Font size
WorksheetsPagsusulit sa Wika
Total questions: 100
Worksheet time: 50mins
Ang wikang Filipino ay hawig sa mga wika sa Asya. Alin dito ang pinagmulan ng wikang Filipino?
Bahasa
Nihonggo
Mandarin
Malayo-Polinesyo
Sinasabing sumasalamin sa kultura ng isang bansa na batayan ng pagkakakilanlan ng isang nasyon.
Wika
Panitikan
Balarila
Pluma
Ang antas ng wika na ginagamit sa iba’t ibang rehiyon ay maituturing na ____.
Pampanitikan
Balbal
Lalawiganin
Kolokyal
Ang mga salita tulad ng “etneb, erpat at ekis” ay nasa anong antas ng wika?
Kolokyal
Balbal
Lalawiganin
Pambansa
Tumutukoy ito sa nakasanayang pagsasalita ng isang tao.
Dayalek
Sosyolek
Idyolek
Rehistro
Ang pinakamahalagang gamit ng wika ay _____.
pagsusulat, pagbabasa, paliwanagan
pag-iisip, pag-gawa, paglalakad
tunog, tinig, pandinig
abakada, alibata, bokabularyo
Nakikiramay ako sa pagpanaw ng iyong ama. Ano ang tungkulin ng wika sa pahayag?
Imahinatibo
Heuristik
Relasyong sosyal
Regulatori
Uri ng pagsasaling-wika na tumutukoy sa agham, kalikasan, lipunan at mga disiplinang akademiko ay _____.
Pampanitikan
Pang kultura
Teknikal
Pangkasaysayan
Sinong pangulo ang nagtakda na gawing isang buong buwan ng agosto ang pagdiriwang ng buwan ng wika?
Corazon Aquino
Ramon Magsaysay
Fidel Ramos
Joseph Estrada
Sino ang pangulo nang nalikha ang KWF?
Fidel Ramos
Corazon Aquino
Ferdinanda Marcos
Gloria Arroyo
Ito ay pinagsama-samang titik na may kahulugan.
Parirala
Pangungusap
Salita
Sugnay
Ang pag-aaral na tumutukoy sa masistemang pagbuo ng pangungusap.
Ponolohiya
Morpolohiya
Sintaks
Wika
Ang tunog na itinuturing na makabuluhan.
Ponema
Ponolohiya
Morpema
Alomorp
Ito ay teoryang nagsasabi na kaya natutong magsalita ang mga tao ay dahil sa pwersa ng kilos na ginagawa nito.
Pooh-Pooh
Tarara-boom-de-ay
Yoheho
Pentekostes
Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na penomenal.
Lumilindol na.
Pasko na pala.
Si Marie ay inabutan ng ulan.
Aray!
Bantas na ginagamit na pananda ng nawawalang letra o mga letra sa dalawa o mahigit pang salitang magkasunod ay ___.
kudlit
tutuldok
panipi
tuldok-kuwit
"Malakas ang boses ng guro." Anong bahagi ng pananalita ang salitang malakas?
pandiwa
pang-abay
panghalip
pang-uri
"Lumipas ang ilang araw ngunit hindi siya tumanggap ng sagot"; ang pang-ukol sa pangungusap na ito ay
ng
hindi
siya
ang
Ito ay isang sining ng pangangalap ng impormasyon at pagbibigay hinuha mula sa mga nakalimbag na simbolo.
Pakikinig
Pagsulat
Pagsasalita
Pagbasa
Ang unang proseso sa pagbasa ay _____.
Persepsyon
Komprehensyon
Reaksyon
Asimilasyon
Ang mabilis na pagbasa na naglalayong matukoy ang isang partikular na datos o salita.
Previewing
Skimming
Scanning
Teoryang top-down
Komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao.
Intrapersonal
Interpersonal
Pampubliko
Lahat ng nabanggit
Sa kanya nagmula ang saloobin, ideya o opinyon na magsisilbing isang mensahe.
Resiber
Tsanel
Fidback
Sender
Dahan-dahang hinaplos ni Roan si Jovan matapos niya itong makita na umiiyak. Anong uri ng di-berbal na komunikasyon ang naipamalas?
Haptics
Proxemics
Kinesics
Chronemics
Nagalit ang dalaga dahil sinipulan siya ng mga binatang nakatambay. Ang nasalungguhitang ‘di berbal na komunikasyon ay:
Haptics
Paralanguage
Objectics
Vocalics
Ito ay isang pagtatalo sa ukol sa isang paksa sa paraang patula.
Debate
Balagtasan
Pagtula
Pakikipanayam
Mensahe or larawan na ipinapadala sa ibang lugar gamit ang internet.
WWW
LAN
Internet
Anong uri ng tauhan ang nagpapakita ng pagbabago sa katayuang panlipunan tulad ng mahirap na biglang yumaman?
Bilog
Lapad
Antagonista
Protagonista
“Hindi na baleng walang ama basta may ina … basta may ina ay okey na,” linyang hango sa pelikulang Bata, Bata, Paano ka Ginawa? Ang maiakakapit na pagdulog ay:
Realismo
Femenismo
Modernismo
Klasismo
“Kahit na, niloloko mo lang ako, kahit na tumingin ka sa iba, magmahal ka ng iba, magbubulag-bulagan ako … dahil mahal, mahal na mahal kita. Maikakapit sa pamosong awit ang pagdulog na:
Realismo
Klasismo
Romantisismo
Impresyunismo
Ito ay mga pahayag na malayo ang kahulugan sa mga ginamit sa salita.
Tayutay
Talinhaga
Karikitan
Mukhang matinong tao siya subalit siya ay buwaya sa katihan." Ang idyoma ay nangangahulugang __________.
maliksi
mabagal
matapang
traydor
Ang kanyang pag-anyaya sa kanilang kapitbahay ay pabalat-bunga lamang.
Hindi tunay
Sa una lamang
Walang galang
Pagpapayabang
Naging apurado ang mga bisita na malaman kung sino ang pumalit kay Damaso bilang pinuno sa bayan. Ang kasingkahulugan ay
Mapagmatyag
Marahas
Interesado
Walang pakialam
Pangungusap na nanghihikayat.
Argumentativ
Persweysiv
Narativ
Deskriptiv
Alin ang halimbawa ng pormularyong panlipunan?
Mabuhay!
Alas-tres na.
Hoy!
Wala na.
Alin ang hindi nakakaimpluwensya sa pakikinig?
Oras
Edad
Lugar
Limbag
Ito ay may layuning magpahayag ng reaksyon o magbigay ebalwasyon sa pinakikinggan, tinatawag ding Pahusgang Pakikinig.
Analitikal
Kritikal
Atentibo
Marginal
Uri ng Tagapakinig na tango nang tango na animo’y nauunawaan ang sinasabi ng nagsasalita.
Bewildered
Frowner
Tiger
Pagsasadula, Pagkukwento, Paghuhula ay nasa anong tungkulin?
Controlling Function
Sharing feelings
Ritualizing
Creating Function
Alin ang wastong ayos sa proseso ng pagsulat?
Triggering, gathering, shaping, revising
Gathering, triggering, shaping, revising
Shaping, gathering, triggering, revising
Revising, gathering, triggering, shaping
Isang uri ng talumpati kung saan isa lamang ang paksa na maagang ipinaalam sa mga kasapi ay ______.
may kahandaan
walang kahandaan
impromptu
extemporaneous
Isang uri ng pagtatanghal ng paligsahan ng dalawang makata na patula ang pagtatalo ay tinatawag na _______.
Balagtasan
Kundiman
Harana
Awit
Diwang pampanitikan na nagbibigay ng diin sa sariling panlasa ng bumabasa at kilala rin ito bilang “reader-response theory” ay _____.
Impresyonista
Formalismo
Eksistensyalismo
Marxismo
Ang usapan ay maaaring magsimula sa harutan, na mauwi sa pikunan at sa dulo ay ‘di pagkakaunawaan. Ang konsiderasyon ng komunikasyong tinutukoy nito ay:
Setting
Participants
Keys
Act Sequence
Malikhain ay uri ng sanaysay na di- pangkaraniwan ang paksa at tumatalakay nang ayon sa estilo ng _______.
editor
manunulat
mambabasa
tagapagsalita
peryodiko
Sa intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, tumutukoy ito sa isang samahang mangangalaga at maglalabas ng mga tuntunin sa pagbabaybay at iba pang kaugnay na usapin.
Seleksyon
Estandardisasyon
Desiminasyon
Kultibasyon
Mababasa ang mga kuro-kuro ng patnugot ng pahayagan tungkol sa napapanahong isyu sa ______.
Panlibangan
Seksiyong pangangalakal
Pangulong tudling
Balitang pandaigdig
Lathalain
Uri ng diskursong tumatalakay sa katangiang pisikal ng isang tao, bagay, hayop at iba pa.
Pagsasalaysay
Paglalarawan
Paglalahad
Pangangatuwiran
Impormatibong kabatiran hingil sa isang manunulat o tagapagsalita.
Abstrak
Revyu
Bionote
Talambuhay
Uri ng pagpapahayag na naglalayong manghikayat at mapaniwala ang mambabasa.
Pagsasalaysay
Paglalahad
Pangangatuwiran
Paglalarawan
Ito ay isang uri ng pagtatalo na binubuo ng tatlong tagapagsalita sa bawat panig.
Di pormal na Pagtatalo
Pormal na Pagtatalo
Paraang Oregon-Oxford
Paraang Lincoln-Douglas
Layunin ng pakikipanayam na makakuha ng mapanghahawakang mahalagang impormasyon sa kinakapanyam. Anong uri ng pakikipanayam kung ang focus ng panayam ay ang kanyang pagiging Awtoridad sa isang bagay?
Eksklusib Interbyu
Factual o Opinion Interbyu
Biograpikal Interbyux
Personality Interbyu
Anong uri ng pamamahayag ang nag-uulat ng tunay na pangyayari batay sa pag-aaral, pananaliksik, o pakikipanayam at isinulat sa paraang kawili-wili?
Lathalain
Editoryal
pangulong tudling
kumento
Katangian ng mahusay na pananaliksik na sumusuri sa mga nakalap na datos, partikular na sagot sa mga talatanungan upang mabigyan ng wastong interpretasyon ay _______.
obhetibong pananaw
Lohikal
empirical
kritikal na pagsusuri
Bahagi ng pananaliksik kung saan matatagpuan ang panimula, kaligiran ng pag-aaral at "conceptual framework" ay________.
kabanata IV
kabanata II
kabanata I
kabanata III
Alin sa mga disenyo ng pananaliksik ang ginagamit ng malapitang pag-aaral ng lugar at mga taong kabilang sa pananaliksik?
etnograpiya
eksperimento
panayam
case study
Kinikilala itong blueprint ng sarili
Bionote
Resum’e
Bio Data
Personal Data Sheet (PDS)
Uri ng sulatin na itinuturing na pinakaepektibong anyo ng korespondensya na may layuning mapabilis ang daloy ng pakikipagtalastasan sa opisyal na paraan.
Katitikan
Memorandum
Bionote
Resum’e
Dimensyon ng register o rehistro ng wika na umaayon sa paraang pasalita o pasulat
Field
Tenor
Mode
Jargon
Ito ang modelo ng komunikasyon na tinatawag ding Action model na may pinagmumulan ng mensahe na daraan sa tsanel na tatanggapin ng tagatanggap at magkakaroon ng epekto sa kanya.
Interaction model
Inoculation model
Transaksyunal na model
Speaking ni Hymes
Sino ang tinuturing na proponent ng teoryang Innative?
Noam Chomsky
Jean Piaget
B.F. Skinner
Lev Vygotsky
Ayon sa teoryang ito, ang pagkakamali ay palatandaan ng pagkatuto
Behaviorist
Innative
Makatao
Kognitib
Nagmula sa salitang Latin na “Communicare” na ang kahulugan ay
Pakikipag-usap
Paghahatid ng kaalaman
Pagbibigay ng opinyon
Proseso
Ang komunikasyon ay proseso ng pag-unawa at pagbabahagi ng kaalaman ayon kay/kina
Marquez at Garcia
Dell Hymes
Steven Beebee
Pearson at Nelson
May kakayahang hindi dapat na makalimutan sa mabisang komunikasyon
Proseso
Kakayahang linggwistika at kakayahang komonikatibo
Layunin
Tungkulin
Tumutukoy sa namamagitan o pinagdadaanan ng mensahe
Feedback
Sender
Decoder
Daluyan
Katatagpuan sa salita o pangungusap mismo. Kadalasan itong nakapokus sa konotasyon at denotasyon.
Semantikang sagabal
Pisikal na sagabal
Pisiyolohikal na sagabal
Sikolohikal na sagabal
Potensyal na sagabal sa komunikasyong tumatalakay sa kapansanan ng isang tao.
Pisolohikal
Pisikal
Saykolohikal
Gramatika
Tinatawag din itong “Action Model”
Burkes dramatic pentad
Inoculation Model
Interaction Model
Transaksyunal na Modelo
Abstrak na anyo ng Komunikasyon na tumutukoy sa pagpapadama gamit ang panghaplos sa taong kinakausap
Mata
Haplos
Galaw ng katawan
Bagay
Abstrak ng komunikasyon na nagtataglay ng anyong pagpapakahulugan ito rin ang siyang nagsasabi ng uri iyong pamumuhay.
pang-amoy
kulay
simbolo
distansya
Ito ay ang pagsulong at paglapat ng mga kagamitan at proseso upang tumulong sa suliranin ng tao.
teknolohiya
sosyal midya
radyo
Mobile apps
Ito ay pagsusulat o pagbabahagi ng kuwento o literatura ng isang tao sa makabagong teknolohiya.
Edu-chat
Blogging
Talker
Mobile apps
Ginagamit ito bilang pagre-record ng boses na maaring Live o recorded.
Edu-conference
Dropbox
Podcasting
Blogging
Sa pamamagitan ng wika ay nalaman natin ang kontribusyon ng mga imbentor. Anong kahalagahan ng wika ang makikita rito?
Instrument ng komunikasyon
Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman
Nagpapayabong ng kultura
Simbolo ng soberanya
Gamit ang wika ang naipapasa ang mga tradisyon mula sa isang henerasyon tungo sa iba pang henerasyon. Anong kahalagahan ng wika ito?
Instrument ng komunikasyon
Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman
Nagpapayabong ng kultura
Simbolo ng soberanya
Anong midya nabibilang ang telebisyon at radyo?
Digital
Broadcast
Kulturang Popular
Ang lahat ng ito ay mahahalagang katangian ng isang manunulumpati MALIBAN sa __.
matikas na tindig at pananalita
malinaw na pagbigkas
panggulat na pagbigkas
maayos na pagtalakay ng paksa
Isang uri ng talumpati kung saan isa lamang ang paksa na maagang ipinaalam sa mga kasapi ay ____.
may kahandaan
di-handa
biglaang talumpati
impromptu
Ito ang pinakapormal at maayos na talumpati.
Daglian
Maluwag
Handa
Impromptu
Uri ng talumpati kung saan walang kaalaman ang tagapagsalita sa paksang tatalakayin.
Maluwag
Handa
Daglian
Oregon-oxford
Dimensyon ng pagsulat na may masining na panghihikayat.
Ekspresibo
Artistiko
Biswal
Oral
Anong katangian ng mahusay na pagsulat ang makikita kapag ang bawat pangungusap ay umiikot sa pangunahing paksa?
Kaugnayan
Diin
Kaisahan
Makatotohanan
Sa anong bahagi ng talumpati nag-iiwan ng pinakamesahe ng talumpati?
Paglalahad
Paninindigan
Panimula
Panimitawan
Anong midya nabibilang ang internet at mobile phone?
Digital
Broadcast
Pahayagan
Sa anong tungkulin ng wika nabibilang ang pakikiusap at pag-uutos?
Interaksyonal
Instrumental
Regulatori
Personal
Tungkulin ng wikang kinabibilangan ng pormulasyong panlipunan.
Interaksyonal
Instrumental
Regulatori
Personal
Sa pamantayan ng mahusay na talumpati, ano ang dapat may pinakamalaking bahagdan?
Hikayat
Tinig
Nilalaman
Bigkas
Ang tao ay kinakapanayam dahil sa kanyang awtoridad sa isang bagay. Anong uri ng pakikipanayam ito?
Personality interbyu
Eksklusib interbyu
Factual o opinion interbyu
Biograpikal na interbyu
Ang panliligaw ay halimbawa ng anong tungkulin ng wika?
Interaksyonal
Instrumental
Regulatori
Personal
Anong teorya ang naniniwala na ang gawa at kilos ng isang bata ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol sa kanyang kapaligiran?
Teoryang Innative
Teoryang Behaviorist
Teoryang Kognitib
Teoryang Makatao
Ito ang dimensyon ng rehistro ng wika na nauukol sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ang komunikasyon.
Tenor
Mode
Field
Discourse
Bahagi ng akronim na SPEAKING ni Dell Hymes na sumasagot sa tanong na “Paano ang takbo ng usapan?”.
Genre
Keys
Act Sequence
Ends
Anong uri ng midya nabibilang ang pahayagan?
Digital
Broadcast
Social
Anong format ng sanggunian ang kadalasang ginagamit sa disiplinang Social Sciences?
APA
MLA
IMRAD
Mala-masusi
Ang pariralang nalaglag-nahulog ay nagpapakahulugan ng ______.
Magkaiba
Magkasalungat
Idyoma
Magkaparehas
Magkahawig
Alin sa mga ito ang nagpapahayag sa paraang organisado at artistiko maging tuluyan sa berso na nagmula sa imahinasyon?
Panulaan
Sanaysay
Epiko
Panitikan
Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na nalimbag noong 1906 at tumalakay nang masinsinan sa paksang puhunan laban paggawa at sa sosyalismo ang __.
Luha ng Buwaya
Banaag at Sikat
Ibong Mandaragit
Panginggera
Sino ang nagtatag ng pahayagang “El Grito del Pueblo” noong panahon ng mga Amerikano?
Pascual Poblete
Francisco Balagtas
Jose Palma
Sergio Osmeña
