wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Tanong Tungkol sa Kwento ni Ilig

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Kung ikaw ay nasa kalagayan ni Ilig at ang iyong komunidad ay sinasalakay ng mga kaaway, ano ang iyong gagawin upang mapanatili ang pagkakaisa ng mga tao?

a)

Titipunin ang bawat miyembro ng komunidad at hahayaan silang magdesisyon para sa kanilang mga kaligtasan.

b)

Ililigtas ang sarili at pamilya sa mula sa kaguluhan.

c)

Pangungunahan ang paglikas at paglipat sa mas ligtas na lugar kasama ang komunidad.

2.

Ano ang tungkulin ng tambuli sa kwento?

a)

Ipagdiwang ang tagumpay ng labanan.

b)

Tumawag ng tulong at magbigay babala sa komunidad.

c)

Palakasin ang kapangyarihan ni Ilig.

3.

Kung ikaw ang papalit kay Ilig at nakikita mong may takot ang iyong mga kababayan sa pagsalungat sa mga kaaway, ano ang iyong gagawin upang palakasin ang kanilang loob?

a)

Sasabihin mong sumunod na lamang sa nais na mangyari ng mga kaaway.

b)

Gagamitin ang tambuli ni Ilig bilang pagpapaalala sa kaniyang mga itinuro tungkol sa pagharap sa mga kaaway.

c)

Magtago kasama ang iba upang maiwasan ang panganib.

4.

Kung ikaw ang tagapayo ni Ilig at nalaman mong may bagong kalabang mas makapangyarihan, ano ang maipapayo mo sa kanya?

a)

Sumuko upang hindi na maipagpatuloy ang digmaan

b)

Umurong sa laban at magtago na lamang.

c)

Subukang makipag-usap nang maayos at solusyunan ang problemang pinagtatalunan.

5.

Naging simbolo ang tambuli ng pagkakaisa at lakas sa kwento. Kung gagamitin ang tambuli sa modernong komunidad, paano ito pinakamabisang magagamit?

a)

Bilang alarm system upang magbigay-babala

b)

Bilang simbolo ng mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa at pagtutulungan

c)

Bilang pampaingay sa mga selebrasyon

6.

May alitan sa pagitan ng dalawang grupo sa komunidad ni Ilig. Ano ang maaari niyang gawin upang maiwasan ang pagkakawatak-watak?

a)

Hayaan lamang silang mag-away at hintayin kung sino ang magwawagi

b)

Paboran ang mas malakas na grupo sa laban

c)

Gamitin ang tambuli upang ipaalala na kailangan ang kanilang pagkakaisa

7.

Paano kung ang tambuli ay kinuha ng kaaway, paano dapat umaksyon si Ilig?

a)

Sumuko na lang at hayaang ang kaaway ang magdesisyon

b)

Sumubok ng bagong paraan upang magkaisa ang mga tao kahit wala ang tambuli

c)

Maghanap ng ibang lugar na mapagkukublihan

8.

Kung ikaw ang nasa posisyon ni Ilig at may pagkakataon kang makipagkasunduan sa kaaway, ano ang iyong gagawin?

a)

Makipag-usap nang may respeto at talakayin ang posibleng kasunduan para sa kapayapaan

b)

Maglunsad agad ng digmaan para ipakita ang lakas

c)

Magpalabas ng pwersa upang takutin ang kaaway

9.

Isang mahalagang aral sa kwento ang halaga ng pagtutulungan. Paano mo ito maisasabuhay sa iyong sariling komunidad?

a)

Manatili lamang sa sariling bahay at iwasan ang pakikilahok sa mga gawain sa komunidad

b)

Sumama sa mga programang nagtataguyod ng bayanihan at pagkakaisa

c)

Hayaan ang ibang tao na lamang ang gumawa ng gawain para sa komunidad

10.

Kung ikaw ang susunod na lider pagkatapos ni Ilig, paano mo mapapangalagaan ang simbolismo ng tambuli?

a)

Gamitin ito para sa sariling kapakinabangan lamang

b)

Itago ito at gamitin lamang kapag may banta ng kaaway

c)

Ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng pagkakaisa sa pamamagitan ng tambuli