Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pangsuring-basa sa Filipino 10 (2nd QRT)

Total questions: 60

Worksheet time: 33mins

Name
Class
Date
1.

Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.

a)

editoryal

b)

talumpati

c)

sanaysay

d)

talambuhay

2.

Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol ang banghay at mga paglalarawan lamang.

a)

kuwentong bayan

b)

maikling kuwento

c)

dagli

d)

komiks

3.

Ang paksa ang siyang layon ng pangungusap. Ito ay nasa pokus na _______.

a)

tagaganap

b)

layon

c)

pinaglalaanan

d)

sanhi

4.

Sila ang mga tauhan sa dulang sinulat ni William Shakespeare na naglarawan sa walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.

a)

Samson at Delilah

b)

Romeo at Juliet

c)

Florante at Laura

d)

Thor at Loki

5.

Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?

a)

magkaaway ang kanilang mga angkan

b)

pakakasal na si Juliet kay Paris

c)

labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague.

d)

wala sa nabanggit

6.

Ano ang dalawang mahahalagang yaman nina Jim at Della na nagawa nilang isakripisyo para maibili ng aginaldo ang bawat isa? (a. diyamanteng kuwintas - b. buhok - c. gintong relos - d. mamahaling suklay)

a)

b at d

b)

c at d

c)

b at c

d)

a at d

7.

Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat taludtod.

a)

soneto

b)

tanaga

c)

haiku

d)

alegorya

8.

Sa anong taon nailimbag ang nobelang "Ang Matanda at ang Dagat?"

a)

1950

b)

1951

c)

1952

d)

1953

9.

Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na, "Ipinaputol ko at ipinagbili," wika ni Della. "Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok?"

a)

pag-aalala

b)

pagtataka

c)

pagkainis

d)

pagtatampo

10.

Sa pangungusap na, "Ipinanggising ni Rizal sa mga Pilipino ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo," ano ang ipinokus ng pandiwang ipinanggising?

a)

Rizal

b)

Pilipino

c)

Noli Me Tangere at El Filibusterismo

d)

wala sa nabanggit

11.

Sa pangungusap na, "Pinagpiknikan ng mga turista ang paanan ng bundok," anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit?

a)

ganapan

b)

pinaglalaanan

c)

layon

d)

direksiyon

12.

"Langoy namin ang malinis na batis sa kanluran." Anong pandiwa ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag na nasa pokus na ganapan?

a)

nilangoy

b)

pinaglanguyan

c)

kalalangoy

d)

nilanguyan

13.

Talagang palabasa ang kaniyang anak na dalaga. Ang may salungguhit ay isang ___________ na ginamit upang mapalawak ang pangungusap.

a)

ingklitik

b)

komplemento

c)

pang-uri

d)

pang-abay

14.

Si Eric ay nagtalumpati nang buong husay sa harap ng madla. Ang pokus ng pandiwa ay _________.

a)

tagaganap

b)

layon

c)

pinaglalaanan

d)

sanhi

15.

Ang salitang buti kapag nilagyan ng panlapi na ma- at inulit ay magiging mabutibuti na ang ibig sabihin ay _________.

a)

magaling

b)

magaling-galing

c)

maayos

d)

katamtamang ayos

16.

Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa _________.

a)

tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

b)

may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya

c)

kapani-paniwala ang wakas

d)

may salamangka at mahika

17.

Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus tagaganap?

a)

lumikas, nag-ani, magsusulat

b)

ibinili, malaman, pag-aaralan

c)

ipinambili, ipansulat, ipanghakot

d)

ikinalulungkot, ikinatutuwa, ikinasawi

18.

"Kasinlaya ito ng mga lalaking

Dahil sa katwira'y hindi paaapi,

Kasingwagas ito ng mga bayaning

Marunong umingos sa mga papuri"

Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?

a)

pagwawangis

b)

pagtutulad

c)

pagbibigay-katauhan

d)

Pagmamalabis

19.

Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona sa tula?

a)

mapagtiis

b)

mapagpakumbaba

c)

masayahin

d)

mapagmalasakit

20.

Ipinapahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig sa pamamagitan ng _________________.

a)

pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig

b)

paghahambing nito sa iba't ibang bagay

c)

paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila

d)

pagpapahiwatig ng nararamdaman

21.

Anong damdamin ang nangingibabaw sa tula?

a)

Kalungkutan

b)

Kasiyahan

c)

Pagmamahal

d)

Kasawian

22.

Anong elemento ng tula ang ipinakikita ng may mga salugguhit na salita?

a)

Sukat

b)

Tugma

c)

Simbolo

d)

Talinghaga

23.

Ano ang sukat ng tula?

a)

Wawaluhin

b)

Sasampuin

c)

Lalabindalawahin

d)

Walang sukat

24.

Sa unang pangungusap, nais ipahayag ng pangulo ang _______.

a)

pagtuligsa sa mga mananakop

b)

paghikayat sa madlang magkaisa

c)

pagpapahalaga sa pagtanggol sa bayan

d)

pagbibigay-pugay sa mga bayaning Pilipino

25.

Sinasabi ng pangulo sa ikalawang talata na ______________?

a)

pahalagahan ang ating kalayaan

b)

magbuwis ng buhay para sa kalayaan

c)

tungkuilin ng estado na pangangalagaan ang kalayaan

d)

maninidigan sa mga karapatan bilang bansang malaya

26.

Layunin ng talumpating ito na bigyan ng pagpapahalaga ang/ang mga _______.

a)

bayani

b)

bandila

c)

kalayaan

d)

bansa

27.

Ang angkop na kasabihan sa sitwasyong "nilinlang si Thor ng Hari ng mga Higante upang hindi sila mapasakop sa kapangyarihan nito."

a)

Ang mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang paraan.

b)

Matalino man ang matsing napaglalalangan din.

c)

Anumang tibay ng abaka ay wala rin kapag nag-iisa.

d)

Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.

28.

Nagbalik-loob si Samsom sa Panginoon at nanalangin nang taimtim. Ipinahihiwatig ng kilos ng tauhan na _______.

a)

siya ay nagsisi at nanalig sa Diyos.

b)

kinilala niya ang kapangyarihan ng Diyos.

c)

sa Diyos pa rin siya kumuha ng lakas.

d)

sa Diyos pa rin siya hihingi ng tulong.

29.

Bakit itinuturing na marurunong na mago ang mag-asawang Jim at Della Young?

a)

Isinakripisyo nila ang pinakamahahalagang ari-ariang pinakaiingatan nila.

b)

Hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa't isa sa kabila ng kanilang pagkakamali.

c)

Pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko.

d)

Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang kahirapan.

30.

Ang lahat ay pahayag na nagsasaad ng katotohanan, maliban sa isa.

a)

Ang tao maging ang mga bagay ay maaaring maging lunan na pinagganapan ng pokus sa ganapan o direksiyon.

b)

Nasa pokus na pinaglalaanan ang pangungusap kapag ang simuno o paksa ang gumaganap sa kilos ng pandiwa

c)

Nagaganap ang kilos ng pandiwa na nasa pokus na ganapan sa isang tiyak na lugar lamang

d)

Ipinahihiwatig ng pokus sa direksiyon na ang kilos ng pandiwa ay nagaganap mula sa isang lugar papunta sa     

    isang lugar.

31.

Anong kaisipan ang lumutang sa maikling kuwentong "Aginaldo ng mga Mago?"

a)

Mas mainam magbigay kaysa tumanggap.

b)

Ang pag-ibig ay pagpapakasakit.

c)

Ang Diyos ay pag-ibig.

d)

Ang Pasko ay para sa mga bata.

32.

Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang "Romeo at Juliet?"

a)

Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan.

b)

Hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tawag ng pag-ibig.

c)

Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo.

d)

Lahat ay pantay-pantay sa ngalan ng pag-ibig.

33.

Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng _______.

a)

marubdob na pag-ibig para sa isa't isa

b)

pagtataksil ni Juliet kay Paris

c)

pagsaway sa utos ng kanilang angkan

d)

lahat ng nabanggit

34.

Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang "Ang Aking Pag-ibig?"

a)

pag-ibig sa ama/ina

b)

pag-ibig sa kapatid

c)

pag-ibig sa kaibigan

d)

pag-ibig sa kasintahan/asawa

35.

"Pero hindi nilikha ang tao para magapi," sabi niya. "Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi." Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na _______.

a)

hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay.

b)

kung may dilim may liwanag ding masisilayan.

c)

may pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin.

d)

nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang.

36.

"Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi."

Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa naturang pahayag?

a)

mabait

b)

maalalahanin

c)

mapagpahalaga

d)

mabuti

37.

"Huwag kang mag-isip, tanda," malakas niyang sabi. "Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating." Ang pahayag ay nagpapakita ng uri ng tunggaliang,

a)

tao vs tao

b)

tao vs sarili

c)

tao vs kalikasan

d)

tao vs lipunan

38.

Ang Romeo at Juliet ay isang dulang trahedya na tumatalakay sa dalawang angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya't naging magkaaway. Saan nabibilang ang dalawang angkan?

a)

Alipin

b)

Maharlika

c)

Timawa

d)

Uripon

39.

Hindi nawala sa isipan ni Juliet ang sinabi ng kaniyang ina ang tungkol sa lalaking nakatakda niyang pakasalan, si Paris na makikilala pa lang niya sa piging. Ang pahayag na ito ay sumasalamin sa kulturang_______________.

a)

ipinagkakasundo ng magulang ang anak

b)

malayang makapipili ang anak ng kanyang pakakasalan

c)

ang magulang ang naka-aalam ng makabubuti sa kanilang anak

d)

hindi binibigyang pansin ang damdamin ng anak

40.

Si Juliet ay isang Montague samantalang si Romeo ay Capulet. Ano ang mabigat na dahilan bakit hinahadlangan ang pagmamahalan ng dalawang pangunahing tauhan?

a)

Bawal sa kultura ng Montague ang magpakasal sa isang Capulet.

b)

May nakalaan nang lalaki para kay Juliet.

c)

Mortal na magkaaway ang kanilang mga angkan.

41.

Palihim na nag-isang dibdib sina Romeo at Juliet na nagbunga ng tunggalian ng kalalakihan sa dalawang pamilya na ikinasawi ng isa sa bawat miyembro. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng ___________.

a)

Kahalagahan ng pamilya

b)

Bunga ng kataksilan

c)

Pagsuway sa utos ng magulang

d)

Kawalan ng pagkakabuklod ng pamilya

42.

Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at sinagpang nito ang huli ng matanda. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?

a)

sibat na ginagamit sa panghuhuli ng malalaking isda

b)

pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan

c)

uri ng pating na may malalaki at matatalim na ngipin

d)

hulihang bahagi ng sasakyang-pandagat

43.

Sa kanyang paglalakbay pauwi, naakit ang dentuso sa dugo ng marlin. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?

a)

sibat na ginagamit sa panghuhuli ng malalaking isda

b)

pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan

c)

uri ng pating na may malalaki at matatalim na ngipin

d)

hulihang bahagi ng sasakyang-pandagat

44.

Gumawa siya ng bagong salapang sa pamamagitan ng pagtali ng kanyang kutsilyo sad ulo ng sagwan para salagin ang susunod na grupo ng mga pating. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?

a)

sibat na ginagamit sa panghuhuli ng malalaking isda

b)

pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan

c)

uri ng pating na may malalaki at matatalim na ngipin

d)

hulihang bahagi ng sasakyang-pandagat

45.

Napakamalas niya na ang kanyang aprendis na si Manolin ay pinagbawalan ng magulang nito na pumalaot kasama niya. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?

a)

sibat na ginagamit sa panghuhuli ng malalaking isda

b)

pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan

c)

tao na nagtatrabaho nang walang bayad

d)

hulihang bahagi ng sasakyang-pandagat

46.

Sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anomang isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa.

a)

Editoryal

b)

Talumpati

c)

Sanaysay

d)

Talambuhay

47.

Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol ang banghay at mga paglalarawan lamang.

a)

Komiks

b)

Dagli

c)

Maikling kuwento

d)

Kuwentong bayan

48.

Ang sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa __________________.

a)

tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan

b)

may kaugnayan ng paniniwala sa propesiya

c)

kapani-paniwala ang wakas

d)

may salamangka at mahika

49.

Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.

a)

Dula

b)

Maikling kuwento

c)

Nobela

d)

Kuwentong bayan

50.

Isang katutubong bahay na gawa sa kawayan na tinitirahan ng mga Pilipino bago dumating ang mga Espanyo. Ito ay tinatawag na bahay ____________________.

a)

bahay-ampunan

b)

bahay-aliwan

c)

bahay-kubo

d)

bahay-bakasyunan

51.

Si Reuben ay batang isinilang mula sa isang maralitang pamilya. Siya ay madalas na tinatawag na anak____________________.

a)

anak-araw

b)

anak-pawis

c)

anak sa labas

d)

anak sa liking kawayan

52.

Kinakailangan niyang magbalik- ___________________ upang maipasa ang pagsusulit.

a)

Balik-bayan

b)

balik-balikan

c)

balik-bahay

d)

balik-aral

53.

Bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.

a)

Tugma

b)

Sukat

c)

Simbolo

d)

Indayog

54.

Ito ay mga pahayag na ginagamitan ng matalinghaga o di-karaniwang salita upang gawing mabisa, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

a)

Tugma

b)

Tayutay

c)

Simbolo

d)

Indayog

55.

Isang paraan sa pagbigkas ng bawat taludtod ng tula.

a)

Tono

b)

Sukat

c)

Tugma

d)

Kariktan

56.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,

ngiti, luha, buhay at aking hininga!

At kung sa Diyos naman na ipagtalaga

malibing ma’y lalong iibigin kita.

Anong elemento ng tula ang ipinakikita ng mga may salungguhit na salita?

a)

Sukat

b)

Tugma

c)

Simbolo

d)

Talinghaga

57.

Ano ang orhinal na anyo ng salitang hiram na Bintana?

(a)  

58.

Ano ang katumbas sa Filipino ng salitang hiram na Silya?

(a)  

59.

Ano ang katumbas sa Filipino ng salitang hiram na Pari?

(a)  

60.

Ano ang katumbas sa Filipino ng salitang hiram na hardin?

(a)