Font size
WorksheetsSUMMATIVE TEST #1 - Q4
Total questions: 25
Worksheet time: 18mins
Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay mas kilala bilang ___.
karapatang pantao
gawaing pansibiko
pagkamamamayan
mabuting pamamahala
Saang bahagi ng Saligang Batas ng 1987 ipinaliliwanag ang mga probisyon ukol sa mga tunay na mamamayang Pilipino?
Artikulo 4
Artikulo 6
Artikulo 7
Artikulo 5
Ang ama at ina ni Mark ay kapwa Pilipino subalit ipinanganak at lumaki siya sa California. Si Mark ay:
walang pagkamamamayan
mamamayang Pilipino lamang
mamamayang Amerikano lamang
parehong mamamayang Pilipino at Amerikano
Binibigyan ng pagkakataon ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa na maging mamamayang Pilipino muli sa pamamagitan ng naturalisasyon. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship). Ang batas na ito ay kilala bilang:
Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 1993
Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 1998
Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003
Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2008
Likas o katutubong Pilipino si Robin dahil:
siya ay ipinanganak sa Pilipinas
dumaan siya sa proseso ng naturalisasyon
pareho sa kanyang mga magulang ay Pilipino
pinagkalooban siya ng hukuman ng pagkamamamayang Pilipino
Dahil ang ama ni Paula ay Pilipino, Pilipino rin siyang maituturing. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:
jus soli
jus naturale
jus civile
jus sanguinis
Ang mga magulang ni Diego ay Pilipino ngunit dahil sa United States of America siya ipinanganak, lumalabas na siya ay mamamayang Amerikano. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng:
jus soli
jus naturale
jus civile
jus sanguinis
Isa sa pinakamahalagang aspekto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang _______.
pagkakapit-bisig upang isulong ang mga pansariling interes
pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti ng kanilang lipunan
pagsasama-sama ng mga indibiduwal upang ipagtanggol ang interes ng pangulo
pagkakaisa ng mga mamamayan upang magkaroon ng isang malakas na pamahalaan
Ang aktibong pagkamamamayan ay:
nakakahon lamang sa pagsunod sa mga batas
pakikialam sa mga isyung direkta lamang na nakaaapekto sa kanila
maipakita sa pamamagitan ng pagpapahayag na di ka sang-ayon sa gobyerno
maaaring isagawa ng mga indibiduwal sa kani-kanilang mga pamayanan sa iba’t ibang mga paraan katulad ng paggalang sa katarungan, demokrasya, at pagiging bukas
Nagpalabas si Pangulong Manuel L. Quezon noong 1939 ng mga panuntunang sibiko at etika na ituturo sa lahat ng mga paaralan sa bisa ng Executive Order No. 217. Ito ay kilala sa tawag na:
Kodigo ng Pagkamamamayan at Kabutihang Asal
Kodigo ng Pagkamakabayan at Kagandahang Asal
Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal
Kodigo ng Pagka-Pilipino at Kabutihang Asal
Ang sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging aktibong mamamayan maliban sa:
pagsunod lamang sa mga utos ng pamahalaan ang pinakakongkretong manipestasyon ng aktibong pagkamamamayan
pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa atin ay lubhang mahalaga tungo sa kabutihang panlahat
pagpapabuti at pagpapa-angat ng antas ng ating pamumuhay
pananagutan at gampanin natin bilang mamamayan ng bansa
Ito ay tumutukoy sa legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte.
naturalisasyon
nasyonalismo
dual citizenship
dual allegiance
Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 na nakapaloob sa Artikulo IV Seksyon 1?
Mga naging mamamayan ayon sa batas
Ang ama ni Rachelle ay mamamayan ng Pilipinas
Mamamayan ng Pilipinas si Harry nang pagtibayin ang Saligang Batas ng 1987
Isinilang noong Enero 15, 1995 si Mich. Ang kaniyang ina ay Pilipino. Pinili niya ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
Ang pinakamahalagang asal na dapat nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon ayon kay Pangulong Quezon ay:
mahalin at igalang ang iyong mga magulang
magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa
tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan
mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao
Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan ng pagkawala ng iyong pagkamamamayang Pilipino?
panunumpa sa katapatan sa saligang batas ng ibang bansa
tumakas sa hukbong sandatahan sa panahon ng digmaan
nawala na ang bisa ng naturalisasyon
lahat ng nabanggit
Isulat ang YES kung tama ang pahayag at NO naman kung mali ang pahayag. ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.
Mula pa man noong unang panahon, hindi nagbabago ang konsepto ng pagkamamamayan.
(a)
Isulat ang YES kung tama ang pahayag at NO naman kung mali ang pahayag. ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.
Upang masabing aktibong mamamayan ang isang indibiduwal, kinakailangan ang pikit-matang pagsunod sa lahat ng panuntunan at alituntuning inilalatag ng pamahaalan.
(a)
Isulat ang YES kung tama ang pahayag at NO naman kung mali ang pahayag. ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.
Mahalaga ang kolektibong pagtugon ng pamahalaan at ng mga mamamayan nito sa mga kritikal na isyung kinakaharap ng lipunan.
(a)
Isulat ang YES kung tama ang pahayag at NO naman kung mali ang pahayag. ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.
Ang pagpuna sa mga isyu ng korapsiyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ay mahalagang elemento ng pagiging isang aktibong mamamayan.
(a)
Isulat ang YES kung tama ang pahayag at NO naman kung mali ang pahayag. ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.
Ang isang kabataan tulad mo ay may mahalagang papel na dapat gampanan sa ikapagtatamo ng bansa ng kabutihang panlahat.
(a)
Isulat ang YES kung tama ang pahayag at NO naman kung mali ang pahayag. ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.
Bilang isang demokratikong bansa, nararapat na irespeto ang desisyon ng nakararami lalo na sa pagboto ng mamumuno sa ating bansa.
(a)
Isulat ang YES kung tama ang pahayag at NO naman kung mali ang pahayag. ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.
Si Pangulong Manuel L. Quezon ang nagpatupad ng ng Atas Tagapagpaganap Blg. 217 (Executive Order No. 217).
(a)
Isulat ang YES kung tama ang pahayag at NO naman kung mali ang pahayag. ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas ay nakapaloob sa Artikulo IV Seksyon 4 ng Saligang Batas 1987.
(a)
Isulat ang YES kung tama ang pahayag at NO naman kung mali ang pahayag. ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.
Ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan ay likas o katutubo at naturalisado.
(a)
Isulat ang YES kung tama ang pahayag at NO naman kung mali ang pahayag. ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.
Ang tawag sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay pagkamakabansa.
(a)
