Font size
WorksheetsFIL10-Talinghaga (Q4)
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ang idyomatikong pahayag ay...
pahayag na literal ang kahulugan ng mga salitang ginamit
parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba sa literal na kahulugan ng salita
pangungusap na gumagamit ng mga tayutay
pahayag na nagpapaganda ng mga salita
Sabi ni Kim sa asawa, "Itaga mo sa bato! Kahit hindi nila ako tulungan, aangat ang ating buhay." Ano ang kahulugan ng may salungguhit na mga salita?
Mananaga si Kim.
Tutuparin ni Kim ang kaniyang sinabi.
Pupukpukin ni Kim ang bato.
Tatagain ni Kim ang bato.
"Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas, a." Ano ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit?
Namumutla siya.
Nangangati ang lalamunan niya.
May ahas na nakapasok sa bahay.
Hindi siya nakakibo, nawalan ng lakas na magsalita.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng idyomatikong pahayag?
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Nagbabatak ng buto
Nariyan na si Kaka, bubuka-bukaka.
Ano ang kahalagahan ng patuloy na paggamit ng mga idyomatikong pahayag?
Wala, dahil hindi naman ito importante.
Nakakapawi ng pagod ang mga ito kapag nabasa mo.
Nakaaliw at nakakabaliw ang mga ito.
Ang mga ito ang nagpapaalala sa atin tungkol sa mayamang tradisyon ng lahing Pilipino at wikang Filipino.
Panuto: Tukuyin ang angkop na kahulugan ng mga idyomatikong pahayag na may salungguhit sa loob ng pangungusap.
"Siya ay pinagpapala ng Maykapal dahil bukas ang palad siya sa mga mahihirap."
mayaman
matulungin
sikat
Panuto: Tukuyin ang angkop na kahulugan ng mga idyomatikong pahayag na may salungguhit sa loob ng pangungusap.
"Huwag kang sumama sa lalaking iyan dahil siya ay buwayang lubog."
mayabang
korap
tuso
Panuto: Tukuyin ang angkop na kahulugan ng mga idyomatikong pahayag na may salungguhit sa loob ng pangungusap.
"Siya ay maitim ang budhi kaya siya'y pinarurusahan."
taksil sa kapwa
mapagbigay sa kapwa
mapagmalaki sa kapwa
Panuto: Tukuyin ang angkop na kahulugan ng mga idyomatikong pahayag na may salungguhit sa loob ng pangungusap.
"Nakailang ulit na siya sa high school dahil mapurol ang kanyang utak."
mabilis mag-isip
katamtaman mag-isip
mabagal mag-isip
Panuto: Tukuyin ang angkop na kahulugan ng mga idyomatikong pahayag na may salungguhit sa loob ng pangungusap.
"Lalong gumaganda ang kapilas ng buhay ni Sehun na si Kim dahil siya'y may mabuting puso."
kasintahan
nililigawan
maybahay
Panuto: Tukuyin ang angkop na idyomatikong pahayag bilang kapalit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
"Nagrerebelde si Kim nang malaman niya na siya ay isang ampon."
buwayang lubog
putok sa buho
ilaw ng tahanan
balat-kalabaw
Panuto: Tukuyin ang angkop na idyomatikong pahayag bilang kapalit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
"Nanalo si Wonwoo sa isang patimpalak kaya siya'y maraming pera."
makapal ang bulsa
bukas ang palad
malikot ang kamay
buwayang lubog
Panuto: Tukuyin ang angkop na idyomatikong pahayag bilang kapalit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
"Si Kim ay isang mabuting ina sa kaniyang mga anak."
haligi ng tahanan
pader ng tahanan
poste ng tahanan
ilaw ng tahanan
Panuto: Tukuyin ang angkop na idyomatikong pahayag bilang kapalit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
"Nagnakaw ang bata sa tindahan ni Mang Jeonghan."
Naglikot ang kamay
Gumapang ang kamay
Bumilis ang kamay
Tumikom ang kamay
Panuto: Tukuyin ang angkop na idyomatikong pahayag bilang kapalit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
"Ibinaon na sa hukay ni Wonwoo ang sumpaan nila ni Kim nang malaman niyang kasintahan ito ni Sehun.
Tinago
Binato
Kinalimutan
Tinapon
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"Si Wonwoo ay kawangis ng aming ama ng tahanan."
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagsasatao
Pag-uuyam
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"Ikaw ang ilaw sa madilim kong buhay."
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagsasatao
Pagtawag
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"Ang mga bulaklak ay sumasayaw sa pag-ihip ng hangin."
Pagtutulad
Pagwawangis
Pagsasatao
Pagtawag
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"O araw, sumikat ka at bigyang liwanag ang aking daraanan."
Pag-uuyam
Pagpapalit-tawag
Pagsasatao
Pagtawag
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"Handa kong kunin ang buwan at mga bituin mapasagot lang kita."
Pagmamalabis
Pagpapalit-tawag
Paghihimig
Pagtawag
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"May walong mata na nakatitig kay Myra."
Pagmamalabis
Pagpapalit-tawag
Paghihimig
Pagglilipat-saklaw
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"Ang palasyo ay nagsabing hulihin ang naninigarilyo sa pampublikong lugar."
Pagmamalabis
Pagpapalit-tawag
Paghihimig
Pagglilipat-saklaw
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"O Kamahalan, ako ay iyong tangan."
Pagwawangis
Pagpapalit-tawag
Pagsasatao
Pagtawag
Panuto: Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa pangungusap sa ibaba.
"Maraming mata ang lumingon sa kanya nang siya ay dumaan"
Pagmamalabis
Pagpapalit-tawag
Paghihimig
Pagglilipat-saklaw
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa pahayag.
"Ito ay salita o pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ang paglayo ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.
(a)
