Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 8 Quarter 2 Reviewer

Total questions: 30

Worksheet time: 31mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na panlipunang nilalang?

a)

A. Ang tao ay may kakayahang tugunan ang kaniyang sariling pangangailangan.

b)

B. Ang tao ay may inklinasyon na maging mapag-isa.

c)

C. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasaya at makabuluhang alaala.

d)

D. Ang tao ay may kakayahang maipahayag ang kaniyang pangangailangan.

2.

Ang marapat na pakikitungo sa kapwa ay ________

a)

Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.

b)

Nakasalalay sa kalagayang pang-ekonomiya.

c)

Pagtrato sa kaniya nang may paggalang at dignidad.

d)

Pagkakaroon ng inklinasyon na maging mapag-isa.

3.

Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa

_________.

a)

Kakayahan ng taong umunawa

b)

Pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan

c)

Espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan

d)

Pagtulong at pakikiramay sa kapwa

4.

Ang pagkakaroon ng iba’t ibang samahan sa lipunan ay inaasahang magtataguyod ng

________ bilang paglilingkod sa kapwa at sa kabutihang panlahat.

a)

Hanapbuhay

b)

Libangan

c)

Pagtutulungan

d)

Kultura

5.

Aling aspeto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa

pamamagitan ng paghahanapbuhay?

a)

A. Panlipunan

b)

B. Pangkabuhayan

c)

C. Politikal

d)

D. Intelektwal

6.

Nalilinang ng tao ang kaniyang ________ sa pamamagitan

ng kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan.

a)

Kusa at pananagutan

b)

Sipag at tiyaga

c)

Talino at kakayahan

d)

Tungkulin at karapatan

7.

Nagiging kalakasan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa

dahil sa ________.

B

a)

hindi marunong umunawa sa damdamin ng iba

b)

kawalan ng kakayahang makiramdam

c)

pagtulong at pakikiramay

d)

Kanilang pagiging emosyonal sa pakikisangkot

8.

Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-

ugnayan sa kapwa?

a)

Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing

panlipunan

b)

Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa

c)

Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa ibang tao

d)

Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka

9.

Paano makamit ng tao ang kaniyang kaganapan?

a)

Sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa pangangailangan ng

sariling pamilya.

b)

Sa pamamagitan ng makabuluhan at mabuting

pakikipagkapwa.

c)

Sa pamamagitan ng pagiging mausisa sa mga pangyayari

sa barangay

d)

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming kakilala

10.

Ano ang isinasaad sa Golden Rule?

a)

“Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong

gawin sa iyo”

b)

“Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa

iyong sarili”

c)

“Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mong ring

pakitunguhan ka.”

d)

lahat ng nabanggit

11.

Sa anong Parabula pinapakita na kung sino ang ating

kapwa at kung paano tayo

dapat makitungo sa ating kapwa?

a)

Parabula ng Banga

b)

Parabula ng Mabuting Samaritan

c)

Parabula ng Sampung Dalaga

d)

Parabula ng Nawawalang Anak

12.

Ano-anong mga birtud ang kailangan sa pagpapatatag ng

pakikipagkapwa?

a)

Katarungan at pagmamahal

b)

Pagmalasakit at pagmamahal

c)

Pagtulong at

pagpapasalamat

d)

Pagkamalikhain at

pagpapakumbaba

13.

Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa

pangangailangan ng iba nang may paggalang at ____________.

a)

yaman

b)

pagmamahal

c)

pagmamalasakit

d)

pangangailangan

14.

Isa sa mga kalakasan natin bilang Pilipino ay ang

pakikipagkapwa. Paano natin

naipapamalas ito?

a)

pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba

b)

pagiging matulungin at pakikiramay

c)

pagpapakita ng bayanihan

d)

lahat ng nabanggit

15.

Nakasalalay ang tagumpay natin sa pakikipag-ugnayan sa

kapwa sa ating

kakayahang ibahagi ang ating sarili sa pamamagitan ng

____________

a)

Paglilingkod sa kapwa

b)

Paglilingkod sa pamilya

c)

Pagsunod sa utos ng

nakatatanda

d)

Pagtupad sa mga hinahabilin

ng pamilya

16.

Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni

Aristotle sa

pakikipagkaibigan MALIBAN sa:

a)

A. Hindi pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t

isa

b)

B. Nag-aangat ng antas ng buhay tungo sa positibong

ugnayan ng lipunan

c)

C. Sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim

na nakikilala ang pagkatao sa kaniyang sariling pananaw

d)

D. Natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit

ang halaga kaysa sa isang ordinaryong kakilala lamang

17.

Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan MALIBAN sa:

a)

Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi isang

pagbabahagi ng sarili

b)

Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensyon ng tulong o pabor na

makukuha sa iba

c)

Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan

sa pangmatagalang panahon

d)

Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa taong

naniniwala at nagtitiwala sa atin

18.

Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong kasintahan.

Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kaniyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila na masayang

magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang kausapin sila. Umiwas ka na muna dahil sa iyong

palagay ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil matindi pa rin ang iyong galit sa

kaibigan mo. Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi (temperance)?

a)

Nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa

b)

Napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba

c)

Nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay

d)

Nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin

19.

Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga na

tayo ay mag–relax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-relax?

a)

Paglakad-lakad sa parke

b)

Paninigarilyo

c)

Pagbabakasyon

d)

Panonood ng sine

20.

Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman,

naamoy, nalasahan, at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kanyang pag-iisip.

a)

Kilos

b)

Mood

c)

Emosyon

d)

Desisyon

21.

Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing pagtatanghal sa

paaralan. Habang siya ay naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa kung saan.

Siya ay nagulat at nakaramdam ng takot. Tinalasan ni Ana ang kanyang pandinig at binilisan ang

kaniyang paglalakad upang mas madali siyang makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot nito

sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?

a)

makapag-iingat si Ana

b)

mapoprotektahan ni Ana ang sarili

c)

hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada

d)

makaiiwas sa mga nakatatakot na sitwasyong maaaring maranasan muli

22.

Ito ay nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman

a)

ang ating mga opinyon

b)

ang ating mga kilos o galaw

c)

ang ating ugnayan sa kapwa

d)

ang mabilis na pagtibok ng ating puso

23.

Ito ay tumutukoy sa mga damdaming nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa

kabanalan.

a)

Sensory feelings

b)

Kalagayan ng Damdamin

c)

Ispiritwal na damdamin

d)

Sikikong Damdamin

24.

Alin sa mga ito ang negatibong damdamin?

a)

Pagmamahal

b)

Pagkagalit

c)

Pagiging matatag

d)

Pagkamahinahon

25.

Alin sa mga ito ang positibong damdamin?

a)

Pagkagalit

b)

Pag-asa

c)

Pagdadalamhati

d)

Pagkabigo

26.

Ito ay ang mga birtud na kailangang pairalin upang malampasan ang kahirapan, tukso at

mga balakid tungo sa mas maayos na buhay.

a)

Pag-asa at pananalig

b)

Katatagan at kahinahunan

c)

Pag-ibig at Pagsisisi

d)

Paghahangad at Kawalan ng Pag-asa

27.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?

a)

Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat

b)

Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin

c)

Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magandang proyekto

d)

Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan

28.

Mataas ang kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay ng layon ng

kaniyang pagkatao, mga pinahahalagahan, mga talento, layunin sa buhay at kung ano ang nagbibigay

ng kahulugan, kapanatagan at kaligayahan sa kaniyang buhay. Siya ay may _______________.

a)

Kakayahang pamahalaan ang sarili

b)

Kakayahang makibagay sa sitwasyon

c)

Kakayahang makibagay sa personalidad

d)

Kakayahang makibagay sa mga tao

29.

Mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa___________________

a)

Paggalang sa awtoridad

b)

Pakinabang na tinatanggap

c)

Parehong paniniwala at prinsipyo

d)

Mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider

30.

Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay

kinakikitaan ng________________

a)

Mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi

b)

Mataas ng antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi

c)

Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi

d)

Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahag