NEW
Font size
WorksheetsHAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASIYA
Total questions: 15
Worksheet time: 11mins
Ito ay proseso kung saan malinaw na nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay.
A. mabuting pagpapasiya
B. matalinong paghuhusga
C. masusing pag-iisip
D. malalim na pagninilay
Sa mga isinasagawang pagpapasiya, ito ay nararapat na bigyan ng sapat na _______________.
a. panahon
b. lakas
c. pag-iisip
d. kilos
Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman natin kung ano ang magandang plano ng Diyos sa atin.
a. pananalangin
b. pagninilay
c. pagsisimba
d. pamamanata
Siya ang nagsabi na mula ng magkaroon ng isip ang tao hanggang kamatayan ay gumagawa siya ng pagpapasya.
a. Aristoteles
b. Sto. Tomas de Aquino
c. Socrates
d. Fr. Neil Sevilla
Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot ng ating mga pasiya?
a. dahil magdudulot ito ng kasigurohan sa kaniyang pagpili
b. dahil maaaring marami ang maapektuhan ng iyong desisyon
c. dahil magsisilbing gabay sa pang-araw-araw na buhay
d. dahil bawat kilos ay may dahilan, batayan at pananagutan
Bakit kailangang hindi minamadali ang pagpapasiya ng isang tao?
a. upang magsilbing gabay sa buhay
b. upang mapagnilayan niyang mabuti ang bawat panig ng kaniyang pagpipilian
c. upang magkaroon ng mahabang oras ng pagpapahinga at pagkokondisyon
d. upang matapos muna niya ang kaniyang mga gawain bago magpasiya
Alin sa sumusunod ang unang hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos.
b. Tingnan ang kalooban.
c. Magkalap ng patunay.
d. Isaisip ang mga posibilidad.
Kung sa iyong pagpapasiya ay naghahanap ka ng mga tao o impormasyong
makakapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang desisyon, anong
bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya ang ginagawa mo?
a. Isinasaisip ang posibilidad.
b. Magkalap ng patunay.
c. Maghanap ng ibang kaalaman.
d. Magsagawa ng pasiya.
Sa tuwing haharap si Anna sa mga mabibigat na pagsubok at kailangang magpasiya, lagi niyang itinatanong sa kaniyang sarili kung magiging masaya ba siya sa kalalabasan nito. Anong hakbang sa moral na pagpapasiya ang tinutukoy ng ginagawa ni Anna.
a. Isinasaisip ang posibilidad.
b. Tingnan ang kalooban.
c. Maghanap ng ibang kaalaman.
d. Magsagawa ng pasiya.
Ito ang pinakahuling hakbang sa paggawa ng pasiya.
a. Isinasaisip ang posibilidad.
b. Magkalap ng patunay.
c. Magtiwala sa tulong ng Diyos.
d. Magsagawa ng pasiya.
Sa pagkakataong nahaharap si Romelyn sa paggawa ng mabigat na desisyon,
lagi niyang tinatanong sa sarili kung ito ba ang nais ng Diyos para sa kaniya at kung naaayon ba ito sa Kaniyang kautusan. Anong hakbang ito sa moral na pagpapasiya?
a. Isinasaisip ang posibilidad.
b. Magkalap ng patunay.
c. Maghanap ng ibang kaalaman.
d. Magtiwala sa tulong Diyos.
Nakapulot ng cellphone ang magkaibigang Let at Beth. Sabi ni Let na huwag ng ibalik ang cellphone sa may-ari dahil wala namang nakakita sa kanila nang mapulot nila ito. Magagamit din daw nila ito sa online classes. Pinag-isipang mabuti ni Beth kung tama ba o mali ang kanilang gagawin at ang magiging epekto nito sa kanila at sa taong nawalan ng cellphone. Anong proseso ng moral na pagpapasiya ang ginamit ni Beth?
a. Isinasaisip ang posibilidad.
b. Magkalap ng patunay.
c. Maghanap ng ibang kaalaman.
d. Magsagawa ng pasiya.
Dahil sa pandemya, marami ang nawalan ng hanapbuhay. Isa na roon si Jose. Hindi pa rin nila nakukuha ang ayudang galing sa barangay. Isang araw, nagpunta si Jose sa tindahan ng mga karne. Dahil sa gutom at awa na rin sa kaniyang asawa at anak, pasikretong kumuha ng isang plastic ng hotdog at tapa si Jose. Kung kayo si Jose, gagawin n’yo rin ba ang kaniyang ginawa?
a. Oo dahil kawawa naman ang aking anak.
b. Oo, dahil mabuti naman ang aking layunin, nagawa ko iyon para di magutom ang aking anak.
c. Hindi, magpupunta ako ng barangay para hingin ang aming ayuda.
d. Hindi, dahil masama ang magnakaw at marami pang pwedeng gawin para kumita ng pera.
Nais ni Ramon na mapasama sa Top Ten ng kanilang klase upang mapasaya ang kaniyang mga magulang na doble-kayod sa paghahanapbuhay para sa kaniyang pag-aaral. Kaya naman, palagi siyang nag-aaral ng kaniyang mga aralin. Subalit hindi nakapag-aral ng leksyon si Ramon dahil nagkasakit ang kaniyang ina at may pagsusulit kinabukasan. Ano ang dapat gawin ni Ramon?
a. Kumopya sa kaklase upang makapasa, minsan mo lang naman ito gagawin.
b. Sagutin ang pagsusulit ng ayon sa kakayahan, ayos lang na bumagsak naging tapat ka naman.
c. Sagutin ang pagsusulit ng ayon sa kakayahan at bumawi na lamang sa mga susunod na pagsusulit.
d. Magsabi sa guro na nagkasakit ang iyong ina at di na nakapag-aral ng leksiyon at kung maaari kang kumuha ng pagsusulit sa ibang araw.
Inaya si Lyn ng kaniyang mga kamag-aral na mag-night swimming. Sinabi nila na ang ipagpapaalam sa magulang ay may tatapusin kayong proyekto na dapat ipasa kinabukasan. Kung ikaw si Lyn, sasama ka ba o hindi?
a. Sasama ako, minsan lang naman at kasama ko naman ang aking mga kaibigan.
b. Sasama ako at mangangako sa sariling di na uulitin.
c. Hindi ako sasama, maaari akong magkasakit pag naligo sa gabi.
d. Hindi ako sasama, hindi maganda ang magsinungaling.
