kasama si Thakin Nu, binuo ni Aung San ang pagkilos na _____ noong taong 1944, na kaniyang ginamit upang maging bahagi siya ng Ehekutibong Konseho ng Burma. • Samantala, matapos ang kaniyang pagpupulong kasama ang punong ministro ng Britanya na si Clement Attlee noong 27 Enero 1947, kaniyang inanunsiyo ang isang kasunduang makapagbibigay ng kalayaan sa Myanmar.

a)

Burma National Army

b)

People's Volunteer Organization

c)

Anti-Fascist People's Freedom League

d)

Burma Independence Act.

e)

Ama ng Kalayaan ng Burma

42.

• Noong Abril 1947 naman, nanalo ang kaniyang AFPFL sa eleksiyon para sa pagbabago ng konstitusyon. • Noong 10 Disyembre 1947, pinaboran ng parlamentong Ingles ang panukala na naglalayong palayain ang Myanmar, na tinatawag na _____. • Dahil dito, naging malaya ang bansa mula sa pananakop noong 4 Enero 1948.

a)

Burma National Army

b)

People's Volunteer Organization

c)

Anti-Fascist People's Freedom League

d)

Burma Independence Act.

e)

Ama ng Kalayaan ng Burma

43.

• Sa pangunguna ni Aung San, nakamit ng Myanmar ang kalayaan kaya siya ang itinuring na _____. • Nang makalaya ang bansa sa pananakop, naitatag ang Unyon ng Burma. • Ito ay pinamahalaan ng dating pangulo ng Myanmar na si Sao Shwe Thaik, na nagtalaga kay Thakin Nu bilang punong ministro.

a)

Burma National Army

b)

People's Volunteer Organization

c)

Anti-Fascist People's Freedom League

d)

Burma Independence Act.

e)

Ama ng Kalayaan ng Burma

44.

Sa pamumuno ni _____, isinulong niya ang Budistang Sosyalismo. • Naniniwala siya sa konseptong samsara ng Budismo, na tumutukoy sa walang hanggang siklo ng buhay, kung saan ang tao ay nabubuhay, namamatay, at nabubuhay muli. • Dagdag pa rito, naniniwala siyang sosyalismo ang paraan upang makabangon muli ang bansa pagkatapos ng kolonyalismo.

a)

Thakin Nu

b)

Budismo

c)

Vietnamese

d)

Ho Chi Minh

e)

Allies

45.

• Noong taong 1961, opisyal na naging pangunahing relihiyon ng bansa ang _____. • Kaugnay nito, ipinatayo sa bansa ang animnapung libong (60,000) pagoda, na hindi ikinatuwa ng mga hindi kasapi ng relihiyong ito. • Samantala, taong 1948, humina ang mga Tatmadaw sa ilalim ng BIA, na itinuturing na may malaking ambag sa kalayaan ng bansa. • Naging isa sa mga problema ng estado ang nasabing pangkat, kasabay ng mga suliranin sa lahi, relihiyon, at politika

a)

Thakin Nu

b)

Budismo

c)

Vietnamese

d)

Ho Chi Minh

e)

Allies

46.

• Upang makalaya ang bansa sa mga mananakop, kinailangan ng mga _____ na kumilos at bumuo ng mga pangkat na magiging instrumento nila sa pakikidigma. • Bunga naman ng inaasam na kalayaan, dumaan sa ilang taong digmaan ang bansa at nahati rin ito sa dalawang estado na may magkaibang ideolohiyang politikal.

a)

Thakin Nu

b)

Budismo

c)

Vietnamese

d)

Ho Chi Minh

e)

Allies

47.

• Disyembre 1920 nang sumali si _____ sa Partido Komunista ng Pranses, bunga ng pagiging inspirado niya sa Rebolusyong Bolshevik ng Rusya. • Noong 3 Pebrero 1930 naman ay itinatag ang Partido Komunista ng Viet Nam. • Nakipagtulungan ang mga Hapon sa Pranses na mga opisyal matapos nilang masakop ang French Indochina noong taong 1940.

a)

Thakin Nu

b)

Budismo

c)

Vietnamese

d)

Ho Chi Minh

e)

Allies

48.

• Nakipag- ugnayan din siya sa _____ upang magsagawa ng pagkilos laban sa mga Hapon na nasa Timog Viet Nam. • Nang sumapit naman ang huling bahagi ng taong 1943, habang kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinimulan nilang bawiin ang ilang bahagi ng Hilagang Viet Nam.

a)

Thakin Nu

b)

Budismo

c)

Vietnamese

d)

Ho Chi Minh

e)

Allies

49.

• Ang bagong tatag na _____ matapos ang panahon ng pananakop ay humarap sa ilang mga suliranin, tulad ng politika at nagbabadyang pagiging muling kolonya ng Pransiya, na nagbunga ng Unang Digmaaang Indotsina sa pagitan ng Pransiya at Viet Min. • Tumagal ang nasabing digmaan ng walong taon mula 19 Disyembre 1946 hanggang 20 Hulyo 1954. • Mayo 1954 nang matalo ang mga Pranses sa labanan sa Dien Bien Phu, na naging hudyat ng pagwawakas ng kanilang muling pananakop.

a)

Demokratikong Republika ng Viet Nam

b)

Timog Viet/Hilagang Viet Nam

c)

Ho

50.

• Sa nilagdaang kasunduan sa Geneva, Switzerland, nakasaad ang opisyal na pagsuko ng Pransiya laban sa mga Vietnamese. • Dito rin nakasaad ang pansamantalang paghahati ng Viet Nam gamit ang ikalabimpitong paralelo (17th parallel). • Nagkaroon ng _____ na saglit na pinamunuan ni Emperador Bao Dai at _____.

a)

Demokratikong Republika ng Viet Nam

b)

Timog Viet Nam/Hilagang Viet Nam

c)

Ho

51.

• Si _____ ay niyakap ang komunismo at nagpatupad ng mga radikal na repormang panglupain sa Hilagang Viet Nam bunsod ng presyon na nagmumula kina Mao Zedong ng Tsina at Joseph Stalin ng Unyong Sobyet. • Nang sumiklab naman ang Digmaang Viet Nam, tumulong naman ang Estados Unidos sa Timog Viet Nam upang mapigilan ang paglaganap ng Komunismo. • Noong panahong iyon, nagaganap na ang tunggalian sa pagitan ng mga estado na kaalyansa ng dalawang Viet Nam, ang Estados Unidos at Unyong Sobyet.

a)

Demokratikong Republika ng Viet Nam

b)

Timog Viet Nam/Hilagang Viet Nam

c)

Ho

52.

• Noong dekada 1940, unit-unting naitatag ang mga komunistang pagkilos sa impluwensiya ng mga ideolohiyang Vietnamese. • Nag-alab ang komunismo sa puso ng ilang _____ dahil sa mga naganap na serye ng digmaan sa kanilang bansa at sa rehiyong kanilang kinabibilangan.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

53.

• Sa pagbalik ni Aung San sa _____, tinanggap niya ang alok na pagsasanay mula sa mga Hapon para sa pagtatatag ng BIA. • Kalaunan, ang BIA ay naging BNA nang makialyansa si Aung San sa mga Ingles. Dulot ito ng pagmamalupit ng mga Hapon sa sandatahang lakas ng _____.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

54.

• Nagsimulang lumahok si Ho Chi Minh sa mga komunistang pangkat, gaya ng sa Pranses. Bunga ng kaniyang kaaalaman dito, itinatag niya ang Viet Minh upang isulong ang kalayaan ng bansa mula sa Pransiya. • Sa pamamagitan ng Viet Minh, ang dati nilang mananakop ay naging kaalyansa nila laban sa malulupit na mga Hapon.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

55.

• Naging malaking hakbang tungo sa kalayaan ng _____ ang pagsangayon ng Pransiya na magkaroon ng awtonomiyang panloob ang bansa. • Nakamit nila ang kalyaan noong 9 Nobyembre 1953 matapos bitiwan ng Pranisya ang _____. Naging opisyal iyon nang maganap ang kasunduan sa Geneva, Switzerland at kalaunan ay tanggapin ng Pransiya ang pagiging isang malayang bansa ng _____ noong 29 Disyembre 1954.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

56.

• Malaki ang papel ni Aung San sa kalayaan ng _____ kaya siya itinuring na Ama ng Kalayaan ng _____. Siya ay nakipagkasundo sa dating Punong Minsitro Clement noong 27 Pebrero 1947 para sa kalayaan ng bansa. • Abril 1947 naman nang manalo ang itinataga na AFPFL sa eleksiyon para sa pagbabago ng konstitusyon. • Ganap na naging malaya ang _____ noong 4 Enero 1948 matapos pirmahan ng parlamentong Ingles ang Burma Independence Act noong 10 Disyembre 1947.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

57.

• Nakamit ng _____ ang pansamantalang kalayaan nang sumuko ang mga Hapon sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. • Naunang natigil sa pananakop ang Pransiya, na kalaunan ay bumalik din, nang makipagtulungan ang mga Vietnamese sa mga Hapon noong taong 1940.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

58.

• Iba-ibang pamahalaan ang umiral sa _____ upang makaangkop sa pagbabagong hatid ng panahon ng pagiging malaya. • Sa pamamahala ni Haring Norodom Sihanouk, pumagitna ang pamahalaan sa ngalan ng pagpapanatili ng kapayapaan ng estado.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

59.

• Matapos ang kalayaan, nagkaroon ng malaking suliranin ang bansa sa pagkakaiba-iba ng mga mamamayan sa aspektong relihiyon, lahi, at politika. Nagkaroon ng malaking hangganan sa pagitan ng magkakaibang mga pangkat dahil din sa manipestasyon na isinagawa ng mga namamahala sa bansa.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

60.

• Nahati sa dalawa ang _____ sa pamamagitan ng kasunduan na naganap sa Geneva. Ang labimpitong pararelo ang humati sa Republika ng _____ sa timog at Demokratikong Republika ng _____ sa hilaga.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

61.

Sa maikling panahon ng pamamahala ni Lon Nol, untiunting nabuo at lumaki ang Partido Komunista ng Kampuchea. • Sa komunismong pamamahala naman ng diktador na si Pol Pot, milyon-milyon ang namatay. Nagdulot din siya ng digmaan sa pagitan ng _____ at Viet Nam.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

62.

• Matapos ang kalayaan, nagkaroon ng malaking suliranin ang bansa sa pagkakaiba-iba ng mga mamamayan sa aspektong relihiyon, lahi, at politika. Nagkaroon ng malaking hangganan sa pagitan ng magkakaibang mga pangkat dahil din sa manipestasyon na isinagawa ng mga namamahala sa bansa.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam

63.

• Sa digmaan ng dalawang _____ na may magkaibang ideolohiyang politikal, naging kaalyansa nila ang mga makapangyarihang Allies; Unyong Sobyet para sa komunistang Hilagang _____, at Estados Unidos naman para sa demokratikong Timog _____.

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Viet Nam