wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Implikasyon ng Globalisasyon

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon lalo na sa ibat ibang institusyon sa lipunan?

a)

  Marami ang nagiging mahirap na bansa.  

b)

Dumarami ang mga taong nagiging mulat sa katotohanan  

c)

Binago nito ang pamumuhay ng perennial institution

d)

Lumalaganap ang malawakang pagkasira ng kalikasan

2.

Anong sistemang pang-ekonomiya ang nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal?

a)

Kapitalismo  

b)

 Komunismo       

c)

Merkantilismo

d)

Sosyalismo

3.

Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa na kung saan ang pangingibangbansa ay may malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas.

a)

Politikal na isyu         

b)

OFW

c)

Teknolohiya

d)

Kultura

4.

Saan nakasentro ang globalisasyon?

a)

Kultura

b)

Ekonomiya

c)

Kalakalan

d)

Serbisyo

5.

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng suliranin sa paggawa MALIBAN sa isa.

a)

job-mismatch

b)

contractualization

c)

flexible labor

d)

pagkalugi ng Negosyo

6.

Si Kaloy ang Pangulo ng kanilang Union sa kanilang kumpanya. Bilang pangulo, tinutugunan niya ang kahilingan at pangangailangan ng mga miyembro. Siya ay nakikipag-usap sa pamunuan ng kompanya at sa DOLE. Taon taon nagsasagawa sila ng collective bargaining agreement. Alin sa mga sumusunod na haligi ang tinutukoy sa sitwasyon?

a)

Employment Pillar

b)

Worker's Rights Pillar

c)

Social Dialogue Pillar

d)

Social Protection Pillar

7.

Sa anong sektor nabibilang ang mga produktong primarya o mga likas na produkto at hilaw na sangkap na galing sa kalikasan at hindi pa dumadaan sa pagproseso?

a)

Agrikultura

b)

Industriya

c)

Kalakalan

d)

Serbisyo

8.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa migrasyon?

a)

Proseso ng pag-alis o paglipat ng isang mamamayan.

b)

Proseso ng pagbabago sa mga gawain ng manggagawa.     

c)

Proseso ng pagbabago sa pisikal na katangian ng isang indibidwal.

d)

Proseso ng mabilisan daloy ng mga bagay at gawain sa buong mundo

9.

Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at European Commission President Ursula Von der Leyen na palakasin pa ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at European Union. Nagkasundo ang dalawan na magkaroon ng financing agreement sa green economy program sa Pilipinas kung saan paglalaanan ng 60 milyon Euros na grant ang circular economy, renewable energy, at climate change mitigation sa bansa. Anong anyo ng globalisasyon ang nais ipakita ng sitwasyon?

a)

Globalisasyon Teknolohikal   

b)

Globalisasyon Sosyo-Kultural

c)

Globalisasyon Ekonomikal 

d)

Globalisasyon Politikal

10.

Bukod sa komunikasyon nagamit ang cellphone ng mga online seller at online shopping para sa negosyo at pagbili lalo na sa panahon ng lockdown. Malaki ang naging tulong nito sa mamamayang Pilipino upang kumita ng pera. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa serbisyo na ibinigay ng cellphone?

a)

komunikasyon, lockdown, online seller

b)

pagbili, online seller, lockdown

c)

lockdown, online shopping, online seller 

d)

komuniksyon, negosyo at pagbili

11.

Si Lena ay nakapagtapos ng kursong Education ngunit siya ngayon ay nagtatrabaho bilang isang call center agent. Ano kalagayan sa paggawa ang ipinapakita ng pahayag?

a)

Job contracting

b)

Job-mismatch

c)

Underemployment

d)

Unemployment

12.

Si Cardo ay isang construction worker sa PNR na ginagawa. Hindi sila pinapapasok tuwing holiday kung kayat nagkakaroon sila ng absent at wala itong bayad. Ang kanyang sitwasyon ay maituturing na flexible labor. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit hindi sila pinapapasok tuwing holiday?

a)

Upang makabuo ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

b)

Upang maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino.

c)

Upang maibaba ang presyo ng mga lokal na produkto sa pandaigdigang kalakalan

d)

Upang mapalaki ang maging kita ng kanilang kumpanya at makatipid.

13.

Ang internal migration ay maaaring magmula sa isang bayan, probinsya o ibang rehiyon. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng internal migration?

a)

panlabas na migrasyon 

b)

panloob na migrasyon

c)

malawakang migrasyon

d)

maramihang migrasyon

14.

Si Lina ay isang Pilipino na nakapasa bilang nurse sa America, ito rin ang naging daan niya para makakuha ng green card at dito na manirahan. Anong uri ng migrante si Lina ngayon?

a)

forced migrants

b)

return migrants    

c)

irregular migrants

d)

permanent migrants

15.

Sa tulong ng teknolohiya, madaling lumaganap ang iba’t ibang impormasyon gayun din ang kultura ng ibang bansa. Malaki rin ang naitulong nito sa pag-aaral ng mag-aaral sa panahon ng pandemya gayun din sa gawaing bahay. Ito rin ang naging dahilan kung bakit talamak ang intellectual dishonesty. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa negatibong implikasyon ng teknolohiya?

a)

paglaganap ng impormasyon  

b)

pagkilala sa kultura ng ibang bansa

c)

intellectual dishonesty

d)

gawaing bahay

16.

Alin sa mga sumusunod ang positibong implikasyon ng pagdami ng warehouse at pabrika sa bayan ng Marilao?

a)

Paglala ng problema sa traffic

b)

Pagliit ng lupang sakahan

c)

Pagkakaroon ng matinding suliranin sa kapaligiran

d)

Pagbibigay ng hanapbuhay sa mga residente

17.

Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto ukol sa mga karapatan ng mga manggagawa?

I. Pantay na suweldo para sa parehong trabaho

II. Ang lugar na pinagtatrabahuhan ay dapat walang panganib at ligtas

III. Ang suweldo ng mga manggagawa ay dapat sapat at nakabubuhay

a)

I

b)

II

c)

III

d)

I, II at III

18.

Alin sa mga sumusunod ang mainam mong gawin upang makasabay sa inflation o patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin lalo na ng mga pagkain?

a)

umangkat ng produkto sa ibang bayan.

b)

iwasan ang pagbili ng mga produkto.

c)

magtanim ng gulay.

d)

iwasan ang gumastos.

19.

Alin sa mga sumusunod ang mainam na gawin upang maiwasan ang online exploitation?

a)

itago sa magulang ang password ng iyong social media account

b)

makipagkaibigan sa lahat.

c)

palagiang magpost ng mga larawan sa social media

d)

iwasan ang pakikipagchat sa hindi kilalang tao

20.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan ng pagdaragdag ng dalawang taon sa high school?

a)

upang mabawasan ang unemployment sa Pilipinas.

b)

upang madagdagan ang taon ng mag-aaral sa pag-aaral.

c)

upang mahasa ang kasanayan at makasunod sa global standard.

d)

upang mabigyang daan ang mga bagong graduate na magkaroon ng trabaho.

21.

Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin ng isang empleyado na hindi permanente ang kanyang trabaho upang magkaroon ng benepisyo tulad ng SSS at Philhealth at magkaroon ng pension sa panahon ng kanyang pagreretiro sa trabaho?

a)

maghanap ang karagdagang trabaho.

b)

humingi ng tulong pinansyal sa local na pamahalaan tulad ng DSWD.

c)

mag-apply ng voluntary contribution sa SSS, philhealth at PAGIBIG.

d)

magtrabaho sa ibang bansa.

22.

Ang forced migrants ay tumutukoy sa mga mamamayan na lumipat ng lugar dulot ng sigalot, problema sa kapaligiran, problemang politikal, mga sakuna at iba pang dahilan. Karaniwang tinatawag na refugees o asylum. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng forced migrants?

a)

Napagdesisyunan ng iyong pamilya na ikaw ay mag-aral ng kolehiyo sa Canada kasama ng iyong kapatid.

b)

Maraming gurong Pilipino ang iniwan ang kanilang trabaho sa Pilipinas upang magturo sa ibang bansa.

c)

Pangarap ni Luna na manirahan sa Amerika kaya naman ay nag-apply siya bilang nurse rito.

d)

Lumipat ng panibagong panirahan ang inyong pamilya dulot ng krisis, kalamidad, rebelyon sa inyong lugar.

23.

Ang temporary migrants ay tumutukoy sa mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang doon magtrabaho o manirahan sa takdang panahon. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng temporary migrants?

a)

Madalas magtago sa kinauukulan si Ana dahil wala siyang working visa sa Japan.

b)

Dumating na ang green card ni Lenard mula sa Canada, permatente na siyang maninirahan dito.

c)

Nagpanaturalize citizen si Megan sa bansang America na nakapangasawa ng Amerikano.

d)

Taon taon bumabalik at nagrerenew ng kontrata si Kris sa Saudi bilang isang Hospital Nurse.

24.

Maraming fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nalungkot sa pagpasok sa military ng K pop group na BTS, ito ay itinuturing ng korea na hiatus sa industriya. Ano ang nais ipahiwatig nito sa implikasyon ng globalisasyon?

a)

Dahil sa globalisasyon, naging mabilis ang komunikasyon.

b)

Dahil sa globalisasyon nagkaroon ng makabagong teknolohiya.

c)

Dahil sa globalisasyon, pinaigting ang integrasyon ng bawat bansa.

d)

Dahil sa globalisasyon nagkaroon ng pagkakakilanlan sa kultura ng ibang bansa.

25.

Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang masiguro na maangkop ka sa pangangailangan ng ating bansa na umunlad sa kabila ng globalisasyon?

a)

magsumikap sa pag-aaral upang makatapos at magkapagtrabaho

b)

tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na upang kumita ng pera

c)

magpalipas ng panahon at umasa na lamang sa pamilya

d)

maging layunin ang makapagtrabaho agad kahit kulang pa sa mga kakayahan

26.

Tinaguriang Business Friendly ang lalawigan ng Bulacan noong taong 2022 dahil sa iba’t ibang mga industrya, negosyo at iba’t ibang namumuhunan ang mayroon dito. Ano ang implikasyon nito sa ekonomiya ng Pilipinas?

a)

Pagkakaroon ng maraming produkto

b)

Pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan

c)

Pagsigla ng ekonomiya

d)

Pagtaas sa antas ng kasanayan

27.

Dumarami ang nagtatayo ng 7 eleven, Alfamart, O save at iba pang halimbawa ng MNC at TNC sa Marilao. Mabuti ang implikasyon nito sa mga residente dahil nagkakaroon sila ng posibleng hanapbuhay. Dahil dito makikitang mas lalong naghihirap ang mga mamamayan.

a)

Tama ang lahat ng pahayag.

b)

Mali ang unang pahayag. Tama ang ikawa at ikatlong pahayag.

c)

Tama ang una at ikalawang pahayag. Mali ang huling pahayag.

d)

Tama ang unang pahayag. Mali ang ikalawa at ikatlong pahayag.

28.

1) Si Lanie ay nagtatrabaho sa pagawaan ng manok, wala siyang trabaho at pasok kapag walang deliber ng manok. 2) Kapag walang pasok, wala rin siyang kita. 3)Ang sitwasyon ni Lanie ay isang halimbawa ng flexible labor na. 4) Ang flexible labor ay isang paraan ng mga namumuhunan o kapitalista upang mapalaki ang kanilang kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Sa anong bahagi ng talata ipinaliwanag ang kahulugan ng flexible labor?

a)

unang pangungusap

b)

ikalawang pangungusap

c)

ikatlong pangungusap

d)

ikaapat na pangungusap

29.

Ang isang maunlad na bansa ay may kakayahang lumikha ng iba’t ibang uri ng produkto at serbisyo. Ang pagtaas ng kalidad ng nalikhang produktong ito sa pamilihan ay naglalarawan sa antas ng kakayahan ng mga taong siyang nagpapaka-dalubhasa at nagpupunyagi upang ang mga bahay kalakal ay magprodyus.

a)

Tama ang unang pahayag. Mali ang ikalawa.

b)

Mali ang unang pahayag. Tama ang ikalawa.

c)

Tama ang parehong pahayag.

d)

Mali ang parehong pahayag.

30.

Ang pangingibang bansa ng mga OFW upang maghanapbuhay ay nagdulot ng implikasyon kung saan marami ang nabibigyan ng hanapbuhay, nagpapasok ng dolyar, gayundin nababawasan ang bilang ng mga propesyonal (Brain Drain) at skilled workers (Brawn Drain). Alin sa mga sumusunod ang angkop na interpretasyon sa pahayag?

a)

May magandang dulot ang OFW sa bansang Pilipinas.

b)

Mabilis ang pag-alis ng mga OFW dahil sa tulong ng ating pamahalaan.

c)

Mayroong positibo at negatibong epekto ang pagtaas ng bilang nga mga OFW.

d)

Madaming paraan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay at matupad ang pangarap.