Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Synthesis Quiz

Total questions: 56

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Anong anyo ng akademikong sulatin ang naglalayong mabuod ang sulatin mula sa iba't ibang sangguniang nakalap?

a)

Abstrak

b)

Agenda

c)

Bionote

d)

Sintesis

2.

Anong salitang Griyego nagmula ang salitang sintesis?

a)

syntithenai

b)

synthonia

c)

synergist

d)

synth

3.

Ano sa ingles ang salitang Griyegong syntithenai?

a)

drawn away

b)

extract from

c)

put together

d)

separate from

4.

Anong anyo ng sintesis ang naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay?

a)

Argumentative

b)

Explanatory

c)

Background Synthesis

d)

Thesis-driven Synthesis

5.

Anong anyo ng sintesis ang ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito?

a)

Argumentative

b)

Explanatory

c)

Background Synthesis

d)

Thesis-driven Synthesis

6.

Anong uri ng sintesis ang nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasiyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian?

a)

Argumentative

b)

Explanatory

c)

Background Synthesis

d)

Thesis-driven Synthesis

7.

Anong uri ng sintesis ang hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.

a)

Argumentative

b)

Explanatory

c)

Background Synthesis

d)

Thesis-driven Synthesis

8.

Anong uri ng sintesis ang ginagamit sa mga sulating pananaliksik?

a)

Argumentative

b)

Background Synthesis

c)

Synthesis for the Literature

d)

Thesis-driven Synthesis

9.

Alin sa mga sumusunod ang kaibahan ng Thesis-driven Synthesis at Background Synthesis?

a)

Sa pagtutuon

b)

Sa panimula

c)

Sa paraan ng paglalahad

d)

Sa pagbibigay ng wakas

10.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng isang sintesis?

a)

Obhetibo

b)

Pormal

c)

Organisado

d)

Subhetibo

11.

Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa pagsulat ng isang sintesis?

a)

Linawin ang layunin

b)

Isulat ang unang burador

c)

Buuin ang tesis na sulatin

d)

Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatain

12.

Alin sa mga sumusunod ang huling hakbang sa pagsulat ng isang sintesis?

a)

Linawin ang layunin

b)

Isulat ang pinal na thesis

c)

Isulat ang unang burador

d)

Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatain

13.

Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga hakbang sa pagsulat ng sintesis, alin dito ang hindi?

a)

Isulat ang pinal na thesis

b)

Isulat ang unang burador

c)

Ilista ang mga sanggunian

d)

Rebisahin ang sanggunian

14.

Paano nagkakaiba ang dalawang anyo ng sintesis?

a)

Matulungan ang mambabasa na maunawaan ang paksang tinalakay.

b)

Maglalahad ng pananaw ng sumusulat ang dalawang anyo ng sintesis.

c)

Maglalahad ng pananaw ang explanatory samantalang ang argumentative ay upang maunawaan ng tagapagbasa ang mga bagay na tinalakay.

d)

Maunawaan ng tagapagbasa ang mga bagay na tinalakay ang explanatory habang ang argumentative ay may layuning maglahad ng pananaw.

15.

Alin sa mga sumusuno ang hindi naglalarawan sa isang sintesis?

a)

Pagpapahayag ng sariling ideya at kritisismo

b)

Pagsama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya

c)

Pagsasama ng iba't ibang akda upang makabuo ng isang akda nakapagugnay

d)

Paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o Sulatin

16.

Anong uri ng akademikong sulatin na naglalahad ng mga ideya tungkol sa mga napuntahang lugar?

a)

Lakbay- Sanaysay

b)

Replektibong Sanaysay

c)

Sintesis

d)

Talumpati

17.

Anong uri ng akademikong sulatin na naglalahad ng mga ideya tungkol sa mga napuntahang lugar?

a)

Lakbay- Sanaysay

b)

Replektibong Sanaysay

c)

Sintesis

d)

Talumpati

18.

Ano sa wikang Ingles ang lakbay- sanaysay?

a)

Formal Essay

b)

Pictorial Essay

c)

Reflective Essay

d)

Travel Essay

19.

Sino ang nagsabi na ang lakbay- sanaysay ay madali lamang dahil ang paglalakbay ay may natural na kuwentong pakurba?

a)

David Wallace

b)

Dinty Moore

c)

Ernest Hemingway

d)

Robert Atwan

20.

Anong kakayahan ang pinapaunlad sa pagbabasa ng isang lakbay-sanaysay?

a)

Mapabisa ang pagpapahayag

b)

Mapagaling ang pananalita

c)

Mapalawak ang imahinasyon

d)

Mapayabong ang interes

21.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI tinatampok sa pagsulat ng lakbay- sanaysay?

a)

Kultura

b)

Pamumuhay

c)

Politika

d)

Tradisyon

22.

Saan nanggaling ang mga ideya na inilalahad sa isang lakbay- sanaysay?

a)

Akdang nabasa

b)

Lugar na napuntahan

c)

Napag- usapan sa klase

d)

Narinig sa radyo

23.

Ano ang kailangang gawin ng isang manunulat ng lakbay- sanaysay upang higit na mapabisa ang paglahad nito?

a)

Gumamit ng salawikain

b)

Gumuhit ng mga larawan

c)

Magsaliksik sa pupuntahan

d)

Paunlarin ang talasalitaan

24.

Anong balyu ang nais palawakin sa pagsulat ng lakbay- sanaysay?

a)

Pagiging magalang

b)

Pagmamahal sa bayan

c)

Pagtrato nang pantay

d)

Pagtulong sa kapwa

25.

Bilang mag- aaral, bakit kailangang matutunan ang mabisang paraan sa pagsulat ng lakbay- sanaysay?

a)

Mapalaganap ang kakayahan sa pagsulat.

b)

Mapahalagahan ang kasarinlan ng isang lugar.

c)

Makuha ang interes ng mga mambabasa na tapusin ang pagbasa nito.

d)

Maranasan ng mambabasa na sila ay nandoon sa lugar na kasama ka.

26.

Sino ang Ama ng Makabagong Tulang Tagalog na nilikha ang salitang sanaysay?

a)

Alejandro Abadilla

b)

Baltazar

c)

Edgar Allan Poe

d)

Genoveva Matute

27.

Ano ang isang kathang naglalahad ng kuro-kuro, karanasan at damdamin ng isang tao?

a)

Maikling Kuwento

b)

Pabula

c)

Sanaysay

d)

Tula

28.

Ano ang uri ng sanaysay na maingat, maayos at mabisang pagtatalakay at pagpapalawak ng kaalaman sa paksa?

a)

Di-Pormal na Sanaysay

b)

Di-Tuwid na Sanaysay

c)

Pormal na Sanaysay

d)

Tuwid na Sanysay

29.

Aling bahagi ng sanaysay ang pagbubuod at paglalahad?

a)

Introduksiyon

b)

Katawan

c)

Sanggunian

d)

Wakas

30.

Ano ang dapat hindi mawala sa pagsulat ng sanaysay kahit maikli o mahaba man ito?

a)

Imahinatibo

b)

Mapanukso

c)

Pagiging personal

d)

Tayutay

31.

Ano ang uri ng sanaysay na malaya, masaya, at personal na parang nakikipag-usap lamang ang pagtatalakay sa paksa?

a)

Di-Pormal na Sanaysay

b)

Di-Tuwid na Sanaysay

c)

Pormal na Sanaysay

d)

Tuwid na Sanysay

32.

Ano ang anyo ng sulating pasalaysay na hindi Iamang nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na inilatag ng manunulat para sa mambabasa?

a)

Sanaysay

b)

Di-Pormal na Sanaysay

c)

Pormal na Sanaysay

d)

Replektibong Sanysay

33.

Alin sa mga pahayag ang HINDI katangian ng isang mananaysay?

a)

Bukas at mapanuring isipan

b)

Malawak na kaalaman sa paksa

c)

Mapagpuna sa kanyang kapaligiran

d)

Matapat at may tinig ng kalooban

34.

Ano ang mahahalagang sangkap sa pagsulat ng replektibong sanaysay?

a)

Bahagi

b)

Uri

c)

Pagsulat

d)

Patutunguhan

35.

Aling bahagi ng replektibong sanaysay na nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa na dito mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw?

a)

Introduksiyon

b)

Katawan

c)

Kongklusyon

d)

Wakas

36.

Paano naiiba ang replektibong sanaysay sa talambuhay?

a)

Naisusulat nito ang sariling pananaw sa mabisang pagtalakay sa imahinatimong paraan, anyo, diin at estilo.

b)

Naipapahayag nito ang sariling pananaw sa mabisang pagtalakay sa imahinatimong paraan, anyo at estilo.

c)

Naiiba ito sapagkat ito ay may sariling paglalantad ng personalidad, indibiduwalidad, estilo at paraan ng pagsulat.

d)

Nilalalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan.

37.

Bakit mahalagang ang pagsasalaysay sa repliktibong sanaysay ay nasa subhetibong paksa?

a)

Nanaisin ng mananaysay na ang susulating likha ay hango sa imahinasyon at malawak na puna.

b)

Mas malalim ang gagawing pagtatalakay na laging isinasaalang-alang ang gagamiting mga batayan.

c)

Ipinapahalagahan ang mga temang babanggitin sa paksang pag-uusapan kaysa paano ito ipahayag.

d)

Dumadaan sa masusing pagsusuri upang makita ang kahulugan at kahalagahan sa obhetibong pamamaraan.

38.

Paano naiiba ang sanaysay sa iba pang uri ng paglalahad?

a)

Naisusulat nito ang sariling pananaw sa mabisang pagtalakay sa imahinatimong paraan, anyo, diin at estilo.

b)

Naibabahagi ang sariling paglalantad ng personalidad, indibiduwalidad, estilo at paraan ng pakikipanayam.

c)

Naipapahayag nito ang sariling pananaw sa mabisang pagtalakay sa imahinatimong paraan, anyo at estilo.

d)

Naiiba ito sapagkat ito ay may sariling paglalantad ng personalidad, indibiduwalidad, estilo at paraan ng pagsulat.

39.

Bakit mahalagang isaalang-alang ang kaisahan ng tono, maayos na pagkabuo, matalinong pagpapakahulugan, tema at nilalaman, anyo at estruktura, wika at estilo sa pagbuo ng kritikal na sanaysay?

a)

Nanaisin ng mananaysay na ang susulating likha ay hango sa imahinasyon at malawak na puna.

b)

Mas malalim ang gagawing pagtatalakay na laging isinasaalang-alang ang gagamiting mga batayan.

c)

Ipinapahalagahan ang mga temang babanggitin sa paksang pag-uusapan kaysa paano ito ipahayag.

d)

Ipapahayag ng tuwid at may lalim ang mga naunawaang pangyayari sa pamamagitan ng pagbabalita.

40.

Paano mabisang maisulat ang sanaysay na mahikayat o mapaniwala ang mambabasa?

a)

Igiit ang sariling kuro sa paksang iyong ipapaliwanag.

b)

Sikaping mapawi ang anumang laban sa sariling palagay.

c)

Kailangan ang paksa ay mahaba-haba ang pagkalahad nito.

d)

Gawing batayan sa pagpapaliwanag ang mataas na balangkas.

41.

Ano ang tawag sa isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang isyu?

a)

Abstrak

b)

Bionote

c)

Posisyong papel

d)

Replektibong sanaysay

42.

Ano ang layunin ng isang posisyong papel?

a)

Maglarawan

b)

Manghikayat

c)

Magbigay aliw

d)

Magbigay impormasyon

43.

Ano ang layunin ng isang posisyong papel?

a)

Maglarawan

b)

Manghikayat

c)

Magbigay aliw

d)

Magbigay impormasyon

44.

Ano ang tawag sa isang uri ng panghihikayat na naglalayong pumanig sa opinyon ng manunulat?

a)

Kuro-kuro

b)

Opinyon

c)

Pangangatwiran

d)

Repleksiyon

45.

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang posisyong papel?

a)

Mahaba

b)

Maligoy

c)

Malinaw

d)

Mapang-aliw

46.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaring mapagkukunan ng ebidensya para sa iyong argumento?

a)

Awtoridad

b)

Datos estadistika

c)

Obserbasyon

d)

Tsismis

47.

Bilang isang mag-aaral, ano ang una mong gagawin upang makasulat ng isang posisyong papel?

a)

Buoin ang balangkas ng posisyong papel.

b)

Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.

c)

Bumuo ng thesis statement o tesis na pahayag.

d)

Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.

48.

Sa pagsulat ng posisyong papel, paano mo gagawin ang katawan na bahagi?

a)

Ilahad mo ang iyong posisyon sa isyu na tinatalakay.

b)

Ilahad muli ang argumento na iyong pinapaniwalaan.

c)

Ilahad at talakayin ang magiging implikasyon ng isyu.

d)

Ilahad ang iyong mga argumento at ebidensya nang may pagkakasunodsunod.

49.

Alin sa sumusunod ang tamang ayos ng ng balangkas sa posisyong papel?

a)

Katawan- panimula- kongklusyon

b)

Panimula-katawan-kongklusyon

c)

Kongklusyon-panimula-katawan

d)

Panimula-kongklusyon-katawan

50.

Ano ang nilalaman ng Republic Act No. 8293 na tumutukoy sa mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda?

a)

Copyright

b)

Integridad

c)

Modification

d)

Plagiarism

51.

Ano ang tinatawag na "maling paggamit, pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe, at pahayag ng ibang tao" sa layuning angkinin ito na magmukhang kaniya.

a)

Copyright

b)

Integridad

c)

Modification

d)

Plagiarism

52.

Saan nabibilang ang tinutukoy na imbensiyon ng datos?

a)

Pag-aatubili

b)

Paghuhuwad ng datos

c)

Pagpapahalaga

d)

Pagsisikhay

53.

Ikaw ay gagawa ng isang posisyong papel para sa isyung "Pagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas", ano ang iyong gagawin upang makapagbibigay ng matibay na ebidensya?

a)

Bumuo ng tesis na pahayag.

b)

Simulan kaagad ang pagsulat.

c)

Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa paksa.

d)

Buoin ang balangkas ng iyong posisyong papel.

54.

Alin sa sumusunod ang isang paglabag sa tuntunin ng plagiarism?

a)

Kopyahin lahat ng impormasyon.

b)

Banggitin ang may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya.

c)

Lagyan ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag.

d)

Gamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase).

55.

Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa posisyong papel?

a)

Angkinin ang hindi sa iyo at aminin na iyo ang ideya o datos.

b)

Maaring gumawa ng sariling tuntunin sa pagbuo ang manunulat nito.

c)

Isaalang-alang ang kultura ng bayang sinilangan sa pagsulat ng posisyon.

d)

Ang sariling opinyon ng isang tao matibay na ebidensya sa isang argumento.

56.

Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang pagsulat ng isang posisyong papel?

a)

Pagtutol sa gusto o paniniwala ng ibang tao

b)

Pagpapakita na ikaw ay magaling sumulat

c)

Pagbibay aliw o libangan sa mga mambabasa

d)

Pagkakaroon ng kamalayan sa mga isyu ng lipunan