WorksheetsESP 2ND QUARTERLY EXAM
Total questions: 40
Worksheet time: 35mins
Piliin sa bawat sitwasyon ang nagpapakita ng pangkaka-unawa sa damdamin ng isang tao.
1. Tumawag sa telepono ang iyong pinsan upang ibalita na nakapagtapos na siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Paano mo siya babatiin?
a. "Ako ay masaya sa nakamit mo"
b. "Kulang pa yan. Mag-aral ka pa.
c. "Buti di ka umulit ng pag-aaral.
d. "Mag-aral ka pang mabuti"
Piliin sa bawat sitwasyon ang nagpapakita ng pangkaka-unawa sa damdamin ng isang tao.
2. Nagkaroon ng matinding depresyon ang nanay ng kaibigan mo dahil sa sobrang pag-iisip sa problema. Paano mo siya dadamayan?
a. Sasabihan na umalis na lang ng bahay nila.
b. Palalakasin ang kaniyang loob
c. Kakaawan ang kaibigan.
d. Pagtatawanan siya.
Piliin sa bawat sitwasyon ang nagpapakita ng pangkaka-unawa sa damdamin ng isang tao.
3. Humihingi ng tulong ang iyong kaibigan sapagkat nawalan ng trabaho ang klaniyang tatay. Paano mo siya dadamayan?
a. Sasabihan na "Problema na niya iyon"
b. Sasabihan na walang maibibigay sa kaniya.
c. Sasabihan na sa barangay humingi ng tulong.
d. Sasabihin sa mga magulang ang pangangailangan para matulungan sila.
Piliin sa bawat sitwasyon ang nagpapakita ng pangkaka-unawa sa damdamin ng isang tao.
4. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng kasamaan ng loob at upang maunawaan tayo ng ating kapuwa. Ano ang katangiang dapat mong taglayin?
a. Pagiging maaunawain at sensitibo sa nararamdaman ng iba.
b. Pagiging mapagmataas at nanlalamang ng kapuwa.
c. Pagiging maasungit sa kalaro.
d. Pagiging mareklamo
Piliin sa bawat sitwasyon ang nagpapakita ng pangkaka-unawa sa damdamin ng isang tao.
5. Namatayan ng lola ang iyong kaibigan. Paano mo siya dadamayan?
a. Pagtatawanan ang kaibigan
b. Sasabayan sa pag-iyak ang kaibigan.
c. Paagsasabihan na di na dapat
iyakan ang lola
d. Dadamayan siya at palalakasin ang kanyang loob.
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang kaugalian at MALI naman kung hindi.
6. Ang pagdamay sa kapuwa ay isang gawaing kinalulugdan ng Diyos.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang kaugalian o tamang damdamin at MALI naman kung hindi.
7. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang tao.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang kaugalian o tamang damdamin at MALI naman kung hindi.
8. Salapi o pera ang tanging solusyon sa lahat ng suliranin at nakapagpapasaya sa kapuwa.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang kaugalian o damdamin at MALI naman kung hindi.
4. Kailangang maging sensitibo sa damdamin at pangangailangan ng kapuwa.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang kaugalian o damdamin at MALI naman kung hindi.
10. Maituturing nating kaibigan ang isang taong kilala lamang sa panahon ng kasiyahan.
MALI
TAMA
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba at MALI kung hindi.
11. Sinamahan mo ang iyong kaibigan na pumunta sa klinika.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba at MALI kung hindi.
12. Iniwasan mo ang iyong bagong kamag-aral dahil hindi maganda ang kaniyang ugali.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba at MALI kung hindi.
13. Pinagtatawanan mo ang mga batang kalyeng hinuli ng mga pulis dahil sa panlilimos.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba at MALI kung hindi.
14. Binigyan mo ng mga damit at pagkain ang kamag-anak ninyong nasunugan.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba at MALI kung hindi.
15. Nakiramay ka sa pagkamatay ng tatay ng iyong kaibigan.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba at MALI kung hindi.
16. Kinaibigan mo ang bagong mag-aaral sa inyong paaralan.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba at MALI kung hindi.
17. Tinulungan mo ang iyong napilayang kamag-aral na buhatin ang kaniyang mga gamit.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba at MALI kung hindi.
18. Inunahan mo sa pila ang kamag-aral mong mabagal maglakad dahil sa kanyang kapansanan.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba at MALI kung hindi.
19. Pinakopya mo ng aralin ang iyong kamag-aral na lumiban nang matagal dahil sa pagkakasakit.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba at MALI kung hindi.
20. Pinahiram mo ng lapis ang kamag-aral mo dahil nakalimutan niya ang kaniyang lapis sa bahay.
TAMA
MALI
Tukuyin kung ano ang angkop na gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.
21. Nakita mong umiiyak ang bago mong kamag-aral.
a. Lalapitan ko ssiya at tatanungin kung bakit siya umiiyak.
b. Hindi ko siya papansinin.
Tukuyin kung ano ang angkop na gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.
22. Natapon ang bagong inumin ng iyong kamag-aral.
a. Ibibgay ko sa kaniya ang baon kong tubig
b. Paghahatian namin ang baon kong inumin.
Tukuyin kung ano ang angkop na gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.
23. Nabalitaan mong namatay ang alagang aso ng iyong pinsan.
a. Bibisitahin at dadamayan ko ang aking pinsan.
b. Kukuwentuhan ko ang aking pinsan tungkol sa alaga kong aso upang malibang siya.
Tukuyin kung ano ang angkop na gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.
24. Binaha ang bahay ng iyong kamag-anak kaya wala silang matutuluyan.
a. Sasabihin ko sa aking magulang na kamustahin sila.
b. Sasabihin ko sa aking magulang na patuluyin sila sa aming bahay upang mabigyan ng damit at makakain
Tukuyin kung ano ang angkop na gawin sa mga sumusunod na sitwasyon.
25. Nadapa ang iyong kamag-aral habang naglalaro kayo ng basketball.
a. Tatanungin ko siya kung nasaktan ba siya.
b. Tutulungan ko siyang tumayo at dadalhin ko siya sa klinika.
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang kaugalian o damdamin at MALI naman kung hindi.
26. Tinutulungan ko ang kaklase kong may kapansanan.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang kaugalian o damdamin at MALI naman kung hindi.
27. SInisigawan ko ang aming katulong o kasambahay .
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang kaugalian o damdamin at MALI naman kung hindi.
28. Pinagtatawanan ko ang mga batang lansangan.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang kaugalian o damdamin at MALI naman kung hindi.
29. Binibigyan ko ng baon ang kaklase kong walang baon.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng magandang kaugalian o damdamin at MALI naman kung hindi.
30. Nakikipagtulakan ako sa pagpila kung oras ng reses.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
31. Wala akong pakialam kung ako man ay nakasakit ng damdamin o hindi.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
32. Lahat ng ginagawa ko ay alam kong tama kaya hindi ako dapat humingi ng paumanhin kung nakasakit man ako ng damdamin.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
33. Humihingi agad ako ng paumanhin sa mga nagawa kong pagkakamali.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
34. Hindi ko na muling kinakausap ang mga taong nakagawa sa akin ng pagkakamali.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
35. Humihingi ng paumanhin sa kaklase kahit hindi sinasadya ang nagawang pagkakamali.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
36. Tanggapin ang pagkakamali at harapin ang bunga ng aking ginawa.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
37. Ituwid ang nagawang pagkakamali sa pamamagitan ng pag-amin sa nagawang kasalanan.
TAMA
MALI
Piliin ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.
38. Huwag kausapin ang taong nakagawa ng kasalanan sa iyo.
TAMA
MALI
Piliin ang tamang gawin sa mga bawat sitwasyon.
39. Habang ikaw ay nanonood ng telebisyon ay nagpapahinga ang iyong ina sa kanyang silid dahil lamang niyang maglaba ng mga maruruming damit. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang iyong gagawin na nagpapakita ng paggalang sa iyong ina?
a. Ipagluluto ko ng pagkain ang aking nanay.
b. Maglilinis ako ng aming buong bahay.
c. Itatapon ko ang mga basurang naipon sa aming kusina.
d. Hihinaan ko ang tunog ng telebisyon habang ako ay nanonood.
Piliin ang tamang gawin sa mga bawat sitwasyon.
40. Pinuntahahan ni Jana ang kaniyang pinsan na si Eny upang yayain na maglaro sa parke. Ngunit inabutan niyang nagsasaulo ito ng tula para sa kanilang pagsasanay kinabukasan. Ano ang dapat gawin ni Jana na nagpapakita ng paggalang sa kaniyang pinsan?
a. Ipatigil ang ginagawang pagsasaulo ng kaniyang pinsan.
b. Sabihan na pumunta na sila sa parke para maglaro na agad.
c. Umuwi na lamang at hayaan ang kaniyang pinsan sa ginagawa nitong pagsasaulo ng tula.
d. Hintayin ang kaniyang oinsan sa pagsasaulo nito ng tula hanggang sa matapos at yayain na maglaro sa parke.
