Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kilos ayon kay Aristotle

Total questions: 20

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?

a)

Walang kusang- loob

b)

Di kusang-loob

c)

Kusang-loob

d)

Kilos ng tao

2.

Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?

a)

Walang kusang- loob

b)

Di kusang-loob

c)

Kusang-loob

d)

Kilos ng tao

3.

Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?

a)

Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon

b)

Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan

c)

Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito

d)

Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya

4.

Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?

a)

Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong

b)

Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit

c)

Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito

d)

Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa

5.

Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?

a)

May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos

b)

Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos

c)

Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa

d)

Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos

6.

Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng ____.

a)

Kilos ng tao

b)

Di kusang-loob

c)

Kusang-loob

d)

Nakasanayang kilos

7.

Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?

a)

Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera

b)

Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari

c)

Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari

d)

Nagbabasakaling makilala

8.

Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?

a)

Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya

b)

Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto

c)

Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang mga magulang

d)

Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob

9.

Ang _________________ ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.

a)

kilos

b)

kilos-loob

c)

isip

d)

konsensiya

10.

Ang taong gumawa sa kilos ay walang pananagutan kung ang kilos ay ayon sa kaniyang ____________________ bilang tao at hindi ginagamitan ng____________________at ____________________.

a)

isip, kilos-loob, kalikasan

b)

kalikasan, isip, kilos-loob

c)

kilos-loob, kalikasan, isip

d)

konsensiya, isip, pananagutan

11.

Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat sa bawat kilos na ginawa nang may pang-unawa ay may __________________.

a)

kapalit

b)

parusa

c)

kapanagutan

d)

kabutihan

12.

Ang tao ay may kapanagutan kung ang kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng ___________________.

a)

isip

b)

kilos-loob

c)

konsensiya

d)

karapatan

13.

Kung ___________________ ang kilos, ito ay katanggap-tanggap at dapat ipagpatuloy.

a)

masama

b)

mabuti

14.

Ang imahe ng isang tao ay nakasalalay sa kaniyang mga ___________ sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw.

a)

kaalaman

b)

kagustuhan

c)

kilos

d)

pagkukusa

15.

Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ay nakabatay sa bigat ng ________ na gawin ang isang kilos.

a)

pagsang-ayon

b)

kagustuhan

c)

kilos

d)

pagkukusa

16.

Ayon kay Aristoteles, saan nakasalalay ang pagiging mabuti at masama ng isang kilos?

a)

intensiyon kung bakit ginawa ang kilos

b)

paraan upang maisagawa ang kilos

c)

obligasyong gawin ang kilos

d)

pagkakataon kung kailan ginawa ang kilos

17.

Sa mata ng tao, ang pagtulong sa kapwa ay laging mabuting kilos, kailan ito nagiging masama?

a)

kung hindi ito kaaya-aya sa tumanggap ng tulong

b)

kung ang nilalayon sa pagtulong ay para sa pansariling kabutihan lamang

c)

kung walang layunin ang taong nagbibigay ng tulong

d)

kung walang kaalaman at malayang pagtanggap sa tumatanggap ng tulong

18.

Ayon kay Sto. Tomas, kailan obligado ang taong gawin ang isang kilos?

a)

kung mas nakakatulong ang kilos sa kapwa kaysa sa sarili

b)

kung maganda ang magiging bunga o kahihinatnan ng isang kilos

c)

kung magdadala ito ng kapanatagan ng loob

d)

kung ang hindi pagtuloy na gawin ito ay magdudulot ng masamang bunga

19.

Isa isang pinuntahan ni Ginoong Tang ang mga kabahayang nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar upang ipaabot ang kaniyang tulong pinansyal. Malinaw sa sitwasyon na mabuti ang kaniyang ginagawa. Pero kapansinpansin sa mga ibinigay na envelope, may nakasulat na paalala ng kaniyang pangalan para sa darating na halalan. Pagkatapos ng kaniyang pagkatalo ay hindi na siya nakikitang tumutulong sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.

Ayon kay Aristotle, masasabi bang mabuti ang kilos na pagtulong ni Ginoong Tang? Bakit?

a)

Mabuti ang kilos dahil kusa niyang ibinigay ang tulong at hindi hiningi sa kaniya

b)

Mabuti ang kilos dahil kahit natalo siya sa halalan ay hindi niya nagawang bawiin ang mga ibinigay

c)

Masama ang kilos dahil kung titingnan ang kaniyang intensiyon sa pagtulong ay para makakuha ng boto mula sa mga tinulungan

d)

Masama ang kilos dahil masama ang loob noong natalo sa halalan

20.

Isa isang pinuntahan ni Ginoong Tang ang mga kabahayang nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar upang ipaabot ang kaniyang tulong pinansyal. Malinaw sa sitwasyon na mabuti ang kaniyang ginagawa. Pero kapansinpansin sa mga ibinigay na envelope, may nakasulat na paalala ng kaniyang pangalan para sa darating na halalan. Pagkatapos ng kaniyang pagkatalo ay hindi na siya nakikitang tumutulong sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.

Pinili ba ni Ginoong Tang ang mas mataas na kabutihan sa kaniyang ginawang pagbibigay ng tulong? Patunayan.

a)

Hindi. Malinaw na pansariling interes ang intensiyon sa pagtulong

b)

Hindi. Hindi isinaalang-alang ang magandang paraan sa pagpapaabot ng tulong

c)

Oo. Nakatulong pa rin naman kahit na may mali sa intensiyon

d)

Oo. Natugunan niya ang pangangailangan ng kaniyang kapwa.