wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unit Test in Araling Palipunan Q2

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Anong batas ang nagpapataw ng parusang kamatayan o matagalang pagkabilanggo sa mga Pilipinong nangangampanya ng kalayaan mula sa Estados Unidos?

a)

Brigandage Act ng 1902

b)

Flag Law ng 1907

c)

Reconcentration Act ng 1903

d)

Sedition Law ng 1901

2.

Anong batas ang nagbabawal sa paglalabas ng lahat ng bandila o anumang ginamit ng mga kilusan laban sa Estados Unidos, lalo na ang sagisag ng Katipunan?

a)

Brigandage Act ng 1902

b)

Flag Law ng 1907

c)

Reconcentration Act ng 1903

d)

Sedition Law ng 1901

3.

Anong batas ang nagbabawal sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng sa Mahan at kilusan makabayan?

a)

Brigandage Act ng 1902

b)

Flag Law ng 1907

c)

Reconcentration Act ng 1903

d)

Sedition Law ng 1901

4.

Ito ay ang pwersahang pagpapatira sa mga Pilipino sa mga kabayanan upang maputol ang tulong na pagkabilanggo at suporta sa mga gerilya na nasa kanayunan?

a)

Brigandage Act of 1902

b)

Flag Law of 1907

c)

Reconcentration Act of 1903

d)

Sedition Law of 1901

5.

Ano ang tawag sa mga Amerikanong naging unang guro ng mga Pilipino?

a)

Mehikano

b)

Normalites

c)

Pransiskano

d)

Thomasites

6.

Ito ay itinatag upang mapag-aralan ang kabuhayan sa Pilipinas.

a)

Board of Public Health

b)

Board of Public Instruction

c)

National Development Council

d)

National Economic Council

7.

Itinadhana dito ang pagbibigay ng hindi hihigit sa 25 ektaryang lupa sa mga Pilipino.

a)

Batas Jones

b)

Batas Homestead

c)

Batas Payne-Aldrich

d)

Batas Tydings-McDuffie

8.

Ito ay ugali ng mga Pilipino na mas tinatangkilik ang mga produktong Amerikano.

a)

Colonial Mentality

b)

Crab Mentality

c)

Nepotismo

d)

Pilipinasiyon

9.

Ito ay itinatag upang matulungan ang mga magsasaka at maitaguyod ang programang pansakahan ng bansa.

a)

Kagawaran ng Agrikultura

b)

Kagawaran ng Edukasyon

c)

Kagawaran ng Kalusugan

d)

Kagawaran ng Pananalapi

10.

Bakit pwersahang pinapatira ang mga Pilipino sa mga kabayanan ayon sa Reconcentration Act? Ito ay para _____.

a)

mabigyan ng negosyo ang lahat ng mga Pilipino

b)

mapaunlad ang transportasyon at komunikasyon

c)

maputol ang tulong na pagkain at supporta ng mga gerilya

d)

makatulong ang mga Pilipino sa pagpapatayo ng mga gusali

11.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang pambansang wika? Upang ________

                                            

                                            

a)

magkaisa ang mga Pilipino   

b)

maging sikat ang mga Pilipino

c)

    maging maunlad ang buhay ng mga Pilipino

d)

magsilbing panakot sa mga bansang may planong sakupin tayo ulit

12.

Siya ang inatasan ni Pangulong Manuel L. Quezon na maging tagapayong panghukbo noong panahon ng pamahalaang

      Komonwelt. Siya ay si Heneral ______________.     

                      

a)

Douglas MacArthur   

b)

Jonathan Wainright

c)

George Murphy

d)

Wesley Meritt

13.

Ang programang nagtakda na hindi bababa sa piso ang sahod sa isang araw na paggawa.

                                    

a)

Tenancy Act

b)

Minimum Wage Act

c)

Public Defender Act

d)

Eight-Hour Labor Act

14.

Paano binigyan ng pagpapahalaga ang mga kababaihan sa pamahalaang Komonwelt?

                              

              

a)

Binigyan sila ng karapatang bumoto      

b)

Binigyan sila ng karapatang makapagtrabaho  

c)

Hinimok silang manungkulan sa pamahalaan

d)

       Inanyayahan silang maipahayag ang mga kuro-kuro

15.

Alin sa programa ng pamahalaang Komonwelt ang nakatulong sa pagkakaisa ng mga Pilipino? Ito ay ang ___________________.

                                         

                                         

a)

Batas ng Kagandahang - Asal    

b)

Batas Pang-edukasyon ng 1940

c)

Batas sa Walong Oras na Paggawa

d)

Kautusang Tagapagpaganap Blg.134

16.

Ano ang kapangyarihan ng sangay tagapagpaganap? Kapangyarihang _________

                                                                         

                       

a)

magsubaybay sa mga hukuman      

b)

makagawa ng batas at magagamit kaagad   

c)

   makabuo ng mga probisyong maka-Pilipino  

d)

nakapaloob sa pangulo at pangalawang pangulo

17.

Bakit masasabing mahalaga ang pagkatatag ng Pamahalaang Komonwelt? Dahil _________________.

     

     

     

       

a)

naging madali ang pamumuhay ng mga Pilipino

b)

nabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong maglakbay

c)

nabigyan tayo ng karapatang makilahok sa usapang stateside

d)

ito ang sumubok at naglinang sa kakayahan ng mga Pilipino tungo sa malayang pamahalaan

18.

Anu-ano ang tatlong sangay ng pamahalaan?

                                  

                       

a)

ehekutibo, lehislatibo at hudikatura  

b)

     pandagat, panghimpapawid, at panglupa

c)

  pangulo, pangalawang pangulo at senado

d)

demokratiko, presidensyal, at parliamentaryo

19.

Ayon sa Batas Jones, kailangang maitatag ng matagumpay ng mga Pilipino ang isang malasariling pamahalaan sa loob ng __

a)

dalawa    

b)

lima

c)

sampu

d)

walo

20.

Itinakda ang araw ng pagpahayag sa kasarinlan ng Pilipinas noong _______________.

                                                  

a)

Hunyo 4, 1946  

b)

  Hunyo 4, 1964   

c)

Hulyo 4, 1946

d)

Hulyo 4, 1964

21.

Ayon sa ______, ang sinumang kawani ng pamahalaan nanakapaglingkod nang mula anim na taon pataas ay maaari nang magretiro.

    

a)

Batas Jones                                                                   

                                         

b)

Batas ng Pilipinas ng 1902   

c)

Batas Tydings-McDuffie

d)

  Civil Retirement Act No. 2581

22.

Binago ang batas ng malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas at nagdulot ito ng mga masamang epekto. Alin sa mga     

      sumusunod ang isa sa mga masamang epekto nito?

                          

                                

a)

lumaki ang kita ng mga negosyante       

b)

nabawasan ang kita ng pamahalaan   

c)

nadagdagan ang dami ng produksiyon

d)

nagkaroon ng hanapbuhay ang maraming Pilipino

23.

Upang malutas ang suliraning pangkabuhayan ng bansa gumawa ng iba’t ibang hakbang ang pamahalaan. Alin sa sumusunod ang

      HINDI kabilang?

          

a)

Pagpaparami ng mga produktong pansakahan

b)

  Pagtangkilik sa mga produktong gawa ng mga Pilipino

c)

      Pagpapaunlad ng mga likas na yaman tulad ng pangisdaan

d)

Paghimok sa mga mamamayan na bibili ng mga produktong banyaga

24.

Paano nilutas ng pamunuang Manuel L. Quezon ang pagdami ng mga dayuhan sa Pilipinas?

     

     

a)

Naglagay ng malaking bayad sa mga papasok na produkto

b)

Naglagay ng quota sa mga produktong ibebenta sa bansa

c)

Nagpatupad ng malawakang pag-iimbestiga sa papasok na mga produkto

d)

Naglimita sa 500 ang bilang ng maaaring mandayuhan sa bansa bawat taon

25.

Sila ang mga sundalong Pilipinong namundok at ipinagpatuloy ang pakikipagpaglaban nang palihim para sa kalayaan laban sa

       mga hapones.

                                                     

a)

Gerilya       

b)

     HUKBALAHAP     

c)

Kempeitai   

d)

MAKAPILI

26.

Ito ay isang kilusang Gerilyang binuo ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang armadong   

      bahagi nito laban sa mga Hapon.

                                                                   

 

a)

Gerilya    

b)

HUKBALAHAP   

c)

Kempeitai  

d)

MAKAPILI  

27.

Siya ang pangulong nagkampanya sa pagsupil ng HUKBALAHAP.

                                            

a)

  Emilio Aguinaldo     

b)

Jose Laurel    

c)

Manuel Roxas 

d)

Ramon Magsaysay

28.

Kailan bumagsak ang Bataan at Corregidor sa kamay ng mga Hapones?

                                       

a)

Enero 6,1942          

b)

Mayo 6,1942   

c)

Mayo 6,1943         

d)

Hunyo 6,1942

29.

Kailan sinalakay ng mga Hapones ang Pearl Harbor?

                                      

a)

    Agosto 8, 1941   

b)

Oktubre 8, 1941  

c)

Oktubre 28, 1941

d)

Disyembre 8, 1941

30.

Ang pataksil na pagsalakay sa Pearl Harbor ay tinatawag na “Araw ng _____”.

                                                                  

 

a)

Kamatayan

b)

   Kataksilan

c)

Pagbomba  

d)

Paggunita

31.

Kailan idineklarang Open City ang Maynila?

                      

a)

   Disyembre 1, 1941    

b)

Disyembre 15, 1941   

c)

Disyembre 20, 1941

d)

Disyembre 26, 1941

32.

Idineklara ni MacArthur na Open City ang Maynila upang _____________.

                                   

a)

  magkaroon ng kapayapaan

b)

  ipakita ang katahimikan sa bansa

c)

 ito ay iligtas sa trahedya ng digmaan

d)

 magkaroon ng katahimikan at pagkakaisa

33.

Ito ay isa sa masamang epekto nang binago ang batas ng malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

a)

lalong lumaki ang kita ng mga negosyante

b)

            nabawasan ang kita ng pamahalaan dahil sa buwis

c)

   nadagdagan ang dami ng produksiyon sa mga pabrika

d)

      nagkaroon ng matatag na hanapbuhay ang maraming Pilipino

34.

Paano naapektuhan ng colonial mentality ang pamumuhay ng mga Pilipino?

     

  

a)

Ibinenta ang mga produkto ng bansa sa mga dayuhan

b)

    Higit na tinangkilik ang sariling produkto kaysa sa mga banyaga

c)

Tinangkilik ang mga produktong gawa sa ibang bansa kaysa Pilipinas

d)

Tinangkilk ang mga produktong dekalidad na nagmula sa mga mayayamang bansa

35.

Bakit malaki ang suliraning pangkabuhayan sa ilalim ng pamunuang Manuel L. Quezon? Dahil______________

a)

marami ang mga dayuhang negosyante kaysa sa mga Pilipino

b)

        hindi pa gaanong bihasa sa paghahanapbuhay ang mga Pilipino

c)

     naapektuhan ang Pilipinas ng pagbagsak ng ekonomiya ng Amerika

d)

     sa pagsasamantala ng mga dayuhang mananakop at pagkasira dulot ng digmaan

36.

Siya ang namuno sa kilusang Gerilya sa Gitnang Luzon.

                                                          

a)

   Jose Laurel   

b)

Luis Taruc

c)

Manuel Roxas  

d)

Ramon Magsaysay

37.

Siya ang nagsanib ng lakas ng hukbong Pilipino at Amerikano upang matalo ang puwersa ng mga Hapones.

                                      

 

a)

Diosdado Macapagal

b)

Douglas MacArthur  

c)

Jose Laurel

d)

Manuel Quezon

38.

Siya ay naging Kalihim ng Tanggulang Pambansa mula 1962 hanggang 1965.

                                     

 

a)

Jose Maria Sison   

b)

       Luis Taruc   

c)

Macario Peralta    

d)

Salipada Pendatun

39.

Ang mga pulis-militar ng mga Hapones na siyang humuhuli sa mga Pilipinong lumalaban sa mga Hapones_____________

     

 

a)

Kempeitai                             

b)

Kolaboreytor               

c)

  militar                           

d)

sundalo

40.

Ano ang tawag sa panahon ng mga Hapones dahil sa takot at pag-aalinlangan ang naghahari? Panahon ng ___________.

     

a)

Kadiliman

b)

Kahirapan

c)

Kapayapaan

d)

Kasayahan

41.

Ang tawag sa pamahalaang umiiral sa pamumuno ng mga Hapones ay ang Republikang _________________.

                                                                  

 

a)

Palaban      

b)

Puppet    

c)

sumusunod     

d)

sumusuway

42.

Taguri sa perang Hapones na walang limitasyong inimprenta sa bansa.

                                                          

a)

Dollar       

b)

  Mickey Mouse Money  

c)

Peso   

d)

Yen

43.

Alin sa mga wikang ito ang itinuro at ipinagamit sa mga paaralan sa panahon ng mga hapones?

                                                                             

a)

English   

b)

Espanyol

c)

 Niponggo    

d)

Tagalog

44.

Petsa ng pagbalik ni Hen. Douglas MacArthur sa Pilipinas kasama ang mga hukbong Amerikanong lulupig sa mga Hapon.

                                                    

a)

Enero 9,1944

b)

Mayo 10,1945

c)

Hulyo 9, 1946     

d)

Agusto 25, 1948

45.

Saan sumapi ang mga kalalakihang Pilipino na nagpamalas ng masidhing pagmamahal sa bayan?

                                                                         

 

a)

USAPE

b)

USAFFE      

c)

USSAFFE  

d)

USAT

46.

Sino sa mga dayuhang ito ang may hawak sa kalakalang tingian?

                                              

a)

Hapon

b)

Indiano     

c)

Malayo      

d)

D. Tsino

47.

Kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino”

                                                 

a)

Emilio Aguinaldo

b)

Jose Laurel

c)

Manuel Quezon    

d)

Manuel Roxas

48.

Kilala sa kanyang kahusayan sa larangan ng batas, ang kagulat-gulat niyang pagwawagi sa kanyang mga kaso ang siyang mabilis  

      na nagpabago at nagpasikat ng kanyang pangalan.

                                                 

a)

Andres Bonifacio

b)

   Claro Recto  

c)

Manuel Quezon

d)

Manuel Roxas

49.

Anong tawag sa paglalakad sa mga sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga.

                                           

                                                        

a)

Martsa ng Bagong Lipunan     

b)

Martsa ng Kamatayan

c)

Martsa ng Pagkakaisa

d)

Matsa ng Tagumpay

50.

Ano ang naging bunga ng pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa Estados Unidos?

a)

Malaki ang kinita ng bansang Pilipinas

b)

     Mahina ang benta ng mga negosyanteng Pilipino

c)

Nabawasan ang kita ng pamahalaan na naging dahilan sa kakapusan ng pondo

d)

Walang binabayarang buwis at walang quota ang mga produktong iniluluwas ng bansa sa Estados Unidos